Chapter 16
"Hayley!" tawag ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinalubong ko ito ng yakap. I haven't seen her for a few years, we've been talking over the phone, but that's all that has been happening. It's quiet to embrace once again though. Such a good feeling to be around the people who were part of my childhood.
"Laki mo na, a?" I chuckled.
She giggled. "Malaki na talaga ako. Ilang taon kang wala, e. But happy to see you back here! Ginulat mo kami!"
"Well, that was my intention."
She giggled and put her attention on my mom. "Hello po, Tita Ava."
I glance at Cory and she was sitting and a smile that I'm not sure if was forced or a genuine one. Hayley hugged my mom and it seemed like they haven't seen each other for a long time the way they embraced each other. I chuckled at how close they were. She knew them when she was young so basically, my mom knew her all her life.
"Nasaan ang kapatid mo? Si Jonathan?"
"Kanina ko pa nga po hinahanap si Kuya Onat. Sabay sana kami pupunta rito," sagot niya. "Hindi ko alam kung saan na naman nagpunta 'yon. Pero tinext ko na naman."
"Matagal na kaming hindi nagkita niyan ni Jonathan," aniko habang pinapapak ang hita ng lechon manok. "Papuntahin mo pa rin dito, ha!"
"Sige." Hagikgik ni Hayley.
"Tara na, samahan mo na kami kumain," pag-imbinta ko pa. "May gusto akong ipakilala sa 'yo and I'm sure you'll love her."
Hayley glanced at Cory who was still sitting silently on her chair. We sat back at the table. Hayley sat across me while Cory's sitting next to me.
"Oh, Hayley, si Cory nga pala," pagsisimula ko bilang pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. "Cory, this is Hayley. Kababata ko."
Somehow, that put a smile on her face. "Hello, Hayley!" Nakangiti nitong pagbati sa kanya. "Nice to meet you!"
"Hello, Cory!" Nakangiting tugon ni Hayley.
The way they shared the smile, I know I wasn't wrong when I first thought about it. It's unbelievable and almost impossible that this would happen at this very time, but things fall into place and we're here.
"Kamosta kaw?"
"How are you raw," pagta-translate ko naman sa kanya.
"Ah, okay. Uh... ayos lang. Enjoy sa work."
"Wow! Nandito ka sa Cuyo dahil sa work mo?" Tumango ito sa tanong niya. "Sana all! Ilang taon ka na ba?"
"Ah, 24 na 'ko," simpleng tugon ni Cory.
"Ay! Ate na pala kita, e! Kate-twenty ko pa lang. Mas matanda ka pala sa akin. Masyado akong walang galang do'n."
"Ayos lang!" Ngiwipa ni Cory. Napangisi ako sa reaksyon niya. Natural lang sa kanya.
"Basta, Ate Cory na tawag ko sa 'yo," dagdag pa nito. "Nga pala Douglas, kaya ba hindi ka nagre-reply nitong mga nakaraang linggo kasi magkasama kayo?" kuryusado nitong tanong.
Tumango ako sa tanong niya. "Yup. Walang time mag-text-text. Busy sa mga ginagawa namin. Puro kami beaches!" anunsyo ko pa siya. Nilingon ko pa si Cory dahil hindi ko rin naman magagawa ang mga bagay na 'yon kung hindi dahil sa kanya. I know Cory also wouldn't talk about the thing I reminded her about, she'll respect that, I know it.
"Ilang araw kayo rito, Douglas?" tanong ni mama.
"Isang linggo lang," I answered. "Babalik kami ni Cory sa Coron pagkatapos nito saka siya babalik ng Manila."
Tumango si Cory para sundan ang sinabi ko. Naninibago lang siguro 'to. Alam ko naman na binigla ko rin siya sa ideyang ito at hindi ko siya pipilitin na makisalamukha. I'll let her adjust since we'll be here for a week, she got the time to do so.
"Anyway, how's life there in Coron, Douglas? Okay naman ba ang lahat?" tanong ni mama.
I nodded, in that way, she'll know everything is fine. "I'm good there. I've been living the best life there. Nando'n din naman sina tito at tita, they've been very good to me as well. They would invite me whenever there's something—o kahit kakain lang sa labas, they would call me."
"That's good to hear, but you know that life here in Cuyo... I know you miss it."
"Oo nga! Agree ako kay, tita. Stay ka na rito."
I laughed and shook my head. "Kung pwede lang, e. Pero may iniwanan din ang trabaho sa Coron at kailangan kong bumalik do'n. Pwede naman ako bumalik-balik dito."
"Daya."
I chuckled. "You'll get it when you're my age, Hay."
She shrugged off. "'Di mo sure."
"Nasaan pala si papa?"
"Tinawagan ko na kanina. Nasa opisina, pero sabi niya on the way na raw siya rito."
"Ayos!"
