Chapter 1 - Baby
"Tapos? Ano'ng sinagot mo?!" excited na pag-uusisa ni Steph habang pinapanood akong nagtitimpla ng food coloring sa buttercream icing.
"Wala!" mariing sagot ko. Pagkatapos ay muli akong nagpanggap na ayaw magpaistorbo sa pinagkakaabalahan.
Masyadong mapula ang una kong nagawa kaya napabuntong-hininga na lang ako habang itinatabi ang maling batch ng icing sa lamesa.
Masaya dapat ako ngayon at hindi balisa. Masaya dapat ako ngayon at tahimik ang isip, kalmado ang puso. Tuwing nandito ako sa Café Amor dapat iyon ang nararamdaman ko. Ang maliit na café na ito na ipinangalan ko kay Mommy ang tanging dahilan ng paggising ko sa umaga. This is her legacy. This is her heart. When I am here, I am at peace... at hindi ganitong panay palpak ang ginagawa.
Hindi ako puwedeng pumalpak lalo pa't dito lang ako magaling—sa paggawa ng cakes and pastries, pagtitimpla ng kape, at pagpapanggap na wala akong pakialam sa aking ama. At least, that's what Dad told me before he disowned me. Sumimangot ako nang sumagi na naman sa isip ko ang huling araw na nagkita kami ni Daddy.
"Ano'ng wala?!" Nagulat ako sa pasigaw na tanong ni Steph na may kasama pang pagtaas ng kilay.
Siya ang lead barista ng Café Amor. Maiksi ang kaniyang buhok—palaging hanggang balikat lang simula pa noong high school kami. Singkit ang kaniyang mga mata at mas maputi siya kaysa sa akin. Mas maingay din. She's vulgar most of the time. Walang filter magsalita kahit pa masaktan ka sa sasabihin niya. Siguro sa aming dalawa, ako 'yong mas feminine, si Steph naman 'yong may pagka-boyish. Pero sa aming dalawa, siya rin 'yong may mga naging exes na. When it comes to love advice or any relationship at all, she is my confidant, my best friend, and the sister I never had.
"Wala... parang hindi ko na lang narinig 'yong tanong niya," nahihiyang sagot ko kay Steph.
"Selective listening ampuch—"
Hindi niya itinuloy ang pagmumura.
She knows how much I hate cursing. I rolled my eyes at her, pero hindi ko rin napigilang mapabungisngis sa reaksyon niya. Saglit na nawala ang mga gumugulong'what-ifs' sa isip ko. What if sumagot ako nang gabing 'yon? What if hindi ako naduwag?
"Ang awkward kasi, Steph. Obvious naman na joke lang 'yong tanong niya. Bakit ko pa papatulan?" kunot-noong paliwanag ko habang dahan-dahang pinapatakan ng food coloring ang bagong batch ng icing.
"E, paano kung hindi pala joke?"
Napalunok ako sa tanong ni Steph. Muli na namang gumulo ang isip ko.
"Nakangiti siya, parang nang-aasar, e! So, joke 'yon!" defensive kong sagot.
"Hay naku, Aliyah Tanya. Ilang buwan ka na bang hulog na hulog diyan kay Andrew? Hmm... six?"
"Seven!" Nagulat ako sa sarili kong tinig. Nabitawan ko ang spatula ko na muntik nang sumawsaw ang hawakan sa icing. Mabuti na lang at nahabol ko.
"So, hulog ka na nga?" pang-aasar ni Steph. Tumawa siya nang malakas na halos umabot na yata sa labas ng kitchen.
"A-Ano ba, Steph! 'Wag ka ngang maingay!" iritado kong saway sa kaniya.
"Akala ko ba tutulungan mo ako? Hindi ko na talaga alam. I'm so lost and confused." I pursed my lips before I heaved out a deep sigh.
"Hindi ko na alam kung may feelings ba talaga siya or ako lang 'tong parang malapit nang mabaliw sa kaniya!"
