1st Fold
Tinahak ko magisa ang tahimik na corridor ng school. Ilang malaking hakbang na lang ay makakalabas na ako ng Senior High School department.
Ilang minuto na rin ang lumipas nang marinig ng mga mag-aaral ang ingay ng bell. Hudyat na tapos na ang break at simula na muli ng klase.
Nagpunta na ang mga ito sa kanya-kanya nilang silid.
At ako? Pinalabas lang naman ako ng teacher namin.
Nahuli kasi nitong inaasar ko ang anak ng principal ng school. Hindi naman ako ang nagsimula pero ako lang ang pinalabas!
Nauna naman talaga akong inisin ng lalaking iyon. Kilala na itong bully sa school, ngunit hindi naman napapatawan ng tamang sanction.
Palibhasa kasi may kapit sa taas kaya pinababayaan.
Buti na lang at huling klase ko na iyon ngayong araw.
Saan naman kaya ako pupunta? Sa mall? O uuwi na lang ako?
Dumaan muna ako ng locker ko para iwan ang mga gamit ko na hindi ko naman kakailanganin sa bahay.
Hindi ako sanay iuwi ang school works ko. Laging sa school ko ito ginagawa tuwing umaga.
Late kasi lagi ang homeroom teacher namin kaya marami akong bakanteng oras.
Nang buksan ko ang locker ko ay tumambad muli ang pamilyar na piraso ng papel sa akin. Isang paper crown.
Kumunot ang noo ko at kinuha iyon.
Sino bang laging naglalagay nito sa locker ko?
Ilang araw na ako nakakatanggap ng ganito at hindi ko pa rin alam kung kanino nanggagaling ang mga ito. Konti na lang ay maiirita na ako.
Balak yata nito punuin ang locker ko ng mga koronang papel.
Makakabuo na nga ako ng isang collection of crowns eh! Daig ko pa yata beauty queen nito.
Isinilid ko muli ito sa bag ko at isinara ang locker ko. Tinignan ko ang relo ko kung anong oras na at nakitang maaga pa masyado para umuwi.
Sa mall na lang muna siguro ako pupunta.
Aalis na sana ako nang may tumawag sa akin.
"C-cecilia?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top