"Wait lang," biglang nagsalita si Cory kaya naagaw niya ang atensyon namin.
Nananahimik kasi, e. Hindi ako sanay.
"Kung magkababata kayong dalawa... medyo malayo ang agwat ng age niyo, a? 27 na si Douglas at 20 ka pa lang... so may seven years difference? Wala lang... naisip ko lang, sorry naman."
Natawa ako sa sinabi niya. It was out of nowhere.
"Alam ko kung anong nasa isip mo ngayon, pero yes magkababata pa rin kaming dalawa. Iyong kuya niyang si Jonathan, iyon talaga ang kaibigan ko na hangga't sa lumaki kaming dalawa at sabay na nagpatuli, magkasama kami no'n. Nasasama lang 'yan si Hayley sa mga gala namin kaya ayan, hindi na rin umalis sa tabi namin no'n."
"Magkakaibigan kami hanggang ngayon naman."
"Iyon nga lang mas pinili ni Douglas na pumunta ng Coron no'ng maka-graduate siya ng college," kwento ni Hayley. "Pero ayos lang. Hindi naman big deal sa akin at saka kagustuhan din naman niya 'yon. Kung sa ikabubuti niya 'yon, bakit namin siya pipigilan, 'di ba?"
"Ang sabi ko nga sa kanya no'n, dito na lang siya para tulungan niya tatay niya sa munisipyo," dagdag naman ni mama.
"Pero sabi ko nga 'di ba wala akong interes sa politika o kung ano man. I love what I'm doing in Coron now. Nando'n naman sina tito kaya ayos lang din."
"Mabuti nga at nandon ang tito mo kung hindi hindi na kita paaalisin ng Cuyo. Kapag may nangyaring masama talaga sa 'yo, sinasabi ko ko sa 'yo."
Napalunok ako ng laway sa sinabi nito. If she knew what happened in Coron, I don't know how she will react. I glance at Cory and she was also worried about it, but because I will handle it, she'll let me do it alone.
But what would be their reaction is gonna be shocking for me, I know they'll be scared... and could be more than that?
Later on, we heard someone come in and it was a man's voice. I quickly recognized it before he could show himself up.
I stood up when I saw him. "Pa!"
I quickly get on him and wrapped him in my arms. It has been a long time since we talked and we never really had a chance to talk over the phone for the past few months as we're both busy with things—and in life, especially he's a public servant so his schedule is pretty much tighter than mine in Coron.
"Kamusta, pa?"
"All good. Ikaw ba? Ang gwapo mo pa rin, ha! Manang-mana sa akin."
"Syempre naman, pa!" aniko. "Nga pala, pa. May gusto akong ipakilala sa 'yo."
Tumapon ang tingin ni Papa sa direksyon kung nasaan si Cory.
"And who we have here today?" he asked.
"This is Cory—"
"Girlfriend mo?" tanong ni papa.
Tawa ang una kong naging reaksyon saka ako umiling. "Hindi po. Nagkakilala lang po kami sa Coron.
"Kaya nga. Nagkakilala... mag-boyfriend-girlfriend nga?"
Napahalakhak ako sa tawa. "Hindi! Magkaibigan lang kami niyan ni Cory. Taga Manila 'yan. Nandito 'yan sa Palawan para sa trabaho niya. Tinulungan ko lang siyang makapaglibot sa Palawan."
"At kasama ang Cuyo?"
"Uh... hindi talaga kasama ang Cuyo sa plano niya pero ako ang nagbigay ng ideya no'n kay Cory."
Napangisi ito. "Magaling ka talaga, Douglas. Nagdadala ka na ng babae sa bahay natin. Mabuti 'yan."
Saglit lang din ay dumating si Jonathan kaya lalo kong ikinatuwa iyon. Inimbita ko siyang samahan na kami sa hapagkainan at hindi ako mapakali dahil sa tagal na rin naming hindi nagkauusap, ito ang unang pagkatataon na magkasasama muli kami.
"Oo nga pala, pa," panimula ko nang maalala ko ang sinabi ni Cory sa akin kanina. "May ginagawa kasi si Cory na project. Video blog para sa company nila."
"Vlogger ka?" gulat na tanong ni Hayley.
Umiling naman ito. "Hindi. Travel blogger lang ako. Nagsusulat pero kasi binigyan ako ng project ng boss ko na mag-vlog daw ako rito sa Palawan featuring the wonders of Palawan. At dito sa Cuyo po." She turned to face my father. "Gusto ko po sanang ma-interview kayo. Just an insight what people would expect in this island saka 'yong culture or tradition at kung ano-ano pa po. It would be nice to know your thoughts po. That would be a great addition for our episode po."
"Gawin natin 'yan," mabilis na pagsang-ayon ni papa sa kanya. "Bukas ng umaga, wala akong gagawin. Pwede kong ipasok 'yan sa schedule ko pero bandang hapon ay kailangan ako sa opisina. Mga ilang oras ba 'yan?"
