Chapter 17 - Lies

"Ano, Lia? Pinuntahan mo si Papa?!" ramdam ko ang inis at pag-aalala sa boses ni Marcus sa kabilang linya. I am relieved na kausap ko lang siya ngayon sa telepono at hindi kaharap.

"Marcus, will you please calm down..."

"Calm down?" he scoffed. "I told you, ako na ang bahala kay Papa, pero ginawa mo pa rin ang gusto mo!" he exclaimed with frustration.

"Marcus, I can finally put an end to this... we can end this," malumanay na sagot ko sa kaniya. Ayokong sabayan ang inis niya. "Wala rin naman magagawa ang mga pulis na sinasabi mo, malamang hawak din sila ng daddy mo kaya hanggang ngayon malaya pa rin siya."

"Sige nga Lia, how can we stop my father?" he asked with a challenging tone.

I sat down on the edge of my bed and then I let out a deep sigh. "He will stop everything after... after nating makasal... " 

Ilang segundong katahimikan ang namutawi sa kabilang linya. Akala ko nga ay wala na akong kausap sa sobrang tahimik, hanggang sa marinig ko ang mabigat niyang paghinga.

"WHAT?! ANO'NG KASAL?!" Napangiwi ako sa malakas na sigaw ni Marcus.

"He said that I-I need to marry you, p-para tigilan niya na si Andrew, si Daddy... para matapos na lahat ng 'to," pautal kong salaysay.

"What have you done, Lia?!" his voice thundered for the second time.

"I'm sorry, Marcus," nanginginig ang boses ko. Nararamdaman kong namamasa na rin ang mga mata ko.

"I love you, Lia... alam mo 'yan! Gustong-gusto kitang maging asawa pero hindi sa ganitong paraan. Okay na ako, Lia, eh! I'm contented with loving you like this... pero tang ina! Ano 'yang kasal na sinasabi mo? Para mo akong binigyan ng free trial ng langit! Tapos, ikaw, alam kong hindi masaya dahil hindi naman ako ang mahal mo!"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. O kung may dapat ba akong isagot. I know this is too much for him. Ang sama ko, ang sama-sama ko para idamay pa siya rito. Ngayon pa lang nga, alam ko nang nasasaktan ko na siya. Paano pa kaya kapag kinasal na kami? Hindi lang siya ang masasaktan ko, pati si Andrew, pati ang sarili ko, at pati na rin ang anak ko. But I'm willing to do everything para sa lalaking mahal ko... para kay Andrew.

"S-Sorry Marcus," I finally managed to say something, pero kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Stop crying, Lia." I heard him gulp. "Para sa babaeng mahal ko at sa lalaking mahal niya... s-sige na, papakasalan kita." Bakas ko ang lungkot sa boses niya.

Hindi ko na napilit pa ang sarili na sumagot at agad na pinatay ang tawag. Hindi ko na kaya pang marinig ang sarili kong sinusukuan na lang ang lahat. Naiinis ako sa sarili ko. Hanggang dito na lang ba talaga ako? Kami? What if sabihin ko na lang kay Daddy lahat? Baka may magawa siya, baka hindi na kailangang masaktan pa ni Andrew at Marcus.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at agad na tumayo. Ilang beses akong nagpalakad-lakad sa kuwarto ko. Pabalik-balik. Iniisip kung paano ako hihingi ng tulong kay Daddy... paano ko ba sasabihin lahat sa kaniya?

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. When I checked my phone, there were four pictures from an unknown number—si Andrew na wala pa ring malay sa ospital, si Daddy na nasa board room ng AHG, si Steph papasok na ng condominium building, at ako na palabas ng café. 'I'm watching,' 'yon lang ang message kasama ng mga pictures, pero alam ko na agad ang ibig sabihin no'n—hanggang dito na lang talaga ako.

***

Hirap na hirap akong kumbinsihin si Daddy tungkol sa kasal namin ni Marcus. Halos no'ng nakaraang araw lang ay umiiyak ako sa kaniya habang sinasabi kong mahal ko si Andrew... tapos ngayon, kay Marcus pala ako ikakasal.

