Chapter 18 - Peace
One... Two... Three... Four... Five... I exhaled slowly. Humakbang ako ng isa pa. Six. Six steps mula sa upuan ko hanggang sa pinto palabas ng dressing room. Six steps away from betraying the person I love. Six steps away from becoming Mrs. Alfonte. Six steps away from ending all of this.
Ilang beses ko pang pinaulit-ulit ang katotohanang 'yon sa sarili ko. Bagalan ko man ang lakad o bilisan, walang magbabago... anim na hakbang lang. Napatigil ako nang bigla kong mapansin ang mga paa ko. Shocks! Mataas nga pala ang takong ko, mamaya madulas pa ako sa pinaggagawa kong 'to!
Tumayo ako sa harap ng salamin. Just like last year, on this same dressing room, I practiced my fake smile again. But unlike last year... sigurado akong hindi pupunta ngayon si Andrew. He will not be here to take me away.
"You'll be fine Lia, kaya mo 'to," bulong ko sa sarili. Saglit akong tumingala para pigilan ang mga nagbabadya na namang luha.
Ibinaling ko ang atensyon ko sa repleksyon ko sa salamin. My white off-shoulder mermaid cut gown was hugging my body perfectly. Mabuti na lang din at hindi pa halata ang tiyan ko, dagdag kahihiyan pa kay Marcus kapag nagkataon. Naka-French twist ang buhok ko, at sinunod naman ng make-up artist ang gusto kong light make-up. I like what I'm seeing in the mirror, maliban sa mga mata ko. Kahit ano'ng gawin ko, they will not smile... not today. Maybe not even after today.
Anim na hakbang, Lia. Pagkatapos no'n, kakalimutan mo na siya. Kakalimutan mo na si Andrew. Napapikit ako nang biglang kumirot ang dibdib ko. Muli akong tumingala para pigilan ang mas bumibigat ng mga luha, pero wala na akong nagawa. Kusa silang bumagsak. I quickly wiped them. I don't want to ruin my make-up! Ayokong magmukhang kaawa-awa mamaya sa labas.
Tatlong sunod-sunod na katok ang tuluyang nagpatigil sa mga luha ko. Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto.
"Shit! Ang ganda-ganda mo, Li!" bungad na papuri ni Steph sa akin. Nanlaki pa ang mga singkit niyang mga mata pagkatapos niyang mabilis na pasadahan ng tingin ang itsura ko.
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko. Nang makapasok na siya sa loob, marahan niyang isinara ang pinto sa likod niya. She's wearing a blue chiffon blouse paired with white pants. Hindi pa rin talaga siya nag-dress kahit sa mismong araw ng kasal ko. May bitbit din siyang isang itim na paper bag.
"Nandiyan na sila lahat... pati 'yong judge. " There's a hint of sadness in her voice.
I sat in front of the dresser and then I chuckled bitterly. "Finally... matatapos na, Steph."
Maingat niyang ipinatong ang paper bag sa ibabaw ng dresser. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Steph bago siya yumuko para yakapin ako.
"Li... wala na ba talagang ibang paraan?" tanong niya habang nakatitig sa repleksyon naming dalawa sa salamin. Kitang-kita ko ang pinaghalong awa at lungkot sa mukha niya.
"Wala na," mahinang sagot ko. Nanginginig ang boses ko, pilit kong pinipigilan ang muling pagpatak ng mga luha ko.
"Uy... ano ka ba? Don't cry, sige ka, papanget ka sa pictures mo!" nakangiting biro niya pa sa akin, pero pilit ang ngiti niya. I know that she's just trying to cheer me up. Pero kagaya ko, hindi rin siya masaya.
Narinig kong suminghot siya kasabay ang mabilis na pagkuskos niya sa mga singkit niyang mga mata.
"Li, naman! Nahahawa tuloy ako!" She said, chuckling.
Kinuha niya ang paper bag na dala niya kanina at inabot niya sa akin 'yon. She smiled at me again. This time, it's genuine.
