Chapter 2 - Rain
Nagmamadali akong tumakbo papasok ng mataas na building ng Southview Residences, natatakot na mas mabasa pa ng ulan. Kung bakit ba kasi palagi kong nakakalimutan magdala ng payong.
"Ma'am Lia! Nagpa-ulan ka na naman! Magkakasakit ka niyan," pabirong bati ni Claire, ang receptionist sa lobby ng building.
"Immune na ako Claire!" nakangiti kong balik sa kaniya kasabay ng mabilis kong paglalakad papuntang elevator. Maagap din namang pinindot ni Mang Ed ang 'up button' sa elevator.
"Thank you, Mang Ed!" I said, smiling at the building's security guard.
Naririnig ko ang mga patak ng tubig-ulan galing sa damit ko sa sahig ng elevator.
Ilalagay ko na talaga 'yong payong ko sa bag ko, and I will never remove it.
I reminded myself that, before squeezing my wet, long hair.
I don't hate the rain. I actually like it... it calms me. Mas masarap ang tulog ko sa mga gabing maulan. Mas masaya rin ako kapag umuulan dahil mas maraming customers ang café. Hassle lang talaga kapag ganito, uuwi akong basang-basa.
Wala pa si Andrew sa condo niya pagdating ko. Umapak ako sa doormat at nagmamadaling ibinaba ang bag ko sa coffee table, nag-iingat na hindi matuluan ng tubig-ulan ang bagong linis na sahig ng sala.
If I make a run papunta sa kuwarto ko para mag-shower at magbihis, siguradong kakalat ang tubig sa sahig. I don't have the energy to clean the floor anymore. Gutom na ako at pagod na rin sa maghapong trabaho sa café.
Okay then, sa common bathroom na lang ako mag sha-shower.
Two-bedroom unit ang condo ni Andrew. Iyong master's bedroom ang tinutulugan ko na may sariling toilet and bath at iyong sa kaniya naman ang wala, kaya siya lang ang gumagamit ng common bathroom.
Halos buong araw din yata naming pinagtalunan kung sino ang matutulog sa masters. Ayokong pumayag dahil unit niya 'to at makikitira lang ako, pero sabi niya ako 'yong mas may kailangan ng privacy at dapat may sariling bathroom dahil ako 'yong babae.
Green flag. Just like how Steph described him.
Mabilisan akong nag-shampoo at nagsabon, kinakabahan akong baka biglang dumating ang asawa ko at malaman niyang ginamit ko ang banyo niya. Pero habang binabanlawan ko ang mga sabon sa katawan ko, paulit-ulit ko namang naaalala ang eksena sa café kanina. Ngayon ko lang yata naipakilala ang sarili ko bilang asawa ni Andrew.
Ano bang sumapi sa akin kanina?
Nahuli ko ang sariling nakangisi. I sucked the walls of my cheek to stop myself from smiling. Bumuntong-hininga ako at saka piniga ang basa kong buhok. Kinapa ko ang loob ng cabinet sa taas ng lababo.
"W-What? Bakit walang extra towel dito?!" nagpapanic kong tanong sa sarili.
"Fudge!"
Hindi ako puwedeng lumabas nang ganito, paano kung biglang dumating si Andrew? I can't. I just can't. Pilit kong sinilip ang top shelf ng cabinet. Tumingkayad pa ako nang kaunti, nagbabakasaling baka may puwedeng itakip sa katawan ko na kahit ano. Anything please.
Agad kong kinuha ang nakatuping gray t-shirt. Mukhang bagong laba at siguro'y pampalit ito ni Andrew pagkagaling sa trabaho. Inamoy ko muna ang t-shirt bago ko ito isinuot. Amoy fabric conditioner at amoy Andrew.
I caught myself smiling nang bigla kong maalala ang mukha ni Andrew kanina sa café habang ipinapakilala ang sarili ko kay Diana bilang asawa niya.
"Gosh, Lia! Stop!" saway ko sa sarili. Pilit kong pinipigilan ang kung anumang emosyong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
I grabbed the face towel on the sink at ibinalot ko iyon sa basa kong buhok. Maayos kong itinupi ang mga pinaghubaran ko, blouse and jeans, and then undies on top. Babalikan ko na lang pagkatapos ko magbihis ng pambahay.
Marahan akong lumabas ng banyo. Malamig, kahit patay naman ang aircon dahil sa malakas na ulan sa labas. Kinuha ko ang susi ng kuwarto ko sa bag at dahan-dahang naglakad. Natatakot madulas sa kaunting patak na galing sa dulo ng aking mga buhok na hindi na nabalot ng face towel.
Nabitawan ko ang susi ko nang makita si Andrew na nakasandal sa kitchen island.
