Chapter 13 - New
Gumising sa akin ang amoy ng sinangag na niluluto ni Andrew sa kusina. Nag-unat ako ng mga braso at marahang bumangon sa kama. The sleeves of his shirt slowly brush through my shoulders. Oo nga pala, I'm wearing his shirt dahil pinunit niya ang pantulog ko kagabi. Napangiti na lang ako nang maalala 'yon at napahawak saglit sa mga labi ko.
"Good morning, baby!" malambing na bati sa akin ng asawa ko pagpasok ko sa bukana ng kusina.
"Good morning!" I responded as I dashed towards him. Hahagkan ko sana siya, pero isang mabilis na halik sa pisngi ko galing sa kaniya ang nagpahinto sa mga braso ko.
Nakahain na sa lamesa ang almusal; sinangag, vegetable omelette, tapa, at mainit na kape. Lahat ng 'yon ay si Andrew ang nag-prepare. This is new, may kape na. Dati, hindi niya ako pinagtitimpla ng kape.
"Can we, at least, tell Dad about... Tito Rod?" seryosong tanong ko habang hinahalo ang kapeng tinimpla ni Andrew.
"We can't do that, Aliyah," kontra niya, na ikina-buntong-hininga ko na lang.
"You know your dad. Kapag nalaman niya ang tungkol kay Tito Rod, he will surely do something. And I can't let that happen... baka masira ang plano ko." His deep brown eyes were serious. Akala ko hindi ko na ulit makikita na gano'n ka-seryoso ang mga mata niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko.
"P-Plano?" wala sa sarili kong bulong.
"Kailan mo pa nalaman na si Tito Rod ang—" Binitawan niya ang hawak niyang tinidor at hinawakan ang kamay ko.
He stared at me. "Please, baby, I will tell you everything... soon. Just... trust me, okay?" he said before placing a soft kiss on my hand.
"I'm just scared, Andrew. Pa'no kung may mangyaring masama sa 'yo dahil diyan sa ginagawa mo?" mahinang sagot ko, habang pilit na inaalis ang panginginig ng boses ko. Marahan naman siyang tumayo at naglakad papunta sa likod ng upuan ko.
"Hey... come here," malambing niyang bulong.
Tumayo ako at humarap sa kaniya. Maingat niyang hinigit ang mga braso ko para iyakap sa katawan niya. Iniyapos niya rin sa akin ang mga bisig niya. I could feel his comforting warmth. Nararamdaman ko rin ang mabilis na kabog ng dibdib niya hanggang sa unti-unting bumagal iyon.
"I'll be fine, Aliyah. You don't have to worry about me," he whispered, kissing the top of my hair.
Inangat ko ang ulo ko at tinitigan ang mukha niya. Bakas ko ang pagluluksa sa mga mata niya. Kahit na pinipilit niyang itago iyon sa mga nakangiti niyang labi, alam kong masakit para sa kaniyang malaman na ang sarili niyang tiyuhin ang nagpapatay sa ama niya. He even hated Santiago for it, turns out he's a victim too.
"I'm sorry if wala akong maitulong sa 'yo, Andrew. I can't imagine your pain right now. Hindi ko akalaing kayang gawin ni Tito Rod 'yon sa daddy mo.... at sa Daddy ko," hindi ko na napigilan pa ang panginginig ng boses ko. Nag-uumpisa na ring manubig ang mga mata ko.
He smiled wryly at me.
"You're doing more than just helping, Aliyah. You're keeping me alive."
Biglang pumayapa ang nagwawala kong puso dahil sa sinabi niya.
How can I ever doubt this man? How can I ever doubt this kind of love?
"I failed to save my father, pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa pamilya mo, Aliyah... sa pamilya natin." His jaw clenched.
"I will put Tito Rod behind bars," he continued.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at mas lalong humigpit ang yakap ko sa asawa ko. Hindi ko alam pero tuwing maririnig ko sa kaniya ang salitang pamilya, nagagalak ang puso ko. Pero ngayon ay may halong takot na rin. Nagsisimula pa lang kami ni Andrew. Isang bagong pamilya... at ayokong mawala ito sa akin. Natatakot akong mawala ito sa akin.
