Chapter 19 - Promises

Warning: This chapter contains graphic violence. Reader discretion is advised.

Naramdaman ko ang nakakapanginig na lamig ng pader sa aking likuran. I slowly opened my eyes, adjusting my vision to the dimmed unknown room I'm in. Nakalugay na ang mahabang buhok ko, hindi na kagaya ng ayos nito kanina. I even saw a hairpin dangling on it. Tatanggalin ko sana 'yon, pero bigla akong natigilan nang maramdaman ko ang magaspang na lubid sa palapulsuhan ko. Nakatali ang mga kamay ko sa likod.

"Ugh!" I groaned in frustration.

Inilibot ko ang tingin sa buong kuwarto. Madilim, walang bintana o kahit ano'ng ilaw. Hindi ko alam kung umaga pa rin ba o gabi na. Ang tanging liwanag lang na mayroon ay ang nanggagaling sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto na dumidilim-dilim din dahil sa mga anino ng naglalakad sa labas. Mga bantay siguro.

"A-Aliyah?"

Napalingon agad ako sa tambak ng paleta at kahon malapit sa gilid ko. Galing sa likod ng mga 'yon ang boses ni Andrew.

Napasinghap ako nang maaninagan ko siya na lakad-takbong naglalakad papunta sa akin. Putok ang kaliwang kilay niya at may sugat siya sa gilid ng labi niya. Kagaya ko, nakagapos din sa likod ang mga kamay niya.

"Aliyah... are you hurt?" hinihingal niyang tanong sa akin habang nakaluhod siya sa tapat ko.

Pilit kong ibinangon ang sarili ko mula sa pagkakasalampak sa sahig, pero bigo ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Dumadagdag pa ang mahaba kong gown na madulas ang tela. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. That's the only thing we can do to comfort each other.

"Aliyah... are you hurt? Ang baby natin?" naramdaman ko ang bawat paghinga niya sa pisngi ko.

Hindi ako nakasagot. Napahagulgol lang ako dahil sa pinaghalong takot at awa sa sitwasyon naming dalawa. Lalo akong napahagulgol nang mapansin ang tuyong dugo sa dulo ng buhok niya at ang ilang bakas nito sa damit niya. He's seriously hurt, but he doesn't look like he's in pain.

"A-Andrew, I'm so sorry. Kung tinuloy lang namin ni Marcus ang kasal, hindi sana nangyari sa 'yo 'to," kasabay ng panginginig ng boses ko ay ang panginginig din ng mga labi ko.

"Hey... hey, baby, stop crying. Makakasama sa anak natin 'yan... I'm okay. Don't worry about me."

Pinagkiskis niya ang mga ilong namin. He planted a feathery kiss on my lips and that's when they stopped trembling.

"I promise, I'll get us out of here," nakatitig ang mga kayumanggi niyang mata sa akin. I've never seen his eyes like this. They were glistening and frightening at the same time.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "I'm scared, Andrew... I'm scared," paulit-ulit kong binubulong sa kaniya.

Napahinto ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng kanang balikat niya na para bang may dinidiinan ang kanang kamay niya sa likod niya.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" tumingin ako sa kaniya. Pinatigil ng kaba at pagtataka ang mga luha ko.

His eyes tightly shut; his face contorted in pain. Then he grunted.

"A-Andrew! What did you—"

"I'm getting us out of here," naputol ako ng seryoso niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko nang mahulog sa sahig ang lubid na kanina'y nakagapos sa mga kamay niya.

Dali-dali siya'ng umikot sa likod ko para pakawalan ako sa pagkakatali.

"Paano mo nagawang—" Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil nakita ko na ang sagot nang hawakan ang kamay ko.

"Wha—y-you broke your thumb?!" I couldn't even control the tone of my voice. This man is insane!

"Shh... Aliyah! There's no other way. Gagaling naman 'to, 'wag ka mag-alala," nakangiting tugon niya na parang wala lang sa kaniya ang nakabaliko niyang daliri. Hinawakan niya bigla ang dulo ng gown ko at buong lakas 'yong pinunit, para hindi na 'yon sumayad sa sahig.

"Why do I always have to rip your clothes?" he let out a small chuckle.

How can he do that? How can he remain so calm and think? Nakakapagbiro pa siya?! I can't even breathe properly!