"Mabilis lang naman po ito. Mga ten to twenty minutes lang naman po. Depende po kung marami rin kayong sasabihin."
Natawa ito. "Good 'yan. And welcome to Cuyo, Cory."
Napangiti ito at namula ang pisngi. "Thank you po."
I looked at Cory and she was smiling at me, too. I never imagine it would be so easy like this. I'm happy that they liked her, even though they thought she was my girlfriend. Pwede naman, but I don't think Cory would want that.
When we're done eating, nagpaalam sina mama at papa na aalis. Hindi ko na tinanong kung saan. It could be in his office o kung may meeting silang pupuntahan. Niyaya ko naman si Onat sa bakuran. Meron kaming half-court kaya naman niyaya ko siyang maglaro. Nagpahinga lang kami saglit dahil kakain lang namin, pero matapos ang ilang minuto ay hindi na ako nakatiis.
Habang naglalaro kami ni Onat ay napansin ko naman ang pagtawag ni Hayley kay Cory. Puwesto sila sa swing at nag-usap. Hindi ko naman intindi iyon at mukhang nagkakakilanlan lang silang dalawa. And that's a good thing.
"Sa Coron mo nga ba talaga nakilala 'yan, Doug?" tanong ni Onat sa akin.
Tumango ako. "Oo nga. Turista 'yan do'n. Actually, hindi ko naman makikilala 'yan kung hindi ako 'yong sumundo sa kanya sa airport. Sina tito 'di ba may renta ng van. E, nagkaroon ng emergency no'ng araw na 'yon at hindi naman nila pwedeng i-cancel dahil paid na. Ako muna ang sumalo. Do'n ko siya nakilala tapos pumunta pa siya sa Dicanituan Beach kung saan ako nakapwesto ang grupo namin."
"Akala ko, ini-swipe mo habang nasa isla pa siya, e."
"Loko ka, hindi 'no. Hindi naman ako mahilig sa dating app. Kahit maraming turista ro'n. Hindi ko naisip gawin 'yan."
"E, iba naman kasi ang kapogian mo, e. Hindi na kailangan ng dating app. Sila na mismo ang lalapit sa 'yo. Kaya siguro mas napalapit ka sa kanya, 'no?"
Napakibit balikat ako sa tanong niya. "Ewan ko, parang gano'n na nga."
"'Yong totoo? Nililigawan mo ba siya?"
I glance at where she was. I noticed Hayley was looking at the necklace I gave to Cory. I know Hayley remembered that pearl necklace. "Hindi."
"Sayang naman."
Napangisi ako. "Well, walang sayang..."
"So, meron?"
Muli akong napakibit balikat. "Ewan ko, Onat. Hindi ko masasagot 'yang tanong mo."
"Grabe naman? Pa-celebrity ka na, ha!" aniya. "Teka, anong oras na ba? Kanina pa hinahanap ni mama si Hayley. Hindi ata nagpaalam na pupunta rito."
"Tawagin mo na."
"Hayley!" tawag ni Onat sa kapatid niya.
Naglakad si Onat papunta sa kanya at sumunod naman ako. Tinungo namin kung saan nakaupo ang dalawang dilag. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang magkapatid na uuwi dahil nga hinahanap na si Hayley ng nanay nila.
Nang umalis silang dalawa ay ako naman ang tumabi kay Cory sa duyan.
"Pawisan ka, Douglas! 'Wag kang dumikit," babala niya. "Kadiri."
"Mabango naman amoy ko," depensa ko saka inangat ang kili-kili at inamoy. "O, 'di ba? Walang amoy. Kahit dito ka pa tumira, e."
"Hindi ako titira diyan," mataray nitong sagot at tumayo. "Maligo ka na. Magpapahinga na muna ako. Bukas maaga pa 'yong gagawin nating interview sa papa mo."
"Teka." Kinuha ko ang kamay niya. "Anong pinag-usapan niyo ni Hayley kanina? Ang seryoso niyo naman mag-usap?"
"It's private, Douglas. Girls talk 'yon."
"Hmmm... okay." Binitawan ko ang kamay niya. "Magpahinga ka muna. Iiikot ko pa ang asawa ko sa Cuyo—I mean ang bago kong kaibigan." Ngisi ko pa.
"Ewan ko sa 'yo."
Natawa na lamang ako habang pinapanood ko siyang pumasok sa loob.
When I was left outside, sitting on this old swing, I remember all the times I spent my days here and now I get to see and meet everyone again, it made me alive. I hope whatever might happen in the coming days, it would be something I was hopeful for.
To Cory, I hope you won't get mad at me.
It's time for you to seek the wonders in your life—after twenty-four years, the search has come to an end.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top