1 | Paano ba umibig?

"Hoy, Daenerys Althea! Inayos na namin yong right place, perfect timing mo. Ikaw na lang ang kailangang kumilos para maging kayo na ng 3-year crush mo kay Cedric."


"Alam mo, ikaw ang dahilan kung bakit hindi umuunlad bansa natin! Imbis na mag-aral ka, nandito ka sa bahay ko at 2 in the fucking morning, begging me to come sa beach trip niyo!" I shouted at her before throwing a pillow on her face as I continued finishing my drafting plates before our semestral break.


Dalawang linggo ang break namin, at ang unang paalam ko sa aking mga magulang ay beach trip sa Zambales for 4 days. Hindi ko nga alam kung papayagan ba ako e, naniniwala kasi sila sa mga pamahiin. We are graduating students from senior high!


"Anong beach trip niyo?! Girl, kasama ka yata sa friend group?" She sarcastically said before rolling her eyes, I scoffed before placing down my fine liner, looking at her dead-straight in the eyes. "What?"


"I'll come to your stupid beach trip..." Tumalon naman siya and I raised one hand, signaling that I wasn't done talking. "On one condition." Sumimangot naman siya bago umupo nang maayos at hinarap ako.


"What is it? It better be reasonable," she said in a monotone.


"Hindi ka mang-aasar this time! Hayaan mo 'kong gumawa ng diskarte ko. Inuunahan mo kasi ako lagi e, nawawalan ako ng gana saka lakas ng loob kapag gano'n," reklamo ko sa kaniya at natawa naman siya sa akin bago tumango. Finally! Okay, baka this year nga maka-amin na ako sa kaniya.


"But you have to come to our hangout sa bahay ni Iza to have our official plan on that day. Accommodation pa lang kasi mayroon tayo," sambit ni Nika at um-oo na lang ako dahil parang wala naman akong choice kapag siya ang nagsasabi ng kung anong gagawin namin. Para siyang personal secretary ko or manager, alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ko e!


"Now could you please leave? My parents are freaking sleeping na."


Kinabukasan habang nag-aalmusal kaming pamilya, sinabi ko na agad ang plano nila Nika. "Ma, Pa, may plano 'yong friends ko magbeach sa sem break namin. Sa may Zambales lang siya, four days. Aalis kami gabi para saktong umaga nandoon na. All details like food, transpo, things we would do there are to be determined. Mamaya pa namin pag-uusapan sa bahay ni Iza." I said and they nodded.


"Okay, just let us know when you'll be leaving," Mom said as she continued chewing her french toast.


"And ask how much pocket money you need for the trip. And sigurado kayong apat na araw lang? Ayaw niyo pa gawing isang linggo para sulit," Dad suggested, and I was shocked. He usually is the one asking so many questions and yet he didn't even bother asking one.


"Okay lang ba kayo? May lagnat, sakit, anything?" I asked in confusion. "Bakit kayo pumayag agad?" I scratched the top of my head and they both chuckled.


"Well, matanda ka naman na, Althea. I'm sure you can handle yourself," Mom said. "Just remember what I always tell you, hmm? Be vigilant. And if you're going to drink, make sure na kayo lang ng friends mo. No strangers, don't invite strangers. But other than that, I think you're good to go."


"Ako na magssponsor ng dalawang bote ng Alfonso light at tatlong case ng beer. Basta mag-enjoy ka, 'nak." Para akong nananaginip sa mga huling sinabing salita ni Dad. Pero syempre, hindi na ako magrereklamo! Free drinks na for us, duh! Pero nakakapagtaka pa rin na ganito sila.


"Oh ito, 3k, bumili ka na rin ng bagong damit for the trip mamaya dahil aalis ka naman din. Kulang pa ba 'yan?" Dad asked and I shook my head before finishing my food. Only child lang ako, kaya siguro mabilis lang nila ibigay mga luho ko. Hindi kami mayaman, middle-class lang siguro rito sa Pilipinas.


After breakfast, I texted Nika that my parents were G on me going on a beach trip alone with friends. Ito ang first out of town ko as a legal aged person. Kaka-debut ko lang noong December, since then I still have money from my 18 blue bills thanks to my Ninong and Ninangs na nagbigay more than 1k.


Isa lang hindi ko nakuha noong debut ko, and it's a car. Kaya iyon ang pinagiipunan ko ngayon!


