Chapter 14.1 - Void
Hinihingal akong umupo sa passenger seat ng kotse ni Steph, habang siya naman ay panay pa rin ang tawa na may kasama pang paghampas sa manibela. Hindi namin inaakalang matatakasan namin sila Morgan at Jam na naiwan naming nakabusangot sa elevator ng ospital. Kailangang mapuntahan namin si Andrew bago pa maunang makarating si Marcus sa kaniya. Sigurado akong magkakagulo kapag naunahan kami ni Marcus.
"Wait, Steph. Alam ba nila Jam na buntis ako?" nag-aalalang tanong ko.
Gusto kong ako ang magbalita kay Daddy na magkaka-apo na siya. I'm sure he will be so happy, and I wanted to witness that in person.
"Hindi, don't worry. Kami pa lang ni Marcus ang may alam," sagot ni Steph, sabay mabilis niyang inaapakan ang gas.
"Buti naman. I want to tell Dad in person. I'll tell him next. Kaming dalawa ni Andrew ang pupunta sa kaniya," nakangiting sabi ko.
Walang mapaglagyan ang saya ko habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi na talaga ako mag-iisa kahit kailan. May baby na kami ni Andrew. Magiging isang pamilya na talaga kami. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya? Will he really be happy kagaya ng sinabi niya sa Zambales? Iiyak kaya siya?
"Nasa'n ba 'yong asawa mo, Li?" kunot-noong tanong ni Steph habang nagmamaneho.
"Kanina... last update niya sa'kin nasa Sta. Rosa raw sila. Katatapos lang daw ng meeting nila with the client," sagot ko habang tina-type ang number ni Marcus sa cellphone ko.
"Sta. Rosa? Laguna?"
Tumango lang ako. Hati ang atensyon kay Steph at sa cellphone ko. Nakadalawang tawag na ako kay Marcus, pero puro unattended naman.
"Gabi na tayo makakarating do'n, for sure... saan ba exactly sa Sta. Rosa?"
Narinig ko ang tanong ni Steph pero hindi ako sumagot. I need to contact Marcus. Baka masuntok na naman siya ng asawa ko kapag nagkataon. Ayokong mag-away pa silang magpinsan dahil sa akin.
"Li! Sino ba 'yang tinatawagan mo?" naiinis na tanong ni Steph.
"Ah... si Marcus."
Bumuntong-hininga si Steph. "Alam mo, hindi 'yon sasagot... Saka pwede ba? 'Wag mo stresin ang sarili mo riyan! Remember, sabi ni doktora, bawal ang stress," paalala niya sa akin.
"Okay, ninang... hindi na po magpapa-stress." I smiled at her.
"Very good!" I saw her bite her lips slowly. "S-Si Leo na lang kontakin mo, ask him their exact location."
My brows furrowed. Kailan pa nakilala ni Steph si Leo?
"Y-You know Leo?" I slowly asked.
"Oo! No'ng nasa Zambales kayo madalas natambay sa Café Amor 'yon! Utos daw ni Andrew na silipin kami do'n."
I texted Leo and he replied immediately. Malakas kong binasa ang reply ni Leo para marinig na rin ni Steph.
'OTW sa munisipyo si Andrew, may meeting pa sila ni Samuel... nauna na ako sa hotel. Najejebs na kasi ako'
Natawa kami pareho ni Steph doon. Sobrang opposite talaga si Leo at Andrew, parang kami rin ni Steph.
***
Lagpas ala-sais na kami nakarating sa munisipyo ng Sta. Rosa. Maraming empleyado sa labas ang nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi sa kani-kanila nilang tahanan. Nakita ko ang SUV ni Andrew na naka-park sa tapat ng munisipyo. Biglang nagtambol ang puso ko. This is it, Lia, wala nang atrasan. Huminga ako nang malalim at saka marahang bumaba ng sasakyan.
"Do I look okay, Steph?" Hindi ko alam bakit sobrang conscious ako sa itsura ko. Habambuhay tatatak kay Andrew ang gabing ito... of how I told him about our first child. I wanted this to be perfect.
"Of course! Ang ganda mo kaya!"
"Bola! But thank you, Steph." Ngumiti ako sa kaniya. Ramdam ko ang panginginig ng gilid ng mga labi ko dahil sa kaba.
"O? Okay ka lang?" Steph asked in a worried tone.