"A-Ano 'to, Steph?" kunot-noo kong tanong.
"Galing kay L-Leo... hinatid niya kanina 'yan sa unit ko."
"Ha? K-Kay Leo?" I stammered.
Bakit may regalo si Leo? Ni hindi nga yata alam ni Leo na birthday ko ngayon. Kay Leo ba talaga 'to galing? Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga tanong sa isip ko. Dali-dali kong inalis ang lock na ribbon ng paper bag. Hindi ko na sinilip pa ang nasa loob nito, basta dahan-dahan ko na lang inilabas ang parang frame na nahawakan ko. I bit my lip when I saw a sketch placed inside a frame with wooden borders. Hindi nga kay Leo galing 'to... it's from Andrew.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na detalyadong nakaguhit sa papel. Nakaupo kami ni Andrew sa buhangin at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakasandal ako sa balikat niya at nakayakap naman ang kaliwang bisig niya sa akin, habang ang kanan niyang kamay ay nakatukod sa buhangin. Malambing niyang pinapaulanan ng halik ang buhok ko. I bit my lower lip when I noticed what was written at the bottom of the sketch—'Our first and last date'.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang biglang may tumusok doon. Sobrang sakit na halos hindi na ako makahinga. Napansin iyon ni Steph dahilan para agad siyang lumapit sa akin. Hinagod-hagod niya ang likod ko. Hindi ako makaiyak kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ayokong umiyak dahil natatakot akong baka hindi na ako huminto.
I carefully placed the frame back inside the paper bag. Doon ko napansin ang isang puting sobre sa pinakailalim ng bag. Nanginginig ang mga kamay ko, siguro dahil sa kaba at sa takot na baka kung ano ang makita ko sa loob ng sobre. I quickly tore it open. A gasp escaped my lips as I recognized the familiar script—it was a letter written in Andrew's penmanship.
Aliyah,
Happy 26th birthday. I'm sure you look absolutely perfect today. I'm sure of that because I have dreamt of you walking down the aisle, wearing white, so many times. Sa lahat ng panaginip na 'yon, ako ang naghihintay sa altar... ako ang naghihintay sa dulo. But today, I know those dreams will remain as dreams... hinding-hinding magkakatotoo.
Don't look back, Aliyah. I am at peace. Napatawad na kita kahit na hindi ko alam kung paano mo ako nagawang saktan. I tried to make sense of everything, on why you cheated. Maybe you did that even before knowing na hindi tayo kasal. Maybe you did that with him while we shared our bed every night. Maybe you fell out of love because of all my lies, or maybe you never really loved me at all.
Don't look back, Aliyah. I'll be alright. I am still thankful for everything we had... whatever you may call it. It will always be the same thing for me. You will always be my home. My baby. My Aliyah... my heaven on earth. My love... my only love.
Take care of yourself. Huwag mong kakalimutan ang payong mo. I'm sure you'll be a great mom too... sa anak niyo ni Marcus. I'm sorry if I have to write this... but I hope I continue dreaming of you every night. Palagi pa rin akong maghihintay sa dulo kahit na alam kong hindi ka na darating.
I love you, Aliyah.
Muntik ko nang hindi mabasa ang mga huling sinulat niya dahil sa malalaking patak ng luha na kumalat sa papel. Mahigpit kong niyakap ang tiyan ko habang humahagulgol na para bang wala ng bukas. Sa mga sandaling 'yon, hindi ko na alam kung saan ang masakit sa akin. Parang hindi lang ang puso ko ang kumikirot, parang buong katawan ko... parang pati kaluluwa ko.
I feel like I'm dying.
Mahigpit akong niyakap ni Steph habang patuloy akong inaalo, na mas lalong nagpaiyak sa akin.
"Hindi ko na kaya... Steph, hindi ko na yata kayang ituloy," basag na basag na ang boses ko.
"Li, I'm so sorry kung nangyayari sa 'yo to ngayon. Tell me, ano'ng puwede kong gawin para hindi ka magkaganyan?" Steph's voice was shaking too.