"Baby, please stop crying. Nanghihina ako kapag umiiyak ka," he whispered as he embraced me tightly.
"I'm sorry, iyakin talaga ako," I chuckled uncomfortably. Agad niyang pinunasan ang mga luha ko.
Lumunok ako at huminga nang malalim para pahintuin ang pag-iyak ko. Inhale... exhale... hanggang sa unti-unting napatid ang mga luha ko.
"B-bakit kaya nagawa ni Tito Rod lahat ng 'to?" tanong ko kay Andrew nang tuluyang kong mapakalma ang emosyon ko.
"I'm sure he killed my dad for money, para solohin ang yaman ng mga magulang nila... and maybe, because he hates Dad too." Ramdam ko ang pait sa boses niya.
"...And how about my dad? Bakit siya galit kay Daddy?" I asked softly.
"You know Aliyah, there's only one thing that would make a man go crazy..." Kumunot ang noo ko.
"What is that?" He looked at me intently while brushing my moist cheeks with his large hand.
"Love," he answered with certainty.
***
Marami ng customers sa Café Amor pagdating ko. Ibang-iba sa nakasanayan kong Huwebes ng umaga noong mga nakaraang buwan. Abala sila Jasper at Gail, pati na rin ang dalawang intern na nag-umpisa last month sa pagkuha at pag-serve ng mga orders. Si Steph naman ay nasa kitchen at nag-checheck ng mga supplies, sinisiguradong wala kaming magiging problema bago ang anniversary ng café.
"Ano yan, Li?" nagtatakang tanong sa akin ni Steph nang makita niya akong nag-fi-fill-out ng mga papel sa kitchen.
"Forms. I'm changing my last name... mag-rerenew na rin ako ng mga IDs ko," sagot ko sa kaniya habang patuloy sa pagsusulat.
"Wow! Talaga naman! You are now officially Mrs. Aliyah Tanya Romulo!" pang-aasar niya pa.
"Baliw! Matagal na akong Mrs. Romulo, no!" I said confidently.
"Yan! Gan'yan dapat!" Sabay humalakhak siya nang malakas.
"Dapat kasi sinampal mo sa babaeng labanos na 'yon ang marriage certificate niyo ni Andrew!"
"Malapit na Steph. Um-order na ako na ako sa PSA. Ipapa-laminate ko at isasampal ko talaga sa kaniya kapag nilandi niya pa ulit si Andrew!" Halos mag-echo sa buong kusina ang malakas na tawanan namin ni Steph. Mangilid-ngilid pa nga ang mga luha namin sa kakatawa.
Napatigil ako nang biglang natahimik si Steph at bumuntong-hininga. Itinaas niya ang dalawang braso niya at sinenyasan akong lumapit sa kaniya. Nagtataka man ay lumapit ako sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap.
"I'm so happy for you, Li, you deserved this happiness," nanginginig ang boses niya.
"Are you crying?" Natatawa kong tanong habang hinihimas ang likod niya. This girl, really.
"N-No, I'm not! Gaga!" singhal niya. Pero ramdam ko ang pagtulo ng mga luha niya sa balikat ko.
"I'm so happy ako for you! May dilig ka na every day!" dagdag pa niyang biro.
"Baliw! Ikaw nga riyan may taga-dilig na rin, e!" Agad siyang bumitaw sa yakap namin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tinitigan ang mga mata ko. Ito na yata ang isa pang problemang dadagdag sa listahan ko.
"Li, wala lang 'yong sa amin ni Jasper," seryosong paliwanag niya sa akin. Tumaas naman ang kilay ko.
"Wala naman akong sinabing si Jasper ha?" Napahagikgik ako. Natigilan siya at halatang nagulat sa sinabi ko. Lumaki ang mga singkit niyang mata at saka malutong na nagmura.
"Fuck you, Li! Fuck you talaga!" sigaw niya sa akin habang natatawa.