"Tanya, alam kong mali si Andrew, pero hindi mo man lang ba siya bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag?" nanlalaki ang mga mata ni Daddy. Napatayo pa nga siya mula sa office chair niya dahil hindi siya makapaniwala sa binalita ko.

"Dad... I did something wrong too," nakayuko kong sagot.

"And what's that, Tanya?" Bakas ko ang pinaghalong kaba at pagtataka sa mukha niya. Nakataas ang mga kilay niya at malikot ang mga bilog ng kaniyang mga mata.

I swallowed hard and looked away. Hindi 'ko kayang titigan si Daddy habang nagsisinungaling sa kaniya.

"Dad, I-I'm pregnant. S-Si Marcus po ang ama."

"WHAT!" Napalingon agad ako sa kaniya dahil sa lakas at tono ng boses niya. I saw him clutching his chest with his right hand. Napatukod naman sa lamesa ang kaliwang kamay niya.

"Dad!" Mabilis akong lumapit at inalalayan siyang muling makaupo sa swivel chair niya.

"T-Tanya, you're p-pregnant?!" hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango lang ako.

There's no other way but to lie. In order to convince him about my shotgun wedding with Marcus... I need to lie. Alam kong hindi pa rin nagbabago si Daddy, he will save our name no matter what. Ayaw niya ng eskandalo. Ayaw niya ng kahit ano'ng sisira sa reputasyon niya.

"You'll get married ASAP!" he said firmly. He picked up his phone and quickly started pressing numbers. "Frances! Call Marcus Alfonte, sabihin mo pumunta rito sa opisina ko! Ngayon din!"

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa usapan nila Daddy at Marcus that Sunday afternoon. Ayoko na ring malaman. Pero kinagabihan ay sunod-sunod ang natanggap kong email galing kay Frances. Mga nasa anim na email siguro, pare-pareho ang subject line, 'Alvarez & Alfonte Nuptials: November 11'

"Sa birthday ko pa talaga, Dad?" natatawa at naiiyak kong bulong sa sarili ko.

***

Lunes ng umaga at kakaunti pa lang ang tao sa café. Nakatulala akong nagmamasa ng dough sa kitchen. I split it into four equal parts and then I let them rest. I decided to look for my ring again pero wala talaga, hindi ko na makita. Napasandal na lang ako sa gilid ng lamesa. Inilabas ko ang cellphone ko at nakangiting tinitigan ang wallpaper ko, it's one of the pictures from our photo shoot. Andrew, giving me a warm back hug while making promises that he will never leave me.

Pero ako pala 'tong mang-iiwan.

"I miss you, Andrew," I whispered. Nawala roon ang atensyon ko nang tatlong sunod-sunod na messenger notifications ang natanggap ko.

One from Frances—"Everything is settled, Ma'am Lia. May mga kailangan lang kayo i-submit na paper ni Sir Marcus para sa kasal niyo."

The second one is from Marcus—"Halos patayin ako ng daddy mo! Call me soon!"

The last one is from Leo—"Gising na si Andrew, hinahanap ka niya."

Wala akong nireplayan ni isa sa kanila. I felt my head lighten. Andrew is finally awake! Ligtas na siya! But then my heart felt heavy. Bigla na lang akong natulala. Paano nagawa ni Daddy na asikasuhin lahat ng tungkol sa kasal namin ni Marcus in just two days? And then, in two weeks magiging Mrs. Alfonte na ako. Nakakatawang isipin na last year lang, tinakbuhan ko si Marcus, tapos sa kaniya rin pala ang bagsak ko. I chuckled bitterly with that thought. Ilan pang tipid na tawa ang ginawa ko hanggang sa nalasahan ko ang alat ng mga luha ko.

"Shocks, Lia!" Napahawak ako sa tiyan ko at malambing kong hinimas ito. "Please don't be like me, baby. I hope you'll be brave like your Dad. Sana maintindihan mo rin si Mommy... someday you'll meet your father... pero hindi muna ngayon," bulong ko sa tiyan ko habang patuloy na nag-uunahan ang mga luha ko.

***

Ilang beses ko napanaginipan ang eksenang 'yon. Ilang beses ko na ring hinanda ang sarili ko kung sakaling makita ko ulit si Andrew. Alam ni Steph 'yon, ilang beses na rin niya akong tinuruan kung paano ko itutulak palayo si Andrew, kung paano magsisinungaling sa kaniya, at kung paano ko lolokohin ang sarili ko. But seeing him standing in front of me, so vulnerable, made me forget all those dialogues I created inside my head, all those lies that I needed to tell.