Wala akong maisip na puwedeng isagot sa tanong niya. It's too risky to tell Daddy now, magkatabi lang sila ni Tito Rod sa labas. Paano kung... paano kung may gawin siya kay Daddy? Hindi ko kakayanin.
"Wala na, Steph. Wala na talaga."
***
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Daddy nang lumabas ako ng dressing room. The wrinkles on his forehead were evident. Hindi na niya hinintay pang lumapit ako sa kaniya; siya na mismo ang nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin.
Tanya! What's wrong? Did you cry?" His voice trembled with concern.
Yumuko ako at nag-ipon ng hangin bago sumagot sa kaniya. "Nothing, Dad... wedding jitters, I guess," I said, smiling.
He chuckled. "Tanya... everything's gonna be okay. I'm sure magiging masaya kayo ni Marcus. Lalo pa ngayon, magkakaanak na kayo! Magkakaapo na ako!" Namilog ang mga mata niya sa likod ng mga salamin niya. He really looks so happy.
Habang nag-uusap kami ni Daddy malapit sa may dressing room, ramdam ko ang pagkapako ng tingin sa amin ni Tito Rod. Kahit hindi ko siya tingnan alam kong nakangiti siya, kagaya ng ngiti niya sa bodega—that sinister smile. Ang galing din talaga niyang magsinungaling. Ilang dekada niya nang niloloko si Daddy.
Maya-maya pa ay sinenyasan na kami ng wedding coordinator para simulan ang kasal. Kaunti lang ang tao, ilang kakilala lang at kamag-anak ng mga Alfonte ang invited. Sa side ko naman, tanging si Daddy at si Steph lang ang inimbita ko. Nakatayo si Marcus malapit sa judge. He's wearing a sky-blue suit. He's smiling at me, but there's something about his expression.
"This is it, Tanya, I'll walk you down the aisle." Nangininig ang boses ni Daddy. Halatang nagpipigil siya ng iyak.
Kung tutuusin, wala na dapat ganito dahil judge naman ang magkakasal sa amin ni Marcus. Pero pinagbigyan ko na lang din ang gusto ni Daddy. Isang beses lang naman daw ito mangyayari. Nagkamayan sila ni Marcus pagdating sa harap ng judge, pagkatapos ay umupo siya muli sa tabi ni Tito Rod. Hindi ko na naiwasang mapasulyap kay Tito Rod. Plastered on his face is his creepy grin.
"Good girl," he silently mouthed.
Biglang nagtambol ang puso ko. Unti-unting uminit ang pisngi ko. Bumilis ang paghinga ko. And just as I started to feel disoriented, the judge began to speak.
"Good morning, ladies and gentlemen. We are gathered here today to celebrate the union of Aliyah and Marcus. We come together to witness..."
Parang nabibingi ako, nakikita kong bumubuka ang bibig ng judge, pero wala akong marinig maliban sa kabog ng dibdib ko. Ganoon ba katahimik ang paligid para ang tanging marinig ko lang ay ang nagpoprotesta kong puso? Napasulyap ako kay Marcus.
"Okay ka lang?" Ayon ang pagkakabasa ko sa pagbuka ng bibig niya.
Tumatango-tango lang ako, pero wala pa rin akong marinig, wala akong maramdaman. Ibinaling ko muli ang atensyon ko sa judge. Wala pa rin akong marinig, pero alam kong may sinasabi siya.
"Ladies and gentlemen, before we proceed further, if there is anyone present who knows of any just cause why this couple should not be legally united in marriage, please speak now or forever hold your peace."
Ha? Ano? Parang biglang dumaloy ang dugo ko sa utak ko dahil sa sinabi ng judge. Kasabay ng pagtatanong ng judge ay ang biglang pagbabalik ng mga alaala namin ni Andrew. How he teased with that question on his birthday. Our first kiss. That starry night in Batangas. His first confession. Our first fight. Our first night together. Our first breakfast as a real couple. That sunset. The way he kissed me after I almost died. That night in the tent. How he kissed my tummy. How I broke him. His letter. That night... that fateful night last year when I ran to him. That night when I chose him.