***
Tahimik na lumipas ang dalawang linggo. Patuloy na tumataas ang benta ng Café Amor at patuloy na naging maayos ang relasyon namin ni Andrew. Pero nakakatakot na lumipas lang nang tahimik ang dalawang linggong 'yon. I don't like that kind of peace. Kinakabahan akong pagkatapos nito ay may sasalubong sa amin na malaking unos.
Araw-araw akong sinusundo ni Andrew sa café para raw sa safety ko. Araw-araw din siyang may kausap sa cellphone niya tuwing hapunan na hindi ko puwedeng marinig. Hinayaan ko na lang din dahil nagbitaw ako ng salita sa kaniya. Hihintayin ko hanggang sa birthday ko ang katotohanan niya. I will not meddle with his plans. I will not ask questions. I will focus on the café. I will never doubt him. I will trust him... again.
"Are you cooking squid? For breakfast?" nagtatakang tanong ni Andrew na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Mahimbing pa ang tulog niya kanina bago ako bumangon.
Pinahinaan ko ang apoy ng kalan at humarap ako sa kaniya. "Yes, adobong pusit. Ayaw mo ba?"
Ginulo niya nang bahagya ang buhok niya bago sumagot sa tanong ko. "Baby, bawal ka sa squid. Allergic ka sa pusit, 'di ba?"
"Hindi naman ako kakain nito. Ikaw lang," malambing kong balik.
"What do you mean?" punong-puno ng pagtataka ang boses niya.
"Gusto ko lang makita kang kumakain ng adobong pusit!" masigla kong sagot sa kaniya.
"Then, you'll tell me kung masarap o hindi. Basta, gusto ko lang makitang nakain ka ng pusit, please..." I flashed a smile on my face.
Kumurap-kurap siya na parang bang naguguluhan sa mga sinabi ko.
"That's weird, baby," he said as he ruffled his hair again.
"I don't know. Ilang araw ko na kasing gustong kumain ng pusit. Hindi naman ako puwede. So pleaseee... can you do it for me, baby?" malambing kong tanong sa kaniya kasabay ng pagkapit sa braso niya. Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago niya kinurot ang mga pisngi ko.
He chuckled and planted a soft kiss on my forehead. "Okay. What my wife wants, my wife gets," he said, smiling at me.
Maingat kong inalagay ang adobong pusit sa gitna ng lamesa. Nagpalaman lang ako ng peanut butter sa tinapay at nagtimpla ng kape para sa sarili ko. I don't like eating rice these past few days. Ewan ko ba! Basta, ayokong kumain ng kanin o ng amoy ng sinaing.
Pinanood ko si Andrew nang dahan-dahan niyang nilapit ang kutsara sa bibig niya. Para akong tangang nakaabang sa reaksyon niya. Nang makita kong ngumiti siya ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. I've never cooked squid my entire life, ngayon lang. It's weird na ngayon ko lang ginustong magluto no'n.
"Ang sarap!" His deep brown eyes widened with pure delight.
"Talaga? You're not joking?" I bit my lower lip while smiling.
"I'm not joking. Lahat naman ng niluluto ng asawa ko, masarap!" Gumuhit sa mukha niya ang isang maaliwas na ngiti.
His smile must have hit something in my heart. Parang natunaw ang puso ko.
And the way he called me... Asawa ko? Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko. I don't know if it made me cringe or happy. Hindi ko alam, but it made me cry. Like a baby. Napatayo si Andrew mula sa kinauupan niya, halatang nag-panic dahil sa biglang paghagulgol ko.
"Hey... what's wrong?" nag-aalala niyang tanong habang yakap-yakap ako.
"I don't know... I just felt like crying," I answered in between my chuckles and sobs.
"My baby's being weird today," he whispered as he brushed my hair with his hand.
***
Ayaw akong papasukin ni Andrew sa Café Amor sa hindi ko ma-gets na dahilan. Pero nagpumilit pa rin ako dahil may mga aasikasuhin pa kami sa cafe para sa anniversary. Tuloy pa rin ang bulk orders ni Mr. T—ni Daddy—sa café. Pero hindi na si Andrew ang naghahatid noon sa AHG, pinapakuha na mismo ni Daddy sa staff niya.
