Another day of heartache

Melanie...

Mag isa na lamang siya sa kwarto ng magising siya.

Wala na si Zach.

Napangiti siya ng makitang nakasuot na siyang muli ng daster. Tiyak niyang si Zach ang nagsuot niyon sa kanya, tulad ng palagi nitong ginagawa dati kapag nakakatulog silang hubad.

Bumangon siya at dumiretso sa banyo.

Pagkatapos niyang maligo ay kaagad siyang bumaba sa komedor sa pag aakalang nandoon si Zach.

Dinatnan niya sa komedor sina Rose at Nanay pining.

"Rose, ang mga bata? "Tanong niya.

"Pumasok, Senyorita,"sagot nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya.

Lunes, pala ngayon!

"Senyorita, oh gatas! "Sabay abot ni Rose sa isang baso ng gatas.

Napakunot noo siyang muli.

Bigla siyang naduwal, tumakbo siya sa lababo at doon sumuka. Sumunod naman sa kanya si Nanay pining at hinagod hagod ang likod niya.

Umayos din naman kaagad ang pakiramdam niya matapos niyang maisuka ang malalapot na laway.

Hinarap niya si Rose.

"Kelan pa ako uminom ng gatas ha, Rose? "Nakapamaywang na sita niya dito.

"S-sorry, Senyorita... Pero iyon ang utos ni Senyorito Zach bago umalis, ipagtimpla daw kita ng gatas pagkagising mo! "

"Umalis na si Zach? "

Iyon ang unang rumehistro sa utak niya.

"Oo, anak! "Sagot ni Nanay pining sa kanya.

Lumapit ang matanda at iniabot sa kanya ang isang tasang kape.

"O, inumin mo para mawala ang pangangasim ng sikmura mo! "

Iba ang tinging ipinupukol sa kanya ng matandang mayordoma.

Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit parang tigib ng awa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"May gusto ba kayong sabihin,Nanay
Pining? "tanong niya dito.

Tumingin ang matanda kay Rose na kumakain.

Bago muling tumingin sa kanya.

"Saan natulog si Zach kagabi?Sa kwarto n'yo ba? "Diretsang tanong ng matanda sa kanya.

Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng pisngi sa tanong ng matanda.

Hindi siya nakasagot.

"Alam kong mahal mo ang aking alaga, Melanie... Pero hindi ba parang sinasadista mo na ang iyong sarili? "
Tumulo ang luha niya, kasabay ng nakita niyang tumulo rin ang luha ng matandang mayordoma slash yaya n Zach. "Alam kong mahal ka rin ng alaga ko, pero parang hindi marunong magpatawad ang batang iyon! "

"Lalong magagalit iyon, kung lalo pa ninyong patatagaling itago iyan! Huwag kang maki sali sa pagkakamaling nagawa ni Guada! "
Patuloy pa ng matanda.

Hindi siya umimik kamunti man, hindi niya alam ang dapat sabihin.

Alam niya ang tinutukoy ng matanda.

"Bakit hindi mo sabihin kay Zach ang totoo? "Hirit pa ulit ni nanay pining.

"Wala akong karapatan, 'Nay... "
Humihikbing sagot niya.

"Meron, dahil ikaw ang mas nahihirapan! Huwag mong intindihin si Guada, dapat niyang pasaning mag isa ang nagawa niyang kasalanan. Hindi ka kasali roon! "

Alam niyang nagmamalasakit lang sa kanya ang matanda.

"Hindi ko po magagawa iyan,'Nay... Hayaan na po nating si Mama ang magtapat kay Zach! "Nakayukong sagot niya. Patuloy sa pagpatak ang masagana niyang luha.

Naiipit siya sa isang sitwasyon!

Ang pagpili sa tama at isa pang tama.

Pag-ibig o dignidad!

Pagmamahal o pagtanaw ng utang na loob.

At wala siyang magawa kundi ang umiyak.

Naiiling na iniwanan na siya ng matanda, alam naman niyang para sa kanya ang suhestiyon nito. Ngunit malaki ang utang na loob niya sa matandang Senyora.

Walang maririnig na kahit na ano sa kanya si Zach.

Period!

.
.
.
.
.
.

Hindi na umuwe ng gabing iyon si Zach.

.
.
.
.
.
.

Hindi rin bumalik kinabukasan.

.
.
.
.
.
.
.

Umabot ng isang linggo na ni hindi ito sumilip man lamang.

.
.
.
.
.
.
.

At isang buwan.

.
.
.
.
.
.
.

At dalawang buwan pa.

.
.
.
.
.
.
.

Pitumbuwan na ang tiyan niya ngunit hindi na talaga muling bumalik ng batangas si Zach.

Ang Senyora ang palaging dumadalaw sa kanya.

Ngunit wala itong kahit na anong binabangit tungkol kay Zach.