Muling humalakhak si Steph. This time ay may kasama pang pagpalo sa stainless na lamesa. Mangilid-ngilid pa ang mga luha. Parang bigla tuloy akong nahiya. Halos isang dekada na kaming magkaibigan ni Steph, pero ngayon lang ako naging ganito ka-open sa kaniya tungkol sa sitwasyon namin ni Andrew. Kung kay Steph pa lang ay hiyang-hiya na ako, paano pa kaya kung malaman na ni Andrew?
"Bakit kasi hindi mo pa tinanong? Ayon na 'yon, Li, e! Nandoon na 'yong opportunity to ask him, kaso sinayang mo!" nakapamewang na sermon ni Steph. Nanlalaki ang mga singkit niyang mata. "Nag-first move na siya sa 'yo 'di ba? Hinalikan ka niya! Tapos biglang may pa—'are you sure, I don't have feelings for you' pa!"
Pilit niyang nilaliman ang boses niya para gayahin ang malalim at buong boses ni Andrew habang binabanggit ang mga salitang nagpapaulit-ulit sa utak ko nitong mga nakaraang araw.
"I'm scared, Steph..." Bahagyang nanginig ang boses ko nang aminin ko iyon sa kaibigan ko. Akala ko pa nga ay hindi niya narinig kaya nagulat ako nang maramdaman ko ang pag-alo niya sa likod ko.
"Ang lakas ng loob kong mag-impose kay Andrew ng rules before our marriage." Lumunok ako para pakalmahin ang boses ko. "Sabi ko pa sa kaniya, I'll give his freedom back after two years, basta maging stable lang 'tong café. Basta mapatunayan ko lang kay Daddy na mali siya." Tuluyan nang nabasag ang boses ko. May namumuong luha sa mga mata ko na pinipilit kong pigilang tumulo.
"Look at me now, Steph. Wala pang one year as his wife ganito na ako!"
Humarap ako kay Steph at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Hinayaan ko nalang tumulo ang mga 'yon sa balikat ng best friend ko.
"Look at you now, Li. You're in love! The 'I-don't-need-a-man-to-love-me' brat is now in love," mahina niyang saad habang patuloy akong inaalo.
"Hindi kita masisisi, Li. Ten out of ten kasi si Andrew. Super green flag, e! Kung single lang 'yon, baka inihain ko na ang sarili ko sa kaniya!" pabiro pa niyang dagdag.
"Baliw ka talaga!" natatawa kong balik sa kaniya, kasabay ng mabilis kong pagpunas ng mga luha.
Dumiretso ako sa lababo at agad na naghugas ng mga kamay. Matagal nagpaikot-ikot ang aking kanang kamay sa palasinsingan ko. Washing our gold wedding ring slowly, thinking of how fake its meaning is for Andrew, but how real the feelings I have for him are.
Ganito ba talaga? Nakakatakot kapag unti-unti ka nang nahuhulog sa taong sa iyo nga, pero parang hindi ka naman nakikita. O baka hinahanap niya rin ako, pinipilit masilayan... pero ako lang itong tago nang tago—ayaw magpakita. I brushed that last thought off my mind. Ayoko ng false hope. Matatapos din ito soon.
Bumalik ako sa lamesa para ituloy ang ginagawang icing. Nakita kong sumilip si Steph sa labas ng kitchen nang marinig niyang tumunog ang wind chime.
Maya-maya pa'y mabilis niyang tinapik ang balikat ko dahilan para maibuhos ko lahat ng food coloring sa icing mixture na kanina ko pa tinitimplahan ng kulay pula.
"Stephanie, ano ba?!" galit kong singhal sa kaniya.
"Itigil mo na 'yan! Dali! Mukha na 'rin namang mens 'yang icing na 'yan!" sabay hatak niya sa aking braso. Paulit-ulit din siyang ngumunguso na para bang may itinuturo sa labas.
"What? Steph?!" naiinis kong tanong habang pinupunasan ang kalat sa lamesa.
"Nandiyan ang asawa mo, may kasamang ibang babae. Nakayapos pa sa kaniya 'yong girl!"
"H-Ha?"
