Chapter 11 - Home
How did we end up on the bed again? Parang kanina lang ay nagtatawanan pa kami sa kusina, ah?
Pero ngayon ay malambing na hinahalikan ni Andrew ang balikat ko habang nakasandal ako sa kaniya. Parang nakukuryente pa ako sa bawat paglapat ng labi niya sa balat ko. Paano ko ba pipigilan ang mga susunod na mangyayari kung kahit ako mismo ay parang ayaw pang lumabas ng kuwarto? Gusto ko lang manatiling nakakulong sa mga bisig niya; walang ibang bumabalot sa katawan kundi ang yakap niya. Naliliyo na naman yata ako.
Naramdaman ko na lang ang paglipat ng mainit niyang labi sa likod ng tainga ko.
"Sorry... I was not able to stop myself again," he whispered in my ear.
"We need to eat, An-drew." Hirap na hirap akong bigkasin ang iilang salita na 'yon dahil sa ginagawa niya sa akin.
"Right... we need to eat, para may energy tayo later," he said with his bedroom voice.
Later? Napalunok ako at mariing napapikit. Mabilis akong umalis mula sa mga bisig niya. Itinakip ko ang kumot, na nahulog na pala sa sahig sa aking katawan at naglakad palayo sa kama. Hindi malayong magkatotoo ang biro ni Minda noon kung palagi kaming ganito—kung ilang beses naming paulit-ulit na gagawin 'to.
"Andrew, let's just eat, please. And... huwag muna tayong mag... mag... something for today," nahihiya kong sabi sa kaniya. Kitang-kita ko naman ang pagsibol ng ngiti sa mga labi niya.
"Something? Ano'ng something 'yon, baby?" mapang-asar niya pang tanong, kahit na alam naman niya ang tinutukoy ko.
"Sex, Andrew. Let's stop having sex," diretsong sagot ko sa kaniya.
I saw him smirk before responding, "Oh? Making love, you mean?"
Marahan siyang bumaba ng kama. Mabilis niyang isinuot ang boxer brief niya at naglakad papalapit sa akin.
I wanted to step away from him, but my body is betraying me. I just stood still, hinihintay na makalapit siya sa akin. Sigurado akong kaunting dikit lang ng mga balat namin ay makukuryente na naman ako at baka kung saan na naman kami mauwi. We just arrived here yesterday, and we already did that thrice! Ni wala pa nga kaming dalawang araw dito sa Zambales!
"Why do you want us to stop? Akala ko babawi tayo sa isa't-isa dahil almost one-year late ang honeymoon natin?" he asked, his fingers tracing circles on my arms.
Hindi ako sumagot. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot at umupo ako sa gilid ng kama. Wala sa sarili akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga na mukhang ikinabahala niya dahil bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko.
"Did I hurt you? I'm sorry, baby. I should have been gentler." I can sense regret in his voice—the last thing I wanted him to feel. Ayokong pagsisihan niya lahat ng nangyari sa amin, because, for me, it was the best thing that ever happened.
"N-No, you didn't! It actually feels like... h-heaven. Kinakabahan lang ako," I uttered as I stared directly at his deep brown eyes. I saw him smile a bit.
"Kinakabahan ka? Saan?"
"W-What if I get pregnant?" Namilog ang mga mata niya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko, pero hindi siya umiwas ng tingin sa akin. Mas lalo niya akong tinitigan.
"Then, I'll be the happiest man on Earth!" He answered with a big radiant smile on his face.
Halos matunaw ang puso ko sa naging sagot niya. Ang malamang mahal niya ako at pauli-ulit niyang iparamdam iyon sa akin ay parang sobra-sobra na, pero may mas hihigit pa pala roon—ang malamang gusto niya ring bumuo ng pamilya kasama ako.
Marahan niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa maugat niyang kamay. He gently caressed my ring finger while staring at me.
"But... if you want us to slow down, Aliyah, I will," he softly said with his low and manly voice. Ngumiti ako bago ipatong ang ulo ko sa balikat niya.
"Pag-uwi natin sa Manila, I'll ask my OB for contraceptives. Masyado pang magulo ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag may mangyaring masama sa atin o sa magiging baby natin." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko hanggang sa pinagsalikop niya ang mga daliri namin.
