Pamana
Simula noong nangyari ang pangyayaring iyon, lahat nagbago. Noong nalaman ko ang dahilan kung bakit ganoon, nabalot ako ng pangamba at pagtataka.
Gabi-gabi ay nakakarinig ako ng kaluskos sa kisame. Tinatanong ko si Mama kung ano iyon pero ang palagi niya lamang sinasabi'y isa lamang iyon sa mga pusang pagala-gala sa tabi-tabi.
Gabi-gabi ko ring naririnig ang mga yabag na pawang nagtatakbuhan sa kahoy na sahig habang ako ay nakapuwestong mag-isa sa isang kuwarto sabayan pa ng mga tawanan ng mga kabataan doon sa aming bakuran.
Hindi na ako nagtataka...
Normal na itong nangyayari sa akin araw-araw at gabi-gabi.
Sinasabi ng akin ni Lola noon na may natatangi akong katangian. Sinasabi niya sa akin na kaya kong makipagsalamuha sa mga elementong walang ordinaryong taong nakakakita.
Inilihim ko ito kina Mama at Papa. Natatakot akong baka may mangyaring masama sa kanila.
Para sa akin ay isa itong napakagandang regalo.
Ngunit maaari palang mali ang hinala ko...
Bilang isang taong nakakakita ng mga bagay na walang iba pang nakakakita ay madalas akong nilalayuan ng mga tao. Madalas din nila akong napagkakamalang baliw.
Hindi ko nga rin alam kung naniniwala nga ba talaga sa akin si Lola.
"Tulungan mo ako. Pakiusap!"
"Bigyan mo ako ng hustisya!"
"Hindi ko dapat nagawa iyon!"
Iyon ang madalas kong naririnig sa mga nakakasalubong kong multo na pagala-gala sa mga lugar na napupuntahan ko.
Habang tumatagal ay naiisipan kong ayoko na! Lalo na noong napansin kong naaapektuhan na nito nang husto ang pamumuhay ko.
Binabawi ko na ang sinabi kong isa itong magandang regalo. Isa itong sumpa!
Ang iniisip ko ay upang tuluyan nang mawala ang bagay na ito ay iwasan ko nang makipagsalamuha sa mga elemento. Simula pa noong naisip ko iyon ay iyon na ang aking nakasanayan.
"Hindi ko sila nakikita! Hindi ko sila naririnig!" Iyon ang sabi ko sa aking sarili sa tuwing makakatagpo ako ng elemento.
Ginawa ko ito nang paulit-ulit subalit para bang wala namang nagbago.
Isang araw ay ilan sa mga kaklase ko papunta sa isang abandonadong gusali, hindi kalayuan sa camping site namin. Napakatahimik. Sa labas ay wala akong nakikitang elemento subalit pansin ko ang mabilis na pagkatog ng aking puso.
"Bumalik na kaya tayo!" yaya ko sa kanilang tatlo.
"Ano ka ba? Napakaganda nito para sa ginagawa kong blog," sagot ni Ella. "Kaway-kaway tayo sa camera, guys!"
"Narito kami ngayon sa isang abandonadong gusali. Kasama ko ang tatlo sa mga kaklase ko at dalawa sa kanila ay ang kaibigan ko yung isa ay isang 'weirdo'," wika ni Ella habang nagsasalita sa camera.
"Alira," sambit sa akin ni Miles, "may nakikita ka bang kakaiba sa lugar na ito?"
Sa sandaling sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla na lamang may dumaang kung ano sa aming harapan.
"Wow! Did we just encountered a ghost?" bulalas ni Ella.
"Kung sino man kayong mga nakatira rito ay umalis na kayo! Sa amin na ang lugar na ito kaya wala na kayong karapatang manatili dito!" sigaw ni Miles.
"Ano ba kayo?! Wala kayong respeto!" sita ko.
"Natatakot ka na ba, ha? Kailangan ba naming magsabi ng 'Tabi tabi po?' ?" asar ni Claire.