Napalunok ako. I slowly opened my mouth to speak, but halted when I felt Marcus's hand gripping mine.
"Ako na, Lia, ako na..."
The next thing I knew, itinaas ni Marcus ang kanang kamay niya. Kitang-kitang ko ang pagkagulat ng judge, halos mahulog ang panga niya. Agad akong napasinghap, wala sa sariling napahawak pa sa bibig ko. Ngumiti sa akin si Marcus bago siya tuluyang nagsalita. Hindi tulad ng ngiti niya kanina, ngayon ay parang mas tunay ang ngiti niya.
"Judge Enriquez, I object to this marriage," Marcus firmly said with his voice full of conviction. Napuno ang ballroom ng samu't saring reaksyon, ng mga bulungan at ng ilang malalim na paghinga. Naririnig ko lang sila, pero nanatili akong nakatitig kay Marcus.
"Hindi po ako ang karapat-dapat sa kaniya," he chuckled uncomfortably. "Kayang-kaya ko po siyang mahalin, pero hindi ko po siya kayang pasayahin. And her happiness is more important than my happiness... always."
Tears began to well up in my eyes. Tuloy-tuloy pa rin ang mga bulungan ng mga bisita, pero nanatili lang na nakangiti at nakatutok sa akin si Marcus. Maaliwalas ang mukha niya. He doesn't look hurt at all. He looked... at peace.
Mabagal niyang inilapit ang mukha niya sa tainga ko. "Sige na, Lia... alam kong hinihintay ka niya sa labas. Ako na ang bahala rito," bulong niya.
Halo-halong emosyon ang bumalot sa akin. Sa sobrang dami no'n ay hindi ko na alam ang uunahin. I just felt my lips forming a big smile while staring at Marcus. "Thank you, Marcus. Thank you," tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
Without any care, tumakbo ako agad palabas ng ballroom. Just like how I ran last year on this same hall. Walang pakialam sa mga camera, sa mga mukha ng mga estrangherong punong-puno ng katanungan. Hindi ko na hinanap pa si Daddy o si Tito Rod. Sa mga oras na 'to, wala na akong pakialam kung bukas mamamatay na ako, kung bukas makukuha na ni Tito Rod ang gusto niya. Ang gusto ko lang, makasama si Andrew. Ang gusto ko lang... si Andrew. Wala ng iba.
***
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo kahit nakalabas na ako ng hotel, pero hindi ko makita si Andrew. Huminto ako saglit para hubarin ang heels ko. I quickly scooped the hem of my gown using my left hand. Binitbit ko naman sa kanang kamay ko ang sapatos ko. Then I started running again papunta sa parking lot kung saan ko siya nakita noong gabing 'yon.
"Please be there... please," paulit-ulit kong dasal sa isip ko habang tumatakbo.
Pero wala siya. Nabigo ako. Mali si Marcus. Walang Andrew na naghihintay sa akin sa labas. Saka ko lang naramdaman ang pagod. Saka ko lang naramdaman ang pawis at ang init ng araw. Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Parang bigla akong nahilo. Humakbang ako ng isa pero biglang nag-ekis ang mga paa ko. Muntik na akong matumba kung hindi dahil sa mga bisig na sumalo sa akin mula sa likuran ko.
I know these strong arms. I know this scent.
"Aliyah, are you okay?"
I know that voice.
Nabitawan ko ang laylayan ng gown ko pati na rin ang sapatos ko. Kahit nanghihina ay mabilis akong humarap kay Andrew. Tumingkayad ako at agad na isinampay ang mga braso ko sa leeg niya. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga kayumanggi niyang mga mata. Niyakap ko siya at iniyak ko ang naghalong pagod at saya sa balikat niya.
Pero hindi niya ako niyakap pabalik. Siguro naguguluhan pa siya sa mga nangyayari. Pinakawalan ko siya sa yakap ko at tinitigan ang nagtataka niyang mga mata.