"Yup, I'm just a bit nervous."
Umusog siya papunta sa passenger seat at hinawakan ang mga kamay ko. "Ano ka ba? Sigurado akong matutuwa 'yon si Andrew." Muli akong huminga nang malalim at inayos ang ngiti. This time I felt that it's more genuine. Nabawasan na ang kabog ng dibdib ko.
"Hihintayin kita rito, okay? Or call me if magpapaiwan ka na rito kasama ni Andrew."
"Okay, pero mukhang malabo 'yon. Tomorrow pa uwi nila, e!" I said as I quickly brushed my hair with my hand.
"Ah okay, just in case you did stay, hinay-hinay lang kayo ni Andrew baka maging kambal yan!" nginuso niya ang tiyan ko at saka humagalpak ng tawa.
"Baliw! Hindi 'yon puwede!" natatawa ko namang balik sa biro niya.
Habang paakyat ako ng opisina ni Mayor Samuel ay paulit-ulit kong pina-practice sa isip ko ang sasabihin ko kay Andrew. You're going to be a father. Magkaka-anak na tayo. You're now my baby-daddy. Napabungisngis ako mag-isa dahil sa mga naiisip ko.
Wala naman daw ibang kausap si Mayor Samuel maliban kay Architect Romulo according to his secretary. Papalapit pa lang ako sa glass door ng opisina ni Mayor Samuel ay naririnig ko na ang tawanan ng dalawa. Nakatayo sila sa harap ng lamesa, parehong may hawak na baso na may lamang alak. Isang bote ng whiskey ang nakapatong sa lamesa ni Mayor, halos wala pa 'yong bawas. Kauumpisa pa lang siguro nilang mag-inuman. I thought meeting ang ipinunta niya rito sa munisipyo?
Andrew looks so happy. Malapad ang ngiti niya at gano'n din si Mayor. Ano kayang meron at parang may isini-celebrate silang dalawa? Hindi ko na yata mahihintay pang matapos ang kasiyahan nila. I need to talk to my husband. Hindi naman siguro mamasamain ni Mayor if I barge in. I'll knock, and then I'll barge in.
Tumayo ako malapit sa pinto. Nakalapat ang kanang palad sa glass door habang ang kaliwa naman ay handa nang kumatok. Pero bigla akong natigilan nang magsalita si Mayor.
"I'm happy for you Architect! Everything is going well according to your plan!" masayang bati ni Mayor sa asawa ko.
"Ang problema mo na lang ay kung pa'no mo sasabihin kay Aliyah na fake ang kasal niyo."
I felt like my heart dropped into my stomach. What? Fake? Kasal? Aliyah? Me?
FAKE ANG KASAL NAMIN NI ANDREW? Parang nawalan ng lakas ang kamay ko na kakatok na sana sa pintuan ng opisina. Wala sa sarili akong napasandal sa pinto. Para akong binuhusan ng isang timbang tubig na may malaking bloke ng yelo. I would have collapsed on the spot kung wala akong nasandalang pinto. Nanlambot ang mga tuhod ko at hindi ko maihakbang ang mga paa ko, pero pinilit kong itulak ang pinto. Pinilit ko, kahit na nangiginig ang mga kamay ko at nalalasahan ko na ang mga luha ko.
Nakita ko ang paglipat sa akin ng atensyon ng dalawang lalaki. Nabitawan ni Andrew ang baso niya dahilan para kumalat ang alak at bubog sa sahig. His deep brown eyes widened with disbelief. Ni hindi ko na nga napansin na nakalapit siya sa akin. Gulat na gulat siyang nasa harapan niya ako't umiiyak.
Narinig ko pa ang pagmumura ni Mayor Samuel. Ibinagsak niya ang sarili niya sa office chair niya at saka umikot patalikod sa amin ni Andrew.
"A-Aliyah? K-Kanina ka pa?" nauutal na tanong ni Andrew.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nakatitig lang ako sa mga malilikot na bilog ng kayumanggi niyang mata. Punong-puno ang mga ito ng takot at kaba.
"Baby... let's go home. Let's talk," he calmly said as he moved closer to me. He was about to wipe my tears, but I quickly shoved his hands.
"DON'T TOUCH ME!" Napaatras siya dahil sa sigaw ko.
"T-Totoo ba? 'Yong sinabi ni Mayor? Is that t-true?" nanginginig ang boses ko sa galit.
Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero hindi ko mapahinto ang mga 'yon. Nakayuko si Andrew na para bang hinahanap niya ang sagot sa natapong alak at bubog sa sahig. I noticed his fist clenched, yet he remained silent.
"A-Andrew! Totoo ba?! Answer me!"
"Aliyah, I can explain..." Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya. I scoffed at him. I pushed his chest with my trembling hands.
"I don't need your explanation... or any of your lies... just answer me. Yes or no!" singhal ko sa kaniya. My voice raging with anger. Mas lalong nagtaas-baba ang dibdib ko sa galit nang hindi pa rin siya sumasagot. Ano 'yon bigla siyang nawalan ng boses?!
"It's just a FUCKING YES OR NO, ANDREW!"
Nakita ko ang paglunok niya, halatang nagulat sa pagmumura ko. Humakbang muli siya papalapit sa akin. Nakita kong napaharap si Mayor Samuel, mukhang nagulat din sa malutong na mura ko. Inubos niya ang whiskey sa baso niya sa isang lunok lang. Tumayo siya at lumapit sa amin.
"A-Aliyah, can you calm down?" malumanay na awat ni Mayor sa akin, pero mas lalo lang ako nainis. Itinapon ko ang matalim kong tingin sa kaniya. Napaatras siya dahil doon.
"Isa ka pa! Ano? Magkasabwat kayo ni Andrew dito?" Hindi siya sumagot sa paratang ko at nanatili lang na nakatingin sa akin. Nalipat ang atensyon ko kay Andrew nang hawakan niya ang kamay ko pero mabilis ko rin 'yong tinabig.
"Baby... please," Andrew begged, his deep brown eyes now welling up with tears.
"Sumagot ka, Andrew! Asawa ba kita? Kasal ba tayo?" basag na basag na ang boses ko at kahit hindi pa siya sumasagot ay parang tinutusok na ang puso ko. Napahawak ako sa tiyan ko habang humahagulgol sa harap niya.
"No... no, Aliyah. Hindi tayo mag-asawa."
I can't feel anything. Parang namanhid ako sa sagot niya. Wala akong ibang marinig kundi ang hagulgol ko. Halos mabuwal ako. Napahawak ako sa upuang malapit sa kinatatayuan ko. Ngayon pa talaga? Ngayon pa ba na pinagbubuntis ko ang anak niya... ang baby namin.
"B-Bakit?" I stuttered saying.
"Bakit mo 'ko niloko? You made me believe we're real! Ginago mo 'ko, Andrew!" I choked out with my quivering voice.
"Please Aliyah, I can explain... let's just go home. Umuwi na tayo..."
"Tayo?" nakataas ang mga kilay kong tanong sa kaniya. Humakbang ako papalapit kay Andrew. Tinitigan ko ang mga mata niya habang patuloy na nag-uunahan ang mga luha ko.
"Tayo? Andrew?"
"A-Alam mo ba k-kung ilang beses ko tinanong sa sarili ko kung totoo tayo? Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko! Kasi no'ng umpisa pa lang pala... wala naman talagang tayo!"
Hindi na napigilan ni Andrew ang mga luha niya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko, caressing my ring finger. Pagkatapos ay ikinulong niya ang kamay ko sa mga palad niya. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siyang gawin 'yon. Paulit-ulit niyang hinalikan ang likod ng mga palad ko habang nababasa 'yon ng mga luha niya.
Binawi ko rin agad ang kamay ko at dali-dali akong umatras papalayo sa kaniya. I can't bear his touch. Of all the people in the world, he's the last person I thought would hurt me. Mali pala ako.
"Ibinigay ko lahat sa'yo... everything I had. Dahil asawa kita. Asawa kita... " nahihirapan na akong magsalita dahil sa paghikbi ko. "I trusted you... I believed in you. Paulit-ulit akong naniwala sa'yo kahit ilang beses ka nang nagsinungaling sa akin. I chose to believe in you, kasi mahal kita... kasi asawa kita."
I chuckled bitterly.
"Tapos... it turns out hindi pala! So, ano?! What are we, Andrew? Roommates who cared for each other? Roommates who sleep together? Roommates who fuck each other?!" I licked my lower lips and tasted my tears... and my pain.
"Please... please, Aliyah. Give me a chance to explain... please," muling pagmamakaawa niya.
