4th Fold
Ilang araw kong iniwasan si King. I left earlier for school and tuwing dismissal na ay humahanap ako ng paraan upang matakasan ito.
Halos isang linggo ko na itong ginagawa at nasisiguro kong nahahalata niya na ang ginagawa ko.
Who wouldn't?
Kaya hindi na ako nagulat nang makita ko itong naghihintay sa akin sa tapat ng aming bahay. Hindi pa yata ito umuuwi sa sarili niyang bahay dahil hindi pa ito nagpapalit ng damit.
Iyon pa rin ang suot niya kanina sa school. Nakasukbit pa sa balikat nito ang backpack niyang itim.
Magulo ang buhok nito, halatang kanina pa niya pinadadaan ang mga daliri niya sa mga hibla ng itim niyang buhok.
Tumayo ito mula sa kinauupuan niya nang makita ako at sinalubong ang pagdating ko.
"Can we talk?"
Tinignan ko ang mga mata nitong pagod. Halatang napupuyat ito sa gabi dahil sa eyebags nito. I can't sense any trace of humor in him either.
"Not now, King," sagot ko at nilagpasan siya para pumasok na sa bahay.
Umigting ang panga nito at ginulo ang buhok niya.
Napapikit ako at kinumbinsi ang sarili na tama lang ang ginagawa ko. He'll give up soon. I'm sure he will.
Most men do.
I was about to close the front door nang iharang nito ang kamay niya.
"I already gave you your space, Cecilia! Hinayaan kitang iwasan ako! Hear me out please! Kahit five minutes lang," he begged.
Napapikit ako. No, please don't beg. You're a king. You shouldn't beg.
"Don't force it, King. I already told you, I don't want to hear it."
For the first time since my dad left, I cried for another man.
Shit. Bakit ako nasasaktan eh ako 'tong tumulak palayo sa kanya?
I've been hurting other people just to protect my heart, yet I ended up bruising my own in the process.
Tinitigan ko ang mga koronang papel na ginawa niya para sa akin. I suddenly missed having him around. Namimiss ko na ang panggugulo nito sa buhok ko, ang pagkain namin ng sabay tuwing uuwi galing school, ang mga kwentuhan at asaran namin, at ang paglalakad namin ng sabay.
He's making me crave the things I didn't want before.
What the hell did you do to me, King?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top