72 - Touch Me
Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa magkabila niyang mga pisngi matapos ang sinabi ni Phillian. She didn't expect that at her age, she would still blush with a compliment.
Kung compliment mang matatawag iyon...
"My top looks great on you," Phillian added, smirking a little.
She let out a sigh of resignation. "What is it, Phill? Ang sabi mo'y may kailangan kang itanong." She wanted him to get straight to the point. Hindi niya maintindihan kung bakit ang dami pa nitong paliguy-ligoy.
Umangat ang tingin ni Phillian sa kaniyang mukha, at sa loob ng ilang segundo ay nanatili silang magkatitig.
Both of them were trying to read each other's minds. But both of them struggled. Pareho nilang naitago nang mabuti ang totoong mga damdamin.
Hanggang sa...
"Can you please tell me what your current situation is?" he started. "I mean, about your aunties. About the condition of your company, everything."
"Why, Phill? Why the sudden interest? Kailangan mo bang malaman para sa agreement na inihahanda mo patungkol sa batang dinadala ko?" She couldn't hold her sarcasm.
"Just do it, Calley. Tell me everything."
Siya naman ang natahimik ngayon. Subalit nang makita niya ang ka-seryosohan sa anyo ni Phillian ay napabuntonghininga siya at nauwi rin sa pagsasabi rito ng tungkol sa mga nangyari sa nakalipas na ilang linggo.
Mula sa pagdating niya sa New York apat na linggo na ang nakararaan, ang pagtulong sa kaniya ni Sacred, ang tungkol sa huling meeting niya sa mga shareholders ng kompanya ng daddy niya, at ang muli nilang pag-uusap ni Esther.
Taimtim na nakinig si Phillilan. At nang matapos siyang magkwento ay tumango ito.
"And no one followed you after your last conversation with Esther?"
Umiling siya. "None. But I couldn't just let down my guard. Kaya kahit saan ako magpunta ay kailangan ko pa ring magsuot ng disguise. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ni Esther—nanahimik siya at hindi ako naniniwalang ang pananahimik niya ay dahil sa banta kong mawawala lahat sa kaniya kapag may nangyaring masama sa akin."
Muling tumango si Phill, sandaling nag-isip habang ang mga mata'y nanatiling nakatutok sa kaniya. Hanggang sa tumayo ito, inusuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon, at naglakad patungo sa direksyon niya.
Nakasunod lang ang tingin niya rito; ang pagkakayakap niya sa sarili ay lalong humigpit nang palapit ito nang palapit sa kaniya, kaya umatras siya nang bahagya.
Hindi niya alam kung ano ang balak nito sa paglapit, she just thought she needed enough distance if she wanted to keep her sanity. They shouldn't be too close from each other. Dahil alam niya kung ano ang mangyayari kapag nagkadikit ang mga balat nila.
Si Phillian ay nahinto sa harap niya, sandaling nakipagtitigan hanggang sa humarap ito sa glass wall. Inilabas nito ang mga kamay mula sa pagkakasuksok sa magkabilang mga bulsa at inilihis pa lalo ang makapal na kurtina. He opened the curtain in two-meter wide, at napa-atras siya sa bandang natatakpan pa ng kurtina pag-aalalang may makakakita sa kaniya mula sa labas na ganoon lang ang suot.
"Don't worry, nobody from the outside could see through this glass. It's tinted. We can see what's outside, but not the other way around."
"Oh..." Mangha siyang napahakbang palapit sa glass wall at tumayo sa harap niyon. She could see her reflection on the glass, but her attention focused on the raging sky. Patuloy ang pagkidlat at pagbuhos ng malakas na ulan; walang humpay.
Si Phillian ay ganoon din ang ginawa. Nakatitig lang din ito sa labas at pinagmamasdan ang sama ng panahon. They were just a few inches apart, but she felt like there was a huge block of ice separating them.
Sa mahabang sandali ay pareho lang silang nakamasid sa labas, parehong nagpakiramdaman. She was bracing herself, whilst Phill's hands were back in his pockets.
Sa labas ay lalo pang lumakas ang ulan—ang hangin ay inisasayaw ang mga palm trees na nasa ibaba at nakapalibot sa bahay. Ang mga halamang nasa mga paso ay natumba na rin, at ang isang poste sa harapan na natatanaw nila mula roon ay patay-sindi na marahil ay dahil sa sama ng panahon.