Inilibot niya ang tingin sa buong kuwarto at mabilis na dinampot ang nakakalat na bote malapit sa tambak ng paleta.

"Any minute now, papasok ang bantay dito sa loob para i-check tayo. I want you to remain seated... kagaya ng pag-upo mo kanina," pabulong niyang utos.

"Susundin mo lahat ng sasabihin ko, okay?" he said in his firm and manly voice.

"O-Okay," mabilis kong sagot kahit na nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba.

"Place your hands on your back, Aliyah."

Inilagay ko muli ang mga kamay ko sa likod ko, nakatitig lang ako sa mga kayumanggi niyang mga mata.

"Take deep breaths, Aliyah... remain calm." Sinunod ko ang sinabi niya. Huminga ako nang malalim.

"Whatever happens when that door opens, 'wag na 'wag kang sisigaw," mabilis niyang sinulyapan ang pinto. Pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin.

"Now... kiss me," utos niya.

Nanlaki bigla ang mga mata ko, "Ano?!"

"Pampalakas lang," he smirked. Marahan niya pang ginulo ang buhok niya.

I leaned closer to him. Mabagal kong hinalikan ang mga labi niya na para bang 'yon na ang huli. Natatakot ako na baka 'yon na ang huli. Siguro naramdaman ni Andrew ang namumuong takot sa dibdib ko sa halik na 'yon. Hinawakan niya ang pisngi ko at mariing tinitigan ang mga mata ko.

"I'll marry you after this, Aliyah," his voice was shaking. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya o natatakot , pero napangiti ako sa sinabi niya.

"Are you proposing? Dito talaga sa bodega? In this situation?" natatawang tanong ko.

He smiled, that radiant smile that I missed so much. Kaninang umaga lang, walang buhay ang mga mata niya, pero ngayon nagniningning na ang mga 'yon. Nakakatawang isipin na ngayon 'yon mas mukhang buhay na buhay kung kailan parang nakikipaglaro kami kay kamatayan.

"It's not a proposal... it's a promise," he said with assurance. He then placed a soft kiss on my forehead.

Sabay kaming napatingin sa pintuan nang marinig namin ang mabibigat na mga yabag ng mga bantay sa labas. I quickly sat on the floor with my hands on my back. Gano'n din ang ginawa ni Andrew. Bumalik siya sa may likod ng mga paleta, hawak-hawak ang boteng dinampot niya kanina.

Isinara ko ang mga mata ko na siyang kasabay ng pagbukas ng pinto. Lumakas ang yabag ng sumisipol na lalaki. Pero biglang huminto ang pagsipol niya. Narinig ko ang pagkabasag ng bote kasabay ng impit na sigaw ng lalaki. Narinig ko pa ang pagkahulog ng iilang piraso ng bubog sa sahig.

Napadilat ako at agad napatayo. Nakita kong hawak ni Andrew sa kanang kamay niya ang leeg ng basag na bote. Ang kaliwa naman ay nakahawak sa balikat ng lalaki na napaluhod sa sahig, marahil sa lakas ng pagkakapalo ni Andrew sa ulo niya.

"Close your eyes, Aliyah!"

"Huh?" kinakabahang tanong ko.

"Baby, just close your eyes!" Mariin akong pumikit kagaya ng utos niya. Suddenly, I heard a squelching sound, followed by a heavy thud. Oh my gosh! Did he...?

"Let's go!" his voice thundered. Mabilis akong nagmulat.

Nakita kong nakahiga ang lalaki sa sahig. Humihinga pa siya pero nakahawak siya sa balikat niya habang namimilipit sa sakit at mahinang nagmumura.

Wala sa sariling hinayaan kong hilahin ako ni Andrew palabas ng bodega. Hindi ko na naisara pa ang pinto dahil nakatingin pa rin ako sa lalaking duguan sa sahig. Napatigil ako nang bigla ding napatigil si Andrew sa paghakbang.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong halos isang hakbang na lang pala at mahuhulog na kami sa baba. Nasa dulo na kami ng sementadong sahig. Walang pader o kahit anong bakod na humaharang sa amin. One wrong move, and I'm certain we will plunge to the dusty ground below.

