Reconcile
Melanie...
Ano ba,magsasalita pa ba ang gung-gong na to!
Hump!
She smirked!
Pupunta-punta hindi naman malunok ang pride!
"Ano ba!May sasabihin ka ba o wala?" Bulyaw niya rito.
Muntik na siyang mapatawa,napapitlag kasi ito sa sobrang gulat sa kanya.
"Wait lang kasi..." Kabadong sabi nito sa kanya.
"Naku bahala ka nga sa buhay mo!"
Tinalikuran niya ito at inatupag niya ang platong pinag kainan nila ni Daisy.Dinala niya iyon sa lababo at inumpisahang hugasan.
Kahit hindi siya lumilingon naririnig niyang panay ang inhale-exhale nito.Tila kinakalma ang sarili.
Natapos na niyang hugasan iyong dalawang plato ng lumapit ito at niyakap siya mula sa likuran.Hinalik-halikan siya nito sa may bandang leeg at balikat.
"I'm sorry,babe!Please come home"He mumbled in her ears.
"Sinong pumilit sayo na pumunta dito at mag sorry si Mama?"
tanong niya rito ng humarap siya.
"Of course,not!"
"Oh so!Ano ngayon ganun lang?Isang halik at sorry lang okay na tayo,ganun?"
Naiinis siya paano ayaw pa ring sabihin ang gusto niyang marinig.
"What else do you want?"Tila napipika ng tanong nito.He could be persistent but at the same time impatient.
" Bakit mo ako sinusundo,ha Zach?"She asked and waited for his reply.
"Dahil...dahil...bakit ba kailangan mo pa ng dahilan?" Gusto niyang matawa dahil halos nag salubong na talaga ang dalawang kilay nito.
"Dahil hindi ko alam kung ano ako sayo,ayaw mo sa akin iyon ang alam ko pero kung halik -halikan mo ko parang pag aari mo 'ko."
"Sinong nag sabi sayong ayaw ko sayo?" Tila naguguluhang tanong nito.
"Ikaw!Sayo ko narinig.Inaaway mo pa nga si Mama dahil sa dinala niya ako sa mansion para ireto sayo."
Tumahimik ito na tila iniisip kung kailan nito binitawan ang salitang iyon.
"Hindi ko sinabing ayaw ko sayo.Ang hindi ko gusto ay yung idea na may inerereto na naman si Mama sa akin!"
Paliwanag ni Zach.
"Ganun na rin 'yon!" Singhal niya"Oh ngayon anong dahilan mo kung bakit mo ako sinundo?"
"Melanie,believed me.Hindi ko alam kung anong dahilan ang gusto mong marinig mula sa akin.Pero hindi ko rin alam kung anong dahilan ko.Basta't ang alam ko gusto kong palagi kitang nakikita,sanay na rin akong katabi kita sa pagtulog,kasabay kumain at kasabay mag gym."Mahabang paliwanag nito sa kanya.
" 'yun lang dahil gusto mo akong kasama?"Mulagat niyang saad sa lalaki.
"You know what Melanie,gusto kita!Hanggang diyan lang muna ang kaya kong ibigay sayo.Dahil hindi ko pa rin alam kung ano itong nararamdaman ko! "Bahagya pa nitong kinamot ang kilay nito.
Nasaktan siya!
Pero anong magagawa niya.
Iba-iba siguro ang tao.Dahil siya ay naka moved on kaagad sa ex niya.
Si Zach,six years na pero heto pa rin at hindi pa rin makalimot.
"Bakit?Dahil mahal mo pa ang ex mo?"she muttered again.
Nakita niyang dumilim ang mukha nito dahil sa sinabi niya.
"Sino ang nagsabi sayo niyan?Si Mama?" Galit na tanong nito.
Gusto niyang matawa.
Tila baliktad na ang pangyayari,ito na ang galit ngayon.
"Hindi niya kailangang sabihin.May mga mata ako" Saad niya lumayo siya sa kausap at naupo sa sofa.Naiwan si Zach na nakasandal sa may refrigerator habang naka pamulsa ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nito.
"Bakit ikaw naka move on ka na ba sa asawa mo?"asik nito
" Matagal na!Simula noong araw na natuklasan ko ang ginawa sa akin ng asawa ko.Kaagad kong natangap na hindi siya ang lalaking makakasama ko sa aking pagtanda.Anong dapat kong habulin sa taong hindi ako ang laman ng puso?"She was looking straight into his eyes at naghahanap ng senyales kung tinamaan ito sa mga binitawan niyang salita.
Sadyang patama para sa dito ang kanyang mga tinuran.Mataman niya itong tinitigan ngunit wala siyang mabasa sa blanko nitong mukha.
[Masasabi ko sayong mahal kita simulat sapul na makita ko ang litrato mo sa kwartong tinutulugan ko.Litrato pa lang ay minahal ko na lalo na ng makita't makasama kita.]