"E-Explain? Really? You had a year to explain 'us' but you chose to lie! Pinili mong magsinungaling araw-araw. Habang ako... pinilit kong piliin ka, against all of my doubts, against all of my fears... pinilit kong piliin ka... araw-araw."
Humigpit ang kapit ko sa upuan, habang patuloy pa rin sa paghikbi. Taas-baba ang aking balikat at parang wala na akong maiiyak pa. Durog na durog na ako ng mga sandaling 'to. Tuyot na tuyot na rin ang lalamunan ko.
"H-How... how could you!" Nagulat ako nang magawa ko pang isigaw 'yon. Nagpupuyos ang boses ko sa pinaghalong galit kay Andrew at awa sa sarili ko.
"Aliyah... I had to fake our marriage to—"
"Ayoko na!" my voice thundered. "Just don't say anything, please. Alam kong kasinungaligan na naman ang lalabas sa bibig mo. I'm... I'm so tired of all your lies. Ayoko na, Andrew!" Paulit-ulit siyang umiling at pilit na hinuhuli ang mga mata ko.
"I-I love you, Aliyah. Kahit 'yan na lang ang paniwalaan mo..."
"No... You'll never fool me again!" I declared with my firm voice. Parang na-estatwa siya na nanatiling nakatayo habang nakatikom ang mga palad at nakatuon lang ang tingin sa akin.
Huminga ako nang malalim at saka naglakad palabas ng opisina. Bago ako tuluyang makababa ng hagdanan ay nakita kong hinawakan niya ang dibdib niya at saka napaluhod sa sahig... sa mga bubog ng nabasag niyang baso kanina. Pero hindi man lang niya idinaing ang sakit no'n. Nakahawak pa rin siya sa dibdib niya habang lumuluha at pilit itinitayo ni Mayor.
Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang makababa ng hagdan at alisin ang tingin sa kaniya. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa malalim at paulit-ulit na paghikbi habang naglalakad. Paisa-isang hakbang. Nakakapit sa kahit ano'ng puwedeng kapitan. Hindi ito ang prinactice ko kanina. Hindi ko akalaing iiyak kami sa ibang dahilan.
Nang tuluyan akong makalabas sa munisipyo, nakita kong nagmamadaling bumaba ng sasakyan si Steph. Hingal na hingal siya nang makalapit siya sa akin. Patuloy pa rin ako sa paghikbi. Nakahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang pagtaas-baba nito, pero bigo ako.
"Li, what happened?" Hinawakan ni Steph ang nanginginig kong mga balikat.
"Let's just go, Steph..." mahinang usal ko.
Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok ko at tinitigan ang mga mata ko. Kitang-kita ko ang pagkaawa niya sa akin na mas lalong nagpaiyak sa akin. Natataranta niya akong inakay papunta sa sasakyan.
Akala ko kakalma na ako pag-upo sa sasakyan, pero hindi pa pala ubos ang mga luha ko. Napahagulgol na naman akong muli. Pinipilit ng mga nanginginig kong kamay na ikabit ang seatbelt ko, pero hindi ko 'yon magawa. Napansin 'yon ni Steph at siya na mismo ang nagkabit no'n.
"Li, ano ba'ng nangyari? Nasabi mo ba kay Andrew na buntis ka?" Umiling lang ako at hindi sumagot. Nakahawak ang isang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang pagkawala ng hagulgol ko. Ang isa naman ay nakayakap sa tiyan ko.
"Sorry, baby... sorry, panay ang iyak ni mommy..."
"My gosh, Li! Ano ba kasing nangyari?"
Napatingin ako sa side mirror at nakita ang reflection ni Andrew na mabilis na lumilinga-linga sa tapat ng munisipyo. Sigurado akong hinahanap niya ako. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kaunting dugo sa pantalon niya. Magulo rin ang buhok niya at halatang bagong iyak ang mga mata niya. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Lalo na no'ng kasunod na lumabas si Mayor Samuel na pinipilit siyang papasukin sa loob.
"Steph, let's go, please. Alis na tayo," pakiusap ko kay Steph habang tinitignan mula sa side mirror si Andrew.
"Okay, Li, alis na ta—" Natigilan si Steph nang mapansin niya si Andrew sa labas. Naglalakad na siya papalapit sa sasakyan namin. Mukhang nakilala niya ang sasakyan ni Steph.
