75 - The Bad Guys




Mabilis na naitago ni Calley ang cellphone sa loob ng pants nang maramdaman ang pag-unlock ng trunk ng kotse kung saan siya kasalukuyang nakayupyop. Hindi nagtagal ay bumukas iyon, at ang bumungad sa kaniya ay ang isa sa dalawang lalaki na pwersahang kumuha sa kaniya kanina sa harap ng beach house.

           "Labas na, tisay," utos nito na ikina-igtad niya. Sumakit ang kaniyang likod sa pagkaka-baluktot kaya hindi siya kaagad na nakakilos. Dagdagan pa ang labis na takot na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

           "Bingi ka ba?" untag lalaki ng lalaki nang hindi siya kumilos. He was a man in his mid-thirties, mahaba ang buhok na naka-ponytail ay balbas-sarado. Nakasuot ito ng denim jacket at itim na tshirt. Ang anyo ay nakatatakot, ang mga mata'y yaong tulad ng mga taong sanay na gumawa ng krimen.

           Pinilit niyang kumilos, at nang makababa ay hinakawan siya nito sa magkabilang mga kamay at pinatalikod upang talian. Habang ginagawa iyon ng lalaki at tinatagan niya ang sarili. Inikot niya ang tingin at tinandaan ang bilin ni Phillian na maging kalmado at obserbahan ang paligid.

            Hindi niya alam kung nasaan siya, ang buong akala niya'y nasa bayan sila ng Contreras. Turned out it wasn't the case. Maraming tao siyang naririnig kanina dahil sa kabilang dulo ay sakayan na pala ng bangka patungo marahil sa ibang isla. Sa kabilang dako naman ay terminal ng bus pa-probinsya. Sa likuran niya ay ang malaking riprap, at dagat na ang naroon. She realized the car stopped at a parking space, at doon iyon huminto sa pinakalikod natatakpan ng malalaking mga cargo truck upang makapagkubli.

           Mula sa kinatatayuan ay hindi niya makita ang pangalan ng terminal dahil natatakpang ng dalawang ten-wheeler trucks.

           "Tumayo ka ng tuwid at pumasok sa kotse."

           Tahimik niyang ginawa ang ini-utos nito. Pumasok siya sa passenger's seat. Inalalayan pa nito ang ulo niya upang hindi iyon mabangga sa kaniyang pagpasok.

           Well at least her kidnappers weren't harsh towards her. Kahit kaninang sapilitan siyang inisama ng mga ito'y hindi siya sinaktan. Hinakawan lang siya ng mga ito sa magkabila niyang mga braso habang tinututukan ng baril sa tagiliran—damn them.

           Tapos ay ipinasok siya ng mga ito sa trunk—and she was there for over thirty minutes, bago nila narating ang lugar na ito.

           Napaigtad siya nang pumasok din sa passenger seat ang lalaking nagbukas ng trunk saka tumabi sa kaniya. His sweaty smell assaulted her nose, pero hindi niya pinahalata ang pandidiri niya dahil ayaw niyang galitin ang mga ito.

           "Pasensya ka na, tisay ha, trabaho lang," anang driver na medyo matanda lang ng ilang taon sa lalaking katabi niya dahil ang buhok nito'y puti na, pati ang bigote.

           Hindi ang mga ito ang dalawang lalaking sumunod sa kaniya hanggang sa JFK airport noon. She would guess na nanatili ang dalawa sa New York upang antabayanan siya. For sure they also had tourist visas that would allow them to stay in the US for a couple of months.

           Napatitig siya sa rearview mirror upang salubungin ang mga mata ng driver. This one's different; there was nothing dangerous about the man.

           "Please," aniya sa paos na tinig. Matagal siyang umiyak sa takot kanina habang nasa loob ng trunk. "Kung magkano man ang ibinayad sa inyo ay dodoblehin ko—kahit triplehin ko pa. Just let me go."

           Buntong hininga ang pinakawalan ng lalaking nasa driver's seat bago nito pinaarangkada ang sasakyan. Doon siya naging alerto. Siniguro niyang matatandaan ang bawat pangalan ng lugar na madadaanan, para kapag nakahanap siya ng pagkakataon ay muli niyang matawagan si Phillian at masabi rito ang lokasyon siya.

           Hindi na muna niya inisip kung papaano niya ihahatid ang impormasyong iyon dahil nakagapos ang kaniyang kamay, pero gagawin niya ang lahat upang makawala kahit ang isa lang sa kaniyang mga kamay nang sagayon ay magawa niyang tawagan si Phillian.