"Aliyah... what happened? B-Bakit ka nandito?" nanginginig ang boses niya.
I stared at his deep brown eyes. I gasped seeing them like this... na parang walang buhay. His disheveled hair is longer. Mas makapal na rin ang facial hair niya. His lips were chapped. He instinctively moistened them when he saw me staring at them.
I really broke him. I did this to him.
"Andrew... umuwi na tayo," bakas ang pagsusumamo sa boses ko.
Lumikot ang mga mata niya. "What happened, Aliyah?"
Huminga ako nang malalim. "Hindi... hindi namin itinuloy ang kasal."
Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya. Napangiti ako nang makita ko kung paano biglang nangningnging ang mga 'yon dahil sa narinig.
May pausbong na ngiti sa gilid ng labi niya pero nabura din agad iyon nang nagtanong na siya. "What?! Why?... hindi ka kayang panagutan ni Marcus?" His jaw tightened.
Hinawakan ko ang mga kamay niya. "No, it's not like that Andrew. W-Wala siyang dapat panagutan," mabagal kong sagot.
"What do you mean?" Naningkit ang mga mata niya.
Naramdaman kong unti-unting nababasa ang mga mata ko. Tumingala ako saglit bago siya muling tinitigan.
"I... I never cheated on you," my voice was shaking. "Kahit kailan hindi ko magagawa sa'yo 'yon. I'm sorry I lied, Andrew... I'm so sorry," tuluyang nahulog ang mga luha ko. Hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya.
"So, y-you mean—"
"Yes, Andrew. Ikaw ang ama ng baby ko," malamyos kong sagot sa kaniya habang nag-uunahan ang mga luha ko.
Inilagay ko sa tiyan ko ang kaliwang kamay niya. Bahagya pa akong natigilan nang mapansin na suot niya pa rin ang singsing namin.
"Hey, baby, that's your daddy's hand," umiiyak kong bulong sa tiyan ko habang nakatingin dito.
"Oh God! Magkakaanak na tayo! My baby!" His voice was shaking too. I gazed at him again. That's when I saw him smiling with tears running down his face.
"I was about to tell you, no'ng pumunta ako sa munisipyo... no'ng araw na nalaman kong pineke mo 'yong kasal natin," I said, sobbing.
He exhaled sharply. "Aliyah, I-I'm so sorry... I need to do that to—"
"I know. I already know. Leo explained everything to me."
Isang tipid na tawa ang pinakawalan niya. "Ang gagong 'yon! Inunahan pa ako!"
Natawa rin ako sa sinabi niya. Pinunasan niya ang mga luha ko, kagaya ng ginagawa niya rati sa tuwing makikita niyang umiiyak ako.
"I'm sorry, Andrew... I'm so sorry for hurting you... I have no choice. Ang sabi ni Tito Rod, titigil lang siya kapag nagpakasal kami ni Marcus."
"WHAT?! YOU TALKED TO HIM?" he exclaimed, his voice a mix of shock and fury.
Alam kong magagalit siya. But I was desperate. "Sorry, Andrew. I'm so sorry... there's no other way..." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Maingat niyang hinigit ang baywang ko at mahigpit niya akong niyakap.
God knows how I missed this hug. I missed this warmth.
"Shh... Aliyah, it's okay. Please, stop crying. Makakasama 'yan sa baby natin," malambing niyang bulong.
I slowly parted from our hug. Then he pressed a gentle kiss to my forehead, and in that instant, all of my fears vanished... all of the pain melted away. This is peace.
"I love you, Andrew... uwi na tayo?"
"Aliyah, I am home," he softly whispered.
Nagtagpo ang mga mata namin at kusang naglapit ang mga labi namin. Iba ang halik na ito sa mga nauna naming pinagsaluhan. Ito ang unang beses na pareho kaming umiiyak. Kasabay ng tunog ng paglalapat ng mga labi namin ay pagsinghot naming dalawa. Napatigil kami at pareho kaming natawa.