"Li, 'yong asawa mo... bakit may dugo 'yong tuhod ni Andrew?" Halata ko ang pagtataka sa boses ni Steph pero umiling lang ako.
"Just fucking drive, Steph! DRIVE!"
Mabilis niya namang pinatakbo agad ang sasakyan. I felt guilty shouting at her. I felt guilty cursing. Tahimik lang siyang nagmaneho. Hindi na siya nag-usisa ulit tungkol sa nangyari kanina sa munisipyo. Napagod na rin ang mga luha ko pero namumugto na ang mga mata ko at sobrang sakit na rin ng ulo ko. Okay lang kaya ang anak ko? Muli akong napahawak sa tiyan ko. I can't be like this. I need to be strong for our—No. My baby.
Huminto si Steph sa tapat ng isang convenience store.
"Ano'g gusto mo? I'll buy some food. Baka nagugutom na ang inaanak ko," malambing niyang tanong sa akin na parang hindi ko siya nasigawan kanina.
Agad ko siyang niyakap kasabay ng paulit-ulit na 'Sorry'.
"Sorry, Steph. I'm really sorry..."
"Shh... okay na 'yon. Hormones lang 'yan. I-share mo na lang sa akin kung ano'ng nangyari kanina sa inyo ng asawa mo kapag ready ka na," malumanay niyang sabi sa akin habang inaalo ang likod ko.
Umayos ako ng pagkakaupo ko at saka bumuntong-hininga.
"Hindi ko siya asawa, Steph. Hindi ko asawa si Andrew." Halos mawalan ako ng boses habang sinasambit ang bawat salitang 'yon. Parang ayokong aminin kahit sa sarili ko na ang taong kasama ko sa iisang bubong, sa loob ng halos isang taon, ay hindi ko pala asawa. Hindi pala siya sa akin.
Nakita ko ang panlalaki ng mga singkit niyang mga mata. "A-ano?! Paano'ng hindi mo asawa si Andrew?" Kumunot ang noo niya.
"Pineke ni Andrew ang kasal namin," diretsong sagot ko.
Napasinghap siya. "Tang inang Andrew 'yan! Akala ko pa naman matino, hinayupak pala!" Hindi naman ako sumagot at nanatiling tahimik, pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadya nanamang kumawala mula sa mga mata ko. Fuck this!
Mukha namang napansin 'yon ni Steph dahil naramdaman kong hinawakan niya ang nakakuyom ko na palang mga kamay sa kandungan ko.
"B-Bakit, Li? Why did he do that?"
Maski ako ay hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na 'yan, Steph.
"Hindi ko alam... ayoko na rin malaman."
"Steph, p-paano na kami ni baby?" Akala ko naubos na ang mga luha ko pero may ilan pa ring pumatak kasabay ng tanong ko.
"Ano ka ba? I'm here! Nandito ako, ang daddy mo, sila Gail at Jasper... o si Marcus, sige na nga, isama ko na rin ang mokong na 'yon... kaming bahala sa inyo," nakangiting sagot naman ni Steph. Alam kong pinipilit niyang pagaanin ang loob ko.
"Kahit anong mangyari, hindi dapat malaman ni Andrew 'to, Steph."
"Of course, Li! Hindi niya kayo deserve, 'no?" Niyakap niya akong muli bago siya bumaba ng sasakyan para bumili ng pagkain.
***
Matagal akong nagpaikot-ikot sa kama ni Steph, pero hindi ako makatulog. Kahit pagod na ang mga mata ko, parang ayaw nilang pumikit. Kapag pumipikit naman ako, nakikita ko ang mukha ni Andrew. Ang mukha niya habang pinagmamasdan namin ang papalubog na araw sa Anawangin.
Ang sakit pa rin pala. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin, pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko sa kaniya, pagkatapos ko siyang mahalin nang buong-buo... hindi ko pala siya asawa. Ito na ba 'yong one last lie niya? Sobrang sakit naman.
Pinatay ko ang cellphone ko dahil ayokong ma-contact niya ako. Ayoko siyang makita. Ayokong marinig ang boses niya, pero salungat yata 'yon sa gusto ng anak ko. Akala ko hindi ako makatulog dahil sa naramdaman ko, but I was wrong. I can't sleep dahil wala si Andrew sa tabi ko... wala ang asawa ko... wala akong asawa.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top