Ni hindi ko alam kung nasa anong palapag kami, pero tanaw ko sa baba ang entrance na binabantayan ng isang matangkad na lalaking may takip sa mukha. Tanaw ko rin ang padilim na langit sa labas.

"Shit!" napamura si Andrew nang tumingala ang lalaking nakatayo sa entrance.

Pareho kaming napaatras ni Andrew, pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko. Itinuro niya ang hagdan na nasa kabilang dulo ng palapag. Tumango lang ako sa kaniya. Dahan-dahan kaming naglakad papunta roon. Halos walang maririnig na yabag o kahit ano'ng kaluskos sa bawat hakbang namin.

Nakababa na si Andrew sa unang baitang ng hagdan nang bigla siyang mapahinto.

"Let's go back!" he anxiously shouted. Mabilis din niya akong nilingon gamit ang mga nanlalaki niyang mata.

"Ha? B-Bakit?" nauutal kong tanong. He didn't answer. He quickly stepped backwards and dragged me again with him.

"So, you made it out? Huh?"

Napaigtad ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Mas lalong humigpit ang hawak ni Andrew sa kamay ko. Kusang nanginig ang mga daliri ko at binundol ng takot ang dibdib ko.

Marahas na bumuga ng hangin si Andrew. Binitawan niya ang kamay ko at mabilis siyang lumipat sa may likuran ko, kaharap ngayon ang hagdanan.

"Aliyah, sa likod ka lang..." bulong niya sa akin na tinanguan ko lang.

Alam kong kay Tito Rod ang nakakapangilabot na boses kanina. Yumuko ako dahil ayoko siyang makita. I don't want to face death, kaya yumuko na lang ako. Nanatiling nakatayo sa likod ni Andrew, nagdadasal na sana may dumating na kahit sino o kahit ano'ng puwedeng tumulong sa amin.

"Tan-ya..."

Napaangat ako ng ulo at napatingin sa direksyon ni Tito Rod. Kahit nagwawala na ang puso ko, parang kusang huminto ang pagtibok nito nang makilala ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Even though I recognized the owner of that monotonous, deep voice, there's still hope inside of me. Hoping that I was wrong. Hoping that it's not him. Please, God... not him.

Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Kusang tumulo ang luha ko dahil sa kaawa-awa niyang itsura. Nakagapos sa likod ang mga kamay, basag ang salamin, at wala na ang ilang piraso ng butones ng long sleeves. May pasa rin ang mukha niya at may sariwang dugo pa sa sulok ng labi. Mas lalo akong nilamon ng takot nang mapansin ang nakatutok sa ulo niyang baril na hawak ni Tito Rod.

"D-Dad!" I cried out.

Pinigilan ng mahigpit na pag-ikot ng braso ni Andrew sa baywang ko ang pagtatangka kong paglapit kay Daddy.

"Tan-ya..." he said weakly, making my sobs louder. "Don't cry, a-anak. I'm o-okay."

But I know he's not. Itsura pa lang niya, alam kong hindi siya okay. I tried to step forward again, but then Andrew stopped me again.

"Aliyah, stay behind me... please," muling bulong niya. Tanging paghikbi at mahigpit na pagkapit na lamang sa braso niya ang nagawa ko.

My father... my poor father. He doesn't deserve this. None of us do.

Nakakatakot ang malapad na ngiti ni Tito Rod sa akin. Nakakatakot din na kahit nakangiti siya, sobrang lungkot naman ng mga mata niya.

Pinuno ko ng hangin ang baga ko. "Please... let him go. Ibibigay ko sa 'yo ang shares ko... pati na ang Café Amor! Just let him go! Let us go!"

"Tanya, n-no!" agad na protesta ni Daddy at bahagya pang umiling. Pero hindi ko siya pinansin at nanatili lamang na nakatitig sa demonyong nasa harap namin ngayon.

"No, Dad. Kaya kong magsimula sa wala... I did that before. I can do that again. It's okay."

Humalakhak nang malakas si Tito Rod. Umalingawngaw sa buong palapag ang nakakakilabot niyang tawa.

"You just don't look like her. You speak like her too!" nakangiting sabi niya sa akin.

Mas lumakas pa ang pagtawa niya habang mas idinidiin niya sa sentido ni Daddy ang baril. Humakbang ako sa gilid ni Andrew... gustong-gusto kong lapitan si Daddy.