           Lumiko ang kotse palabas ng parking space. Ang parking area na iyon at ang terminal ng bus ay may cyclone wire na nakapagitan at doon sa wire ay may nakasabit na mga tarpaulin ng kung anu-anong produkto dahilan kaya hindi niya gaanong makita ang pangalan ng terminal.

           "Hindi ka namin mapagbibigyan, tisay," sagot ng driver. "Hindi pera ang usapan dito kung hindi ang kaligtasan din namin. Kapag kami ay bumaliktad, baka hindi na kami abutin ng bukas."

           Ang lalaki sa kaniyang tabi ay nagsalita rin. "Kakausapin ka lang naman yata nila Bossinig, eh. H'wag kang kabahan." Then, he giggled deviously.

           Umusog siya palayo mula sa katabi. Banayad ang tinig ng driver at mukhang kaya niyang ma-kombinsi; iyon ang kinausap niya.

           "I am pregnant—please, gusto kong mabuhay para sa magiging anak ko."

           Nakita niya kung paanong nag-iba ang ekspresyon sa mga mata nito matapos marinig ang kondisyon niya. Sandali itong natahimik at ibinalik ang tingin sa daan.

            Hanggang sa bumuntonghininga ito. "Nagdadalantao rin ang asawa ko; at ayaw kong may mangyaring masama sa akin dahil kailangan pa ako ng pamilya ko, kaya hindi ako babaliktad."

            Bumagsak ang mga balikat niya. Mukhang hindi niya makokombinsi ang lalaking tulungan siya.

            She needed to find her ways; hindi siya pwedeng umasa sa iba.

           Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana ng kotse, at sa tabi ng daan bago lumabas ng parking space ay may nahuli ang kaniyang tingin. It was a big tarpaulin that says,

           "Drive safely, and thank you for visiting the town of Alberta!"

           That's a clue. Ngayon ay kailangan niyang magfocus upang matandaan ang daan, at ang kanilang lilikuan.

           "Wala kaming magagawa, sa'yo, Tisay," sabi ng driver makalipas ang ilang sandali. "Hawak din nina Bossing Charles at Ma'am Esther ang kinabukasan ng mga anak ko."

           She knew it. Oh, she f.ucking knew it. Noong nakita pa lang niya ang mga ito'y alam na niya na mga tauhan ito ng dalawang iyon. Damn Esther. Damn Charles Xiu.

           "Paano ninyo ako nahanap sa Contreras? At least let me know."

           "Matagal nang alam ng dalawa na nasa Contreras ka—bago ka pa lumipad pabalik ng Estados Unidos," sagot ng driver habang ang tingin ay nasa daan. "Nagkataon lang na nang malaman nilang naroon ka sa bayan ng Contraras ay paalis ka na. May nagreport sa kanilang nag-boluntaryo ka sa health care center, pero ayaw ibigay ng mga nurses doon ang address mo, kaya pinadala nila kami roon upang hanapin ka. Napag-alaman namin sa ilang mga draybers ng traysikel na doon ka sa beach house na iyon nakatira dati. Nang makarating ang balita kay Maam Esther na umuwi ka sa bansa ay pinaabangan nila ang pagdating mo sa beach house. Dalawang gabi kaming naghintay sa hindi kalayuan hanggang sa makita ka naming bumaba mula sa truck. Naghintay kami ng tamang pagkakataon, pero noong nakaraang gabi, papasukin na sana namin ang bahay nang mapagtanto naming iyon ganoon ka-dali—tapos ay dumating ang truck ng boypren mo kaya hindi kami nagtagumpay."

           "At ngayong umaga ay nagmatyag kaming muli sa labas ng bahay. Swerte at nakita ka naming mag-isa," dagdag pa ng kaniyang katabi.

           Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa katabi. "Kayo ba ang dahilan kung bakit nawalan ng ilaw ang bahay kagabi?"

           Ngumisi ito at tumango. "Kung nahuli ng sampung minuto ang pagdating ng boypren mo ay baka kagabi ka pa namin nakuha."

            Lihim siyang napangiwi nang mapatingin sa dilaw na dilaw na mga ngipin ng lalaki. Umiwas siya ng tingin at ibinaling ang pansin sa labas ng bintana.

            Walang silbing magmakaawa siya sa mga ito—hindi ng mga ito babaliktarin ang dalawang demonyong iyon.

