Chapter 1

What's life like in Coron? Sumisid nang sumisid.

For the past few years, I have been living in Coron away from my family, mas dumami and nagkagusto sa akin. Well, I won't lie that some tourists find me attractive.

Meron pa na gusto akong isama sa dinner nila o kaya sa hostel na tinutuluyan nila. But I respectfully declined to their offers, hindi naman ako kaladkaring tao. But if helping them would also help them to enjoy the island, why not?

When people say there's more opportunity out on this island. Lalo na sa Manila. I've never been there. I don't know what the city there looks like. I just saw them everywhere on social media, but I feel like all the dirty pollution will suffocate me. 

Baka mahimatay na lang ako sa daan nang biglaan.

I could stand the heat, but the pollution in the city would definitely kill me.

"Uwi ka na, Doggy?" tanong ni Ankol.

Tumango ako. "Oo, may dinner kami, e."

"Naks naman! May na-hakot ka sigurong turista at isasama ka pa nila sa dinner nila. Bigatin naman pala ang Doggy nation! Shih Tzu na ngayon."

"Adik ka, Ankol. Walang gano'n." Iiling-iling kong tugon. "Good boy tayo, Kol. Niyaya lang ako nina Tito't Tita na sumama sa dinner nila. Hindi pa nga sana ako makakasama, sinabihan ko na 'yon sila, pero pinilit pa nila so wala akong magagawa."

"E, 'di, umalis ka na!" saad ni Ankol. "E, baka naghihintay na pala sa 'yo sila."

"Sige, sige. Bukas ulit!"

Nang makapagpaalam ako, tumungo na ako sa bangka na naghihintay sa tabing dagat. Binati ko ang namamangkero at idinala ako nito sa kabilang isla. Hindi ko dala ang motor ko kaya kailangan kong tumungo sa bahay ko.

Mga fifteen minutes din ang lakaran simula sa tabing dagat hanggang sa tinutuluyan ko. Hindi kalayuan at walang problema sa mga bahay dahil ako lang mag-isa ro'n.

When I got to Coron 3 years ago, nakikituloy muna ako sa bahay ng mga kamag-anak ko. Nakakahiya man, pero tinanggap nila ako. My parents would want to pay for everything I need for the past few years, but I keep rejecting what they would like to give to me. Ang hindi ko alam, palihim din pala nilang pinapadalhan sina tito ng pera dahil nga nakikituloy ako sa bahay nila. That would suffice all the necessities-kuryente, tubig, at pagkain. Walang problema sa renta dahil sariling bahay nila tito iyon.

That's the moment I know I have to make a decision. I move out of their house. My parents then stopped sending money to them and I kept making my own money to live as the day goes by. 

Mahirap mamuhay sa Coron kung wala kang kakilala. Mahirap mamuhay kung wala kang abilidad na humanap ng trabaho na ikabubuhay mo. I did everything to live back then, and then I got to love free diving and that's how I was able to carry myself by not being a burden to anyone.

Before I left, mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Khakhi short at itim na t-shirt lang ang sinuot ko. Hindi naman siguro kailangan pumorma kung wala namang popormahan.

I hopped on my motorbike and wear the helmet. Sa pagkakaalam ko, hindi naman malayo ang resto na sinasabi nila tito. But I could make there in time. Hindi naman ako bida-bida, gusto ko lang din ipagmalaki itong motor ko. Na matapos kong makahanap ng sariling apartment na tutuluyan, hindi ko talaga binitawang makabili ng motor.

Ang sabi pa ng iba, bakit daw hindi bangka ang binili dahil sa trabaho ko? Ay, desisyon sila.

I wasn't wrong when I reached the resto too early. Ni hindi pa nga sila dumadating nang makarating ako sa lugar. There were people calling me. A lot of people know me because they knew my father and I somehow grew with them. Hindi ko naman alam kung dahil ba malakas lang ang charisma ko o dahil sa tatay kong Vice Mayor sa Cuyo.

Not that long when I saw them coming in and greeted me as soon as they got closer to me. Niyakap nila ako at kinamusta. I haven't seen them for the few days dahil sa dami rin ng mga turista na lumilipad sa Coron. Kahit na medyo alanganin sa panahon at medyo maulan, a lot of people still taking an advantage to enjoy this beautiful island.