Magulo ang buhok niya. Malungkot at pagod din ang mga kayumanggi niyang mga mata. Mas mababa ang kanang balikat niya kaysa sa kaliwa, siguro dahil nananakit pa rin ang sugat niya. Nangingilid pa ang mga luha niya at alam kong nahihirapan siyang pigilan ang mga 'yon.

"I'm sorry that I lied to you, Aliyah. Even though our marriage was fake, my feelings for you were genuine. They were real since day one... since the first day I saw you," he said with his trembling voice. "I-I never intended to hurt you. I just wanted to keep you safe.... I just wanted to keep you."

I gasped. I suddenly felt nauseous, but I ignored it. Humakbang papalapit sa akin, pero mabilis siyang hinarangan ni Steph. Pinagtabuyan siya ni Steph at wala akong ginawa... alam kong wala na rin naman akong magagawa.

***

The next few days, I kept myself busy sa Café Amor. I tried new recipes pero palpak lahat. Ilang beses na rin akong pinilit ni Steph na mag-vacation leave muna, pero ayoko. I need to work to distract myself.

"Ah!" I shouted as I accidentally grabbed the tray from the oven without my mittens.

"Li! Okay ka lang? Shit! Pangatlo na 'yan today, ha?!" Nagmamadaling inabot ni Steph ang first aid kit sa taas ng locker at agad na lumapit sa akin.

"W-Wala lang 'to Steph. I'm fine," mahina kong tugon.

Sumimangot naman agad ang mukha niya. "Tang ina! Ako pa talaga lokohin mo, Li!" naiinis pa niyang singhal.

I forced a smile, habang tahimik niyang nilalagyan ng ointment ang paso ko na namumula na ngayon.

"Nakukonsensya ako, Steph... " my voice was shaking. "I can't forget his face last Friday."

Malalim siyang bumuntong-hininga habang patuloy na ginagamot ang paso ko. "Alam mo, sa totoo lang, hindi ko pa rin gets kung bakit kailangan mong magpakasal kay Marcus, but if it's the only way para mawala 'yang takot sa mga mata mo na araw-araw kong nakikita... I won't question your decision." Gumihit sa mga labi niya ang isang maliit na ngiti. I know that she's trying her best to comfort me.

"Para 'to sa ikatatahimik ng lahat Steph," I said and smiled bitterly.

Pagkatapos lagyan ni Steph ng gamot ang kamay ko ay agad kong isinuot ang mittens at maingat nang kinuha ulit ang tray ng oatmeal cookies sa oven. Nakatayo sa may likuran ko si Steph, at pinapanood pa rin ako. But then, she quickly moved away when I walked towards the cooling racks.

"Steph, may sasabihin ka pa ba?" diretsong tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga cookies.

I heard her clear her throat. "I-I think you should know... aalis na raw si Andrew sa condo, lilipat na, sabi ni Leo."

Napalunok ako, pero hindi ko inaalis ang atensyon sa ginagawa. "W-What? S-Saan daw?"

"No idea, hindi sinabi ni Leo, e... may mga gamit ka pa do'n 'di ba?" usisa niya.

"Oo... but I don't think I can face him, Steph... hindi ko pa siya kayang makita ulit." Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadya kong luha. I easily cry these past few days, maybe because I'm pregnant or because I really miss him.

"Ano ka ba?!" Hinawakan niya ang braso ko. "Sasamahan kita, Li!" she said in her cheerful tone. Tumango na lang ako sa kaniya. I swallowed repeatedly to steady my voice.

"I'll think about it, Steph..." I said under my breath.

***

Alam kong 'yon ang huli kong sinabi kanina, pero ito kami ngayon, nasa parking lot ng condominium building ni Andrew. Ang hina-hina ko talaga pag dating sa kaniya. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nakailang lunok na rin ako ng laway pero nanunuyo pa rin ang lalamunan ko sa kaba.

"Sure ka bang hindi mo na ako kailangan sa taas?" pang-ilang tanong na ni Steph habang pababa ako ng kotse niya.