Nais pa sana niyang idagdag iyon sa mga sinabi niya,kaya lang masyado nang lumalabas na kaawa-awa siya.
"Mag kaiba tayo ng kalagayan,Melanie!Iba ang sitwasyon mo sa sitwasyon ko." Madilim pa rin ang mukhang sagot nito.
"Anong pagkaka iba ng hindi maka pag bigay ng anak sa asawa at sa asawang lahat ay gustong anakan?" Asik niya sa rito"Yung sa mga ex's mo,maiintindihan ko pa ang ginawa nila.Dahil kaya nag aasawa ang isang tao ay upang bumuo ng pamilya.Kaya natural gusto nila ng anak,pero 'yung asawa ko matapos kong bigyan ng tatlong anak.Nagdagdag pa ng anak sa iba.Hindi ba parang mas masakit 'yon!"
Naiinis siya sa taong hindi kayang tumangap ng pagka bigo sa buhay.
Iyong taong sanay na ang gusto ay nakukuha ang lahat ng naa-ayon sa kanyang kagustuhan.
"You know what,Zach.Ayaw kitang saktan.Talagang prangka akong tao.Hindi ko sinasabing mag move on ka para mahalin mo ko,atleast gawin mo man lang iyon para sa sarili mo."Talagang nayayamot na siya sa lalaking ito.
Hindi ito umimik kamunti man sa dami ng sinabi niya.Isang mahabang katahimikan ang isinagot nito sa kanya Umalis ito sa pagkakasandal sa refrigerator,lumapit ito sa sofa at umupo sa tabi niya.
"Kung hindi mo ako mahal so bakit mo ako susunduin? Para gawin mong sex slave sa mansion mo?Is that what you want?"Diretsang tanong niya rito.
"I didn't say that I dont love you, I do liked you and...and..."he mumbled some words na hindi niya naririnig.
"'Wag mo ng ituloy kung anoman ang sasabihin mo Zach.Ayoko ng bolahan ayaw ko ng lokohan!Tama na yung sinabi mong gusto mo ako.Ayokong sasabihin mong mahal mo ako pero hindi ko maramdaman!"Awat niya sa mga sasabihin pa nito,maluwag sa dibdib niyang tanggapin na nasa liking stage pa lang sila.
Liking stage!
As if they we're sixteen and seventeen!
" Will you come back for me,babe?"he is looking straight into her eyes.
"Hindi ba akward na sumama na akong umuwe sayo.What if dito na muna ako habang kinikilala natin ang isat- isa?"Kunwa'y sabi niya.
" Masyado ng maraming nangyari sa ating dalawa para dyan sa stage na iyan.Marami na akong alam tungkol sayo marami ng nai kwento si Mama."
"Akala mo lang 'yun Zach!"She smirked at the back of her mind.
"Babe,please!" Pagmamakaawa nito sa kanya.
"Im sorry,Zach! Buo na ang desisyon ko.Hindi na muna ako uuwe ng mansion.Paki sabi na lang kay Mama na tumatalikod na ako sa aming usapan." Desididong saad niya.Dahilan upang lumaglag ang mga balikat nito. Tila nahahapong sumandal ito sa sofa at inihilamos ang mga palad sa kanyang mukha.
"Ito ba ang ganti mo dahil hindi ko masabing mahal kita?" May bahid ng pang uusig ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
The nerve!
"Kung marunong ako niyan dapat ay patay na ang asawa ko ngayon,Zach." Diretsang sagot niya rito.
"Kung ganoon ay dito na lang din muna ako!" Sagot ni Zach na ikinagulat niya.
"No,Zach! Hindi mo kailangang gawin 'yan!"
"No,Melanie! It's either sasama ka sa akin o dito din ako habang nandito ka!"At mukhang desidido talaga ito sa desisyon nito.
Gusto niyang mayamot na talaga sa taong ito napaka kulit.
"And then what?Saan ka naman matutulog dito sa tingin mo?Nakikita mo ba ang bahay ko ang liit-liit,at wala kaming aircon, electric fan lang.Paano ka makaka survive dito?"Sunod sunod niyang tanong dito.
"Eh bakit ikaw nakakatiis ka rito?" Tanong nito.
Gusto na niya itong tuktukan!
"Natural,dito ako nakatira sanay ako sa ganitong buhay."
"Sus,huwag mo nga akong alalahanin tao lang din ako!" Sagot pa nito.
"Sigurado ka?" Tanong niya.
Natutuwa siyang isipin na kaya nitong subukan ang buhay na meron siya.Kahit alam niyang gusto lang nitong patunayan iyon sa kanya.
"Yes,babe."Determinadong sagot nito.
Hindi niya malaman ang iisipin sa pagtigil ni Zach sa bahay niya.Anong gagawin ng isang Zacharias McBride sa riles na tinitirhan niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top