My hands started shaking. Napayakap ako sa tiyan ko. I inhaled and exhaled deeply, pero hindi pa rin tumigil ang panginginig ng mga kamay ko. Sinulyapan ako ni Andrew at dinampot niya ang mga ito.

"It's okay," he mouthed as he caressed my trembling hands. Ibinaling niya ang matalim niyang tingin kay Tito Rod. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit dahil nanlilisik ang mga 'yon.

"Itigil mo na 'to Tito... you will not gain anything from this!"

Isang tipid na tawa naman ang pinakawalan ni Tito Rod sa sinabi ni Andrew.

"Mali ka, Andrew! Doing this will make Amor realize that she should have chosen me!" he shouted furiously.

"Amor?! Nakikita mo ba 'to?!" tumingala siya na para bang sinisigawan niya ang langit.

"Nakikita mo ba 'to?! Papatayin ko ang mag-ama mo dahil hindi ako ang pinili mo!" Idiniin niya pa lalo ang baril sa sentido ni Daddy. Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko.

Muling humalakhak nang malakas si Tito Rod. He's crazy! Naghalo-halo na sa loob ko ang galit at takot. I felt a sense of despair too—I was powerless. Wala akong magawa kundi ang umiyak at panoorin na lamang ang kahayupan niya sa pamilya ko.

Maya-maya pa ay narinig ko na lang na unti-unting humina ang tawa niya... hanggang sa napalitan ito ng nakabibinging pagtangis. Nababaliw na talaga siya!

"AMOR!" nangiginig niyang sigaw. "Amor... this is all your fault!"

"S-Stop this, Rod... buntis si Tanya sa apo natin. Please let her go. Ako na lang, Rod," pagmamakaawa ni Daddy sa tuyot niyang boses.

"Apo natin?" Parang batang humagikgik si Tito Rod. "You're really good Aliyah! Napaniwala mo si Alejandro na anak ni Marcus yan?!" Napaigtad ako nang bigla niyang itinutok sa tiyan ko ang baril niya.

Bigla siyang nagpaputok sa sahig. Napapikit ako at impit na napasigaw. Andrew let go of my hands and pushed me behind him. Muling umalingawngaw ang kahindik-hindik na halakhak ni Tito Rod. Tiyak akong nasisiyahan siya dahil nakikita niya ang takot sa amin ni Andrew.

"Alejandro, Alejandro, Alejandro... hindi mo ba alam? Anak ng bastardong 'yan ang ipinagbubuntis ni Aliyah!" nakangising sigaw ni Tito Rod habang matalim na nakatitig kay Andrew.

Namilog ang mga mata ni Daddy, pero hindi nakalampas sa paningin ko ang pagguhit ng ngiti sa gilid ng mga dumudugo niyang labi.

"Kadugo mo pa rin 'to! Apo mo pa rin 'to!" naiiyak kong sigaw habang nakahawak sa tiyan ko. "Pamangkin mo si Andrew 'di ba? Wala ka bang konsensya?!"

"Y-You're Ramon's son, Andrew?" gulat na tanong ni Daddy. His small smile faded, but there was a hopeful tone in his voice. Tumango lang si Andrew na muling nagpabalik sa ngiti ni Daddy kanina.

"Oo, bastardo ni Ramon yan!" sarkastikong singhal ni Tito Rod.

"Lumapit ka nga rito, Andrew!" He flashed that devilish smile again. Mabilis akong umiling at mahigpit na kumapit sa braso ni Andrew.

"N-No... no, Andrew..." Kagaya ng mga kamay ko ay nanginginig din ang boses ko.

"Come here! O kakalat ang utak ni Alejandro rito!" Daddy grunted sharply when Tito Rod pressed the gun's head hardly on his temple, halatang nasaktan sa ginawa ni Tito Rod.

Andrew gently caressed my knuckles before pulling my hands away from his arm. I looked at him desperately.

"Andrew... 'wag, please. Stay here," pagmamakaawa ko, habang pinipigilan kong tumulo ulit ang mga luha ko.

"It's okay, baby... I promise, it will be okay," he said huskily. Hinalikan niya ang noo ko. Malambing niyang hinaplos ang tiyan ko. "Daddy will be back. I love you..." nakangiti niyang bulong sa anak namin.