"What are you wearing?" tanong niya, kasabay ng mabilis na pagpasada ng kayumanggi niyang mga mata sa akin—mula ulo hanggang paa.
I got anxious knowing that I didn't have undies underneath his shirt.
"S-Sorry, Andrew!"
Mabilis kong itinakip ang kanang braso ko sa dibdib at gamit ang kaliwa kong kamay ay pilit kong hinila pababa ang laylayan ng t-shirt, kahit na alam ko namang hanggang kalahati lang ng aking hita ang kaya nitong takpan.
"Nakalimutan ko kasi 'yong towel ko. Nagmamadali kasi ako kasi nabasa ako ng ulan. Sorry, I'll wash this, tapos ibabalik ko na lang sa 'yo." Halos mabulol pa ako dahil sa pagkataranta ko.
Aabutin ko na sana ang susi sa sahig pero hindi ako makayuko dahil na rin sa bitin kong suot.
"You don't have to do that," malumanay niyang usal habang papalapit sa akin.
"N-No, it's okay! L-Lalabhan ko na lang mamaya," I said panicky as I stepped backwards.
"No, I mean, you don't need to return my shirt," he spoke, staring at my eyes. "Sa 'yo na 'yan... it looks good on you."
Parang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Mabilis akong yumuko para itago ang pinaghalong kilig at hiya na nararamdaman ko. Dinampot niya ang susi malapit sa aking paanan at nakayukong inabot ito sa akin.
I quickly grab it and unlock the door. Agad akong tumakbo papasok ng kuwarto. Hindi ko na nagawang kontrahin pa ang huli niyang sinabi.
Mabilis akong nagbihis ng ternong cotton shirt at pajamas. Nagblow-dry na rin ako ng buhok habang sinusuklay ito. Nilingon ko muna saglit ang salamin sa closet ko, tinignan kung hindi na ba namumula ang mga pisngi ko sa nakakahiyang nangyari kanina.
Okay lang 'yon. Wala naman siyang nakita.
Marahan kong binuksan ang pinto. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng kuwarto ay sumalubong na agad sa akin si Andrew. Hawak niya ang mga hinubad kong damit na iniwan ko sa bathroom kanina.
"Your clothes..." Nanlaki ang mga mata ko. I took my clothes from him and closed the door without saying anything.
Hindi na ito basang-basa, hindi kagaya kanina. Piniga niya ba? Pati 'yong undies ko?! Mariin akong napapikit. Ibinato ko sa hamper ang mga damit ko sa sobrang inis sa sarili ko.
"Nakakahiya ka, Lia!" I scolded myself. Paulit-ulit kong ginugusot ang pisngi ko.
Nahawakan niya 'yon, for sure! Iba na ang pagkakatupi, e!
I exhaled sharply to collect myself.
Okay lang, damit lang 'yon, Lia.
***
Paglabas ko ng kuwarto, nakita ko si Andrew na may isinasaling pagkain sa dalawang mangkok na nakapatong sa kitchen island. He is silent.
"Sorry ginamit ko 'yong bathroom dito sa labas," wala sa sarili kong pagpapaliwanag kay Andrew just to break the silence.
Lumapit ako at umupo sa highchair sa tapat ng island.
"Uhm, it's okay. Maglalagay na lang din ako ng extra towel next time."
"Ah, no need!" Kinaway-kaway ko ang palad ko sa tapat ko. "Hindi na mauulit 'yon," nahihiya kong dugtong.
"You should bring your umbrella... baka magkasakit ka niyan."
Nag-aalala ba siya sa akin?
"I will... next time," nakangiti kong sagot sa kaniya.
Naglagay siya ng chopsticks at kutsara para sa sabaw sa tabi ng dalawang mangkok. Maingat niyang itinulak papunta sa akin ang isang bowl.
"Seafood ramen. Walang squid 'yong sa 'yo. Don't worry." Ngumiti siya sa akin, labas pa ang dimples.
"Thanks, Andrew!" I smiled at him too and smelled the broth first before tasting it.
Tahimik kaming kumain. Walang halos marinig maliban sa mga patak ng ulan sa labas at ang sunod-sunod na tunog ng cellphone ni Andrew. Messenger notifications, pero hindi niya iyon pinapansin kaya binalewala ko na lang din.
We always eat like this. Sabay, pero tahimik. Ang unang beses siguro na may pinag-usapan kami ay noong birthday niya.
"Iyong kanina pala... si Diana... she's my client."
Napalunok ako nang bigla siyang magsalita.
Bakit kailangan niyang magpaliwanag ngayon sa akin? Ano 'to? Na-guilty ba siya sa pang-aasar niya kanina?
"I know, obvious naman na client mo siya," I said without looking at him. Lying. Tuloy pa rin ako sa pagkain. Sobrang layo sa 'obvious-na-client' ang itsura nila ni Diana kanina.