"Yes, I'll be fine, isang luggage lang naman 'yon... saka nandiyan naman sila Mang Ed," nakangiti kong sagot.

Napakamot ng noo si Steph. "That's not what I mean, Li... kaya mo ba siyang harapin nang wala ako?" Napalabi ako sa tanong niya.

Lumunok ako bago sumagot. "Kakayanin." Tumango lang siya sa akin at matamis akong nginitian.

Marahan kong isinara ang pinto ng passenger seat at tumalikod na. Nakakadalawang hakbang pa lang ako pero bigla akong napahinto.

"Steph!" Mabuti na lang at nakababa pa ang bintana ng kotse niya at narinig niya ako.

"Do I look okay?" I asked before I moistened my lips

She chuckled with a silly expression on her face. "Oo naman, ang ganda mo kaya!"

***

Parang ang tagal kong nakasakay sa elevator ng building kahit sa fourth floor lang naman ako bababa. Paulit-ulit kong sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga nanginginig kong mga kamay. I can't even decide whether to tuck it behind my ear or not.

"Fudge, Lia! Relax!"

Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko paglabas ng elevator. Inisip ko na lang na parte 'to ng closure namin ni Andrew at sayang din ang mga gamit ko kung hindi ko kukunin. Lalo na 'yong mga silk pajamas ko. Really, Lia? Naisip mo pa talaga 'yan?! 

I took out my spare key to open the door. But I hesitated. Nagdalawang isip ako kung kakatok ba ako o bubuksan ko na lang ng kusa ang pinto gamit ang susi ko. But I settled for the first one. Just as I was about to knock, biglang bumukas ang pinto. Sumalubong sa akin ang nakangiting si Bianca.

"Aliyah! You're here!" her eyes widened.

"B-Bianca, nandito ka pala... I'm sorry babalik na lang ako sa ibang araw," nahihiya kong sagot kasabay ng pagtalikod sa kaniya pero pinigilan niya ako.

"No, Aliyah, it's okay... mabuti na nga rin na nandito ka eh," mas lumapad ang ngiti niya.

"I-I want to say sorry... for what I did back then sa shoot." Bahagya akong napangiwi, na sana hindi niya nahalata. Ang bad timing ng pa-flashback niya sa nangyari noon.

"It's okay, Bianca, tapos na rin naman 'yon," I said, forcing a smile.

"I know! Nakukonsensya lang ako... kasi back then, I thought mag-asawa talaga kayo ni Andrew, turns out hindi naman pala!" Gumusot ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi naman pala sincere ang apology ng babaeng labanos na 'to! Pasalamat na lang siya at nasa baba si Steph, kung hindi baka nasabunutan na siya.

"Alam mo na pala... kaya ba nandito ka kasi kayo na ulit ni Andrew?" I asked sarcastically.

"No, not yet... but we're getting there!" she answered teasingly.

"I see... now if you don't mind, can you move? Kailangan ko lang kunin ang mga gamit ko sa kwarto namin ni Andrew," mabagal na sagot ko. Sinadya kong diinan ang salitang 'namin', para mas marinig niya.

"Sure! But before I go, this is for you... " May kinuha siyang dilaw na papel mula sa bag niya at nakangiti niyang inabot iyon sa akin. "Sorry, I opened it earlier. Naka-address kasi kay Andrew eh!" Kahit hindi ko na basahin, alam ko na ang nakasulat sa papel na 'yon. Marriage Certificate na ni-request ko weeks ago, pero iba ang dumating. Certificate of No Marriage.

"I never thought na gagawin ni Andrew 'to. I'm sorry, Aliyah. I didn't expect na he'll fake his own marriage just to forget me," she said with her puppy eyes. 

I just scoffed and she saw it. Tumaas pa ang kilay niya, halatang na-offend sa ginawa ko. Pinasadahan niya ako ng tingin bago mabilis na nagmartsa papunta sa elevator.

Pagkapasok ko ay bumungad agad ang maraming box sa sala at kusina. Wala na ring halos nakalabas na mga gamit maliban sa salamin na malapit sa pinto, sa kulay dilaw kong apron, at sa tatlong bote ng peanut butter na nakapatong sa kitchen island. He is really moving out. Nilukot ko ang CENOMAR na inabot ni Bianca at saka itinapon 'yon sa trash bin. Wala si Andrew, pero bukas ang ilaw sa kuwarto namin.