Humakbang papalapit si Andrew papunta kila Tito Rod, pero bago pa siya tuluyang makalapit sa kanila ay muli siyang lumingon sa akin.

"I love you," he mouthed.

Parang piniga ang puso ko. I wasn't able to answer back, hanggang sa tuluyan siyang makarating sa tabi ni Daddy.

Umatras si Tito Rod, pero kitang-kita ko pa rin siya. His sinister grin and his sad, dark, eyes Nanatiling nakatutok ang baril niya kay Daddy. Nasa harap niya ang dalawang lalaking pinakamahalaga sa buhay ko. Kinakabahan ako sa susunod niyang gagawin. Nanlalambot ang mga tuhod ko at parang babaligtad na rin ang sikmura ko.

"Now, Aliyah... I am not that evil. Papakawalan kita at puwede ka pang magsama ng isa. Choose wisely."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya."W-What?!"

"Sinong pipiliin mo... si Alejandro o si Andrew?" nakangisi niyang tanong. Salitan niyang tinututukan ng baril si Daddy at si Andrew. Paulit-ulit. Pabalik-balik. Bawat segundong lumilipas ay parang inaalisan ako ng lakas.

Nakita kong itinikom ni Andrew ang kamao niya. His jaw tightened and his eyes were forming storms. I know that look. Umiling ako sa kaniya para kontrahin ang binabalak niya.

"No... I need them both. Hindi ako aalis dito nang hindi sila kasama!" matapang kong sigaw.

"Choose one, Aliyah! Choose!" Halos mabingi ako sa sigaw niya pero nanatiling nakatikom ang bibig ko at paulit-ulit na umiling.

Napatili ako at napatakip ng tainga nang iputok niya ang baril sa sahig. Kusang pumikit ang mga mata ko sa takot.

"Stop this, Rod!" sigaw ni Daddy.

Muli akong nagmulat ng mata. Lumapit si Daddy kay Andrew. May ibinulong siya rito na hindi napansin ni Tito Rod dahil mariin siyang nakatitig sa akin. Kahit hindi ko narinig ang binulong niya, alam na alam ko kung ano 'yon dahil nabasa ko ang pagbuka ng bibig niya.

"Keep Tanya safe."

Biglang humarap si Daddy kay Tito Rod. "We're ending this here, Rod!"

I gulped. What is he planning to do?

Parang bumagal ang oras nang biglang tumakbo si Daddy papunta kay Tito Rod na parang wala siyang takot na mabaril. Na parang wala siyang takot mamatay. Sumugod siya hanggang sa kalahating hakbang na lang ay mahuhulog na silang dalawa sa baba. Nagawa pang magpaputok ng baril ni Tito Rod. Napahawak ako sa bibig ko nang makita ko ang dugo sa tagiliran ni Daddy habang unti-unting natutumba ang katawan niya.

"DADDY!"

Mabilis siyang lumingon sa akin. "I love you," he mouthed. Kitang-kita ko ang paglabas ng dugo sa bibig niya.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang pinilit pa ni Daddy na humakbang ng isa para itulak pababa si Tito Rod gamit ang katawan niya. Isang malutong na mura ang huli kong narinig kay Tito Rod bago siya tuluyang mahulog... kasunod si Daddy. Dumagundong ang dalawang magkasunod na lagabog.

Para akong tinakasan ng dugo sa nakita. Napaluhod na lang ako sa kinatatayuan ko. "N-no! No! No!"

Naramdaman ko na lang na pilit akong itinitayo ni Andrew pero nagpupumiglas ako. Hanggang sa napaupo na lang din siya sa harap ko at niyakap niya ako nang mahigpit.

"Dad... D-dad!" basag na basag ang boses ko.

Ikinulong ni Andrew ang mukha ko sa pagitan ng mga palad niya.

"Aliyah... come on!" Pinandidilatan niya ako. Alam kong sumisigaw siya sa tapat ng mukha ko... pero wala akong marinig na boses mula sa kaniya.

Tanging hagulgol at hikbi ko lang ang naririnig ko. Nakatulala lang akong umiiyak habang nakahawak ako sa dibdib ko. Nakikita ko ang mga malilikot niyang mata na paulit-ulit sinusulyapan ang likod namin. I can't move. I can't feel anything except emptiness and void. Wala na si Daddy. I can't believe he did that. He left me too.