Dali-dali akong nagpagpag ng apron at mabilisang naghugas ng mga kamay. Inayos ko ang mga takas na buhok sa aking bandana. Huminga ako nang malalim, at saka lumabas ng pinto, kasunod si Steph.
***
Pumuwesto ako sa may cashier at marahang lumapit kay Jasper na abala sa pagbibilang ng mga barya.
"Sino 'yong kasama ni Andrew?" pabulong kong tanong kay Jasper na parang nagulat pa sa biglang pagsulpot ko sa likod niya.
Napaigtad siya at napahawak pa sa dibdib niya. "Ay, ma'am, nakakagulat ka naman po!"
"Hindi ko po kilala, ma'am. Ngayon ko lang din po nakita na may ibang kasama si Sir dito bukod po sa inyo," nahihiya niyang sagot.
Ngayon ko lang din nakita ang babaeng kaharap ngayon ni Andrew. Nakaupo silang dalawa sa Table 3. Iyong pang couple na table pa talaga ang napili nila. Busy si Andrew sa pag-i-scroll sa iPad niya na parang may hinahanap siya roon. Samantalang ang babae naman ay busy din sa pagtitig sa asawa ko.
Naka-ponytail ang ash brown niyang buhok, naka-red lipstick, at halatang bagong retouch dahil walang bahid ng pawis sa mukha. Malagkit ang titig niya kay Andrew, na para bang may idinadasal siya sa isip niya na ayokong malaman kung ano.
Tinignan ko ang ring finger ni Andrew. Nabawasan ang namumuong sikip sa paghinga ko nang makita kong suot niya ang wedding ring namin. Ang babae naman ay may suot ding singsing. It doesn't look like a wedding band though, may diamond sa gitna, so maybe she's engaged. Tuluyang nawala ang kaba sa aking dibdib.
"Client siguro..." pangungumbinse ko sa sarili na agad namang kinontra ni Steph.
"Grabe naman makatitig 'yang client na 'yan, Li! Parang matutunaw na si Andrew, e!"
"Shh!" saway ko sa kaniya.
Hindi agad ako bumalik sa kitchen at pinagmasdan pa silang dalawa. May pinapakita si Andrew sa iPad at para bang may ipinapaliwanag sa babae.
"Ako na gagawa ng order ng Table 3, Gail!" Narinig kong utos ni Steph sa bagong barista namin. Ngumiti naman si Gail kay Steph at saka inabot ang order ticket. Mahinang binasa ni Steph ang order.
"Iced Mocha Latte and—"
"Café Americano with one extra brown sugar," dugtong ko habang nagkukunwaring binibilang ang mga pastries na nasa bread stand.
"Alam na alam, Li, ah!" tukso ni Steph.
"Syempre, Ma'am Steph, asawa niya 'yan, e!" sawsaw pa ni Jasper sa asaran.
"Asawa mo po 'yong guwapo sa Table 3, Ma'am Lia?" nagtatakang tanong ni Gail. Tumango na lang ako at ngumiti na parang nahihiya pa.
Oo nga pala, wala pang isang linggo rito si Gail sa café at ngayon niya pa lang nakita si Andrew. Namula ang mukha niya dahil sa pagkagulat at dahil na rin siguro sa ginamit niyang adjective. Guwapo.
Guwapo naman talaga si Andrew. Kung hindi mo nga siya kilala, mapagkakamalan mo pang artista or model. Matangkad siya, 6-footer. Moreno. His hair is a bit long, madalas ay naka-half man-bun. His deep brown eyes are always serious na kapag tinitigan mo ay para kang hihilahin papunta sa kung saang paraiso. Binagayan pa ang mga ito ng makakapal niyang mga kilay at matangos na ilong. His lips are thin and reddish. He has a bit of facial hair, pero mapapansin mo pa rin ang kaniyang cleft chin, making him more manly. His body? Oh, well... I don't even know kung paano ko 'yon sisimulang i-describe. Pero nang minsang niyakap niya ako, pakiramdam ko ay saktong-sakto ang espasyo sa pagitan ng kaniyang mga bisig para sa akin.
