77 - The Finale
Hindi alam ni Calley kung saan na siya napunta. Hindi niya alam kung tama ang direksyong tinutumbok niya, basta ang nais niyang siguraduhin ay nakalayo siya. Malayong-malayo sa bahay na pinanggalingan niya.
Simula rin nang umalis siya at tumakbo'y hindi siya lumingon upang tingnan kung may nakasunod. Ayaw niyang makitang may humahabol sa kaniya dahil baka madapa siya. Kapag nangyari iyon ay baka hindi na siya makabangon. At imbes na nakalayo na siya'y naibalik pa sa impyernong lugar na iyon.
Marami siyang kabahayang nadaanan—at ang parteng talahiban na tinatakbuhan niya ay pawang likod-bahay ng lahat. Ang ilan sa mga bahay na nadaanan niya'y bakante pa, habang ang iba'y may mga batang ayaw niyang madamay kaya nagtuluy-tuloy siya.
Gusto niyang humingi ng saklolo sa ibang mga kabahayang iyon, subalit natatakot siyang baka kilala ng mga ito sa Esther at baka ibalik lang siya roon. It was hard for her to trust people. Not now.
But she was surprised about what Pedring did. He saved her. He let her go.
Kung bakit, ay hindi niya alam.
Marahil ay naisip nito ang asawa sa lagay niya. Preding's wife was also pregnant, at nang sabihin niya rito ang kalagayan niya noong nasa sasakyan pa lang sila'y sandali itong natigilan.
She was grateful to him. At kung sana lang... kung sana lang na makatakas siya roon at makabalik kay Phillian ng ligtas, nais niyang tulungan ang pamilyang maiiwan ni Preding.
Because she knew that if she survived, she would make sure that every one of them in that house will rot in jail. Including Preding.
Sandaling bumagal ang takbo niya nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone sa bulsa ng kaniyang pants. Ayaw niyang huminto sa pagtakbo dahil natatanaw na niya ang main gate ng subdivision. Mayroon doong guwardiya na hindi niya alam kung kaya niyang pagkatiwalaan, pero maaari siyang humingi ng tulong na hanapan siya nito ng masasakyang maghahatid sa kaniya sa pinakamalapit na police station.
Bahala na. Malayo na iyon sa Batangas, baka maaari na siyang magtiwala sa mga pulis.
Plus, she had evidence.
Itinuloy niya ang pagtakbo kahit na hingal na hingal na siya. Tuloy-tuloy lang hanggang sa marating niya ang kalsada. May nakita siyang dumaang kotse na bahagyang nakabukas ang mga bintana. Sa loob ay may isang pamilya; sa backseat ang dalawang mga bata. Hindi siya nabahalang makita ng mga ito dahil alam niyang hindi ang mga ito miyembro ng grupo ni Esther.
Nang marating ang kalsada ay saka lang siya huminto sa pagtakbo. Humugot siya nang malalim na paghinga at itinuloy ang malalaking mga hakbang hanggang sa mahinto siya nang matanaw ang isang police mobile na pumasok sa gate ng subdivision. Sandali iyong huminto sa harap ng guard house, nakipag-usap ang nasa driver's seat sa guard, bago tuluyang pumasok. Sa likuran nito'y isa pang police mobile ang sumunod.
Nabuhayan siya ng loob. Umaasang ang mga iyon ay kasama ni Phillian upang iligtas siya.
At nang makita niya ang puting truck na nakasunod sa pangalawang mobile truck ay tuluyan nang nawala ang lahat ng takot at pangamba sa kaniyang dibdib. Mabilis siyang pumagitna sa daan na ikinahinto ng dalawang magkasunurang police cars. Hindi niya pinansin ang dalawang mga pulis na bumaba sa mga iyon, dire-diretso siya sa puting truck na nahinto rin.
Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas si Phillian na nasa anyo ang panggilalas at labis na saya nang makita siya.
Doon na nagbagsakan ang kaniyang mga luha.
Si Phillian ay inilang hakbang lang ang pagitan nila, at nang makalapit ay kaagad siyang kinabig ay niyakap nang mahigpit. Doon siya humagulgol sa bisig nito.
