2nd Fold
"Salamat. Pasensya ka na, pero hindi ako interesado," malamig na tugon ko sa isa na namang lalaki na nagpahayag ng damdamin sa akin.
Sa halos araw-araw na pumapasok ako ay hindi nawawala ang mga kagaya niya na susulpot bigla upang sabihin kung gaano ako nito kagusto ligawan.
Puro mabulaklak na mga salita ang lumalabas sa bibig ng mga ito, ngunit wala kahit isa sa kanila ang nakapukaw ng aking damdamin.
Tiyak ako na lahat sila iiwan lang din naman ako.
Sino bang hindi? Even my own father left me.
Kaya anong kasiguraduhan na hindi nila ako iiwan?
Kalokohan lang kung sasayangin ko ang aking oras at damdamin sa mga bagay na alam kong maglalaho rin.
Abala ako kumain ng ice cream habang tinatanaw sa malayo ang Manila Bay.
Bahagyang naibsan ang nararamdaman kong init dahil sa preskong hangin. Payapa ang hampas ng mga alon at napapikit ako sa huni ng mga ibon.
Nakakalungkot lang at binabasura ito ng iba.
Hindi ako naniniwala sa fairytales and happy endings, but I do believe in the temporary happiness and peace you'll find in nature.
Temporary lang kasi walang forever. Tanggapin na ninyo. Kasi ako, matagal ko nang tanggap ang katotohanan.
Naubos ko na ang ice cream ko at napaunat ako. Pupunasan ko na sana ang mga malagkit na parte ng kamay ko nang unahan ako ng iba.
Nagulat ako nang makita si Kingsley na pinupunasan ang kamay ko ng wet wipes. Binawi ko agad ito sa kanya.
"Ano namang ginagawa mo rito?!"
"Makasigaw naman 'to oh... Pagaari mo Manila Bay?!"
Kinuha nito ang bag ko gaya ng ilang araw niya nang ginagawa. Isinukbit niya ito sa balikat niya.
He ruffled my hair. "Huwag na matigas ang ulo at umuwi na tayo."
I scoffed. Pasalamat siya at matangkad siya kaya hindi ko siya mabatukan kahit kating kati na akong gumanti.
Nagsimula na kaming maglakad pauwi.
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang lumipat sila sa bahay sa tabi namin. Magkaibigan ang nanay naming dalawa noong high school kaya pinipilit nilang maging malapit din kami sa isa't isa.
"May bagong korona ka na naman ah," puna ni King.
Inirapan ko ito at hindi pinansin.
"H-hindi mo pa rin ba siya kilala?"
Tinignan ko ito sa gilid ng mga mata ko. He looks a bit tense kumpara sa usual na mga araw.
Bakit naman kaya? Weird.
Nanlaki ang mga mata ko nang may maisip.
Hindi kaya—?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top