"Let's go!"  Andrew was still shouting, but I still couldn't hear anything from him.

Itinayo niya ako. Nakahawak siya sa baywang ko habang nakayuko kaming tumatakbo pabalik sa maliit na bodega. Hindi ko alam kung bakit kami nakayuko. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming tumakbo.

Wala pa rin akong naririnig, kahit ang hagulgol ko ay hindi ko na marinig. Itinulak niya ako papasok sa loob ng bodega. Napaupo ako sa malamig na semento at nakita ko ang wala nang buhay na lalaking sinasaksak niya ng basag na bote kanina.

Parang gusto kong masuka sa amoy ng dugo na nagkalat sa sahig. Tinakpan ko ang bibig ko. Nilingon ko si Andrew na papasok na rin sa loob ng bodega. He was about to close the door but then he stopped. That's when two gunshots echoed in my ears.

"A-Andrew?!"

Hindi ko na nagawa pang saluhin ang katawan niya habang pabagsak siya sa semento. Pilit kong ikinalong ang ulo niya. Nakatayo malapit sa may pinto ng bodega ang dalawang lalaking may hawak pareho ng baril. Nakatutok pareho sa akin pero wala akong maramdamang takot. Ibang takot ang nangingibaw sa akin.

Suddenly, I heard the blasting police sirens, my panicked breathing, and Andrew's fading breath.

Narinig ko na lang na kumaripas ng takbo ang dalawang lalaki.

"A-Aliyah..." nanghihina niyang bulong na mas lalong nagpahagulgol sa akin. Madiin ang hawak niya sa may tadyang niya. Kitang-kita ko ang pagkalat ng dugo sa kulay asul niyang damit.

"Andrew... p-please, stay with me," pagsusumamo ko sa kaniya at sa Diyos.

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang duguan niyang kamay. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok ko papunta sa tainga ko, habang nangingilid ang mga luha.

"Aliyah, don't cry. M-Masama para kay baby..." pilit niyang ibinulong kasabay ng paglabas ng dugo sa bibig niya.

Parang napatid ang hininga ko nang unti-unting sumara ang mga mata niya. Bumagsak ang kamay niya sa dibdib niya.

"N-No... NO! NO!" I shook my head as I wailed. This couldn't be happening.

"Andrew, please w-wake up... nag-promise ka sa akin 'di ba? Magpapakasal pa t-tayo 'di ba? Please, w-wake up. Please!" Paulit-ulit kong inaalog ang mga balikat niya. Naghalo na sa damit niya ang patak ng mga luha ko at ang dugo niyang patuloy na kumakalat.

Hinawakan ko ang kamay niya at maingat kong ipinatong 'yon sa tiyan ko. Baka dumilat siya kapag naramdaman niya ang anak namin. Baka maalala niya ang mga pinangako niya.

"Nag-promise ka sa baby natin... s-sabi mo sa kaniya kanina, babalik ka. Sabi mo babalik ka sa a-amin..." Halos hindi ko na makilala ang boses ko.

"Please, Lord. Don't take him! I can't lose them both today!" Hindi na ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko... parang ayoko nang huminga.

Pilit kong inangat ang katawan ni Andrew at niyakap ko siya nang mahigpit. Mainit ang duguang katawan niya. Hinigpitan ko ang yakap ko, nagbabakasakaling magising siya kapag naramdaman niyang yakap-yakap ko siya.

"Baby, please... gising na... umuwi na tayo, please. Baby... please. Kailangan ka namin ng anak mo... " pagmamakaawa ko. Inaalog ko ang katawan niya habang binabalot ng pagpalahaw ko ang maliit na bodega.

Bigla na lamang may aninong tumakip sa paningin ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko sina Leo, Mayor Samuel, at may isa pa silang kasamang lalaki na ngayon ko lang nakita. Nakita ko ang lungkot at galit sa mga mata nila. Napapikit ako saglit... kasabay ng pagkamanhid ng katawan ko.

***

Kumunot ang noo ko nang marinig ang bulungan sa paligid ko. Gusto kong dumilat, pero natatakot akong masilaw ng nakakabulag na liwanag. Hindi kagaya ng dilim sa bodega kanina, masyadong maliwanag para sa akin ang lugar kung nasaan ako ngayon. Nasa langit na ba ako? Isinama na ba ako ni Daddy at Andrew?