"Okay," he said softly.
Okay? 'Yon lang talaga?
Naiinis akong hindi man lang siya nag-sorry tungkol doon. Pero hindi ko rin naman kasi pinapakita na may dapat siyang ihingi ng sorry.
Hindi naman ako nagseselos, pero naiinis ako sa 'okay' niya.
Tumayo siya at binuksan ang TV, siguro para matabunan ang nakakabagot na katahimikan naming dalawa. Showbiz news na ang naabutan namin sa pang-gabing news program.
Bumagal ang pagkain niya dahil nagkukunwari na naman siyang nakikinig ng balita. I know him. Halatang umiiwas siya kaya aarte siyang nakikinig ng balita para hindi mapilitang makipag-socialize sa akin.
"Narito ang eksklusibong panayam ng aming team kay Bianca Mercado na nagbabalik Pinas na matapos ang halos isang taon."
Napatingin si Andrew sa TV at nakinig sa snippets ng interview kay Bianca. This is new... he is really paying attention to the news.
"Ang ganda ni Bianca, 'no?" wala sa sarili kong nabanggit.
"Huh? Yes, she's pretty," he answered nonchalantly and then he ruffled his hair.
Celebrity crush siguro nito si Bianca, kaya ganiyan. Ang cute pala niyang mag ka-ganito. Normal na tao naman pala ang napangasawa ko. Akala ko kasi puro trabaho lang ang alam niya.
"Crush mo 'no?" biro ko.
"What?!" Tumaas ang makapal niyang kilay.
"Crush? I'm too old for that, Aliyah!" kunot-noo niyang sagot.
Napabuga ako ng tawa sa sagot niya, pero agad din akong napatakip ng bibig nang mapansin kong gumusot ang mukha ni Andrew.
Pinatay niya ang TV at iniwan ang remote sa sofa. Pinagpatong niya ang mga pinagkainan namin at dumiretso siya sa lababo para hugasan ang mga ito.
"Hindi ka na manonood?" seryoso kong tanong. Tumikhim ako para pigilan ang muling pagtawa dahil sa reaksyon niya.
"Hindi na, I still have work to do," he answered as he turn on the faucet.
"You want coffee?" I asked in a gentle tone.
"No."
"Ah... magkano pala 'yong ramen?" Iniba ko na ang usapan dahil nahahalata ko na ang inis sa mga sagot at boses niya.
"It's on me. You don't have to pay for it."
Hati kami ni Andrew sa expenses sa condo. Rent, bills, groceries, monthly association dues, pasahod kay Minda, lahat ng gastos ay hati kaming dalawa. Mag-asawang parang roommates—married on paper only. Matatapos pagkalipas ng dalawang taon. Matatapos.
"Okay, s-salamat sa dinner," mabagal kong tugon.
"Papasok na ako Andrew ha?" paalam ko sa kaniya. Hindi siya sumagot pero nakita ko ang pagtango niya. Mukhang abala na siya sa paghuhugas ng mga mangkok.
***
Mabilis akong nakatulog dahil sa tunog ng ulan at sa pagod. Nagising na lamang ako nang makaramdam ng pangangatog dahil sa sobrang lamig. Pinatay ko ang aircon at binuksan ang ilaw. Sinapo ko ang aking noo at napasinghap ako sa init nito.
"Shocks! Ang init ko!"
Alas-tres na ng madaling araw pagtingin ko sa phone ko at nilalamig pa rin ako kahit na pinatay ko na ang aircon. Hindi ako puwedeng magkasakit. Hindi ako puwedeng umabsent sa café.
Tumayo ako para lumabas at kumuha ng tubig sa ref. Kailangan ko ring makainom agad ng gamot.
Napansin kong bukas ang kuwarto ni Andrew, pero wala siya roon pagsilip ko. Siguro ay nasa banyo. Kagaya kagabi ay sunod-sunod pa rin ang notifications sa cellphone niyang nakapatong sa bedside table.
Curiosity got me, I slowly entered his room. Madilim ito at hindi na ako nagtangkang buksan ang ilaw dahil may kaunting liwanag naman galing sa cellphone niya.
May maliit na kalendaryo sa lamesa, katabi ng phone ni Andrew. Sobrang ayos ng bedsheet niya, lapat na lapat sa mattress ng kama, parang hindi tinutulugan.
Umupo ako sa kama at matagal na napatitig sa kalendaryo. Ang daming bilog-bilog ng mga araw last week.
Ano'ng meron? Bakit parang ngayon ko lang napansin itong kalendaryo?
Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa kuwarto ni Andrew. Tuwing Friday, dito ako natutulog dahil darating si Minda ng Sabado ng umaga at hindi niya puwedeng malaman ang set up naming mag-asawa. May maliit na sofa sa kuwarto ni Andrew na siyang tinutulugan niya kapag nandito ako.
Imbis na silipin ang sunod-sunod na notification sa cellphone ni Andrew, tila naagaw ng kalendaryo ang atensyon ko. Parang pamilyar ang mga araw na may bilog. Nilipat ko sa nakaraang buwan at may bilog din ang ibang araw. Napabalikwas ako nang ma-realize kung ano ang mga markang iyon.
"What the fudge?! He's tracking my cycle?!" Napakurap-kurap ako.
How on Earth?!
Napahawak ako sa ulo nang maalala ang kalendaryo sa may ref na binibilugan ko para i-track ang menstrual cycle ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa na-discover ko.
Bakit niya mino-monitor 'yon? Does it mean... he has plan to... no!
I crossed my arms and hugged myself. No! Mali itong naiisip ko. Baka curious lang si Andrew? Baka gusto niya lang talaga malaman. Pero bakit? Para saan?
No, Lia! Hindi siya bobo!
Huminga ako nang malalim. I need to distract myself.
"Phone... okay... his phone." I reminded myself. Iyon ang dahilan kung bakit ako nandito.
Napahawak ako sa bibig ko nang mabasa ko ang notifications sa cellphone ni Andrew. Fifteen missed calls. Twenty-three messages. Nag-pop up ang isang messenger notification galing kay Bianca—Bianca Mercado.
Bianca Mercado:
Drew, please call me. I miss you! Please, let's get back together 😭
Ex niya pala si Bianca? Kaya pala gano'n siya kagabi. Hindi nga crush lang—ex pala niya.
Hindi ko alam kung bakit may kung ano'ng kirot akong naramdaman sa puso. May kung ano'ng nabasag sa loob ko. Nakaramdam ako ng takot. Nangilid ang luha ko, pero ayaw tumulo. Naririnig ko pa rin ang ulan sa labas. Hindi kagaya ng duwag kong mga luha ay malakas ang buhos nito na parang nagagalit sa sasalubong na umaga.
Napahawak ako sa dibdib ko. Nagseselos ba ako? Hindi ganito 'yong naramdaman ko kay Diana... inis 'yon panigurado. Pero kay Bianca? Sinabi niyang maganda si Bianca, he even watched the news last night dahil nandoon si Bianca. He loved her... maybe he still loves her.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na agad ko rin namang pinalis. Tumigil ang buhos ng ulan at biglang nagliwanag ang buong kuwarto.
"What are you doing here?!" Andrew's voice thundered.
Hindi agad ako nakatayo. Para akong na-estatwa. Mabilis siyang lumapit sa akin.
Napatingin siya sa kalendaryong nakalipat na sa June imbes na July.
Nagmura siya nang mahina at saka itinaob iyon.
He gently pushed me on his bed. Para akong halamang nabuwal at agad napahiga ang katawan sa kama ngunit nanatiling nakapako ang mga paa ko sa sahig. He climbed on the bed and positioned himself on top of me. Malapit ang mga dibdib namin sa isa't-isa, ngunit hindi magkadikit. Nakatukod ang mga braso niya sa bandang ulohan ko. Nakasando siya at kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa galit. Nakakatakot ang mga mata niya. He looked like a lion who's about to kill his prey. He looked pissed. Then he smirked.
Mariin akong pumikit. Hinihintay ang hatol niya sa pangingialam ko sa mga gamit niya at walang paalam na pagpasok sa kuwarto niya.
"So-sorry," nauutal kong sambit, hindi pa rin dumidilat. Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga.
"Do you want me that bad at ikaw na mismo ang nagkusang pumasok sa kuwarto ko, baby?" he huskily said with his manly voice that made me open my eyes. He's teasing me!
"Ano'ng baby sinasabi mo riyan?!" sigaw ko kasabay ng pagtulak sa kaniya. Ngunit nanghihina ako. Hindi ko alam kung dahil sa lagnat o dahil sa kung ano. Ni hindi man lang nga siya natinag ng tulak ko.
Mamamatay na yata ako.
He planted a soft kiss on my forehead.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Idinampi niya ang likod ng palad niya sa leeg ko. Then I heard him curse again, dahilan para mapapikit akong muli.
"Fuck! Sobrang init mo, Aliyah! Nilalagnat ka! I'll bring you to the hospital." Punong-puno ng pag-aalala ang boses ng asawa ko.
Nakapikit pa rin ako kahit gustong-gusto ko nang dumilat.
"No, please... ayoko," mahinang protesta ko.
Narinig kong muling bumuhos ang malakas na ulan, pahina nang pahina hanggang sa hindi ko na iyon narinig pa.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top