Ilang saglit pa ay may nagpakitang isang grupo ng mga matataas na taong nakakulay puti.
"Sa tingin ko ay kailangan na nating umalis," wika ko sa kanila na para bang hindi nakikita ang mga kakaibang elementong iyon sa akanilang harapan.
"Aray!" sigaw ni Ella. "Lowbat na ang phone ko! Tara, balik na tayo sa camp.
Bumalik na kami sa kampo sa pag-asang walang nakasunod sa aming elemento. Hanggang ngayon ay ayoko pa rin silang pansinin. Gusto ko na itong maalis sa akin.
Lumipas ang mga oras at wala namang nangyari kababalaghan. Wala hanggang sa sumapit ang gabi.
Nagising kami nang dahil sa isang iyak na para bang nahihirapan.
Mabilis akong tumakbo papunta sa lugar na pinanggalingan ng ingay at doon ko nakita si Ella.
Subalit... napagtanto kong hindi pala siya nag-iisa. Sa kaniyang likuran ay may nakakargang isang batang kaluluwa.
Gusto ko mang tumulong subalit ayoko namang pansinin ang elementong iyon.
Dumating ang nurse nang campsite namin at nagsimulang magtanong. "Ang sakit po ng likuran ko at para bang nasasakal ako. Please, tulungan niyo po ako."
Nagmamakaawa si Ella at pansin ko namang nahihirapan siya. Sabi rin niya ay kapag humihiga siya ay para bang may sumasakal sa kaniya.
Pinainom lamang siya ng gamot nang nurse sa pag-asang maibsan nito ang hirap na nararanasan niya.
Lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring nagbago. Doon ko na napagtantong kailangan kong tumulong.
"Pwede po bang makausap si Ella nang kami lang pong dalawa?" ang tanong ko sa nurse.
Pumayag ito at pinaalis muna ang ibang nasa loob ng silid.
"Ella, huwag kang matatakot pero may kaluluwang nasa likuran mo," wika ko sa kaniya.
"Huwag mo nga akong bolahin, Alira!"
Hinawakan ko ang kaniyang likuran at pinagmasdan ang kaluluwa.
"Anong binabalak mo?" tanong nito sa akin.
"Bata," mahinahong pakiusap ko, "kailangan mo nang umalis riyan. Nasasaktan mo na siya."
"Sino ang kinakausap mo?" tanong ni Ella.
"Hindi ako aalis dito! Kailangan ko pang manatili rito!" sigaw ng batang lalaki.
"Sabihin mo kung ano ang dahilan. Baka matulungan kita," wika ko.
"Baka kunin nila ako! Ayokong sumama sa kanila!" sambit ng batang multo.
Nabalot ng mga katanungan ang aking isipan hanggang sa may nagpakita sa aking isa sa mga elementong nakaputi na nakita ko kanina lamang doon sa gusali. Itinaas niya ang kaniyang kamay at itinuro sa akin ang gubat - ang gubat kung saan naroroon ang abandonandong gusali.
Inabot ko ang kamay ng bata at bigla na lamang itong nawala.
"Ayos na ako! OMG!" bulalas ni Ella.
"Pwede bang samahan mo ako papunta sa gusaling iyon?"
"Hmm... Sige," sagot ni Ella. "Pero dapat kasama rin sina Claire at Miles."
Lumabas kami ng kuwarto at pinuntahan namin ang building. Doon ay naroroon pa rin ang elemento at itinuro sa amin ang isang kabinet. Binuksan ko ito at nakita namin ang buto ng isang... bata.
Sa mga oras na iyon ay nagpakitang muli ang kaluluwa. Ngumiti siya sa amin at tsaka naglaho.
Doon ko napagtanto na hindi ko dapat ito itinatago. Simula noon ay natutunan kong tanggapin ang bagay na ito. Sinabi ko ito sa mga magulang ko at doon ko nalaman na maging si Mama ay nakaranas din nito.
Hindi pala ako nag-iisa.
Simula noon ay ginamit ko na ang pamanang ito upang makatulong sa ibang tao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top