Tumuloy kami sa loob ng resto at um-order na nang makakain namin. Sagot daw nila tito ang dinner kaya order lang daw ako kung anong gusto kong kainin. E, 'di, sinulit ko na. I ordered pork sisig, lechon kawali, soup, at ang available dessert lang nila ay halo-halo kaya pinatos ko na.

Habang naghihintay sa order, abala naman ang lahat sa kanilang mga phone.

"Douglas," tawag sa akin ni tito. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya at tinanguan nito ang hawak kong phone ko. "Bakit hindi ka pa bumili ng bagong cellphone? Basag-basag na screen niyan, e."

Napangisi naman ako. "E, gumagana pa naman, 'to, e. Mapagtiya-tiyagaan pa."

"Mas inuna niya kasing bilhin ang motor niya," dagdag ni tita. "Pero walang problema, maganda rin iyon."

"Kumusta nga pala ang trabaho mo? Ayos naman ba?" tanong ni tito.

Tumango ako. "Ayos na ayos lang naman, to. Walang problema. I feel like everything's good... well, dahil rainy season na. For sure, medyo tutumal ang mga turista ngayon na pupunta sa Coron."

"Hindi rin," sagot ni tito. Napakunot naman ang noo ko. "Bukas ng umaga nga, may renta ang van. May susunduin ako sa airport. Ang renta nga lang sa van ay ang pagsundo at paghatid sa aiport at hindi kasama ro'n ang pag-iikot sa isla."

"Kaya bawal uminom," paalala ng asawa nito na may kasama pang pandidilat ng mata. "Mag mango shake na lang kayo, mas okay pa 'yon."

Natawa na lang din naman kami. Maka-ilang saglit lang din ay dumating na rin ang order namin. Huli pang dumating ang isang anak nila na si Jolo. Pinsan ko 'yon. Mas matanda nga lang sa akin ng dalawang tao. Hindi kami gaanong close. May dalawa pa silang anak. Isang 16 years old na babae, pangalawa iyon habang bunso naman ay 10 years old.

Habang nasa kalagitnaan kami ng kainan ay nagkaroon ng komosyon sa labas. I really don't care what was happening outside, but as soon as I know that my motor could be in jeopardy. Mabilis akong napalikwas mula sa pagkakaupo ko at lumabas ng resto at naabutan ko na may nag-aaway na lokal at foreigner. Malayo sila sa motor ko, pero mayamaya lamang ay unti-unting umaatras iyong lokal mula sa mga foreigner at tumungo ito sa nakaparada kong motor at sumapa ro'n. Mabilis no'ng sinubukang paandarin ang motor ngunit mabilis kong tinawag ang pansin nito.

"Hoy!" sigaw ko.

Umangat ang tingin nito sa akin at natigilan ang masamang binabalak. Hindi ko alam kung kilala ako no'ng lokal o anuman, pero kumaripas na lamang ito ng takbo papalayo. Napatakbo ako sa motor ko at siniyasat kung anong nagalaw.

Napabitaw ako nang malalim na hininga nang wala namang nagalaw 'yong lalaki, pero markado na siya sa akin dahil hinding-hindi ko malilimutan ang mukha niya.

Lumapit naman sa akin iyong mga foreigher at nagpasalamat sa akin. They told me that the local is trying to scam and harass them. They knew what was happening so they had to call him out, but the local tried to defend himself as everyone thought he had a knife behind his back that's why no one tried to get closer to him.

And there I was, trying to be the hero. But everything turned back to normal and immediately reported to the authorities.

Bumalik ako sa loob ng resto at tinanong nila kung anong nangyari. I told them what happened and Jolo laughed at me when I mentioned the local tried taking my motor away. Hindi na lang ako sumabat. We're cousins, but we're not that close so I wouldn't argue.

Ang tingin niya kasi sa akin, alien. May lahi akong Cook Islander at iyon ay nanggaling sa mother side ko. I'm not sure what happened, but when I was still living with them, nothing's bad, just awkward.