Walang pinagkaiba ang araw na 'to sa mga nakaraang araw maliban sa itim na motorsiklo na tatlong beses na yatang dumadaan sa harap ng café.
"Napansin mo 'yon?" tanong ko kay Gail na bising-busy sa pagtitimpla ng order ng customer sa Table 2.
"Po? Ma'am Lia?" lutang na tanong niya naman pabalik.
"'Yong motor na black, parang tatlong beses nang dumadaan 'yon?"
"Sorry Ma'am Lia, hindi ko po napansin," nahihiyang sagot ni Gail.
Napabuntong-hininga na lang ako sa naging sagot niya. Magaling na barista si Gail, pero minsan talaga parang lumilipad ang isip niya. Napakamot ako sa sentido ko; nagkamali yata ako ng pinagtanungan.
Kagaya ng ibang araw, sinundo ako ni Andrew sa café. Hindi ko na sinabi sa kaniya ang tungkol sa motorsiklo kanina dahil ayokong madagdagan pa ang mga iniisip niya.
We made it to the grocery store an hour before it'll close. Gustong-gusto ko kapag naggo-grocery kami ni Andrew. I don't know, but there's something about doing these mundane chores together that makes me truly feel like we're a couple. It's a Friday night too. Kung dati ay kinakabahan ako kapag Friday, dahil matutulog kami sa iisang kuwarto, ngayon, iba na ang 'tradition' namin kapag Friday. We watch movies together while eating pizza and drinking some beer or soju or wine... whichever we like.
Tinititigan ko lang si Andrew na mariing tinititigan ang liquor shelf sa harap niya. Makalipas ang ilang segundo, dinampot niya ang dalawang bote ng soju. Aabutin ko na rin sana ang isang bote ng red wine pero bigla akong natigilan nang mag-notify sa cellphone ko ang isang text message.
'Your appointment with Dra. Matias has been confirmed'
Biglang nanuyo ang lalamunan ko. I set up an appointment to check for contraceptives, pero these past few days, Andrew and I had been so... active. Napalunok ako. Shocks! Natataranta kong binuksan ang app na pina-install ko kay Steph months ago.
Fudge! Nanlamig ang mga kamay ko sa bumungad—'13 days late'.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa nabasa ko. Delayed na ako ng thirteen days?! Huminga ako nang malalim at mabilis na itinago ang cellphone. Ayokong mahalata ako ni Andrew na halos katabi ko lang. I'm not going to tell him unless I'm a hundred percent sure. Ayokong bigyan siya ng false hope. Plus, he's leaving in a few days for an important business meeting with a new client. Baka hindi siya makaalis kapag nalaman niya 'to.
"Are you okay, Aliyah?" Napaigtad ako sa biglang tanong ni Andrew sa akin habang nagmamaneho pauwi ng condo.
"Ahh... y-yes. O-Okay lang ako," nauutal ko pang sagot. Ngumiti ako sa kaniya pero parang hindi naman siya nakumbinse dahil nakita kong gumusot ang mukha niya habang nakatutok ang atensyon sa kalsada.
"Are you sure, Aliyah? You're just too quiet..."
"Ah... inaantok lang ako." Nagkunwari pa akong humikab para hindi niya mahalata ang pagsisinungaling ko.
"I see... wala ka bang nagustuhang wine do'n sa store? Gusto mo i-check natin dito sa—"
"No! I said I'm fine! Ayoko lang mag-wine tonight!" He glanced at me, looking shocked by the sudden rise in my voice.
I cleared my throat, "I'm fine with sparkling water."
He exhaled softly. "Okay, baby," he answered with a small smile on his face.
***
Tinulungan kami ni Mang Ed na ibaba ang mga pinamili namin. Hindi pa kami natatapos nang bigla kaming natigilan ni Andrew nang mapansin namin ang isang motorsiklong tila humaharurot papalapit sa amin.