"I understand. We'll be careful next time. We'll slow it down. But you don't have worry, hinding-hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa pamilya ko, lalong-lalo na sa 'yo."
Hindi ko alam kung paano niya nasabi 'yon nang punong-puno ng kasiguraduhan at lambing. Pamilya. Alam kong kahit dalawa pa lang kami ni Andrew ay matagal ko na siyang itinuring na pamilya. He is the only thing that I can ever call mine. He is mine. My husband. My home.
Humarap ako sa kaniya at napansin ang kakaibang kinang sa mga mata niya. Saglit akong natigilan nang maingat niyang hinalikan ang aking mga labi. Nang pareho naming maramdaman na tila lumalalim na ang halik namin ay agad kaming natigilan at pareho kaming napangiti.
***
For the first time, after almost a year of being together, hindi kami tahimik sabay kumain ni Andrew. Patay ang TV. Hindi kagaya noon na kailangan niyang buksan 'yon just to cover the silence between us. Walang ibang ingay sa labas kundi ang huni ng mga ibon at ang tilaok ng mga manok ng kapitbahay.
"How was it?" Nakangiti niyang tanong, kinakumusta ang niluto niyang almusal. Malamig na ang kanin at hindi na rin crispy ang bacon pero masarap pa rin ang scrambled egg.
"Masarap! masarap 'yong itlog mo," walang kamali-malisya kong sagot.
"What?!" Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Sabi ko... masarap, hindi maalat 'yong itlog mo!"
"What?! Aliyah?" Nakahawak na siya sa sentido niya at marahan pang ginulo ang buhok niya. Mas lalong kumunot ang noo ko nang mapansin na namumula ang kaniyang tainga. Ano'ng nangyayari sa lalaking 'to?
"Please, baby, 'wag mong dugtungan ng 'mo'... unless you wanted to... "
Naibuga ko ang kapeng iniinom ko dahil sa sinabi niya.
"NO! OF COURSE NOT!" Pinandilatan ko siya ng mga mata, pero isang malakas na tawa lang ang isinagot niya. This man, really!
"I'm just joking baby," nakangisi niyang sagot. Tumayo siya at kumuha ng basahang pamunas sa naibuga kong kape.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa biceps niya habang pinupunasan niya ang lamesa. Parang may kung ano'ng lumilipad sa sikmura ko. Naramdaman ko pa ang mabilis na pagtambol ng puso ko at parang pinagpapawisan pa ako ng malamig. Calm yourself down, Lia! Paano ko ba pipigilan ang sarili ko kung ganito ang nakikita ko? Halos makagat ko na ang labi ko.
"Stop staring, miss. Baka magalit asawa ko." Agad akong napatuwid ng upo dahil sa gulat.
"Baliw!" singhal ko.
So, alam niyang tinititigan ko siya? Kaya pala parang medyo fi-ne-flex niya 'yong biceps niya. Slow down. I reminded myself. Tumayo na ako para ilagay na sa lababo ang mga pinagkainan namin. Naramdaman ko namang nakatitig siya sa akin habang naglalakad ako palayo sa kaniya.
"Stop staring, architect. Baka mapatay ka ng asawa ko." That's when I heard him laugh so loud. Seconds later, I suddenly felt his long, hard arms wrapping around my waist.
***
Pagkatapos naming mag-almusal, tumungo si Andrew sa bayan para mag pa-gas at mamili pa ng ibang kulang naming supplies. Ako naman ay nagpatuloy sa paglilinis ng bahay. Hindi kalakihan ang bahay ng mommy niya—isa lang ang kuwarto at banyo, masikip ang kusina, at maliit ang sala—malayong-malayo sa condo ni Andrew sa Manila. It's weird, but this feels more like home than that spacious condo.
Umupo ako saglit para magpunas ng pawis at magpahinga. Napansin ko ang isang photo album sa ilalim ng lamesa sa sala kaya kinuha ko 'yon. Pagbuklat ko ay tumambad sa akin ang childhood pictures ni Andrew. Si Andrew na nasa playground, si Andrew kasama ang parents niya sa beach house sa Batangas, si Andrew na kumakain ng donut katabi ang daddy niya at si Tito Rod.