I took a shower and wore simple high-waisted maong shorts and a black tank top. Malapit lang kasi bahay ni Iza, kayang lakarin kaya hindi ko na need magpaganda. Clean girl ang atake ko ngayon with my makeup. I also tied my hair in a half-up ponytail before spraying my perfume on different spots on my body before heading off to walk.


Habang naglalakad ako ay biglang nagpatugtog sa aking airpods ang Paano ba? (Umibig) at bigla ko na naman naalala si Cedric. Pucha, kakaiba talaga epekto sa akin ng lalaking 'to! Kahit simpleng asaran, usap, at kung ano-anong usapan kasama mga kaibigan namin lumalalim 'yong nararamdaman ko sa kaniya e.


Pagkaliko ko sa street ni Iza, nasaktuhan ng mundo at nakita ko si Cedric dala ang kaniyang bike. Huminto siya sa aking harapan at kumaway sa akin, tanginang ngiti 'yan... Kuhang kuha niya kilig ko. "Papunta ka na kina Iza? Sakay ka na sa akin," he offered. Sino ba naman ako para tumanggi?


"Ah oo. Thank you po!" I smiled at him. When I sat down, he told me to hold tight before he pedaled away. I was already thinking of delirious things, like we were in a K-drama or Romcom TV show. Take note, tumutugtog pa rin 'yong paano ba umibig ha!


Hay, Cedric. Sa'yo lamang iibig.


How could I even begin to describe him? Well, hindi siya gaanong kagwapuhan, but he had charisma. I started liking him in 8th grade, he was that typical moreno guy who loves to play basketball. I liked him for who he was. Noon pa lang napansin ko na napalaki siya nang maayos ng kaniyang mga magulang. Him and his brother had a good relationship, I envy that. Wala akong kapatid e.


But luckily, he was there. Isang beses na akong nasabihan niya na parang kapatid na niya ako sa ibang tropa niya outside our circle. Did it hurt? Yes. Do I still like him? Yes. Wala na akong magagawa roon. I already have this emotional attachment to him even though we have the status quo. Nevertheless, I still like him.


Siya ang nagturo sa akin kung ano pakiramdam maging "in love" sa crush. Sobrang lakas ng tama ko riyan e! Lahat ng mga love songs siya pumapasok sa isip ko, pati sa panaginip ko hindi ako nilulubayan niyan, at kilalang kilala na ng utak ko boses niya.


Hindi ko lang nagawang umamin sa kaniya in the last few years kasi takot ako. I was scared of rejection! Hindi ko alam kung paano ako makaka-recover if ever. But now that I am older and gained more experiences as an adult, I think I am most definitely ready.


I plan on telling him that I like him the day before we go home from Zambales. Then I'll sing a song to him. I'm writing one song but I still couldn't find the perfect words to describe how I feel for him. Gano'n siya kalakas. Even words in the dictionary couldn't justify it.


Noong nakarating na kami sa bahay ni Iza, kami na lang pala ni Cedric ang wala. When we walked into their huge house, we saw them immediately hanging in the living room. There was Pizza and Carbonara on the table, and they were already eating.


"Finally! Akala ko hindi na kayo pupunta e," Andrew said before pulling me to sit beside him. Umupo naman si Cedric sa tapat ko, agad siya kumuha ng Pizza at nakinig na sa mga kwento ni Kyla. Hindi na 'yan nawalan ng kwento sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Dinaig pa si Xian Gaza e!


After an hour of talking tungkol sa amin, dumiretso na kami sa pagpaplano. "Okay, the villa costs 5k per day, 20k siya plus environmental fee na 1,500, and tip sa mga tao roon. Paano magiging hatian natin?" Tanong ni Nika. Siya kasi ang nakahanap ng villa namin, siya talaga nagplano nito. Siya rin ang dahilan kung paano ito natuloy.


Kung paano niya ako binulabog sa bahay nang madaling araw, gano'n din sa iba naming kaibigan.


"My Mom said she would pay for our stay there, kayo na sa food and transpo," sambit agad ni Kyla at syempre, walang tumanggi. 'Yong level of closeness ng circle namin ay wala na sa hiyaan literal na kumportable na kami sa isa't isa. My girls even saw me naked na noong nag skinny dipping kami last year. T'was a fun memory hahaha!


"Sagot ko na alak at pulutan," I said.


"Ilang alak are we talking about?" Marko asked at kumunot naman noo ko. Itong lalaking 'to ayaw paawat! Laging binubugbog atay amp.


"Dalawang hard liquor, tatlong case ng beer."


