Ako. Ako na lang.

The day after, nagulat na lang ako nang masikatan ako ng araw sa higaan. 

I totally overslept. 

Usually kasi, madilim-dilim pa, gising na 'ko.







Tili sabay talon pababa ng kama ang peg ko. 

"Oh, shit! Late na 'ko!"







May nag-doorbell.

Takbo ako sa pinto. 

Naaalimpungatan pa yata ako kaya pagkabukas ko ng pinto, napasigaw ako agad ng, "Athan naman! Ba't hindi mo 'ko ginising nang maaga?! Tuloy male-late na 'ko."







Natakpan ko ng kamay ko ang bibig ko nang makita kong hindi si Jonathan ang nakatayo sa harap ko kundi si Kuya. 





Bakit ko pa nga ba naisip na pupuntahan pa 'ko ni Jonathan?







"Kala ko ba break na kayo ni Athan?" sagot ni Kuya, natatawa pa.

Kinusot ko ang mga mata ko. "Anong kailangan mo? Kung mangungutang ka, wala pa 'kong sahod, no. My gosh! Late na 'ko!"

Nagpapadyak ako papasok ng banyo. 

Sumunod siya sa 'kin, natisod pa sa mga kahon ng files na inuwi ko galing sa trabaho.

"Wala lang," sagot niya. "Sabi ni Mama i-check ko raw kung buhay ka pa— ba't ba ang kalat dito?"







Habang nagtu-toothbrush ako, lumabas ako ng banyo. 

Nakita ko na lang, binubuklat na niya 'yong box na binigay sa 'kin ni Jonathan noong araw na nag-break kami. 

Nabugahan ko tuloy si Kuya ng toothpaste.







"Kuya naman! 'Wag mo ngang pakialaman 'yan! Ako nga, hindi ko pa 'yan nabubuksan ta's papakialaman mo lang?"







Mga origami ang laman no'n. At lahat, puro hugis puso.









"Galing kay Athan 'to, 'no? Siya lang naman ang nagpapakahirap gumawa niyan para sa'yo, eh. Ba't tinatago mo pa?" tanong niya habang binubuklat 'yong isang origami.

"Akin na nga 'yan! Akin na!"

Sa kaka-agawan namin, napunit 'yon.

"Ayan tuloy. Kuya kasi eh."

"Sorry na nga."

Inunat niya ang dalawang piraso ng papel sa mesa saka sinubukang pagdikitin. 

Nang nabasa niya ang nakasulat do'n, iniusod niya papalapit sa 'kin para ako na ang bumasa.

Sana maging masaya ka.

Nalaglag ang toothbrush mula sa bibig ko. 

Nalunok ko na rin ung toothpaste.

Naupo ako sa sahig, isa-isang binasa ang mga messages ni Jonathan.

Be safe.

Stay healthy.

Smile.  

Don't work too hard.  

Set your alarm clock since I'm not going to be there to wake you up.  



Everyday that I don't see you is everyday that I miss you.





'Pag okay ka na, isipin mo rin sana ako.







I love you now, and I know I'll still love you tomorrow.



Always remember: it's not your fault.


Natutop ko na lang ang bibig ko nang matapos kong basahin ang ilan sa mga paper hearts ni Jonathan. 

Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako.





"Les? 'Kala ko ba male-late ka na?" tanong ni Kuya, pilit akong pinapatahan.







At that point, I didn't care about work. 

All I cared about was that I might have just made the biggest mistake of my life.









Tumayo ako at nagmadaling pumunta sa kwarto ko. 

Hinila ko ang drawer na pinaglalagyan ko ng mga origami ni Athan at binuhos ang mga ito sa kama. 

Sa dami nito, hindi ko na alam kung matatapos ko pa silang basahin. 

O kung malalaman ko pa lahat ng gustong sabihin ni Jonathan sa 'kin.









For the first time since nag-break kami, napahagulhol na lang ako.







"Leslie..." Dumungaw si Kuya sa pinto ko.

"Mali ba 'ko?" tanong ko sa kaniya. "Mali ako, 'di ba?"

Hindi nakasagot si Kuya.

"Kailangan ko siyang makausap," sabi ko kay Kuya.

Bago pa man ako makalabas ng pinto, hinawakan ni Kuya ang braso ko at umiling. "Wala na siya, Les."

"H-ha?"

"Kagagaling ko lang sa airport para ihatid siya. Isang oras nang nakakaalis ang flight ni Athan. Pinapasabi pala niya, sorry raw kasi hindi umabot ng one thousand 'yong regalo niyang origami sa 'yo."

"H-ha?"

"He was intending to give you one free wish."






Kahit siya 'yong mas nasaktan, ako pa rin ang iniisip niya.







Napatitig na lang ako sa mga papel sa harapan ko. 

By some miracle, nahanap ko 'yong crane na huling ginawa ni Jonathan para sa 'kin. 

Nanginginig ang mga kamay ko nang binuksan ko 'yon at binasa.







Today, you've stopped loving me and I know it.




Today, I'll make you fall in love with me again. 

And tomorrow. 

And the day after that.




And if I fail, I'll make you happy instead.




And that was my punishment for my mistakes: my first real heartbreak. 




Jonathan had his heart broken when he gave me my freedom. 





Mine broke when I let him go.







Sabi nga nila, you'll never know what you've got until you lose it. 





Hindi ko alam na masakit palang maging malaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top