The next day, I should be preparing to go to Dicanituan Beach para sa mga asikasuhin ang mga turistang magpupunta ro'n at susubukan ang diving activity na meron kami ron, but it's not something I would do.

Tita called and there's an emergency. Maulan pa naman kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko dinala ang motor ko dahil maputik at basa ang daan. Pagkarating ko sa bahay nila, dinala raw si tito sa hospital dahil tumaas daw ang blood pressure. Nadatnan ko sa bahay nila ay si Jolo pa.

"Ikaw raw muna magsundo ro'n sa airport," ani Jolo. Bakit hindi niya gawin 'yon? Alam ko, marunong siya mag-drive at humahalili sa pagmamaneho ng tatay niya. "Nando'n na raw 'yong susunduin mo."

"Hindi ka ba pwede?" marahan kong tanong.

Umiling naman ito. "Hindi, e. Pupunta rin ako sa hospital, susunod ako sa kanila ro'n. Pinaiwan lang nila ang susi para ikaw na nga magsundo sa turista."

Mapapakamot sana ako sa ulo, pero baka iba ang isipin ni Jolo at isumbong pa ako sa mga magulang niya. 

"Sige. Ako na." Kinuha ko iyong susi ng van na inabot niya sa akin. "Anong pangalan ng susunduin? Sino 'yon?"

Napakibit balikat naman si Jolo. "Iyon ang hindi ko alam. Hindi nabanggit sa akin iyon, pero alam ko babae raw 'yon. Mag-isa lang."

"Sure ka na van pa ang gagamitin?"

Napakunot ng noo si Jolo. "Van lang naman ang meron tayo, ha? Bakit? Isasakay mo ba sa motor 'yong turista." Ngisi pa nito.

Napangisi rin ako. "Hindi naman. Sige na, sunduin ko na 'yon."

Kahit basa t-shirt ko ay sumampa na ako sa loob ng van at iminaneho ito papunta sa airport. Habang papunta ako sa Busuanga Airport, napansin ko naman ang maliit na notebook sa dashboard ng sasakyan. Binuklat ko ito at nakalista ro'n ang pangalan ng mga nagrenta ng sasakyan. Nakahinga ako nang maluwag nang mabasa ko ang pangalan ng susunduin ko, pero almost twenty minutes na akong late.

Kung hindi siguro ako nakipagdaldalan pa kay Jolo, mas mabilis akong nakarating.

Hindi rin katagalan nang makarating ako sa airport. Hindi pa ako sigurado kung anong hitsura no'ng babae, pero napansin ko naman iyong isang babae na halos balisa sa kanyang kinatatayuan at panay ang tingin sa phone. I knew that was her kaya inihinto ko ang van sa harapan niya.

Well, mukhang siya nga 'to dahil halatang naghihintay ng sundo.

Kinuha ko ang payong sa gilid at bumaba ng sasakyan saka ako tumungo sa kanya. Hindi ko pa agad nabuksan ang payong at natarant pa ako.

"Correntienne?" pagbanggit ko ng pangalan bilang pagkompirma.

"Yes, ako nga," pagkompirma nito.

Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niya 'yon. Biglaan pa 'to.

"Ako po ang sundo niyo today," panimula ko. "Ito lang po ba ang gamit niyo?" tanong ko pa na tinanguan niya.

"Yes, ito lang."

"Pasok po muna kayo sa loob ng van," sabi ko pa.

Hinawakan ko siya sa braso at itinapat sa kanya ang payong upang hindi siya mabasa. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng van at nang makita kong maayos na ang pagkakaupo nito ay isinara ko iyon para balikan ang maleta at ilagay sa likod ng van. Pansin ko namang panay ang tingin niya sa akin. Hindi ko rin sigurado kung bakit mag-isa lang siya.

Maganda siya, ha.

Nang maayos ko ang lahat ay saka ako tumungo sa driver's seat.

"Okay lang po ba kayo, ma'am?" tanong ko sa kanya.

"Yes... I'm fine... but I was waiting there for thirty minutes na. Is it because of the weather?" maarte nitong tanong. Maganda nga, pero maarte magsalita. Siguro galing ng Maynila 'to.