"Wait, what?!" Natigilan ako sa paglipat ng mga pahina nang mapansin ko ang coffee shop sa likod nila Andrew. Doon sa picture kung saan niya kasama ang daddy niya at si Tito Rod.
"Coffee shop 'to ni Mommy! Nakapunta na siya dati ro'n?"
'La Vida Dulce' Iyan ang signage na nakalagay sa coffee shop sa picture. Iyan ang dating pangalan ng Café Amor. Napaisip ako bigla kung nagkita na ba kami rati ni Andrew. Nakakatuwang isipin kung gano'n.
Nang muli akong naglipat ng pahina ay mabilis na naagaw ang pansin ko ng isang picture—ang batang si Andrew na naka-costume ng talong. Siguro ay para sa Nutrition Month sa school. Halata pa ngang pilit ang ngiti niya roon. Halatang ayaw maging talong. Hindi ako nakatiis at kinuha ko 'yon. Souvenir mula sa maliit na bahay na ito sa Zambales.
Tumawag ako kay Steph para kamustahin ang café at para na rin mabawasan ang pag-aalala niya. Kagabi pa siya text nang text pero hindi ko nagawang replayan dahil sa sobrang busy.
"Li! Mabuti naman at nagparamdam ka! Malapit na akong magpatawas para lang mahanap ka!"
Natawa ako sa bungad niya. As usual, her energy lifts me up.
"Sorry, Steph, hindi agad ako nakapag-update. Kumusta kayo riyan sa café?"
"We're all okay. Weird lang kasi may security from AHG dito na pababalik-balik since last night." Napaisip ako doon, pero bigla kong naalala ang sinabi ni Daddy bago kami umalis ng Manila
"Ah, don't worry. Ipinadala 'yan ni Dad," I said in my cheerful tone.
"Bakit? Ano bang meron, Li? Saka nasa'n ka ba? Are you with Andrew?" I could sense the mix of concern and curiosity in her voice.
"I'm sorry, Steph, pero hindi ko puwedeng sabihin kung nasa'n kami ni Andrew." I responded calmly. "But don't worry, we're safe! May kailangan lang ayusin si Daddy and then puwede na kaming bumalik diyan sa Manila," I tried to sound as bubbly as possible to ease her worry.
"Related ba 'yan sa bumaril kay Tito Alejandro?"
"Ah... yes, pero 'wag ka mag-alala, Steph. For sure, ilang araw lang kami rito," I answered with my comforting voice. Ayoko nang dagdagan pa ang stress niya mula sa mag-isang pagma-manage ng café.
"Naku, riyan muna kayo! Pahupain niyo na lang din muna 'yong kay Bianca. Ang daming pictures online galing doon sa photo shoot!" Pinatunog niya ang dila niya. "Sabihan mo lang ako, Li, papakulam ko talaga 'yong babaeng labanos na 'yon!" Galit niya pang singhal na ikinatawa ko.
Oo nga pala. Halos nawala na sa isip ko ang nangyari sa photo shoot. Natabunan na ang selos at galit ng ibang pakiramdam simula nang dumating kami rito sa Zambales.
"Steph, that's the last thing you have to worry about. Wala lang 'yan si Bianca. Okay kami ni Andrew. Okay na okay!" I said, smiling to myself.
"Hmm... parang ang saya mo, Li, ha? Ano'ng ganap?" Napapikit ako nang magka-ideya sa mga posibleng itanong niya, at sa mga bagay na maisasagot ko.
"W-Wala, Steph! Walang ganap." Kahit na kinakabahan ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Nakangiti ka eh... feeling ko nakangiti ka. Happy ka eh... WAIT! TANG IN—"
"Steph!"
"Tang ina! May nangyari na sa inyo, 'no? Nadiligan ka na, 'no?" Halata ang excitement sa boses niya. Uminit ang pisngi ko. Ni hindi ko nga alam kung aamin ba ako sa kaniya o hindi. Pero dahil kaibigan ko siya at hindi ako sanay na magtago ng sekreto sa kaniya...
"Yeah... " nahihiya kong usal. Makalipas ang ilang segundo ay narinig ko ang malakas na pagtili niya. Muntik na ako mabingi!
"Congrats! Sa wakas! Happy na ang pechay mo, Li!"