My eyes widened when I realized that it looks exactly the same as the black motorcycle from earlier. Hindi ako puwedeng magkamali dahil tatlong beses iyong nagpabalik-balik sa café kanina. Pero kanina, isa lang ang sakay nito. Ngayon, may sakay na itong isa pa. Pareho silang naka-facemask at naka-helmet, kaya hindi maaaninag ang mukha nila. Nakasuot din sila pareho ng jacket, ang isa ay maong at ang isa naman ay leather.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong may hinugot ang backride sa tagiliran niya. A GUN! A small gun! Napatingin agad ako kay Andrew, nanlalaki ang mga mata niya at parang nawalan ng kulay ang mukha niya. Tinulak niya ako papasok ng sasakyan. Halos mapahiga ako sa passenger seat sa lakas nang pagkakatulak niya sa akin.
Napapikit ako nang marinig ko ang dalawang magkasunod na putok ng baril. Mas lalo akong napapikit nang marinig ang mabilis na harurot ng motor, ang tili ni Claire, ang malutong na mura ni Mang Ed, at ang sigaw ng ilang mga taong nasa lobby. Parang ayoko nang dumilat. Parang ayoko nang dumilat dahil baka kung ano'ng makita ko. Pero napabalikwas ako nang marinig ko ang sigaw ni Claire...
"Si Sir Andrew!"
Nakita kong nakasandal si Andrew sa pinto ng lobby at hinahapo. Hindi ako makababa ng sasakyan, parang matutumba ako kapag tumayo ako. Naglakad papalapit sa akin si Andrew at nanlilisik ang mga mata niya. Nakakatakot ang mga mata niya. Hindi lang ang mga mata niya... ang buong itsura niya.
"Baba, Aliyah!" Nagitla ako sa sigaw niya.
"W-What?" my voice was shaking.
"Baba! Susundan ko sila!" Halos tumagos ang tingin niya sa akin. Hindi ako makapagsalita. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon lang ako natakot kay Andrew.
"No! Please, calm down..." paki-usap ko sa kaniya, habang nakatitig sa mga mata niyang nag-aapoy sa galit.
"No, Aliyah! They were after you!" he said with his furious voice.
"Andrew, I'm okay. But you..." Napasinghap ako. Napahawak ako sa bibig ko nang mas makita sa malapitan ang itsura ni Andrew.
"You've been shot..." Nanginginig ang mga kamay kong itinuro ang kanang braso niyang walang tigil sa pagdurugo.
Nilingon 'yon saglit ni Andrew pero parang balewala lang sa kaniya 'yon. Hinawakan niya ang mga nanginginig kong kamay at isinampay niya ang mga 'yon sa batok niya para yakapin ako.
"I'm sorry... I shouted, I'm sorry baby," he said with his breaking voice.
"Andrew, may tama ka... please, let's just go the hospital," naiiyak kong pagmamakaawa sa kaniya habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya at pilit na tinitignan ang nagdurugo niyang braso.
"Daplis lang 'yan. Let's just hug first... akala ko... hindi na kita mayayakap."
Akala ko rin. Akala ko rin kanina pagmulat ko wala na siya. Humahagulgol akong nakayakap sa kaniya. Unti-unting pumapatak sa damit ko ang dugo niya habang unti-unti namang nababasa ng mga luha ko ang suot niya. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit na yakap-yakap na ako ng asawa ko. Pero mas matindi ang panginginig ng mga kamay niya... hindi ko lang alam kung dahil sa takot o dahil sa galit.
***
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nila Steph at ni Daddy nang bumisita sila sa amin ni Andrew sa ospital. Mahigpit akong niyakap ni Daddy at paulit-ulit niya akong tinatanong kung ayos lang ba ako. Paulit-ulit lang din akong tumango at nagsinungaling sa kaniya. I don't want him to know kung gaano ako katakot sa posibleng mangyari sa amin pagkatapos nang gabing 'yon.
"Tanya, pababalikin ko ang security mo," halata ko ang pag-aalala sa boses ni Daddy.
"I can also do the same for you, son," dagdag pa niya kasabay ng mabigat na tingin kay Andrew na nakaupo sa hospital bed niya.