Basta't tuwang-tuwa itong mag kaka apo na ito.

Kumpleto na sila ng gamit ng bata hanggang sa pag anak niya.

Dinagdagan pa nito ang mga katulong sa bahay, para hindi daw siya mapilitang maghatid kay Acia na pumapasok na sa day care center.

Wala siyang ginagawa kundi maglakad-lakad sa umaga. Kasama ang kaibigan niya na si Daisy na naglagi na muna sa kanila hanggang sa pag anak niya.

Palagi siya nitong ipinapamili ng iba't -ibang klaseng prutas.

Alam kasi nitong kakaiba siyang mag buntis.

Naglilihi siya sa mga prutas sa buong siyam na buwan ng pagbubuntis niya.

Lahat ng maasim na prutas ay hinahanap niya.

.
.
.
.
.
.
.

Kabuwanan na niya.
Ngunit wala pa ring Zach na nagpapakita.

Buti na lang at palaging nariyan ang kaibigan niya si Rose at si Nanay pining na alam niyang totoong nagmalalasakit sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.

Hanggang sa dumating ang araw ng kaniyang panganganak.

Nataranta ang lahat ng tao sa bahay, maging ang mga driver.

Papaano ay grabe kung makasigaw si Rose, nang makita nitong pumutok na ang kanyang panubigan.

Tarantang isinakay siya ni Tatay Pilo sa sasakyan at itinakbo sa pinaka malapit na ospital.

Naka alalay sa kanya ang kaibigan niya pati si Nanay pining na panay ang hagod sa balakang niyang hindi tumitigil sa pananakit.

Tumulo ang luha niya hindi dahil sa kirot na nararamdaman.

Walang tatalo sa sakit na malamang hindi talaga siya binalikan ni Zach,hanggang sa oras ng pagluwal niya sa kanilang anak.

Maiigi pa si Daniel na kada manganganak siya sa tatlong anak nila ay nakabantay palagi sa tabi niya at inaasikaso siya.

Pero si Zach ay nagawa siyang tiisin sa pag aakalang hindi nito anak ang dinadala niya.

"Anong iniiyak-iyak mo d'yan? "
Singhal sa kanya ng kaibigan niya.
Grabe talaga itong kaibigan niya,talagang sermon pa din ang inabot niya hanggang sa pag le-labor niya.

Tumigil lang ito ng muling pumatak ang luha niya.

"Bff, naman... Baka naman pwedeng sarili mo muna ang isipin mo bago ang ibang tao.Ireserba mo ang lakas mo sa pag-ire at hindi sa pag iyak sa walang kwentang tao! "Pakiusap nito sa kanya.

Masama ang tinging ipinukol dito ng matandang mayordoma.

"Naku, Nanay Pining... Huwag ninyo nga ho akong bigyan ng ganyang tingin. Totoo naman ho ang sinabi ko tungkol sa alaga ninyo! Dahil kung hindi eh di dapat ay naririto siya sa tabi ng kaibigan ko! "

Hindi magpapatalong paliwanag ni Daisy sa matanda.

Hindi naman umimik ang yaya ni Zach.Tahimik nitong hinihimas-himas  ang balakang niyang napakasakit talaga.

"Bff... Ano... Magkukwentuhan na lamang ba tayo dito! "Singit niya sa usapan ng mga ito. "Ireng -ire na akoooo....asan na ang doktorrr...??? "

"Saglit na lang, bff... May pina paanak pa si doktora eh! "Tarantang sagot sa kanya ng kaibigan.

"Susmeee... Hindi ko na siya mahihintay... Tumawag ka na ng kahit na sinong doktorrrrrr....!!!"

Hindi na niya maipinta ang mukha niya. Pakiramdam kasi niya ay lalabas na ang bata anumang oras.

"Nagpapa anak pa nga si Doktora, lalaking doktor okay lang ba sayo? "
Tanong ni Daisy sa kanya.

"Bestyyy... Naman,,, ke bakla, ke tomboy na doktor... Tawaginnn mooo nahhh!!! "Sunod-sunod na ang pag hilab pero wala pang doktor na lumalapit sa kanya. Tarantang tumakbo palabas ng kwarto ang kaibigan niya.

Tinawag niya ang isang nurse na babae na dumaan sa kinahihigan niya.

"Nurseee... Saluhin mo ang anakkk kooo... Ayan nahhh... Ahhhhh....!!! "

Sigaw niya!

"Naku M-mam... Wait po... Eh bakit po kasi naka under ware pa kayo! "
Tarantang awat sa kanya ng nurse. Hinubad nito ang panty niya at pumuwesto sa harapan niya.

Isang sigaw pa niya at narinig na niya ang iyak ng kanyang iniluwal na sanggol.

Nakita pa niyang dumating ang doktor na kinaon ni Daisy, bago pa siya nakatulog sa pagod sa pag ire.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top