Halos mag-echo pa nga ang halakhak ni Steph. Ito talagang babaeng 'to, ang gaspang ng bibig! Pero aminin ko man o hindi, sobrang napagaan ni Steph ang loob ko. At kahit alam kong problema ang uuwian namin sa Manila, excited pa rin akong umuwi dahil miss ko na rin sila. Miss ko na ang Café Amor.
"Steph, ano ka ba? Mamaya may makarinig sa 'yo riyan!" Saway ko sa kaniya, pero tuloy pa rin ang pagtawa niya.
"Sige na, baba mo na 'to. Magtrabaho ka na, Steph!" dagdag ko.
"O sige, kuwento mo na lang din sa 'kin pag-uwi mo!" Halata ko pa rin sa boses niya ang saya.
"Bye Steph, I miss you!"
"I miss you too, Li! Pasalubong ko ha?"
"Ano'ng gusto mong pasalubong?"
"INAANAK!" malakas niyang sagot bago tuluyang patayin ang tawag. Mahina akong napabungisngis sa huli niyang sinabi.
***
Maya-maya pa'y dumating na rin si Andrew bitbit ang mga pinamili niyang gulay, prutas at ilang de lata. Binuksan ko ang isang plastic ng pinamili niya, nakita ko roon ang isang dilaw na one-piece swimsuit.
"Magsi-swimming tayo?" tanong ko sa kaniya habang sinisipat ang binili niyang swimsuit para sa akin.
"Ah, yes. Bukas, pupunta tayo sa Anawangin Cove. We can stay there for two days and one night, para naman makapag-relax tayo. I don't want you to worry too much," he said, fixing his gaze on me. He's smiling with his dimples showing.
Parang biglang tumalon ang puso ko. Ilang buwan na rin ang lumipas nang huli akong nakapunta ng dagat. Hindi kami lumangoy ni Andrew doon sa beach sa Batangas, pero iba ang gabing 'yon. Iyon ang gabing pinagsaluhan namin ang malalim na halik na nagpaiyak sa akin, sa hindi ko malamang dahilan—pero ngayon, parang alam ko na.
"Thank you, baby!" I exclaimed. Kusa ring pumulupot ang mga braso ko sa baywang niya.
Agad din naman akong kumalas sa yakap na 'yon. Slow down. I thought to myself.
Nakatitig lang sa akin si Andrew at malambing niyang pinalandas ang mga daliri niya sa pisngi at sa mga labi ko. Kitang-kita ko rin ang paggalaw ng lagukan niya nang lumunok siya.
"Fuck! This is so hard!" Saglit akong napapikit dahil sa malutong niyang pagmumura.
"It's so hard to resist you, Aliyah. You tempt me just by breathing."
His voice almost sounded like a whisper, but it was clear to me. I knew what he meant. I knew how he felt. Pareho lang kaming mahina pagdating sa isa't isa. The next thing I knew, I am softly kissing his lips. Sinikap kong gayahin ang unang halik niya sa akin no'ng birthday niya—soft, gentle, and delicate. Just enough to taste his lips.
Ako ang unang pumutol sa halik na 'yon. Initiating this kind of intimate act is new to me. I can even feel my cheeks burning right now. I smiled at him and caressed his face, which made him close his eyes, like he's appreciating the warmth of my touch.
"How about that, Andrew? I can kiss you like that every day, if you like? Pero... gano'ng halik lang muna ha?" nakangiti kong sabi sa kaniya.
He gave a small chuckle before opening his eyes and answering, "Puwede bang every hour instead of every day?" he asked with his puppy eyes.
"Pag-iisipan ko," I answered teasingly.
***
Nag-umpisa na akong maghanda ng pananghalian namin at sinigang ang naisip kong lutuin.
"Can you teach me how to cook, Aliyah?" Andrew asked suddenly. Nakasandal siya sa counter at pinapanood akong maghiwa ng karne at ng mga isasahog na gulay sa sinigang.
"Sure! Madali lang naman 'to," I replied while giving him a quick glance.
Fast learner si Andrew, siguro dahil matalino siya o baka naman nagpapa-impress lang talaga sa akin. He's good at following instructions and he's really paying attention. Hindi kagaya ko na nanunuyo na ang lalamunan habang pinapanood siyang naghahalo ng sinigang gamit ang namumutok niyang mga braso.