She had checked the internet this morning but the news said that there was no storm in the area. Pero sa tindi ng ulan, hindi na rin nalalayo sa bagyo ang nangyayari ngayon sa kanilang harapan.
"Do you wanna go back to the US tomorrow, Calley?"
Napasinghap siya sa naging tanong ni Phillian. She did not see that coming.
Napalingon siya't napatingala rito.
Of course, she wanted to go back to the US. Ibinalik na niyang muli ang buhay niya roon.
Pero bakit hindi niya magawang ibigay ang sagot niya rito?
Nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya ay nilingon din siya nito. His face was unreadable. "Do you think it's safer for you to stay in the US?"
Napalunok siya—why the hell couldn't she answer him?
"If you think Esther wouldn't find you in the US, I will be happy to send you off to the airport tomorrow. Gusto kitang ihatid hanggang doon sa New York, o kung saan ka man kasalukuyang nakatira para masigurong ligtas ka at hindi nasusundan ng mga galamay ng tiyahin mo, pero hindi ganoon kadali ang lahat. What I can do at this point is to send Sacred to collect you."
Naguguluhan siya. Bakit biglang nag-iba ang hangin?
"Why the sudden change of plans, Phillian? Akala ko ba ay ayaw mo akong umalis?"
At ano na naman ba ang problema niya? Siya naman ang ayaw umalis ngayon sa Contreras?
Huminga ito nang malalim; muling ibinalik ang tingin sa labas. "Naisip ko lang na kung gusto mong ituloy ang plano mo'y walang problema sa akin. I realized that you have already sacrifised a lot for your plans to work out just for me to stop you now. I guess what I really wanted is for you to stay in contact. Gusto kong maging ama ng batang dinadala mo. That's mine, after all. It's just right na ako ang kilalanin niyang ama." Muli siya nitong hinarap. "If you want to go, I won't stop you. Just promise me that you will keep in touch."
Nagbaba siya ng tingin at ibinalik ang pansin sa labas upang hindi nito makita ang lungkot na dumaan sa kaniyang mga mata.
Bakit ba siya nalulungkot? Hindi ba't ayaw din naman talaga niya roon? Hindi ba't nagalit siya nang dalhin siya roon ni Phillian? Hindi ba at gustong-gusto na rin niyang bumalik sa America?
Why was she having second thoughts now?
"Sinabi mong isang taon lang ang agreement ninyo ni Sacred na mananatiling kasal sa isa't isa, hindi ba?"
Tumango siya. Mula sa repleksyon nito sa glass wall ay nakita niyang nanatili pa rin itong nakatitig sa kaniya.
"Okay," anito.
Muli siyang napatingala upang salubungin ang mga mata nito. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero bakit may pakiramdam siyang tila may pinaplano si Phillian?
"Paano kung ayaw ko namang umalis ngayon?"
Sh*t, ano ba ang pinagsasasabi niya? Her mind was getting more and more inconsistent! Hindi niya akalaing pati desisyon ay nababago ng hormones!
"Ayaw mo bang umalis?" balik-tanong ni Phillian. Nagkaroon ng kaunting pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito. Bahagyang lumambot.
"What if," pagtatama niya.
"Then don't."
"So you're really letting me decide what to do now?"
Tumango ito.
"Ano'ng nangyayari, Phillian? Kahapon lang ay parang wala akong karapatang magdesisyon sa buhay ko at sapilitan mo akong dinala rito, ngayon naman ay ako na ang bahala? Nagbago ba ang panananaw mo dahil sa narinig mong pag-uusap namin ni Sacred? You heard that I was worried about what other people would think about me, and that's the main reason why I didn't want to stay here. Did you realize that I was somehow right?"
Umiling ito. "Tulad ni Sacred ay wala akong pakealam sa iisipin ng ibang tao, Calley." Huminga ito nang malalim. "You know what? Just rest for now. Bukas ay mag-usap tayong muli."
Akma nitong isasarang muli ang kurtina nang umangat ang kamay niya at hinawakan ito sa braso. Natigilan si Phillian at napatitig sa kaniya.
"You were there the whole time when I was speaking with Sacred on the phone; you surely heard what I said about my desire to sort the issues we have with each other—"
"We don't have issues with each other, Calley. We just simply hurt each other, hence, this treatment."