Hahawakan ko na sana ang doorknob... pero naunang buksan ni Andrew ang pinto. I saw how his deep, brown eyes widened. His lips were slightly opened. Ilang beses pa siyang kumurap-kurap habang nanatiling nakatayo sa harap ko.

"Aliyah?" He sighed in relief and smiled.

"Y-You're here!" Napaigtad ako nang maingat niyang hinawi ang iilang hibla ng buhok ko palayo sa aking mukha. Mabilis niyang idinampi ang palad niya sa pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niya.

"You're real... nandito ka nga..." his voice was shaking. My brows furrowed because of what he said. I'm real?

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Mukhang napansin niya ang pagkalito sa mukha ko dahil unti-unting nawala ang ngiti niya at dahan-dahan din niyang inalis ang kamay niya sa mukha ko.

"N-Nothing," he quickly answered.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Tumingkayad ako para silipin ang dating kuwarto namin. Doon ko lang napansin na iniimpake niya na pala ang mga gamit ko. Nasa sahig ang maleta ko at nakatupi na rin ang ilang piraso ng mga damit ko

"Ah... kukunin ko lang sana 'yong mga gamit ko... and ibabalik ko lang din 'yong susi mo," nauutal kong saad sa kaniya. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

He opened the door widely. Lumingon siya sa loob ng kuwarto namin.

"I was just packing your things. Ipapadala ko sana kay Leo."  I could sense that he's nervous too. His voice is just too soft. 

"Can I... Can I come in?" I asked shyly.

"Ah, yes... of course!" He quickly stepped back and headed straight to the kitchen. Sinundan ko lang siya ng tingin bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto.

This is awkward. I could feel the tension between us. Kahit pa lumabas na siya ng kuwarto at naiwan akong nag-iimpake ng mga damit ko ay halos tumalon pa rin palabas ng dibdib ko ang puso ko. 

Steph is waiting. Steph is waiting. Bilisan mo, Lia. Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko habang nagmamadali akong isinisiksik ang mga damit ko sa maleta.

Maya-maya pa'y bumalik si Andrew bitbit ang isang plastic, laman ang tatlong bote ng peanut butter na nakita ko sa kitchen island kanina. 

"This is for you, pinapabigay ni Minda," nakangiti niyang sambit habang inaabot ang plastic sa akin.

"T-Thank you," nakayuko kong sagot sa kaniya, bago pinagpatuloy ang natataranta kong pagsisiksik ng mga damit sa maleta.

"Can I help you? Para mas mabilis..." Napatigil ako sa sinabi niya. He's making this hard for the both of us!

Hindi pa man ako nakakasagot ay umupo na siya agad sa carpet para tulungan ako sa pag-iimpake. At undies ko pa talaga ang unang pinagdadampot niya. Parang nanuyo ang lalamunan ko.

"Ako na riyan!" Hinablot ko sa kamay niya ang black na bra na hawak-hawak niya. Hindi naman na siya kumontra at hinayaan na lang ako.

"Uhm... 'yong coffee maker mo pala, saan ko ipapadala, Aliyah?"

"Sa bahay ni Marcus," diretsong sagot ko. Napatigil ako nang biglang nabitawan ni Andrew ang damit na hawak niya. Nakita ko siyang napayuko. He exhaled slowly and faced me again.

"So, you're really gonna marry him, Aliyah?" he asked with his trembling voice.

"Yes," I firmly answered without looking at him.

"Why, Aliyah?"

"I love him," I responded coldly. Lies.

"Bullshit!" Mabilis siyang tumayo. Naramdam ko ang mabigat niyang pagtitig sa akin habang nakaupo pa rin ako sa sahig, patuloy lang sa pag-aayos ng mga damit.

"Tell me the truth, Aliyah? Bakit, ha?" Napapikit ako sa inis. Hindi ko man lang nga napansin na nakakuyom na sa mga kamay ko ang isang blouse na hawak-hawak ko. Bakit ba siya paulit-ulit?! Bingi ba siya?!