"Hmm... masarap! Sakto lang 'yong lasa!" Nanlaki ang mga mata ko nang matikman ang sinigang na pinagtulungan naming lutuin.
"Talaga? You're not joking?" he asked
"Oo, try it!" Kumuha ako ng kaunting sabaw gamit ang sandok at hinipan ko 'yon. Inilapit ko ang sandok sa bibig niya na nakangiti niya namang tinanggap.
"Hmm... masarap nga!"
Kitang-kita ko ang saya sa mga mata at labi niya. Sana palagi kaming ganito. Masarap pala ang buhay mag-asawa kapag palaging ganito—masaya.
"Kaya mo naman pala magluto, Andrew. Bakit inabot pa ng five days practice 'yong sinigang na niluto mo for me?" Natigilan ako nang dumulas ang tanong na 'yon sa bibig ko. Patay. Hindi niya alam na alam ko ang tungkol doon!
"What? Pa'no mo nalamang five days akong nagluto ng—Steph told you?!" Napahilamos pa siya sa mukha niya na para bang nahihiya. Ginulo niya rin nang bahagya ang buhok niya. Gusto kong matawa sa naging reaksiyon niya, pero alam kong baka mas lalo lang siyang mahiya kapag ginawa ko 'yon.
"Hey, it's okay," alo ko sa kaniya. "At least now, marunong ka na magluto ng sinigang." Pilit kong pinapagaan ang loob niya.
"Yeah, sobrang ganda kasi ng nagturo sa akin today," he said huskily.
Napangisi ako sa pambobola niya. "B-bakit, sino bang nagturo sa 'yo last time?" Nagkibit-balikat lang naman siya at itinuon ang pansin sa kumukulong sinigang.
"No one. Nanood lang ako sa Youtube, e! 'Yong kay Ninong Ry."
Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa sagot niya.
"Stop laughing, baby. Mas lalo akong nahihiya sa kapalpakan ko sa pagluluto," he said as he ruffled his hair.
I stepped forward and kissed him gently on the cheeks.
"W-What's that for? Pampalubag-loob?" Napabungisngis siya.
"No, pa-thank you ko 'yan para sa sinigang mo." I caught his big smile with his dimples showing.
"Five days akong nagluto ng sinigang, Aliyah. So, it means, I need five thank you kisses." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Napasubo pa yata ako. Natawa ako sa naisip at napakagat sa labi ko.
"Okay, Andrew..." Tumingkayad ako para halikan ang noo niya. "One..."
I kissed his left cheek. "Two..."
Tapos 'yong kanang pisngi niya naman ang hinalikan ko. "Three.."
"Four!" I exclaimed as I kissed his nose.
"Done, Andrew. 'Yong panlima 'yong kanina," malambing kong bulong sa kaniya.
Hindi naman siya umimik. Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumalikod sa kaniya para magsandok na ng sinigang.
"Wait..." Marahan niyang hinigit ang braso ko dahilan para mapaharap akong muli sa kaniya.
"I also cooked today, Aliyah..." He licked his lower lip. Napalunok ako.
He held my chin. "This is for today, baby," he whispered huskily before he kissed my lips delicately.
That was the last time we kissed that day. Pareho kaming hirap na hirap magpigil ni Andrew... lalo na kinagabihan. Slow down. 'Yan ang paulit-ulit kong bulong sa isip ko buong gabi na magkasama kami. Magkatabi kaming nakahiga sa kama, pero pareho kaming gising na gising at hindi dinadapuan ng antok.
He cleared his throat. "C-Can we, at least, cuddle?" nag-aalangan niyang tanong.
Hindi na ako sumagot at yumakap na lang agad sa kaniya. Ang init ng katawan niya pero hindi 'yong init na nakakapaso, hindi 'yong init na madadarang ka. Iyong klase ng init na ipaparamdam sa 'yo na ligtas ka. Na walang kahit ano'ng puwedeng manakit sa 'yo. His body heat is so comforting.
"Pagbalik natin ng Manila... I'll officially change my name. I'll renew my IDs. Gagamitin ko na ang apelyido mo, Andrew... Romulo hindi Alfonte," malambing kong binanggit.