Hindi niya alam kung nananaginip lang siya, o isa itong pantasya na pumasok sa kaniyang isipan bago siya tuluyang nasawi sa kamay nina Esther at Charles. She thought she was already dead and her soul was just wondering around in this paradise where she was able to meet with Phillian one, last time. Iyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
"Am I dreaming?" naiiyak niyang sambit. Tumingala siya upang damhin ang pisngi nito. "Is this real?"
"You are saved, love. You are saved now..." Muli siyang niyakap nang mahigpit ni Phillian. Ramdam niya ang bigat ng paghinga nito, ang panginginig ng katawan.
Nang mapagtanto niyang ligtas na nga siya at totoong nasa mga bisig siya ni Phillian ay muli siyang umiyak. And she wanted to stay that way if she could, kung hindi lang lumapit ang isang pulis sa kanila.
"Kayo po ba ang hostage nina Esther El Mundo at Charles Xiu?"
Nilingon niya ang pulis; kinunutan siya ng noo.
Hindi niya sinabi kay Phill na kasama si Charles Xiu, paanong nalaman ng mga ito?
Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya mga maling grupo ng kapulisan ang hiningan ni Phillian ng tulong?
"Answer their question, babe. It's okay. You can trust them."
Ibinalik niya ang tingin kay Phill, confusion filled her.
"I will explain to you later," he said. "But first, you have to let them know the situation. How did you get out?"
"T-Tinulungan ako ng isa sa mga... kasamahan nila."
"Ang tumulong ba sa iyo ay si PO2 Federico 'Pedring' Palmos?"
Ibinalik niya ang tingin sa pulis. "PO2? Si Pedring?"
"Okay, mukhang maayos pa ang lagay ni PO2 Palmos," anang pulis na kausap niya bago initaas ang isang kamay at sinenyasan ang dalawa pang police cars na nasa likuran ng truck ni Phill. Doon lang niya napansing may mga nakasunod pang sasakyan doon, at sa likuran ng mga iyon ay ang kotse ni Aris.
Lumampas ang dalawang police cars at tumuluy-tuloy patungo sa direksyon ng address na ni-send niya sa mga ito.
"Magkaiba ang entry at exit point ng subdivision na ito. May tatlong police cars na rin ang nakaharang sa exit point sakaling umalis sina Xiu sa hide out," dagdag pa ng pulis.
Ibinalik niya kay Phill ang pansin, naguguluhan pa rin siya sa huling sinabi ng pulis tungkol kay Pedring.
"Don't worry, they got this now, babe."
"Kailangan ka namin sa presinto mamaya, Miss El Mundo," dagdag pa ng. "May paparating nang paramedic, hayaan mo silang suriin ka para masiguro ang lagay ninyo. Pagkatapos ka nilang masuri ay kailangan ka namin sa presinto. Ikaw ang magiging witness namin na magdidiin kina Charles Xiu at Esther El Mundo sa krimeng ginawa nila. Matagal nang hinahabol ng mga kapulisan si Xiu, pero hindi namin siya mahanapan ng ebidensya kaya hindi masampahan ng kaso. Tatlong buwan na ring naka-undercover si PO2 Palmos sa kanila pero ngayong araw lang siya nakarating sa hide out. Alam naming doon nila itinatago ang inaangkat nilang droga mula Tsina. Doon ka pinadala ni Xiu sa hideout nila dahil akala nila'y ligtas sila sa mga mata ng pulisya rito. Matatanggal na rin sa pwesto ang chief of police na kasabwat nila sa pagbebenta ng droga sa Batangas at karatig bayan; magsasama-sama silang tatlo sa kulungan."
"Oh." All this information was overwhelming at naguguluhan pa siya.
"Let's go to the truck," ani Phillian sa kaniya. "We will talk about it later; sasamahan kita sa presinto mamaya."
Tumango siya at nagpaakay kay Phillian. Pero nang may maalala ay nahinto siya at muling hinarap ang pulis na nakasunod ang tingin sa kanila. Dinukot niya ang cellpohone mula sa kaniyang bulsa. The voice recorder was still on. Inihinto niya iyon at itinaas ang cellphone sa ere. "I also have evidence. Inamin ni Esther ang pagnanakaw niya sa opisina ng abogado ko, at ilegal na pagbenta niya sa mga ari-arian ko, at ang plano niyang patayin ako. I got them all recorded in my phone. Nakabukas ang recorder na ito simula nang matapos ang huli naming pag-uusap ni Phill. You can have a copy. Please make sure they all go to jail."