I stood up and faced him. "I. LOVE. HIM," I said without blinking, staring into his deep brown eyes.

"Really, Aliyah? That fast? Gano'n mo ba ako kabilis makalimutan?" I gasped at his question.

"Coming from you?!" I scoffed. "Nakasalubong ko si Bianca, nagkabalikan na pala kayo ng ex mo?!"

Napahawak siya sa sentido niya. "W-What? Of course not!" protesta niya. Napairap ako sa kasinungalingang lumabas na naman sa bibig niya.

"She came here to personally tell me na kukunin akong architect ng kuya niya sa bahay nito sa Tagaytay!" Bakas ang inis sa boses niya. 

Hindi na lang ako sumagot at nanatiling malamig na nakatitig sa kaniya. He looks frustrated, mad, and... defeated.

Hinawakan niya ang kanang balikat niya. He even exhaled intensely. "Why do I have to explain myself to you... you wouldn't listen anyway." He chuckled bitterly.

Napaupo ako sa kama. I took a deep sigh and I bit my lower lip softly.

"I love him, Andrew... that's why I'm marrying him," mahinang sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kayang lakasan ang boses ko habang nagsisinungaling sa kaniya. At hindi ko rin kayang tumingin sa kaniya.

"You really love him, huh? In a span of what? One... two weeks! Si Marcus na ang mahal mo at hindi na ako?!"

Parang nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. I quickly looked at him.

"Wala kang karapatang sabihan 'yan! Have you forgotten how you lied to me?" My voice trembled because of anger and frustration.

He scoffed, which irritated me "I'll never forget that Aliyah. How can I forget what I did for love?"

"How about you, Aliyah? Have you forgotten all the things you did for love?" he asked, with his challenging tone.

Nanlambot ang katawan ko sa tanong niya. Siguro kung hindi ako nakaupo sa kama niya, natumba na ako. Parang nag-flashback sa isip ko ang lahat ng gabing pinagsaluhan namin sa kamang inuupuan ko ngayon.

Yumuko ulit ako dahil ayokong salubungin ang mga mata niya. Ang mga mata niya na ilang beses akong dinala sa sarili naming paraiso noon. Nang iangat ko ang mukha ko, nagulat na lang ako na isang hakbang na lang pala ang pagitan namin dalawa.

"Are you okay, Aliyah? Namumutla ka?" punong-puno ng pag-aalala ang boses niya. Napasinghap ako nang bigla niyan inilapat ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko.

"You're feverish, ayos ka lang ba Aliyah?" Nakapako pa rin ang mga mata niya sa akin. I can smell his minty breath with a hint of whiskey. Is he drowning his pain in whiskey?

"I'm f-fine Andrew," nauutal kong tugon. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at hindi ko man lang siya magawang itulak palayo. Parang ayoko rin naman siyang itulak...

Lumikot ang mga mata niya pero napansin ko ang pagtigil ng titig niya sa mga labi ko. Napansin ko rin ang paglunok niya at ang mabilis na paggalaw ng Adam's apple niya.

"Fuck..." mahinang mura niya.

"I'm sorry, Marcus," bulong niya na nagpakunot sa noo ko.

"H-Huh?" I mumbled. "Bakit ka nag-sosorry kay Marcus?"

My breath hitched when he leaned closer. "Because... I'm going to kiss his fiancée."

Before I can even protest, I already felt his warm lips on mine. Hindi puwede 'to! Hindi ko dapat tinatanggap ang halik niya, but my body is betraying me. Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko, habang unti-unti namang umaakyat sa buhok niya ang mga kamay ko. Naramdaman kong kinagat niya pababa ang strap ng damit ko, dahilan para mabalik ako sa katinuan.

"S-Stop Andrew," my voice was quivering.

Agad siyang napaatras, "Shit! I'm sorry, Aliyah... I'm so sorry." I saw guilt in his deep brown eyes.

"I'm sorry too, Andrew... pero hanggang dito na lang talaga tayo. Ikakasal na ako kay Marcus," Itinapon ko ang tingin ko sa sahig. Natatakot akong mahalata niya na nagsisinungaling ako. Inayos ko ang nakababang strap ng damit ko.