Hindi siya agad naka-imik. Nabigla ba siya? Ayaw niya bang maging magka-apelyido na kami?
"O-Okay, baby. I like that... Mrs. Romulo." His voice was shaking. Maybe that move is too fast.
He seemed shocked, but he was good at hiding it. Hindi ko yata dapat sinabi 'yon ngayon. Slow down. I reminded myself for the nth time. Marami pang araw na kasama ko siya, marami pang gabing makakatabi ko siya. Kaya hinay-hinay lang, paulit-ulit kong bulong sa puso ko hanggang sa makatulog na ako.
***
Tanghali na kami nakaalis ng bahay ni Andrew papuntang Anawangin Cove. Walang mapaglagyan ang saya at excitement na nararamdaman ko. Finally, makakaamoy na ulit ako ng dagat at makakalangoy! At higit sa lahat, kasama ko ang asawa ko—kasama ko si Andrew.
"Ano pa lang accommodation natin do'n?"
"Nag-arkila ako ng tent," sagot niya sa akin.
"T-Tent?!" Halos lumuwa ang mga mata ko. I've never slept in a tent my entire life. Hindi ba masikip doon? Paano kami... paano kami matutulog kung masikip doon?
"Oo, tent. Why? You haven't tried sleeping in a tent before?" may halong pang-aasar ang boses niya.
"H-ha? Oo... hindi naman kasi ako pinapayagang mag-camping nila Daddy dati," nahihiyang sagot ko.
"You'll enjoy it. I promise! Maganda 'yong beach doon... tapos mamayang gabi, I can set up a bonfire," he said smiling widely at me.
This is officially our first date. Camping by the beach. Parang totoo na talaga kaming mag-asawa. But... NO. I know to myself that...
WE ARE REAL.
DEFINITELY REAL.
***
Alas-dos pasado ng hapon nang makarating kami sa Anawangin. Inumpisahan agad ni Andrew na i-set up ang tent na inarkila niya dahil mahirap kapag inabot pa kami ng gabi sa pagtatayo no'n. It's amazing actually. The tent is a bit spacious for two people. I think magiging komportable naman ako roon mamayang gabi.
May shared bathroom din malapit sa beach kung saan ako nagbihis ng swimsuit na binili kahapon ni Andrew. I'm not usually into one-piece swimsuits; mas gusto kong naka-two-piece ako. But maybe, Andrew wants this for me, so I'll give it a shot.
"It fits! Alam na alam niya ang sukat ko, ah?" sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin ng CR. Suddenly, images of Andrew's hands all over my body played through my mind and then my heart started to race.
"Stop, Lia... slow down." I exhaled softly as I clutched my chest, trying to calm my heart.
Mula sa labas ng banyo ay natanaw ko na ang nakatayo naming tent. Tumakbo ako papalapit kay Andrew na ambang magsasalin ng rootbeer sa baso niya. Nabitawan niya ang hawak niyang baso nang makita niya akong papalapit sa kaniya. Buti na lang at plastic cup lang 'yon.
"Are you o-kay, Andrew?" hinihingal kong tanong dahil sa pagmamadali kong makalapit agad sa kaniya.
"A-Ah... yes, I'm fine. You just look... gorgeous." I even saw him blush. Yumuko siya agad para damputin ang nahulog niyang baso. Did I just turn him on? Gosh!
"A-Ah... I-I'll swim, Andrew. Gusto mong sumama?" I asked, just to break the awkwardness between us.
"You go ahead, susunod na lang ako," sagot niya sa akin, pero mabilis siyang umiwas ng tingin. Tumango na lang ako at dire-diretsong nagtungo sa dagat.
Masarap sa balat ang sikat ng araw. Hindi gaanong malamig ang tubig dagat at hindi rin gaanong mainit. Tamang-tama lang.
I was eight when I learned how to swim, and si Daddy ang nagturo sa akin. Noong una ay takot ako sa dagat. Ayokong lumangoy sa dagat, palaging sa pool lang dahil hindi ko nakikita ang dulo ng dagat. I always have that fear of the unknown. Kapag hindi ko alam kung saan ang dulo, kapag hindi ako sigurado... natatakot ako. Pero iba ang kwento namin ni Andrew sa dagat. Kahit pa hindi ko matanaw ang dulo at kahit hanggang ngayon, marami akong hindi sigurado... hinding-hindi na ako matatakot.