"You don't need to do that, Dad, I'll be fine... kay Aliyah na lang po," my husband responded.
Naramdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Steph na nakatayo sa tabi ko sa may paanan ng kama ni Andrew. She held my hand tightly.
"Ikaw, Li? Okay ka lang ba talaga, Li? Wala bang masakit sa 'yo?" usisa niya habang tinititigan ang mukha ko.
"Yes, Steph. I'm fine." Ngumiti ako sa kaniya. "I'm really fine," dugtong ko. Pinipilit na itago ang takot sa boses ko.
"Pinapaimbestigahan ko na 'yong riding-in-tandem... pinapa-check ko lahat ng CCTV near the area." Kalmado ang boses ni Daddy. Kahit papaano, nabawasan ang takot ko sa mga sinabi niya. Andrew's right, kapag nalaman ni Daddy na si Tito Rod ang may kagagawan ng lahat ng 'to, he will do something. He will not stop, and it might ruin Andrew's plans... whatever they are.
"Sino po kayang gagawa nito? Patay na si Santiago..." tanong ni Steph kay Daddy.
"Hindi ko rin alam, hija. But in my years in the business, I know I've gained a lot of enemies," Dad answered firmly.
"Ang lakas naman po makababae ng hija niyo, Tito! Steph na lang po!" biro ni Steph kay Daddy, na nagpahagikgik sa amin ni Andrew.
***
Isang araw lang ang inilagi ni Andrew sa ospital. Mabuti at daplis lang talaga ang sugat niya. Stitches at kaunting pahinga lang ang kailangan at nakauwi na rin kami kaagad.
Tumuloy pa rin si Andrew sa business trip niya na parang walang nangyari. Gusto ko siyang pigilan ng araw ng pag-alis niya. Parang hindi ko kayang hindi siya makita ng ilang araw.
"Hindi mo ba talaga puwedeng i-reschedule 'tong business trip mo?" pang-ilang tanong ko na ata 'yon sa kaniya, habang inaayos ang collar ng polo niya.
"I'm sorry, baby. Nakakahiya sa kaibigan ni Samuel, he's a busy person too," sagot niya sa akin.
Ikinulong niya ang mukha ko sa mga mainit niyang palad. "Don't worry about me, Aliyah. I'll be back before you miss me," he said tenderly. He then planted a soft kiss on my lips.
"I-I miss you already," mahinang sagot ko.
He chuckled, "Mabilis lang 'yon. Three days lang. Basta, promise me, hindi ka aalis ng condo at ng café ng hindi kasama ang security mo. Lock the doors, okay?" Yumuko siya nang bahagya para magpantay ang mata namin. Para akong bata na binibilinan, na tango lang nang tango at sumasang-ayon sa lahat ng sinasabi niya.
***
Sinunod ko ang lahat ng bilin ng asawa ko. Wherever I go, nakasunod sa akin si Morgan at Jam, ang mga bodyguards ko, kahit sa loob ng café. Kahit pa sa loob ng kitchen sa loob ng café.
"Ma'am Lia, may naghahanap po sa inyo sa labas," tawag sa akin ng isa sa mga intern namin.
"Sige, lalabas na rin ako." Ipinatong ko ang tray ng muffin sa cooling rack. "Papalamigin ko lang 'to..."
Paglabas ko sa kitchen ay sumunod din sa akin si Jam, ang babaeng bodyguard ko. Napaatras ako nang bahagya nang makita ko kung sino ang naghahanap sa akin. Si Marcus. Nakaupo siya sa dati rin niyang inupuan no'ng huling beses kaming nag-usap dito.
Alam kaya niya ang tungkol sa daddy niya? Kinabahan ako nang sumagi 'yon sa isip ko. Pero kaibigan ko si Marcus. He may have done stupid things in the past, but I know he will never hurt me.
"Jam, samahan mo muna si Morgan sa labas. I'll be fine here," utos ko.
"Okay po, Ma'am Lia," mabilis niyang sagot, kasabay din nang mabilis niyang paglalakad para lumabas ng café.