Napangiti ako nang muli na namang maalala ang gabing iyon. Lumilipad na naman yata ako sa paraiso. I cut the string of memories. Ayoko nang maalala pa ang mga kasunod na nangyari pagkatapos ng gabing iyon.
Lumapit ako sa Table 4, saktong pagtayo ng tatlong estudyanteng mukhang may tinapos na homework sa café.
"Thank you! Come again!" I happily shouted.
Inayos ko ang naiwang tatlong bakanteng upuan at nilinisan ang ibabaw ng lamesa. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Andrew dahilan para bigla akong ma-conscious sa itsura ko kahit na nakatalikod naman ako sa kanila.
"What would you like to eat, Architect?" mahinhing tanong ng babae sa asawa ko.
"Ah... wala naman, Diana. I'm fine with just coffee," sagot ni Andrew habang patuloy sa pag-i-scroll sa iPad.
Magkalapit ang mga balikat nila at parehong silang nakatingin sa screen ng iPad. Sabagay, maliit lang 'yong screen. Hindi nga naman makikita ng client kung hindi sila magdidikit nang kaunti.
Bakit ba kasi dito pa sila nag-usap? Puwede naman sa opisina niya tapos sa desktop niya ipakita 'yang presentation niya para hindi sila mukhang magka-date.
Hindi kaya sinasadya niya ito?
Napatigil ako sa pagpupunas ng lamesa.
Pinagseselos ba ako ni Andrew? Tapos para akong timang dito sa likod nila... eavesdropping!
What the fudge!
Napasinghap ako at agad na lumayo sa Table 4. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin ni Andrew sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong saglit na mapatingin sa kanila.
"I like macarons, meron ba sila no'n dito?" malambing na tanong ng babae kay Andrew at humawak pa siya sa hita nito. Tumango lang ang asawa ko without removing Diana's hand on his thigh.
Nakabusangot akong nagmartsa pabalik sa checkout counter. "Ako na magbibigay niyan sa Table 3!" sigaw ko kay Steph pagdating ko sa may counter.
Halatang nagtataka siya sa sinabi ko dahil never akong nag-serve ng order ni Andrew tuwing nasa café siya. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Pinaglalaruan ba ako ng lalaking 'to? Wala ba siyang respeto sa kung anuman ang mayroon kami? Ano na lang ang sasabihin ng mga staff dito sa café?
Hindi naman nagsalita si Steph habang marahang inaabot sa akin ang tray na may lamang Iced Mocha at ang palaging order ni Andrew. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nakita kong pinaniningkitan niya ako ng mga mata niya.
"Just. Don't. Steph!" warning ko. Alam kong pang-aasar lang ang lalabas sa bibig niya. She chuckled while covering her mouth.
***
Inilagay ko ang Iced Mocha Latte sa tapat ng babae at mas lalo ko pang natitigan ang suot niya.
White tube dress na halos malapit nang bumaba dahil kitang-kita ko na ang cleavage niya. Nakablazer siyang beige at beige rin ang suot niyang stilettos. Maingat kong inilagay ang kape sa tapat ni Andrew na napasandal sa upuan niya. Halatang nagulat siya dahil first time na ako ang nag-serve ng order niya.
"Orders complete. Would you like to add some pastries po, ma'am?" I faked a smile on my face and asked the question directly to Diana.
I heard a soft chuckle from Andrew. Tumaas ang kaniyang tingin at alam kong nakatitig siya sa akin. Samantalang si Diana naman ay tumuwid ng pagkakaupo bago sumagot sa alok ko.
"I don't like sweets, A-li-yah..." reading the nameplate pinned on my apron.
"Oh! I thought you like macarons po? Meron po kami rito. On the house po, ma'am!" magiliw kong sagot. Tempting her.
I saw how her eyes brightened a bit bago niya ilipat ang tingin kay Andrew. Napasulyap din ako saglit kay Andrew at nakita kong nakataas nang bahagya ang gilid ng kaniyang mga labi.