Napatigil ako sa paglangoy nang bigla akong makaramdam ng pananakit sa kanang binti ko.
"Fudge!"
Pinupulikat ako! Breathe, Lia, just breathe. Nagawa ko pang umikot para humarap sa dalampasigan. Ang layo ko na pala at hindi ko na maaninag si Andrew. Breathe, Tanya. Thread with your hands. Bigla kong narinig ang boses ni Daddy sa utak ko, and his words controlled my body. I tried my best to be calm even though the electrifying pain is travelling throughout my body. Hinga lang, I said to myself. Kinampay ko ang mga kamay ko para makabalik ako kay Andrew. Pagod na pagod na ako pero parang hindi ako umuusad. Naramdaman ko na lang na para akong lulubog.
I tried to scream but the saline water is covering my mouth. Suddenly, I heard his voice, his low, manly voice shouting my name.
"ALIYAH!"
Naaninag ko siyang lumalangoy papalapit sa akin. Ang bilis ng paglangoy niya. Nakikita ko siyang unti-unting lumalapit sa akin hanggang sa puro bula na lang ang nakita ko.
"Please, Aliyah... baby, please... " naririnig ko ang hagulgol ng asawa ko. Nalalasahan ko pa ang luha niya. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa labi ko at ang hanging galing sa kaniya. Paulit-ulit siyang humihinga sa bibig ko. Hanggang sa may puwersang parang sumakal sa lalamunan ko dahilan para maubo ako at maisuka ang tubig dagat na nalunok ko kanina.
"A-Andrew..." parang hinigop ng dagat at ng mga alon ang lakas ng katawan ko.
I felt his warmth together with his arms wrapping my body. Nakayakap siya sa akin nang mahigpit, sobrang higpit na para bang takot na takot siyang mawala ako.
"You were gone... I-I checked your pulse and you were gone!" he said sobbing. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito at parang nadudurog ang puso ko.
Nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay niya habang yakap-yakap niya pa rin ako. I can feel his panicked breathing. Gano'n ba siya katakot na mawala ako?
"I-I'm here, Andrew... I'm here," paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya habang mahigpit na nakayakap din sa kaniya.
***
Nang pareho na kaming kalmado ay tahimik kaming umupo sa buhangin, malapit sa itinayo niyang tent. Ilang beses niya akong tinanong kung gusto ko na bang bumalik sa bahay o kaya'y pumunta sa ospital dahil sa pagkalunod ko kanina, pero ayokong umalis sa kinauupuan namin. I don't want to ruin our first date.
Pinanood na lang namin ang papalubog na haring-araw. Kulay kahel na ang langit at nakasilip na rin ang buwan sa hindi kalayuan. Nakasandal ako sa balikat niya at nakayakap naman ang kaliwang bisig niya sa akin, habang ang kanan naman ay nakatukod sa buhangin. Malambing niyang hinahalikan ang ulo ko.
"S-Sorry kanina, Andrew... hindi dapat ako masyadong lumayo," pabulong kong usal.
"It's okay. That's over... ayoko nang maalala, Aliyah," nahalata ko ang pait sa boses niya.
Bumuntong-hininga ako at ibinaling na lang ang atensyon sa langit. Ang ganda pagmasdan nang nag-aagaw na dilim at liwanag.
"I don't know that sunsets can be this beautiful..." he whispered.
"Dati... mas gusto ko 'yong sunrise sa beach house. Akala ko wala nang mas gaganda pa ro'n. But... this sunset is so beautiful. Maybe because I am with you, Aliyah."
Hindi ko mapigilang mapalingon sa kaniya. I saw his deep brown eyes glistened. Parang mas makinang pa sa dagat ang mga 'yon. Pero maya-maya pa'y may pumatak na luha galing sa mga namumungay niyang mata.
"Andrew... you're crying again." I gently wiped his tears, but he stopped me. He held my hand tightly, then slowly locked our fingers together.
"Hindi ko kakayanin kapag nawala ka, Aliyah... mamamatay ako." I could see pain in his eyes. Huminga siya nang malalim upang pilit pigilan ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha niya.
