Dalaw

A/N

Oh...Mali yang iniisip mo..
Hindi ito dalaw na pelikulang horror ni Kris Aquino...
Hahaha,,,love story tau guys,,romance...so wag matakot walang multo dito...

P.S.

Thanks to "jerrykaubanan" for adding my story on u'r reading's lists....

Lab yah....

================================

"Mama!"

Gulat siyang napalingon sa may living room,naroon ang tatlo niyang anak kasama ang matalik niyang  kaibigan na si Daisy.Na siyang tumatayong Guardian slash yaya ng mga anak niya.

Mahigpit siyang niyakap nina Nica,Ada at diretso pakarga na si Acia.Alam niyang miss na miss na siya ng kanyang mga anak.Dahil two weeks silang hindi nasundo sa batangas.

Katulad ng pagka miss niya sa kanila.Niyakap rin niya ang bestfriend niyang nakangiti ng maluwang sa kanya.

"Kinaon ko na  sila para sayo,Melanie,hija.Alam kong lumbay na lumbay kana dito sa bahay." Sabi sa kanya ng Senyora.

"Salamat,Mama," Maluha-luhang sabi niya ,napaka bait sa kanya ng matandang ito.

Napalingon sila ng may tumikhim sa likuran.

"Zach,Hijo.Meet,Danica,Dianna and Dacia,mga anak ni Melanie.Kid's Meet your Daddy Zach.Your mama's boyfriend,My son!" Dire-diretsong pagpapa kilala ng Senyora na ikina gulat nila ni Zach.

"Mama!" Gulat na duet nila ni Zach.

Hindi pinansin ng matanda ang pagdilim ng mukha ng anak nito. Napahiya din siya sa ginawa ng Senyora.Hindi rin tuloy niya magawang tuminging muli kay Zach.

Nagsipag mano ang mga bata dito at maayos naman nitong ibinigay ang kamay sa mga anak ko.Nagpakandong pa dito ang bunso niyang si Acia.
Nilalaro nito at sinasagot ang mga tanong ng tatlong taong gulang na bunso niya. Si Nica at Ada naman ay isinama ng matanda sa komedor para mag meryenda.Sigurado siyang nagpa deliver ang Senyora ng Pizza,dahil iyon ang paborito ng mga anak niya.

Dinala naman niyq sa garden ang kaibigan at doon nag kwentuhan.

"Tuwang-tuwa ang mga anak  mo ah,"Umpisa nito." Paano dalawang linggo mo rin silang hindi sinundo."

"Oo nga eh,hindi ka ba nila pinahihirapan?"

"Hindi ah,hindi naman na alagain ang mga anak mo ah,si Acia naman tamang kulit na lang." Natatawang sagot nito."Ikaw ang kamusta na dito?" Balik tanong nito sa kanya."Hindi mo na i-kwento sa akin na dumating na pala ang future husband mo!"tudyo pa nito sa kanya.

"Ewan ko." Naguguluhang sagot niya.

"Anong ewan mo?" Kunot ang noong tanong nito.

"Ewan ko,dahil hindi ko alam kung ano ako rito! "

"Oh,diba ang sabi ng donya ay ma-manugangin ka niya?" Tatawa-tawang sabi nito.

"Sus,si Mama lang ang nagsasabi niyon!"

"Bakit ano bang sabi ni Zach sayo?"

"Wala p-pero..."

"Pero ano?" Atat na kalabit nito sa akin.

"Noong huli kong marinig ay inaaway ang kanyang ina sa pagdadala sa akin dito para...alam mo na.Pero kapag kami lang ang magkaharap ay ang sweet-sweet,panay ang halik sa akin!" Naghihimutok na kwento niya sa kaibigan.

"Oh 'yun naman pala eh,iyon na 'yon,bff!" Tili pa nito."Yan ang sinasabi ko sa iyo besty,hindi pwedeng-hindi ma inlove sayo ang anak ng Donya,diba?"Napansin niyang panay ang donya nito sa matanda.

"Heh tumigil ka nga!Bakit ba donya ka ng donya kay Mama.Diba Senyora nga!" Sabi niya.

"Eh bakit ba eh donya ang gusto ko!" Sagot nito."Oh tama ba ang sinabi ko inlove na sayo ang adonis mo?"

"Hindi siya inlove sa akin,mukhang ginagawa niya akong gamot sa puson!" Diretsa niyang sagot dito.

"Hush,pa-virgin effect ang besty ko,eh ano pa bang mawawala sayo kung sakali noh aber?"

"Wala nga,llamado pa nga ako kung gahasain man ako ng ganyan ka gwapo!Kaya lang..."

"Kaya lang ay ano?" Sambot agad nito.

"Diba wala pa kaming isang taong hiwalay ni Daniel?Diba dapat igalang ko man lang ang kasabihang iyon?"

"Gaga!Sa patay lang iyon,ano! Buhay pa yung damuho mong asawa.
Sumakabilang bahay lang! At tsaka anong galang -galang ka d'yan?Hindi ka nga iginalang ng gung-gong na iyon.Akalain mong kumare pa natin ang binuntis,hindi man lang lumayo ang walanghiya!"