"So, inaamin mong nasaktan mo rin ako?"
"I said words that I wasn't supposed to say to a woman—and that, for sure, hurt you. I know what I did, okay? At inaamin kong mali iyon—I was blinded by fury. Pero naisip kong ikaw ang magiging ina ng una kong anak; I have to build a better relationship with you if I wanted to stay in my child's life. Kaya napagpasiyahan kong hayaan kang magdesisyon kung saan mo nais na manirahan." He paused, took a deep breath, and calmly added, "Just promise me that you will keep yourself safe and healthy. And that you will call me whenever you can to give me an update about your condition; I have the right to know, Calley. I care for the baby."
Pino siyang ngumiti. Ang kaniyang kamay ay hindi pa rin bumababa mula sa pagkakahawak sa braso nito. "Let's make amends, Phill..."
Hindi ito sumagot, subalit nakikita niya ang unti-unting paglambot ng anyo nito.
Mukhang handa na ring makipagbati si Phillian sa kaniya...
At mukhang tama si Sacred sa pagsasabing hindi nagtatagal ang sama ng loob ni Phill. Dahil ngayon ay handa na itong makipag-ayos sa kaniya. At nagiging malambing na ulit ito.
Muling nagpakawala ng mahabang paghinga si Phillian. "Yeah, sure. That's fine with me, Calley. We can be better parents if we get along."
Tumango siya bilang pagsang-ayon. At habang nakatitig siya rito'y nalipat ang kaniyang tingin sa gilid ng ulo nito—doon sa sugat na tinakpan na niya ng bandage. Doon sa sugat na siya ang may likha.
Guilt consumed he; sigurado siyang kikirot ang sugat nito sa umaga.
Bago pa niya napigilan ang sarili ay umagat na ang isa pa niyang kamay roon upang banayad na ayusin ang bandage na bahagyang tumagilid. Pero kahit na naayos na niya'y hindi pa rin niya naibababa ang kamay. Nagpatuloy siya sa pagdama... sa pisngi nito.
Phillian let out a deep sigh. "Please get your hands off me, Calley. Habang kaya ko pang magtimpi."
Naguluhan siya sa sinabi nito. Naguluhan siya dahil hindi galit ang tono nito. Hindi nito sinabi ang mga salitang iyon dahil ayaw nitong hawakan niya jto.
Phill sounded different when he said those words.
It was as if... he was begging.
Begging her to stop, before he loses control.
Pero hindi siya sumunod. At kanina pa niya nais na sermonan ang sarili dahil iba ang ginagawa ng kaniyang katawan sa idinidikta ng kaniyang isipan.
She cupped his face with her hands; ang hinlalaki niya sa kaliwang kamay ay banayad na dinama ang ibabang labi nito.
Pinanatili ni Phillian ang kontrol.
"I'm sorry if our relationship ended because of my selfishness, Phill... Believe me, I have loved you. And I love you still—" Nahinto siya nang hulihin nito ang kaniyang kamay saka siya ibinalibag sa glass wall.
Napa-singhap siya sa gulat, subalit wala siyang sinabing kung ano. She stared straight at his dark blue eyes and waited for his next move.
Until... his eyes moved down to her slightly parted lips. And she noticed how his expression changed.
"I did my best to forget you, Calley..." anito sa mababang tinig, ang tingin ay hindi pa rin humihiwalay sa mga labi niya. "Pero matapos mong sabihin na nagdadalangtao ka at ako ang ama ay tumindi ang pagnanais kong bawiin ka. My name is the one you should carry; not Sacred's."
Hear heart pounded wildly; biglang nataranta sa mga narinig.
Did Phillian just say he wanted her back?
Did he, really?
And did he say he wanted to give her his name?
Oh, dear Lord...
If Phillian really did say those words, well she had no objection. Kung plano nitong bawiin siya at panatilihing muli sa buhay nito ay hindi siya magdadalawang isip na sumunod. If this is what he wanted, so be it. She would happily obey.
F*ck marriage morale. F*ck anything else. She just wanted to be with him again.
Nahinto siya sa pag-iisip nang maramdaman ang isang kamay ni Phillian na bumaba sa kaniyang bewang. And there, she gulped.
"I know I said I wouldn't touch you... but I think I'll die if I won't."
She raised her chin, and in a voice full of sensuality, she said,
"Touch me, then. No one's stopping you..."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top