"Hindi ako mawawala, Andrew. I promise you that." I spoke those words slowly, almost breathlessly, because like him, I didn't want to lose this love too.
"You've completed my life. No... you are my life," he whispered, staring deeply into my eyes.
"To more sunsets with you, my love," malambing kong tugon. Nakatitig sa mga mata niyang bahagyang basa pa dahil sa pag-iyak niya.
Kusang naglapit ang mga mukha namin. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko bago niya inilapat ang mga labi niya sa akin.
Habang papalubog ang araw sa dalampasigan, habang nag-aagaw ang araw at ang buwan sa puwang sa langit... maingat akong hinalikan ni Andrew. Hanggang sa lumalim ang halik na 'yon. One tender kiss turned into deep, warm kisses full of certainty.
Akala ko kanina, marami pa akong hindi sigurado pagdating kay Andrew, pero ng dahil sa halik na pinagsasaluhan namin ngayon ay parang naglaho na lahat ng mga gumugulo sa isip ko. Nawala na lahat ng pag-aalala. Nawala na lahat ng pagdududa.
Sabay kaming napahinto ni Andrew nang marinig namin ang pagtunog ng cellphone niya. Napabalikwas siya at agad na tumayo para sagutin 'yon. Nanatili naman akong nakaupo sa buhangin at nakatingin sa kaniya. Nakapako rin ang mga mata niya sa akin kahit pa may kausap siya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya bago niya ibaba ang cellphone matapos ang maiksing tawag.
"Who's that?" I asked while he's walking towards me.
"Your dad... puwede na raw tayong bumalik sa Manila bukas," malumanay niyang saad pagkalapit sa akin.
"Bakit? Nahuli na ba si Santiago?" My forehead creased.
"No... but they found him dead in his apartment." Napasinghap ako. I don't know what to feel with the sudden news. Somehow, I felt relieved, but I also feel that there's something more. Lalo na't may kakaiba sa mukha ni Andrew.
Hindi siya masaya sa ibinalita ni Daddy. Parang ang daming tanong sa isip niya. Pero nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ay agad siyang ngumiti. Ito na naman... ayoko ng ganitong pakiramdam.
"Makakauwi na tayo, Aliyah," nakangiti niyang sabi sa akin—pilit na ngiti. Nakaabang ang kamay niya para alalayan ako patayo.
"P-Puwede bang huwag muna tayong umuwi?" tanong ko sa kaniya.
"Why? Hindi ba miss mo na ang café?" Pinagpagan ko ang mga binti ko para maalis ang mga buhangin na dumikit dito at saka ako malalim na bumuntong-hininga.
"I don't know, Andrew, pakiramdam ko parang mas safe tayo rito. Pagbalik natin sa Manila, parang ang dami na naman nating problemang haharapin. While here... I feel at peace, I feel at home..."
Marahan niya akong inilapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. Naririnig ko ang tibok ng puso niya habang nakalapat ang ulo ko sa taas-baba niyang dibdib.
"Home is wherever you are, Aliyah," mabagal niyang binanggit ang bawat kataga, na para bang ang bawat letra ng mga salitang 'yon ay mahalagang marinig ko.
His strong arms wrapped around me. Our hearts were almost syncing with each other's beat. Home... this warm embrace feels like home.
Kinagabihan, sa loob ng tent, hindi ko na narinig pa sa isip ko ang paulit-ulit kong ibinubulong simula pa kahapon—slow down. Tuluyan nang nalunod sa nararamdaman ko para kay Andrew ang mga salitang 'yon.
"I'm sorry, Aliyah..." mainit na bulong ni Andrew sa akin habang maingat niya akong hinuhubaran at hinahalikan sa leeg.
"W-Why?" nauutal kong tanong.
"Baby, I can't really slow it down. I don't know if I can be careful too." Napalunok ako. I leaned my head towards his face. I can see how his deep brown eyes slowly turned into flames. But I'll never get burned by those flames. Never.
"Then let's be careless together." I chuckled.
"Fuck! What have I done to you, Aliyah?" he said with a mischievous smile on his face.
That night, on the beach, under the stars, a few steps away from the ocean, that almost took my life... I moaned my husband's name over and over again. That was the perfect first date, and I couldn't ask for more.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top