"Gawin mo nang tatlo 'yong hard," he said at tumango na lang ako.


"Kami na ni Cedric sa pagkaing ihaw pati prutas!" Sambit ni Andrew.


"Magluluto ako ng Pesto and Carbonara," Nika.


"Ako na sa kotse, gas, toll fee.hiramin ko 'yong van ni Dad," Iza.


"Ako na sa kwento," ngumiti si Marko at inambaan naman naming lahat ito. Napaka-kapal talaga ng mukha! "Sige ako na magdadrive, kayo naman masyado mainit ulo," tumawa siya.


Natapos ang pagpaplano namin at may mangyayari pang exchange gift sa outing namin para naman daw may kakaiba. Gumawa ng bunutan si Kyla at ako ang unang bumunot. Nakuha ko si Marko. Ano kaya p'wedeng ibigay sa kaniya na worth 300?


Bumalik kami sa kwentuhan pero nadistract agad ako noong nilabas ni Iza guitara niya at binigay agad sa akin. I love singing, writing, and playing guitar. It releases my stress and worries away. Ang pagsusulat kasi ng kanta ay way of expressing how I feel.


"You have to bring your guitar sa Zambales, Thea." Cedric said to me while staring intently. Shet! Hindi ako makaka-focus niyan kung grabe siya maka-titig sa akin. Matutunaw po ako.


"Of course, ako lang naman marunong kumanta sa inyo e!" I boasted at inirapan naman nila ako. After an hour, nagpaalam na ako para umalis at sumabay naman sa akin si Cedric at Nika sa pag-alis.


"Hatid na kita sa bahay mo," he offered at agad nagtama tingin namin ni Nika. I pierced my lips while looking at her for him to not see na kinikilig ako. I composed myself before turning back my gaze to him.


"'Wag na, Ced. I'm still going to the mall to buy clothes for our trip. Thank you for offering though," I smiled.


"Saan ba? Pupunta rin kasi ako sa mall to meet up with my family. Magpapaalam pa kasi ako sa kanila ngayon para sa outing natin e," he asked me. Mag-aassume na ba ako nito na gusto niya pa ako makasama? Oo, dapat mag-assume ako!


"Sa SM lang," I answered.


He tapped the back of his bike, motioning for me to sit down. I unconsciously followed what he gestured. Tinanggal niya naman 'yong bike helmet niya at sinuot sa akin bago lumingon kay Nika. "Una na kami, bro!" He said to her and she just waved her hand. Noong umandar na 'yong bike, I saw what Nika mouthed. Enjoy.


I was living my dream! Pero ito kasi ang nakakainis lang kay Ced. I knew he would do this to anyone. Ganiyan siya e. Hindi niya alam kung nakaka-apekto ba sa tao 'yong ginagawa niyang ka-friendlyhan. Pero okay lang, tanga naman ako! Kaya ko ito tiisin.


When we arrived sa mall, sinamahan niya pa ako papunta sa H&M. "If you need anything, text me na lang, mkay? If you want to see my brother nasa SNR lang kami," he said. I chuckled with what he said.


"Why would I even want to see your brother?" I asked while laughing softly.


"'Di ba sabi mo napopogian ka sa kaniya? E'di puntahan mo na lang mamaya," he sarcastically said and I laughed even more. Is he jealous na sinabihan ko nang pogi kapatid niya?


"Are you jealous, babe?" He was taken aback with my tease pero agad naman niya ako binawian.


"Come on, girl... I know you'd come home to me, so what's the point of being jealous?" Tiklop ako, putangina! "But seriously, after you're done shopping p'wede ka makikain sa pamilya ko. Ako bahala, promise."


Umalis na siya and I started shopping for clothes. I bought three pairs of new bikinis. A lavender halter bikini, white one piece, and one shoulder pale blue one. Bumili na rin ako ng cover-up para rito and a pair of shorts, asymmetrical oversized shirt, and more for the trip.


It took me an hour just to find clothes, and I was thinking if I should go to Cedric and his fam nga pero sabi ng utak ko 'wag na dahil nakakahiya. So I went to a coffee shop first and got coffee before going home.


When I arrived, I greeted my Mom before going to my room. I changed clothes first before laying in bed kasi baka masapok ako ng nanay ko if I went to bed with outside clothes. I got my journal and wrote what happened today, bigla ko namang narinig 'yong pinapanood ni Mommy sa sala. I left the door open kasi.