Tumango ang pulis. "You can count on it, Ma'am. The paramedics are here, please have yourself checked first."
*
*
*
Nakulong sina Esther at Charles Xiu sa patung-patong na mga kaso na inisampa sa mga ito. Ilan sa mga iyon ay ang mga kasong inisampa ni Calley—at doon pa lang ay mabubulok na ang dalawa sa kulungan. Kasama rin ng mga itong mabibilanggo si Chief Campos at ang mga galamay ng mga ito.
Calley had learned that Pedring was indeed an undercover agent under PDEA. At katulad ng sinabi ng pulis na nakausap nila ng araw na iyon ay tatlong buwan na itong nakasunod sa anino ni Charles Xiu pero noong araw lang daw na iyon na nakuha siya ng mga ito ang unang beses na nakaharap nito si Xiu at nakapunta sa hide out na pinagtataguan ng mga ito ng mga produkto. Pedring said he cooperated to abduct her because he knew that it would lead him to solving the case. Pero nakapagtiktik na raw ito sa mga kasama bago pa man siya makuha ng mga ito sa beach house. Pedring said that he wouldn't let anything bad happened to her should things go south. Noong nasa silid daw siya kasama sina Esther at Charles ay nasa kusina lang ito at nakaantabay sa mga mangyayari.
Si Augusta El Mundo, ang nakatatandang kapatid ni Esther ay walang alam sa mga ginawa ng kapatid. Pero inamin nitong nagnakaw rin ito ng pera mula sa kompanya, kaya naman pati ito ay kinasuhan ni Calley.
Matapos mapatawan ng ilang taong pagkakabilanggo ay nagpasya si Calley na bumalik na muna sa New York—but Phillian was with her. Habang umuusad ang kaso ay inayos din ni Phill ang mga papeles nito. At nang matapos ang lahat ay sumama ito kay Calley pabalik sa Estados Unidos. They went there to have a break from all the stress they had encountered in the past couple of months. Kailangan ni Calley ng pahinga dahil noong ma-sentensyahan sina Esther at Charles ay lumalaki na rin ang tiyan nito.
Calley enjoyed spending every moment of her pregnancy with Phillian; he was always there for her to assist. He looked after her, and she couldn't ask for more. She was very happy.
At dahil hindi na kinailangan ni Calley na ilipat pa sa pangalan ng iba ang mga ari-ariang naiwan sa kaniya ay nag-file na ito ng diborsyo. Sacred had somehow sorted his own problems, and he didn't need to extend his stay in the US anymore.
Everything ended well between Phillian, Calley, and Sacred. At nakarating na rin sa buong pamilya ang pag-aayos ng dalawang magkapatid. Si Phillian ay nakilala na rin sina Daniel at Connie, at doon ito nalinawan kung sino talaga ang pinangakuan ni Calley na bibistahin sa New York. Phillian was ashamed of himself for getting jealous with a seven year-old girl.
Na-aprubahan ang diborsyo tatlong buwan makalipas, at nang makuha nina Calley at Sacred ang divorce papers ay sabay silang bumalik na tatlo sa Pilipinas.
Calley and Phillian went back to the beach house, while Sacred came home to Asteria. And this time, Calley was already in her last trimester, at naghahanda na sa panganganak.
*
*
*
One lazy afternoon, Phillian and Calley were at the veranda. Nakahiga si Calley sa rattan-made inclined bed nito, nakasuot ng two-piece bikini habang hinahayaan si Phillian na pinturahan ang namumukol na niyang tiyan. He was sitting on a chair beside her rattan bed, trying to focus on his painting. Pero dahil makulit na at magalaw ang baby sa loob na tiyan niya'y napapahinto ito at natatawang pinagmamasdan kung papaanong humulma ang paa o kamay ng anak sa tiyan niya.
Phillian had been crazy about the baby. Hindi na ito umalis sa tabi niya simula nang insidenteng iyon. Hindi na ito pumapalaot, at hindi na rin umaalis sa beach house nang wala siyang kasama. Si Nelly at Melay ay parehong nasa beach house upang alalayan siya, and Calley had never been so happy. Tuwang-tuwa ito na makasama ang magkapatid.