Muli kong ibinaling ang atensyon sa maleta kong nakabalandra sa sahig. Yumuko ako para sana isara 'yon pero naunahan ako ni Andrew.

"Do y-you really love him, Aliyah?"

I heaved out a sigh. "Yes, Andrew... mahal ko si Marcus."

"More than me?" Natigilan ako. 

"Gusto mo talagang sagutin ko 'yan?" Matapang kong sinalubong ang mga namumungay niyang mata.

"You... you don't have to. Your kiss says it all," he smiled bitterly.

This is not right. I can't leave him like this. I can't give him hope.

Kokontrahin ko pa sana siya pero biglang umikot ang sikmura ko. Dali-dali akong tumakbo sa banyo at hindi ko na nagawa pang isarado ang pinto.

Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa akin. From my peripheral vision, I could see him watching me. Nakatulala siyang nakatayo sa may pinto habang nakasalampak ako sa tiles at nakasubsob ang mukha sa toilet bowl. Tuloy-tuloy ang pagsusuka ko kahit na gustong-gusto ko nang huminto. No, baby. Please, not in front of him.

Nang kumalma na ang sikmura ko ay marahan akong tumayo para maghilamos sa lababo. Nagulat na lang ako nang akayin ako ni Andrew papalapit doon. Hinawi niya ang buhok ko palayo sa mukha ko habang naghihilamos ako. Pagkatapos, pinunasan niya ang mukha ko ng towel niya.

Yumuko siya nang bahagya para magpantay ang mga mata namin. 

"Aliyah, are you really okay?"  Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga kayumanggi niyang mata.

"I'm fine, Andrew," Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumalikod na pero pinigilan niya ang mga braso ko.

"Are you... are you pregnant?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Uminit ang pisngi ko at biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Mabilis kong inalis ang mga kamay niya sa braso ko. Nanatiling nakatikom ang bibig ko habang  naglalakad palabas ng banyo. I heard him flushed the toilet a couple of times bago sumunod sa akin.

"Aliyah... please answer me, buntis ka ba? We're going to be parents?" Humarap ako sa kaniya. Napatigil ako nang makitang nangingilid ang mga luha niya pero nakangiti siya.

He looks so happy... and it pains me.

Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko. "Y-Yes, I'm pregnant."

He gasped and quickly embraced me, tightly. Hinayaan ko siyang yakapin ako pero hindi ko siya magawang yakapin pabalik. Maya-maya ay bigla siyang lumuhod sa harap ko at itinapat ang mukha niya sa tiyan ko.

"Hello, baby... I'm your Dad. I love you. Mahal na mahal ko kayo pareho ng Mommy mo," he said softly and planted a soft kiss on my tummy. Hindi ko na napigilan ang sariling mapahagulgol dahil sa magkahalong saya at lungkot. Pilit ko siyang itinatayo, habang siya ay paulit-ulit na hinahalikan ang tiyan ko.

"P-Please, stop, Andrew!" sigaw ko dahil sa sakit, habang umiiyak. 

Napabalikwas siya pero agad ding napatayo. I saw his eyes panicked nang mapansin niyang umiiyak ako.

"Hey baby, stop crying... makakasama 'yan sa anak natin... "

"No, Andrew... h-hindi mo baby ang ipinagbubuntis ko!" Agad siyang natulala at napaatras palayo sa akin. Kitang-kita ko ang kalituhan sa mga mata niya, na mas lalong nagpasakit sa dibdib ko.

"W-What do you mean Aliyah?"

"S-Si Marcus ang daddy ng baby ko, not you... kaya kami magpapakasal agad... b-because he got me pregnant... I cheated on you," I said in between my deep sobs.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang napaupo siya sa kama dahil sa kasinungalingang sinabi ko. Napahawak pa siya sa kanang balikat niya.

"Y-You're lying," his voice was shaking. 

I inhaled and exhaled deeply. I need to lie to him. I need to hurt him. I need to push him away.

"Do you even want me to tell you... kung pa'no namin nabuo ang anak namin?!" 

His jaw clenched, and his fist tightened. He looked up at me, tears welling in his eyes. I did it. I lied to the only person I swore I would never hurt.

"J-Just leave me, Aliyah... you don't have to hurt me. Iwan mo na lang ako."

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top