"Ang dami na nating pinagdaanan na pagsubok. Sumugal nga ako sa 'yo e! Hindi na p'wedeng maghiwalay pa tayo."


Ang corny naman ng pinapanood ni Mommy. Pero bigla akong nagkaroon ng idea para sa sinusulat kong kanta. I played the riff I have been working on for the song, it was this nostalgic tone that makes you remember the good days.


"Sumugal ang puso ko sa taong kagaya mo, ikaw ang laging pinapantasya sa bawat kanta." I sang softly. I jotted those lyrics down, I could clean it up later but at least I have the first line of my song.


A few days later, I was already packing my stuff. Mamayang 12 am na ang alis namin at sobrang excited na ako makatapak ulit sa buhangin! Susunduin naman kaming lahat ni Marko with Iza dahil sa kaniya 'yong van. Ako ang unang susunduin kaya kailangan naka-ayos na ako before 12. Ako pinaka malapit kay Iza e.


"'Nak, here na 'yong 5k mo," inabot sa akin ni Mom 'yong pera. "I also packed sandwiches for you and your friends para sa byahe. Meds are in the back pocket of your knapsack just in case you get dizzy on the way. 'Yong alak niyo nakalagay na sa cooler," tuloy tuloy na sabi nito sa akin at tumango naman ako.


"Thanks, Mom!"


Nang maiwan ako sa aking kwarto, I checked my things again to check if I had everything. Lumingon ako sa aking study table at nakita ko ang journal ko. I wrote all of the things that come to mind, even the most unhinged, unfiltered BS. Kaya kapag dinala ko iyon, may kasamang risk na mabasa ng mga kaibigan ko. Hindi ko na lang dadalhin! Baka mabasa pa nila 'yong pagka-raming tula para kay Cedric.


Bumaba na ako galing sa aking kwarto, dala-dala ang knapsack ko at duffle bag. Naka sabit naman sa aking kanang balikat ang case ng gitara ko. Sinabi ko sa aking mga magulang na mag-aabang na ako sa gate, sumunod naman sila dala ang aking mga gamit.


Pagpatak ng alas dose, nakita ko na agad ang van nila Iza with Marko driving it. Binuksan naman ni Iza ang pintuan ng van at nag-mano sa aking mga magulang.


"Oh, 'nak mag-ingat ha!" Sambit ni Mommy at tumango naman ako sa kaniya. "Marko, ikaw ba magmamaneho buong biyahe?"


Tumango ito at ngumiti. "Dahan dahan lang takbo ha, makipag-palitan ka kay Cedric or Nika if ever inaantok ka na, okay?" Dad said and he just continued nodding before letting me go. I loaded my duffle bag sa likod before sitting on the second row of the van.


"Sino susunod na susunduin?" I asked.


"Si Nika," Marko replied and I just nodded. Hindi naman na ako nagsalita pa muli at isinuot ang eye mask ko para makakuha ng tulog dahil sigurado ako mga five or six am nandoon na kami sa Zambales if walang stopover. I need to get my sleep dahil alam kong uminom ang mga gago ng energy drinks para hindi makatulog sa biyahe at mag-ingay.


Noong tinanggal ko ulit ang aking eye mask, kumpleto na kami at tama nga ang hula ko. Gising na gising ang mga gago! Nagkakantahan pa nga sila e. I looked out and we were in Pampanga na. Angeles to be exact.


"Gising na pala ang prinsesa namin!" Nika said in a teasing tone, and I rolled my eyes immediately the moment I heard that. "Oh sa 'yo na 'tong mic. Tapusin mo ang kanta." I looked at her phone screen and she was playing circles by Post Malone. OG driving song.


I sighed, acting as if ayaw ko. Pero nang tanggapin ko ang mikropono, agad naman ako sumabay sa tugtog. Thirty minutes later, we were at our only stopover.


We ate the sandwiches my mother made at bumili pa ng pagkain sa convenience store. We also went to the comfort room before going back to the van.


"Sino makikipag-palit sa akin? Pumipikit na mata ko oh," Marko said while spinning the keys of the van on his pointer finger. Nakita kong nagtama sila ng tingin ni Ced kaya pinasa ito sa kaniya kaya wala na siyang choice. Tinapik naman din ako ni Iza sa balikat bago ibigay ang neck pillow niya sa akin.


"Ikaw na rin sumakay sa passenger side, matutulog din ako. Bawal ka matulog dahil baka makatulog din 'yan si Cedric. Alam mo naman 'yan, bagsak agad kapag tahimik," she side eyed him and he just chuckled before going inside the driver's seat.