"Does it hurt when the baby moves around your tummy?" Phill asked softly as he continued to paint her bulky tummy. He was painting a baby boy and a bird on it.
And yes, they were having a boy.
"Not really," she answered, smiling at him. "Hindi naman masakit talaga. Just imagine, 'yong anak mo ay ginagawang bola ng soccer ang bladder ko, o ginagawang punching bag ang sikmura ko. Kaya masakit? Hindi, ah."
Phillian chuckled at her sarcasm. "You sound like Nelly and Melay. Pero ano pa nga ba ang inaasahan ko? Araw-araw mo silang kasama."
"I love those two'" she said, caressing Phillian's hair habang nakayuko ito sa tiyan niya at patuloy sa pag-kukulay sa buhok ng baby na iginuhit nito roon.
"Naka-isip ka na ba ng ipapangalan sa kaniya?' anito makaraan ang ilang sandali.
"Theo," she answered. "I wanna name him Theo."
"Theo Zodiac. Not bad."
Napangiti siya at patuloy na hinaplos ang buhok nito. Si Phillian naman ay itinuloy ang pag-guhit.
Hindi na masakit ang init ng araw dahil alas sinco na ng hapon at nagpapalipas na lang sila ng oras doon sa veranda katulad ng madalas nilang gawin kapag ganoong oras.
It was almost her due, at inihahanda na niya ang sarili sa panganganak.
Tahimik na inituloy ni Phill ang ginagawa, habang siya nama'y pinagmamasdan ang mukha nito ng puno ng pagmamahal. Hinihipan ng hangin ang buhok ni Phill kaya hinahaplos niya iyon upang ayusin.
At nang matapos ito sa ginagawa ay tuwid itong naupo at inilapag ang painting plate at brush sa katabing coffee table.
"There you go, all done."
"Take a picture, I wanna see."
Kinuha ni Phill ang cellphone nito sa coffee table at kinuhanan siya ng larawan. She posed in every shot, and Phillian was taking her pictures proudly. Ilang sandali pa'y naupo itong muli sa kaniyang tabi, at masuyo siyang tinitigan.
She smiled at him, reaching for his face and rubbing the back of her palm on his two-day beard.
"I hope our son would take after you. At sana makuha niya ang kulay ng mga mata mo."
Hindi ito sumagot; hindi rin ngumiti. Napatitig ito sa screen ng cellphone, at habang naroon ang tingin ay muli itong nagsalita.
"I think we should get married now, Calley."
Pinigilan niya ang sariling mapangiti. She knew it was coming, pero akala niya'y saka lang ito magyayaya kapag nakapanganak na siya. At wala siyang problema roon. She was too sure about their relationship that she wasn't even bothered about them not being married yet.
"A woman prefers to be asked, Free Phillian Zodiac," she answered in a teasing tone.
Napatingin ito sa kaniya. "Kailangan ko pa bang itanong iyan?"
Nagkibit-balikat siya at pilit na pinipigilan ang pagtawa. "Of course, Phill. Para malaman mo kung interesado pa akong magpakasal sa'yo ngayong wala na akong problemang kailangang solusyunan."
Phillian groaned exaggeratedly. "Damn, Calley. If you love me too like what you always say, put me out this misery and marry me."
"Are you asking me, or was that an order?"
"Begging. I'm begging you, baby. Please marry me."
Hindi na niya napigilan pang matawa. Dinala niya ang isang kamay sa leeg nito at banayad itong hinila palapit sa kaniya. Nagpaubaya si Phillian, bahagyang ngumiti. And she kissed his smiling lips for long. Makalipas ang ilang sandali, matapos ang mainit na halik, ay naghiwalay ang kanilang mga labi.
"Is that a yes?"
She grinned from ear to ear. "Yes."
Phillian smiled again and planted a soft kiss on her forehead before sitting back in his chair.
"Akala ko ay kakailanganin ko pa ang tulong ni Theo..." Inabot nito sa kaniya ang cellphone ay ipinakita ang larawang kuha nito kanina.
At naluluha siyang natawa nang makita kung ano ang iginuhit nito sa kaniyang tiyan.
Phillian had painted a stork carrying a baby in a white sheet in its beak. The baby was holding a poster that says:
'Mum, will you marry Theo's Dad?'