"Li?!"

Steph? Nandito si Steph?

Iminulat ko ang mga mata ko. I suddenly felt the softness on my back. That's when I realize that I'm lying on a hospital bed. Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na ilaw. Pagdilat ko ay bumungad ang nakatukod sa kama na kamay ni Steph. Punong-puno ng pag-aalala ang mga singkit niyang mata.

"Finally, gising ka na!" Bakas ko ang saya sa boses niya.

"Si... si Andrew?" I asked weakly.

Hinawakan ni Steph ang kanang kamay ko. "Li, you need to rest. Kailangan mo pa magpahinga para sa baby mo," malumanay niyang sagot.

"I need to see him, Steph."

"Li, hindi mo kaya..."

"NO! Kaya ko... kakayanin ko. I just want to see him!"

Bumuntong-hininga lang siya at dahan-dahang tumango, "Okay, sasamahan kita."

Marahan akong inakay ni Steph palabas ng kuwarto. Sa tapat ng kuwarto ko, nakaupo si Mayor Samuel at ang lalaking kasama nila ni Leo kanina. Namilog pareho ang mga mata nila nang magsalubong ang mga tingin namin.

Lumabas si Leo sa kuwartong katapat lang ng sa akin. He was wearing a blue scrub suit and a hair net. He quickly wiped his eyes when he saw me.

"I-I'm sorry, Aliyah..." mahina niyang bulong na halos bumuwal sa akin mula sa pagkakatayo. Napasandal ako kay Steph, pero mabilis ko ring nabawi ang balanse ko. Nanginginig ang mga kamay ko, pero nagawa ko pa ring hawakan ang doorknob sa pinto ng kuwartong pinanggalingan ni Leo.

"Sasamahan kita..." alok ni Steph.

"No... I want to be alone," naiiyak kong pakiusap sa kaniya.

Hindi kagaya ng kuwarto ko, madilim nang kaunti ang kuwarto ni Andrew. Isang nurse agad ang humarang sa akin.

"Ma'am, bawal po kayo rito," mahinahong awat ng nurse habang papalapit ako sa kama.

"Please, gusto ko lang siyang makita," nanginginig ang boses ko.

"Ma'am, bawal po talaga..."

"Please... let me see my husband for the last time before I lose my mind," pagmamakaawa ko sa kaniya. Halos mapaluhod pa ako sa harap niya. Nakayuko ako at umiiyak habang nakakapit sa magkabilang braso ng nurse.

"Please... I want to see my husband, please!"

"Husband?"

Isang pamilyar na boses ang biglang nagpahinto sa mga hikbi ko. Dali-dali akong lumapit sa kama. Then I saw him, sitting on the dimmed light bed with a soft smile on his face. He looks happy... but I am happier.

Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Naramdaman ko ang init ng katawan niya. He's real! Akala ko nababaliw na ako!

"A-Andrew! You're a-alive!" napapaso kong bulong habang nakasampay ang mga braso ko sa batok niya.

"I need to keep my promises." Humarap siya sa akin at mabilis niyang pinunasan ang mga luha ko. Tinitigan ko ang mga kayumangging mata niya. His deep brown eyes always look so serious before, but they never looked this sure.

"Huband, huh?" Marahan niyang ginulo ang buhok niya at agad pang namula ang pisngi niya.

"Magpapakasal pa lang tayo Aliyah... and you're already calling me you're hus—"

I sealed his lips with a kiss. Hinalikan ko siya kagaya ng halik na pinagsaluhan namin sa beach house sa Batangas. It was deep and passionate. Napatigil ako nang malasahan ko ang alat. Shocks! Am I crying again?  I quickly pat my cheeks, but they were dry. Hindi ako ang umiiyak... si Andrew. Agad akong napalayo sa kaniya at nagulat sa itsura niya.

"B-Bakit ka umiiyak?"

"Nothing... let's go home, Aliyah," he answered, with his voice full of love and assurance.

He then initiated a kiss. A soft, warm kiss, as he gently slid the emerald-cut diamond ring on my finger.

Now I know the truth. Our love will forever be real. Overcoming all of our secrets and lies... a love beyond promises. The kind of love that I will never ever doubt. The kind of love that I will always believe in.

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top