Dahan-dahan akong umupo sa harap ni Marcus. Umuuga nang kaunti ang lamesa dahil sa pagkukuyakoy niya. Parang kinakabahan siya.
"Why are you here?" diretsong tanong ko.
"I'm sorry, I know no'ng huling beses tayong nagkita... nakagawa na naman ako ng katangahan," huminga siya nang malalim at saka tumigil sa pagkukuyakoy.
"That's it? Okay na 'yon. You can leave, Marcus," masungit kong balik sa kaniya.
"No, I'm here b-because... because I need to warn you a-about Andrew," he said, slightly stuttering.
"Ito na naman ba tayo, Marcus? Are you here para siraan na naman ang asawa ko?" pero hindi siya sumagot. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.
"Please not now, Marcus. Masakit ang ulo ko ngayon! Ang dami kong iniisip!" singhal ko.
"Lia, alam ko na kung bakit ka niya pinakasalan. I know he wasn't really your boyfriend. I know your deal with him... pero alam mo rin ba ang deal niya with Papa?" Agad na kumunot ang noo ko.
Nanginginig ang boses niya pero hindi siya nagsisinungaling. Bigla akong dinalaw ng kaba dahil hindi siya nagsisinungaling.
May deal si Andrew with Tito Rod? The person who's after my family? The person that killed his father?
Napahawak ako sa sentido ko dahil parang mas lalong sumakit ang ulo ko.
"A-ano'ng deal with your d-dad? Ano'ng pinagsasabi mo, Marcus?"
Napaawang ang mga labi ko nang napatayo siya bigla. May sinasabi siya, pero hindi ko maintindihan. Tumayo na rin ako para kumuha ng tubig, thinking that it might ease the throbbing pain in my head. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa upuan ko ay parang biglang sumayaw ang sahig. Wala akong marinig. Umiikot ang buong café sa paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko. Humakbang ako ng isa, then everything went dark.
***
Nagising na lang ako sa ospital. Nakaupo si Steph sa tapat ng kama, sleeping. I slowly sit on the bed. Napatingin ako sa bintana. Malapit nang magdapit-hapon dahil kulay kahel na ang langit. Wala na ang sakit ng ulo ko, siguro dahil kulang lang ako sa pahinga.
"Shit, Li! Pinag-alala mo ako!" Nagulat ako nang mahigpit akong niyakap ni Steph.
"What happened, Steph?" tanong ko nang pakawalan niya ako sa mahigpit na yakap niya.
"Nahimatay ka sa café. Buti na lang nga nasalo ka ni Marcus."
"S-Si Marcus? Nasa'n siya?" Napahawak ako sa sentido ko. "I remember that he's about to tell me s-something..."
"Ayon..." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Steph. "Nagmamadaling umalis! Galit na galit sa asawa mo. Hahanapin niya raw si Andrew."
Kumunot ang noo ko. Si Andrew?
"W-What? Bakit daw?"
"Walang-hiya raw si Andrew, sinungaling daw si Andrew. Tapos... " Napahinto si Steph. Dinampot niya ang mga kamay ko at mahigpit niyang hinawakan ang mga ito.
"Tapos ano, Steph?"
"Tapos... ang kapal daw ng mukha ni Andrew na gawin niya sa 'yo 'yan..."
"Ha? Gawin ang ano?" nalilito kong tanong.
"You're pregnant, Li..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. "W-What?!"
Napalunok ako at biglang napahawak sa tiyan ko. Sabi ko na nga ba. This explains why I wanted to be with Andrew. I'm craving for him. I'm pregnant with his child. I'm pregnant with our child.
My tears began to flow. "S-Steph, I'm pregnant? I'm going to be a m-mom? Magkaka-anak na kami ni Andrew!" My voice trembled as I sobbed with joy.
"Yes, Li. And you're going to be a great mom!" Steph declared tearfully.
"Stop crying, Li. Mula ngayon, bawal ka nang umiyak, okay?" malambing niyang sermon sa akin habang mahigpit akong yakap-yakap.
"Okay, Ninang Steph," sagot ko. At mas lalo pang humigpit ang yakap niya.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top