           Mas mabuting aralin niya ang lugar, at alamin kung papaano niya sasabihin kay Phillian ang lahat ng impormasyong nakikita niya. Mahalagang malinaw niyang maihatid dito ang eksaktong lokasyon kung ayaw niyang mapahamak at hindi na makita pa ang bukas.

            She needed to be sharp and calm. She had a baby to protect in her womb.

           Ilang sandali pa ay napasok na ng sasakyan nila ang highway, at habang nasa daan sila ay may nakita siyang malaking konkretong arko kung saan may nakasulat na "Welcome to San ".

           "Junie, takpan mo mga mata niya, dalian mo."

           Napatuwid siya nang upo nang marinig ang sinabi ng driver. Napatingin siya rito sa rearview mirror at nakita ang pagsulyap nito sa kaniya. Siguradong nahalata nito ang pagsuri niya sa paligid!

           "Naku, eh Pedring, baka may madaanan tayong check point o police at makita nila—"

           "Eh di pahigain mo para hindi mapansin! Kanina pa niya pinag-aaralan ang lugar eh, baka makatakas 'yan mamaya."

           Napakamot ang lalaking katabi niya, bago naglabas ng bandana mula sa bulsa at inayos upang gawing blindfold.

           Umatras siya sa dulo ng passenger seat, umiling. "P-Please, don't..."

           Subalit hindi ito nakinig.

           Impit siyang napatili nang hilahin siya nito saka tinakpan ang kaniyang mga mata.

*

*

*

           Nanginginig ang buong katawan ni Calley nang maramdaman ang paghinto ng kotse at ang tuluyang pagpatay ng makina ng sasakyan. Basa na rin ang bandanang nakatakip sa kaniyang mga mata dahil sa pagluha.

           Simula ng takpan ng mga ito ang kaniyang mga mata ay may isang oras pa marahil ang lumipas bago nila narating ang lugar na hinihintuan nila ngayon.

           Napasinghap siya at pilit na tinatagan ang loob nang maramdaman ang pagbukas ng pinto at ang paghila sa kaniya ng lalaking tinawag kaninang Junie. Napababa siya, and she was barefoot; hindi na niya alam kung saan napunta ang suot niyang sandalyas kanina. Nararamdaman niya sa kaniyang mga paa ang lupang naaapakan, ang sementadong footwalk, ang manipis na damo.

           "Tanggalin mo na ang takip niya sa mga mata para makapaglakad ng siya lang," narinig niyang utos ng lalaking tinawag na Pedring. Sinunod ni Junie ang sinabi nito at tinanggal ang blindfold. Bahagyang nanakit ang kaniyang mga mata nang muling makakita ng liwanag. Nang muling masanay sa liwanag ang kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniyang harapan ang isang maliit na bungalow house. May dalawang baitang na hagdan siyang kailangang akyatin upang marating ang maliit na terrace. The house was new, she could tell. Ang pintura ng pader ay matingkad, ang tiled floor ng terrace ay kumikinang pa. Bago umakyat sa hagdan ay umikot ang tingin niya.

           She was in a newly constructed subdivision! At ang mga bahay na magkakatabi ay pare-pareho lang ang itsura! Subalit wala siyang makitang ibang tao sa paligid... Hula niya'y hindi pa okupado ang mga bahay na katabi ng kinaroroonan nila.

           "Pasok na, Tisay," ani Junie saka siya itinulak paakyat ng terrace.

           Sumunod siya. Dumiretso sila sa loob kung saan inasahan niyang makikita sina Esther at Charles subalit parehong wala ang mga ito roon. Sa halip ay nakita niya ang dalawa pang mga lalaki na katulad ni Junie ang itsura sa loob—mapanganib. Nakaupo ang mga ito sa L-shaped sofa at naglalaro ng baraha habang tumatagay ng lokal na beer. Sandali lang silang tinapunan ng tingin ng mga ito bago ibinalik ang pansin sa pinagkakaabalahang sugal.

           "Sa wakas at natagpuan din," nakangising sabi ng isa na hindi nagkakalayo ang edad kay Junie. Kalbo ito at naka-kamiseta lang. May tattoo sa kanang braso nito na marahil ay ginawa ng isang baguhang artist dahil hindi pulido ang itsura.

           "Mukhang makakatikim ng sariwa ngayong gabi si Bossing Charles, ah," komento naman ng isa pang nasa loob. Katulad ni Junie ay mahaba rin ang buhok nito.

           Ang kalbong lalaki ay natawa sa sinabi ng kasama. "Nanawa na kay Maam Esther, eh, ano?"