"Yes," sagot ko na lamang. "But I wasn't the one who will pick you up, ma'am. It should be my tito pero he's not feeling well so I just had to substitute for him. I'm sorry for the delay. Hindi na mauuulit."

"Hindi na talaga mauuulit," bulong pa nito.

"Ano po 'yon, ma'am?" tanong ko pa kahit narinig ko naman. Inilingan naman niya ako. Ayaw pa sagutin. "Okay, ma'am. Sa Coron Soleil Garden Resort po tayo, 'no?" tanong ko at mabilis na tango ang isinagot niya sa akin. "Okay po. We'll be there in thirty minutes or more since umuulan ngayon... hopefully dumaan lang 'tong ulan na 'to."

"I don't think so... binalita sa news na may bagyong pararating, e."

"Ah, oo nga. Bakit ka pa natuloy?" tanong ko pa. Matatawa na sana ako, e, pero lagot ako kay tito. "Hindi po gano'n ang ibig kong sabihin. I mean, buti hindi na-delay ang flight niyo. Gano'n kasi kadalasan..."

"Oh... I see... good thing hindi," tipid nitong sagot.

Hindi ko na siya kinausap at mukhang pagod siya dahil mula sa biyahe papunta sa tutuluyang niyang hotel ay tulog ito. Nang makarating kami, hindi ko siya ginising at binuksan ko ang pinto sa tabi niya at nagulat pa ito nang makita ako. 

"Sorry, kanina mo pa ba ako ginigising?" malumanay nitong tugon.

Umiling ako. "Hindi naman... sakto lang," sagot ko. Hindi ko na siya hinintay pang bumaba ng sasakyan at kinuha ko na ang maleta niya sa likod ng sasakyan. 

Pagbalik ko sa kanya ay nakatingala ito at tinitingnan ang kalangitan. Bahagyang tumigil ang ulan at sumilip ang araw. This would be a good weather for today. Pagkatapos nito, pwede na akong bumalik sa Dicanituan Beach.

"Okay ka na, ma'am?" bigla kong sulpot na tanong sa kanya.

Hindi ito lumingon sa akin, pero tumango siya. "Thanks for driving me here safely..."

"No problem, ma'am," nakangiti kong sagot sa kanya. Infairness, mabait naman pala siya.

"Uh... I believe paid na ang rent ng van, 'di ba?" bigla nitong tanong. Hindi ko rin alam kung bakit natulala na lang ako sa kanya.

"Yes, yes. Oo nga pala. Matamang salamat at malipayeng pag-abot!"

Naningkit ang mata niya sa sinabi ko. "Ah... medyo gets ko 'yong una mong sinabi. Was that thank you?" she questioned and I confirmed it by nodding. "Tapos... ano naman 'yong kasunod no'n? Sorry, not really familiar sa language."

"Hindi, ayos lang. Sorry, nabigla ata kita. Welcome ang ibigsabihin ng malipayeng pag-abot."

"Ahhh... Matamang salamat ulit."

Kinuha na naman nito ang maleta at tumalikod saka naglakad papalayo, pero hinabol ko naman ito ng tanong.

"Ma'am, may kailangan ka pa ba?"

"Wala na naman... thank you... at ano nga ulit pangalan mo? Sorry, 'di ko nakuha kanina, e."

Lumaki ang ngiti sa labi ko. "Douglas po."

She nodded. "Okay, nice to meet you, Douglas."

"Ako alilipay nga akilala ta kaw," aniko.

Muling kumunot ang noo niya. "And if I'm thinking it right... that would mean the same thing as mine, right?"

Napahagikgik ako. "Yup. And I'm sorry, I'm keeping you here for too long. Go inside your hotel and Enjoy Coron."

She smiled at me again and there I went back inside the van. Hindi pa ako tuluyang umalis hangga't hindi siya nakakapasok sa loob. But it all went well. Nakahinga ako nang maluwag at saka ko tinext sina tita na nahatid ko nang maayos ang pasahero ko at ako'y tutungo na sa trabaho.

Well, this day was so weird... could it get any weirder?

***

Share your thoughts about this chapter and tag me on twitter --> @imjacobxoxo with the hashtag #PalawanATBD1. Thank you and see you next chapter!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top