So, this is funny for you, Andrew?
Mabilis na kumapit si Diana sa braso ni Andrew dahilan kung bakit dumikit nang kaunti ang dibdib niya sa biceps nito.
"Kilala mo ba may-ari nito, Architect? Bakit may pa-free pastries?" nakangiting tanong ni Diana sa asawa ko.
This girl! Obvious naman na may asawa na si Andrew. It was never a secret! Pero kung makapulupot pa sa asawa ko'y kulang na lang magkapalit sila ng mukha!
"Ah, yes, I know the owner," sagot ni Andrew habang marahang inaalis sa braso niya ang braso ni Diana. Trying to be a gentleman. Trying not to offend Diana, but enough to tell her na ayaw niyang naroon ang braso nito.
"Oh! O-Okay!" Nanlaki ang mga mata ni Diana. Halata sa nakangiwi niyang mukha na medyo napahiya siya sa ginawa ni Andrew.
She cleared her throat.
"One macaron lang, titikman ko lang." Then she smiled at my husband and laughed softly. Flirtatiously.
What was that? The nerve of this bitch!
"I want to meet the owner para makapag-thank you ako. Is he here?" tanong ni Diana habang mabilis na iginala ang mga mata sa café.
I looked at Andrew. Waiting for him to say something. Hinihintay siyang i-shut down lahat ng fantasies ni Diana. But he didn't!
He was obviously enjoying this scene. Ako—with a fake smile plastered on my face, and him—sitting there looking so relaxed with this girl na daig pa yata ang asong on-heat.
I extended my right hand to Diana at huminga ako nang malalim bago ngumiti ulit at nagpakilala.
"Actually, I'm the owner of Café Amor, Mrs. Aliyah Tanya Romulo," I said confidently. Taas-noong nakangiti sa kaniya, nakatitig sa mga mata niyang punong-puno ng pagkagulat. Hinihintay siyang makipagkamay.
"Ro-Romulo?!" she asked nervously. Salitan niyang tinignan si Andrew at ako. I put my hand down and looked intently at Andrew.
"She's my wife, Diana," mabilis na saad ni Andrew.
Nahihiya man at kinakabahan ay agad tumayo si Diana para makipag-beso sa akin. She smells like candy. She's a bit taller than me, siguro dahil na rin sa suot niyang sapatos.
"Finally! Ikaw pala ang na-na-pangasawa ni Architect Romulo. I'm Diana Diaz," nauutal niyang pagpapakilala.
"Nice meeting you, Diana." Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Macaron lang ba ang gusto mo? We also have pastas and sandwiches, baka may iba ka pang gusto?" I asked her politely.
"I like? Hmm... Si Ar-chi-tect..." Sinadya niyang sabihin iyon nang mabagal sabay baling ng tingin sa asawa ko.
"Baka si Architect may ibang gusto?" Diana added after softly biting her lower lip.
Nananadya ka ba talagang babae ka?
So, it's not enough to introduce myself as Andrew's wife. She will still pursue whatever this is that she's doing. At ito namang si Andrew ay tila galak na galak pa sa mga nangyayari ngayon.
Uminit nang bahagya ang aking pisngi at saka humarap kay Andrew para tanungin.
"Do you like something?" malamig kong tanong sa kaniya. Pilit na pinapahalata ang inis ko sa kaniya.
"Nothing," sagot naman niya habang nakatitig sa akin. He curved the corners of his lips.
He is really enjoying this.
Akala niya siguro ay magpapatalo ako sa kaniya. Akala niya magmumukmok ako sa selos habang nakikipag-lambuchingan siya sa café ko. No! Never! If he really wants to play like this. Fine. I will give him what he wants.
"Okay then, I'll get your macaron," sabay ngiti kay Diana.
Lumapit ako sa likod ni Andrew. Yumuko nang kaunti para maabot ang kaniyang tainga.
"Just call me if you need anything, baby. I'll be in the kitchen," I whispered to him—soft enough for him to hear my sultry voice and loud enough for Diana to hear my warning.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top