"I love you, baby Aliyah," then he kissed my lips again, delicately, just like our first kiss.
"Baby Aliyah?" natatawang tanong ko.
"Yes, ikaw na si baby Aliyah... ito na si baby o!" masiglang sagot niya kasabay ng malambing na paghaplos sa tiyan ko.
Niyakap niya ulit ako nang mahigpit. Kagaya ng dati, gano'n pa rin ang pakiramdam. Ang espasyo sa pagitan ng mga bisig niya ay parang saktong-sakto pa rin para sa akin.
Sa unang pagkakataon, pagkatapos ng ilang araw na hindi ako pinapatulog ng takot at pangamba, bigla na lang kumalma ang lahat. I am at peace. Just like that night last year, I chose him again today. I will choose him over fear. I will choose him over doubt. I will choose him over all the lies in the world. I will choose him over and over again.
But peace is not permanent.
Muling bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang huminto sa harap namin ang isang itim na van. Bumaba mula roon ang apat na lalaki. Lahat sila ay may takip sa mukha, lahat sila ay mukhang kayang pumatay ng tao. Narinig ko ang malakas na pagmumura ni Andrew. Hinawi niya ako at itinalikod mula sa mga lalaki.
"Run, Aliyah!" His deep brown eyes were full of something. Parang handa siyang mamatay. Natakot ako dahilan para manatiling nakapako ang mga paa ko sa mainit na semento.
"RUN!" he commanded, glaring at me.
Panic engulfed my senses. Agad akong humakbang palayo, pero huli na. Mahigpit na hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ko. Walang kahirap-hirap akong isinampay ng isa sa balikat niya.
Dalawang lalaki rin ang humawak sa mga balikat ni Andrew.
"Sakay!" sigaw ng isa sa kaniya. Nakatutok ang baril niya sa sentido ni Andrew, pero nagawa pa rin siyang sikuhin sa sikmura ni Andrew. Nawalan ng balanse ang lalaki at nabitawan niya ang baril.
Sinuntok ni Andrew sa panga ang isa, dahilan para mapaupo ito sa semento.
Pilit akong isinakay ng dalawang lalaki sa loob ng van kahit na pumapalag ako. Pero dahil sa pagod ay walang-wala 'yon sa lakas nila. Nang maisakay na nila ako ay umupo sa tabi ko ang isa at bumaba naman ang kasama niya. Napasinghap ako nang maglabas ito ng taser gun at itinutok 'yon kay Andrew.
"Andrewww!"
Napaluhod si Andrew nang kuryentehin siya ng lalaki. Hindi pa ito nakuntento, sinipa niya pa sa tagiliran si Andrew. Sinuntok naman si Andrew ng lalaking sinapak niya sa panga kanina. Napahiga si Andrew sa semento. Hinang-hina na siya pero pinagsisipa pa rin siya ng mga ito.
"Stop, please... stop!" umiiyak kong pakiusap sa kanila, pero para silang mga bingi na walang naririnig.
"Tama na 'yan! Mayayari tayo kay boss kapag napatay niyo 'yan!" singhal ng lalaking katabi ko.
Itinayo nila ang bugbog-saradong si Andrew at walang kung ano-anong itinulak papasok ng van. Mabilis ding sumakay ang tatlo.
"Andrew... Andrew," paulit-ulit kong tinatapik ang duguang mukha niya. Dumilat siya saglit.
"Aliyah, ang baby n-natin..." he whispered weakly. Hindi pa man ako nakakasagot ay nawalan na siya ng malay.
"T-Tulong! Help us! Help!" halos mapaos kong sigaw. Pero isang pamilyar na tinig ang nagpatigil sa akin na nanggaling sa passenger seat.
"Puta! Patahimikin niyo nga 'yan!"
"Frances?"
Isang puting panyo ang biglang tumakip sa ilong at sa bibig ko. Bumagal ang tibok ng puso ko kasabay ng kusang pagpikit ng mga mata ko.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top