After ten more minutes, we settled back in the car and Ced started driving again. I was fidgeting with my hand because it was so awkward! Well, at least for me it was. I have never been in close proximity with him apart from the bike ride we did a few days ago. We were inches apart but it felt like we were invading each other's personal space with the tension we have.


"Talk to me," he said softly. I looked at him, and his eyes were fixated on the road. Ngayon ko lang siya napagmasdan ulit, at grabe talaga. Sobrang pogi niya sa mata ko at hindi ko alam kung bakit. His curly hair, the mint green jacket he always wore since 10th grade.


"Uhm, what do you want to talk about?"


"Ikaw bahala, just keep me awake," sagot niya sa akin. Lalim ng boses gago! Halata rin sa mata niya na bagong gising siya, so he was asleep din the whole ride kanina?


"You want to talk about existential questions?" I asked him, and he smiled. Luh, bakit siya ngumiti???


"Ganiyan ba talaga mga HUMSS students? You guys like to talk about those thought-provoking shit na mahihirapan ka talagang sagutin?" Sagot niya naman sa akin and I didn't know how to react. Does that mean he doesn't like to talk about that topic? Or statement lang niya iyon?


"Ganiyan ba talaga mga STEM students? Gusto lagi ng mga computations?" I joked and he shook his head.


"Come on, girl. Hit me already with your questions you've learned about sa philo."


"Kahit mahirap na tanong?" I asked.


He grinned, "Subukan mo 'ko." I would gladly do so.


"Are humans inherently good, evil, or neutral?" I asked and he was silent for the first few minutes but gave me a plausible answer.


"Neutral, because when you are born you don't know yet what your morals are immediately. You gain them from experience. Humans have the capacity to inherit good or evil doings, and the factors influencing us to be in the good or evil side are upbringing, societal influences, and individual choices," he said continuously without even looking at me.


"But aren't humans prone to making mistakes, sinning?" I countered. "We all have this... Paano ko ba 'to ieexplain? Like tendencies towards aggression, selfishness, and even immorality. Which means it draws us more in resulting to violence and injustice."


"Pero paano naman natin nakukuha 'yong pagiging mabait? Compassion, respect, empathy?" He asked firmly.


"Akala ko ba neutral ka?"


"Oo nga. It means na I could be on whichever side depending on the rationale," he said confidently. "Pero ano ang tamang sagot?"


Nginitian ko siya, "Actually wala." Sakto huminto ang van sa stoplight at nilingon ako with his disappointed face. "E bakit mo pa tinanong kung hindi rin naman ako makakakuha ng tamang sagot?"


"Philosophy simply helps us to think critically. Kahit nga mag-away na kami ng mga kaklase ko sa harapan ng teacher wala silang paki e! Basta malaman ng isa't isa 'yong mga input. It encourages u to reflect on their values, beliefs, and assumptions about the world"


"Ganiyan kayong mga HUMSS student e—"


"Kanina ka pa, what do you even have against us?" I questioned him while raising an eyebrow.


"My ex is a HUMSS student. Ka-batch niyo, section 3. Hazel Rocco." Natahimik naman ako noong sinabi niya iyon sa akin. I don't even know if I was allowed to hear that. But that explains why Hazel always asked me kung kumusta si Ced. I was so blind by my deluluness and feelings for Ced that I didn't notice it.


"Really? I didn't know that." Iyan na lang ang nasagot ko sa kaniya.


"You were the first one to know that," he sighed. "Hindi naman siya dapat pag-usapan dahil our relationship only lasted 3 months. We talked after we hung out with her, niligawan ko siya ng isang buwan tapos naging kami for two months," tumawa naman siya.


"Are you still not over her?" I asked as I swallowed a huge lump... Hoping I would hear the right answer.


"I am over her... It's just there's still that lingering feeling, siguro galit? Dahil hindi niya pinandigan 'yong landian namin," he said. "Pero okay na ako, masaya ako ngayon." Lumingon siya sa akin at ngumiti. Agad naman bumilis ang tibok ng puso ko. I also felt the blood rushing to my cheeks kasi tangina 'yong ngiti niya! 'Wag mo 'ko sinusubok nang ganiyan, boss! Baka mahalikan kita.


Another two hours went by, and it was already 5:30. We were about twenty minutes away kaya nagpatugtog ako nang malakas para magising lahat ng tulog sa likod.


