SA BAHAGHARI AKO'Y TUTULA

BABALA: Ang panaghoy na ito ay isang paglalahad. Maliit na parte ng isang kabanata. Isang malayong kahapon na humubog sa aking ngayon.

---

SA BAHAGHARI AKO'Y TUTULA
mga salita ni Rome Alferez Lozano

Tanda ko pa kung paano mo sinilid sa dalang garapon
Ang bawat gamu-gamong kasing bata ng panahon
Siguro limot mo na kung anong nangyari kahapon
Ngunit, Hayaan mong ipaalala ko sayo ng mahinahon

Ang sabi mo may alam kang laro na tiyak ay masaya
Tumalon ang aking puso dahil sa sobrang tuwa
Mabilis mong isinara ang pinto at hindi ko inakala
Na ito na pala ang sa aking kabataan ay magpapalaya

Sa bawat pagkabiyak ay siyang lalim ng iyong ngiti
Habang kamay mo'y nakatakip saking mumunting labi
Ang iyong pag-indayog sa akin ay mayroon nang kiliti
Mahinang palakpak at nagawa mo na ang minimithi

Bumilis, lumalim, nawala ang itim sayong mga mata
Tanaw ko sa ilalim kung paano bibig mo'y bumuka
Hinihingal, pawisan, at pansamantalang nanghina
Tanawin na nagsasabing ang langit ay abot mo na

Ang iyong pagtapos ay siyang aking panimula
Pilit ko mang takasan ay wala naman akong magawa
Dahil ito ako, ito ang buhay ko, puno man ng luksa
Hindi ko ikakahiya bagkus sa bahaghari ako'y tutula

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top