"Oh, Phill." Hindi niya napigilang hilahin itong muli at halikan sa mga labi. Deeper and more intimate this time.
Too intimate that Phillian couldn't help but groan.
She let go of his lips and stared at his flushed face.
"You're naughty," he said, his eyes darkened in passion.
"I missed your body, Mr. Fisherman..." she whispered, touching his face again. "And I mean... not just next to mine. But inside of me..."
"Calley, stop."
"Don't you miss making love, honey?"
"Of course, I do. But we can't." Bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. "Not with that. I don't want Theo to kill me when he gets out."
She puckered. "Oh, I can't wait to give birth so I could ride you again."
Sa sinabi niya'y pinanlakihan ng mga mata si Phillian, kunwari'y na-eskandalo subalit naroon ang pagka-aliw sa mga mata. "Hey, watch that mouth, Miss! Baka nakakalimutan mong naririnig ka na ni Theo ngayon?"
She chuckled and bit her lip. "I'm just saying... It's been two months since we last made love. I mean... with penetration."
"And the last time we did it, you had to go see your doctor because you were bleeding! Never again, babe. Wait until the baby comes out—plus three months to ensure your body is ready for me." It was his turn to grin this time.
Napanguso siya. "Hindi ba pwedeng one week later?"
Muling pinanlakihan ng mga mata si Phillian na ikinatawa na niya nang malakas.
"Oh God, babe. You are naughty today."
"I don't know—I'm probably just horny today, Phill."
Hindi na nakapagsalita pa si Phillian sa labis na pagkamangha. Doon ay lalo siyang natawa.
Hanggang sa natigilan siya.
Pinanlakihan ng mga mata.
At biglang sinapo ang tiyan na basa pa ng pintura.
Nagsalubong ang mga kilay ni Phill nang makita ang ginawa niya. "What's going on?"
Her breathing labored. She stared at Phillian's face and said, "Theo heard how desperate I am, honey. I think he's coming out now."
"Now!" Napatayo ito, nataranta. "Are you sure it's time?"
Sunud-sundo siyang huminga nang malalim. At nang maramdaman ang muling paghilab ng tiyan ay napasinghap siya. "Oh God, yes! He's coming out today!"
And Theo did come out that day. A bouncing baby boy who looked exactly like his father—minus the blue eyes.
Everybody was thrilled. Pumunta sa ospital ang ilan sa mga kapatid ni Phillian upang makita ang unang anak nila. Kasama na si Felicia na ayaw paawat sa pag-iyak dahil naaalala daw nito si Phill noong bata pa.
And while everybody was busy watching the baby sleep in the NICU, Calley, who was sitting in a wheelchair, looked up at Phillian and reminded him about what she wanted to do after a week.
They both knew it was impossible, and Phillian knew she was just kidding. But it kept him thinking.
It kept him thinking...
*
*
*
Tatlong buwan matapos manganak ni Calley ay nagpakasal ang mga ito sa simbahan ng Contreras. Ang reception ay sa malawak na private beach ng familia, at naroon ang halos lahat ng pamilya ni Phillian. Maliban kina Viren na hindi magawang umuwi dahil sa problema sa restaurant nito sa Singapore, kay Sage na wala sa bansa, kay Sacred na bumalik sa Estados Unidos upang makipagkita sa ina ni Leyara, at kay Cerlance na biglang umalis ng bansa.
Calley was the happiest bride; she was blooming and she couldn't stop smiling at everybody.
Ang pamilya lang ng Ninong Lito nito ang naimbitahan sa panig ni Calley. Ang ibang mga bisita'y ang pamilya ng mga tauhan ni Phillian, ang buong pamilya ni Nelly, ang mga kasamahan ni Calley dati sa health care center. Naroon din ang buong pamilya ni PO2 Pedring Palmos na inimbitahan ni Calley upang dumalo. She had remained in contact with the officer since the day of the arrest. They became good friends.
Lee was the MC at the reception, and Taurence was the performer for the night. Tinukso ng mga ito si Phillian na nagtitipid dahil hindi kumuha ng mga propesyonal upang mag-host ng party, na sinagot lang ng isa ng tawa. Oh well, Taurence was a professional singer, selling albums throughout the country, but Phill wasn't paying him a cent.