"So cruel," Ced said and I chuckled. I heard all of them groan as they looked out their windows to see that we were approaching the sea. I told them to prepare themselves dahil manonood kami ng sunrise.


I was happy and excited, because I have a good feeling that this trip would be the best. Biruin niyo, dalawang oras lang kaming nagdadaldalan ni Cedric! At hindi siya man lang na-bore sa akin. When we arrived, lahat sila nagsi-babaan at nag stretching.


We couldn't see the sea yet because it was still dark, pero ang sabi ni google sunrise would be at 6:17 am. It was currently 5:55 at lahat kami inaantok pero halata naman sa amin na excited kami.


Kumuha si Kyla ng pitong redbull at pinasa isa-isa sa amin. Sabay sabay namin itong binuksan at nilaklak, "Cheers!" Sambit naming lahat.


"Let's promise ourselves to relax, no drama, just peace on this trip!" Andrew said before running towards the shore. We were already starting to see the sun, 'yong ulo niya nandoon na. The guys were unloading the van, Iza and Kyla were talking to the housekeepers to ask what time we could go inside.


Nagkaroon kasi ng conflict sa schedule ng check-in namin. Hindi pala sila nasabihan na instead of 10 am check-in, early check-in kami ng 6:30. Pero feeling ko naman mapapakiusapan nila iyon.


"Grabe, ang haba ng pag-uusap niyo ni Ced, ah! I almost thought you guys were together with all the giggling, teasing, tapos mini tampuhan. Dinaig niyo pa ang mga mag jowa, swear!" Asar ni Nika at umiling lang ako habang nakakagat sa ibabang labi ko.


I placed my head on her shoulder before closing my eyes. "Gosh, Nika..." I whispered. "I want to love him, so bad. If only he knew how pure my intentions were. Earlier... As I was talking to him about his past relationships, I could feel my heart burning. Because I know how much love I have left in my heart to give to him. Hindi ko na alam."


"Umamin ka na, iyon lang ang sagot diyan."


"E ano ang mangyayari kapag umamin na ako? I might get rejected, and it would be the reason for our friendship to have its downfall. I would lose a very good friend... And I don't like that," bumuntong hininga ako bago umupo nang maayos at hinarap si Nika.


"Hindi ka pa nga pala nagkakaroon ng boyfriend, 'no? You don't know how love works!" She laughed, and I shook my head as I looked beyond the bright orange horizon.


"Paano nga ba umibig?" I whispered to myself and hugged my knees tight together.


Nawala ang pagdadrama ko nang dumating silang lahat at umupo sa buhangin. "Housekeeper said that the house would be ready in 15 minutes. Niluluto na rin kasi breakfast natin." Kyla said and we all nodded. "Complementary na raw iyon dahil naghintay pa tayo nang medyo matagal."


After a few minutes, the sun had completely risen and we took photos for a quick second and posted an update on our Instagram stories, and sent the photos to our parents. Nag-aya na silang lahat para pumasok sa Villa. It was a private Villa that was super huge!


Pagpasok mo sa gate, super instagramable na agad! May mga hanging chairs, beautiful landscaping, tapos napansin kong marami ring mga ilaw. Maganda siguro rito sa gabi.


Namangha kaming lahat sa ganda ng narentahan namin. Pat on the back, Nika! Mura na nga, worth it pa. It was nothing but a short coastal paradise. Beach front siya na may malaking pool just a few steps away from the sea! I couldn't even describe it perfectly, kasi dapat nakikita niyo siya. Imagination isn't enough to picture it.


Upon entering, you are welcomed by spacious areas that are filled with natural light, thanks to the large windows that provide stunning views of the ocean. The carefully placed accessories inspired by the coast give the minimalist interior an air of coziness and warmth.


Mayroong tatlong bedroom dito, which indeed pagtatalunan naming lahat kung sino-sino ang magiging magkakasama mamaya.


"Ganito na lang! All the girls stay in one room, all the guys stay in one room. 'Yong isang bedroom, doon tayo matutulog if na-tripan natin matulog kasama ang isa't isa. Movie night, karaoke, board games?" I made the decision, at wala na silang nagawa kung hindi pumayag.


When we settled in, nilabas namin ang breakfast sa pool area, tapat ng dagat. We were laughing so much as if we were drunk, waiting for a miracle.


Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa mga kaibigan kong naka-ngiti. I would kill to have this many memories with them.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top