Galit na galit ito tuwing mapapag usapan ang ex niya. Paano dalawa pa lang ang anak niya ay palagi na nitong sinasabing hiwalayan na niya ito dahil hindi na healthy ang kanilang pagsasama.Kaso matigas ang ulo niya,umabot pa sila sa tatlong anak tapos sa hiwalayan din pala ang punta.

"Ikaw naman,Maayos na ang buhay niyong tao sa lagay niya ngayon.Tigilan na natin!"

"Sus,hindi tao iyon,hayop iyon!Siya lang ang umayos ang lagay dahil nanahimik ka.Kayo ba ng mga bata maayos?Kundi kapa nakatisod ng ginto eh di patay gutom sana kayo ng mga bata ngayon!"

"Hush,'wag ka ngang ganyan,baka marinig ka ni Zach,akalain pa niyon na mukha akong pera!"

"Oh hindi ba?" Biro nito sa kanya na ikinatawa nilang pareho.

Ganoon silang mag bestfriend mag usap.Kaya nga sila nag click ay dahil sa sinasabi nila sa isa't-isa ang gusto nilang sabihin kahit masakit basta't totoo.

"Noong una iyon,dahil hindi ko alam kung papaano bubuhayin ang mga anak ko.Pero ngayon parang nagsisisi na nga ako!Anong pagkakaiba ko sa isang babaeng bayaran na handang ikalakal ang katawan para sa pera?" Baling niya rito.

"Sus,ang drama neto,Kapag ganito ang buhay ng isang babaeng bayaran.
P'wes gusto ko na ring maging pok-pok!" Litanya nito na ikinatawa niya ng malakas."Oh s'ya ikaw ang umuwe sa batangas kasama ng mga anak mo at ako ang lalafang sa macho gwapito mo!"

Zach

Natatawa naman siya sa takbo ng usapan ng mag kaibigang ito.Natural palang maging luka-luka itong si Melanie dahil may luka-luka itong kaibigan.

Narinig niyang lahat ang naging usapan ng dalawa,paano ay hinahanap ni Acia ang kanyang ina.Kaya sinundan niya ang mga ito sa garden.

So tama nga ang hinala niyang pera ang dahilan kaya kusang lumundag sa kanyang kama ang babaeng ito.
Nakabuntis pala ng kumare ang asawa nito.

Bigla tuloy siyang naawa dito,kasabay ng gusto ding mainis dito dahil mukha pala itong pera.

Oh eh ano naman kung mukha itong pera,hindi mo naman kayang ubusin ang yaman ng iyong ama,kahit ilang beses ka pang  mamatay at mabuhay.Hindi pa kasama ang yaman ng iyong ina!

Sabi ng konsensya niya!

Oo nga!

Hindi ka naman kayang paligayahin ng pera mo!

Sabi pa din ng isang konsensya niya!

Oh Shit...

Mukhang nasisiraan na rin siya ng bait!

Dahil kinakausap  na niya ang sarili niya.

Tumigil sa pagta tawanan ang dalawa ng makita siyang palapit sa mga ito habang karga niya ang bunso ni Melanie.

"Hinahanap ka ng anak mo," simpleng sabi niya at bahagya lang niyang tinanguan ang kaibigan nito."Umalis sina Mama kasama ang dalawang dalaginding mo,mag sho- shopping daw."Sabi pa niya habang ibinababa  ang bata sa harap ng mag kaibigan.

Isang simpleng tango lang ang isinagot nito sa kanya.Pagkatapos ay nag paalam na siya sa mag kaibigan.

Melanie's POV

Hindi niya maintindihan kung bakit tila takot sa tao itong si Zach.Sa tuwing may kaharap silang tao ay ganito ang pakikitungo nito sa kanya.
Pero kapag sila lang naman ang magka usap,kung halik-halikan naman siya ay parang wala ng bukas.

Dalawang araw rin niyang nakasama ang kanyang mga anak.Dalawang araw din silang shopping dine,shopping doon,kasama ang Senyora.

Sa gabi nama'y doon siya natutulog sa guestroom na tinutulugan nila,ang kaibigan naman niya'y sa ibang kwarto rin.

At noong araw ng linggo ay maghapon silang nagbabad sa pool kasama ang kaibigan niya at ang Senyora.

Hindi siya nagbabad sa pool.Kung iyon ang nais ninyong malaman kung bakit hindi siya kasama.

Sayang ang bleach!

Sayang ang gluta!

Sayang ang make-over!

Masayang -masaya ang mga bata ng ihatid nila ni Tatay pilo sa batangas.Ang kaibigan niya'y ibinulong pa sa kanya na inabutan ito ng Senyora ng pera pang allowance nila ng mga bata.Ang sabi niya'y gamitin nilang pang gastos at pambaon -baon ng mga bata.Mulagat pa ang mga mata nito ng sumagot sa kanya..Kung ipapabaon daw ba nito lahat sa mga anak niya yung fifty thousand na ibinigay ng matanda.

Tatawa-tawa siya ng sinabi niyang ,Oh s'ya itabi nitk para pag napalayas siya sa mansion ay may pera sila!

Saka lang bumaba ang makulit niyang kaibigan ng sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top