During the reception, Phillian shared the story about how he and his wife met, and he told everybody the truth about him replacing his good friend in a dating service. Hindi makapaniwala ang mga kapatid nito, at si Quaro nama'y napatapik ng noo. Quaro was the only person who knew how it all started.
Everyone in the family was happy with how Calley and Phillian's relationship ended in marriage.
It was the most beautiful day for the couple, and while they were having their first dance as husband and wife, Calley whispered something in Phillian's ear.
"I sold my share from my father's company."
Bahagyang ini-atras ni Phillian ang ulo upang titigan ang asawa. "You did? Why?"
"Dahil wala naman akong planong hawakan iyon."
"Well..." Nagkibit-balikat ito. "Sa iyo naman iyon at pwede mong gawin ang lahat ng gusto mong gawin sa mga iniwan ng mga magulang mo sa'yo."
Ngumisi si Calley. "Well, paaalahanan lang kita na sa iyo rin iyon ngayong kasal na tayo. Meaning, what's mine is yours, too."
"I don't want anything to do with your money, Calley."
"I know. Kahit ako ay ayaw wala nang pakealam sa mga materyal na bagay na iyon. And I don't want anything to do with the company anymore, that's why I just sold it and used the money to buy you a wedding gift."
Napangiti si Phillian, may bahagyang kunot sa noo. "What kind of wedding gift is worth millions, Calley?"
"An island."
Natigilan si Phillian. Hindi makapagsalita at napatitig lang kay Calley.
Lumapad ang ngiti ni Calley nang makita ang naging reaksyon ni Phill. "I bought the island that you have been dreaming of. It's my wedding gift for you, Mister."
"Calley... You didn't have to do it..." Mangha si Phillian at hindi alam ang sasabihin.
"It's a special place for us and I want to keep it just for us. For our future family." Inihilig ni Calley ang ulo sa dibdib ni Phill. "I hope my gift made you happy."
"You and Theo are enough to make me the happiest man in the world, Calley. That island is just a bonus." Niyuko siya ni Phillian at hinalikan sa noo. "But you're right. That place is special for us. We should go there tonight for our honeymoon—baka makabuo ulit tayo ng panibagong Theo doon,"
Calley chuckled and pulled away. "But Theo wasn't conceived on that island?"
"Well then, let's make it our mission tonight. Kailangan nating makabuo sa isla."
Muling natawa si Calley, ang labis na kaligayahan ang makikita sa anyo nito. "Theo's only three months old, tapos ay gusto mo nang sundan?"
"Well, sorry to say this, wife. But we need to produce as much kids as possible to fill up the island. Gusto kong pagdating ng araw ay pupunta tayo sa islang iyon na parang may field trip sa dami ng batang dala natin. Twelve isn't a bad number, don't you think?"
"You're crazy!" natatawang sagot na lang ni Calley.
"I know." Yumuko ito at hinalikan sa ibabaw ng ulo si Calley. "Crazy about you."
*
*
*
T HE_ E N D
*
*
*
A/N:
Maraming salamat po sa mga bumasa! Nawa'y nagustuhan po ninyo ang dalawang naunang installment ng ZODIAC SERIES (Quaro and Phill). Patuloy po sana ninyong suportahan ang aking mga akda. Please feel free to share them with your friends and colleagues! And message po ninyo ako sa FB (and send a request as well) para friends tayong lahat ☺️
Don't worry, di po ako nangangagat 😂 Join rin po kayo sa private group ko sa FB which is called SUPERSTARS.
Meron din po akong FB Pages which are called:
1. TALA NATSUME'S ALEXANDROS: THE DEFENDER OF MANKIND
2. TALA NATSUME OFFICIAL
See attached:
Paki-follow niyo na lang po kung gusto ninyong updated kayo sa mga ganaps.
*
*
I also have VIP FACEBOOK GROUP kung saan ko ina-upload ang mga chapters ng stories ko in advance, at kung saan uploaded ang iba kong EXCLUSIVE STORIES. Anyone can join, however, may membership fee po siya. You can DM me for queries.
ANY QUESTIONS, JUST LET ME KNOW. Otherwise, I'll catch you all on CERLANCE ZODIAC's story:
ADD TO LIB NAAAAA ❤️
At kung hindi pa po kayo naka-follow dito sa Wattpad account ko, bakit po?haha xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top