           Humagikhik ang lalaking hindi inaalis ang tingin sa barahang hawak. "Tuyot na tuyot na raw, eh, sabi ni Bossing."

           Nagtawanan ang lahat maliban sa kaniya at kay Pedring na napa-iling na lang.

           "Wala pa ba silang dalawa?" tanong ni Pedring sa mga ito.

           "Papunta na raw; pero nasa Maynila pa. Baka abutin pa ang mga 'yon ng dalawang oras," sagot ng kalbo.

           Binalingan siya ni Pedring. "Dito ka sa kusina." Hinawakan siya nito sa braso at dinala sa kusina na ang pumapagitan lang mula sa sala ay ang minibar.

           Napatingin siya sa lababo nang marating ang kitchen area. Doon ay muntik na siyang maduwal nang makita ang tambak-tambak na hugasin na sa hula niya'y inabot na ng ilang araw. Sa mesa naman ay may puting powder siyang nakita na may katabing foil at lighter.

           Nanlaki ang mga mata niya, doon siya lalong nakaramdam ng takot para sa sarili. Para sa kahihinatnan niya.

           "Hindi na naman kayo naghugas ng mga pinagkainan ninyong dalawa—'pag ito inabutan ni Maam Esther, sermon na naman aabutin ninyo," ani Pedring na iniwan na lang siya nang kung paano sa harap ng mesa at bumalik sa sala. "Kahit doon sa iba nating hide out ay ganito rin kayo ka-pariwara. Aba'y kailan kayo matututo?"

           Habang sinesermunan ni Pedring ang dalawang mga kasama ay napaatras siya sa pader ng kusina habang ang tingin ay nanatili sa mesa. She hadn't seen anything like this before, at nahihintakutan siya.

           Inikot niya ang tingin sa paligid. Maliban sa mga plato sa lababo, at sa bilog na mesa ay halos wala pang gamit doon sa kusina. Sa minibar ay wala pang kahit na anong alak maliban sa dalawang lokal na brand ng beer. Ang sala ay sofa at mesa lang din ang mga gamit. May isang silid lang ang bahay na iyon, at ang pinto ay nakaharap sa kusina. Pansin niyang naka-deadbolt lock ang silid mula sa labas.

           Naisip niyang... kung may taong naiiwan sa bahay na iyon, at naka-deadbolt lock ang silid, siguradong may initatago ang mga ito doon sa kwartong iyon?

           Could it be... d.rugs?

           Oh, if she could only take pictures of all this evidence, and if she could get away from this house, siguradong madidiin niya sa kaso sina Charles at Esther.

           Pero papaano niya mapapatunayang may kinalaman ang mga ito kung wala pa ang mga ito roon?

           Inikot pa niya ang tingin sa paligid, hanggang sa dumapo ang kaniyang mga mata sa basurahang nasa ilalim na lababo. Kung hindi siya nagkakamali ay mga billing envelops ang nakikita niyang mga nakapatong sa lumang newspaper at mga plastic na pinaglagyan ng mga take out food. She recognized the envelops because they were similar to the ones Nelly had back in Contreras. Minsan ay sumasama siya sa pagbabayad nito ng bill sa bayan kaya kilala niya ang itsura niyon.

           Sandali siyang napatitig doon hanggang sa unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata nang may mapagtanto.

           The address! She could get the house address from those billing papers!

           At mas maigi kung nakapangalan iyon kay Esther!

           Paatras siyang humakbang patungo sa basurahan, at habang abala sa pag-uusap ang apat sa sala ay dahan-dahan niyang ibinaba ang katawan at kinapa ang basurahan gamit ang mga nakagapos niyang kamay sa likod. She got hold of the billing paper, and she glanced over her shoulder to read what was written on it.

           Hindi pangalan ni Esther ang nakikita niyang nakasulat doon—kung hindi pangalan ni Charles Xiu!

           Kabadong inisuksok niya ang papel sa kaniyang likuran, nag-iingat na hindi siya makagawa ng ingay at mahalata ng mga ito ang kaniyang ginawa. She then pushed the paper into the garter of her sleeping pants, at nang masiguro niyang nakadikit iyon ay inayos niya ang damit sa likod saka tumikhim upang kunin ang pansin ng mga apat na lalaking nag-uusap sa sala.

           Sabay na lumingon ang mga ito sa direksyon niya.

           Nilingon niya ang dalawang pintong nasa likod ng minibar. Alam niyang banyo ang isa dahil may mat sa labas ng pinto.

           "M-Maaari ba akong gumamit ng banyo?"

*

*

*


FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top