70 - Weather and Darkness





Tuluyang humarap si Phillian nang marinig ang katanungang iyon ni Calley. Sa mahabang sandali ay pareho silang tahimik na magkatitig. Calley's eyes were filled with hope; she was hoping to hear the answer she wanted to hear. And Phillian's eyes were filled with... many emotions.

           Mga emosyong nagtatalo-talo. Naroon pa rin ang lungkot sa anyo nito, ang pagkalito sa tunay na nararamdaman, ang sama ng loob sa mga nangyari. At this point, Phillian was confused of his own feelings.

            Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito, kasunod ng muling pag-blangko ng anyo. He would rather hide what he truly felt to protect himself, than show Calley and allow her to break his heart over and over again.

          Nang makita ni Calley ang blangkong ekspresyon sa mukha ni Phill ay humulagpos ang pag-asang bumangon kanina sa dibdib.

           "Why would I be lonely?"

           She cleared her throat and forced a smile. "Why, indeed."

           "Masyadong napuno ng galit at sama ng loob ang dibdib ko noong mga panahong iyon para maging malungkot." Nilampasan nito si Calley at naglakad patungo sa pinto ng banyo. "Wash yourself and freshen up. I'll fix you something to drink downstairs."

           Calley just stood there, staring blankly at the tub. Hanggang sa ang sunod na lang nitong narinig ay ang pagsara ng pinto ng banyo.

*

*

*

           Nangangalumbabang nakatunganga si Calley sa harap ng salaming pinto ng veranda sa silid ni Phill at pinagmamasdan ang patuloy na pagbagsak ng malakas na ulan sa labas. She was sitting on the carpet, her back was resting to the side of the bed, and beside her was a pitcher of cold honey-lemon water.

           Malamig ang panahon, ayaw tumigil ng malakas na ulan at hangin, at kahit na alas dos na ng hapon ay madilim pa rin ang kalangitan. Hindi na naging maganda ang panahon sa buong araw... hindi na nagpakita ang haring araw, at kahit gustohin niyang umalis doon dala-dala ang mga gamit ay hindi niya magawa. Sa ganitong panahon ay mahihirapan siyang maghanap ng masasakyan, at ayaw niyang magkasakit kapag nagpaulan siya.

           Kaninang umaga, noong abutan siya ni Phillian sa banyo na nagsusuka dahil sa paglilihi, ang huling beses na nagkita sila nito sa araw na iyon. Matapos niyang magbabad sa tub ng halos kalahating oras ay nagbanlaw na siya at lumabas sa banyo. Paglabas niya'y nakita niya ang isang insulated tumbler na nakapatong sa side table; may laman iyong hot chocolate na mainit pa rin hanggang sa mga sandaling iyon, at sa ilalim ng tumbler ay may naka-ipit na note.

           It was Phillian's note to her saying;

           'Kailangan kong bumaba sa silong para silipin ang lagay ng mga tao at bangka. I'll be back as soon as possible. Do not get out or leave the house. Masyadong mapanganib ang mga kalsada sa ganito ka-samang panahon.'

           Pagkatapos niyang mabasa ang note ay nagpatuyo siya ng buhok habang inuubos ang laman ng tumbler. Nang maubos iyon ay muli siyang nahiga hanggang sa muli siyang nakatulog. Nagising siya na alas dies na ng umaga, at bumaba siya upang maghanda ng tanghalian niya.

           She knew that Phillian won't be home at this time. Kapag may bagyo ay halos hindi ito umaalis sa silong, kaya ang sarili lang niya ang pinaghandaan niya ng makakain. She made chicken and vegetable soup, at dahil sa malamig na panahon ay halos maubos niya iyon nang siya lang.

           She was so full she had to stay up for an hour; she walked around the house, did some stretching, vacuumed the floor. Matapos iyon ay bumalik siya sa kusina upang gumawa ng honey-lemon water at dinala ang pitsel paakyat sa master's bedroom. She then washed her body, changed her clothes, and sat on the carpet to watch the rain pour heavily down the concrete veranda.

           Kahit hindi sabihin ni Phillian ay wala siyang interes na lumabas sa beach house para suuingin ang ganoon ka-tinding ulan.

           Pero... kumusta na kaya ito at ang mga tao nito doon sa silong? Tumaas na naman kaya ang mga alon at inabot na naman ang iyon ng tubig? Kung ganito ang panahon ay siguradong gagabihin ito.

           Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya sa beach house. Hindi niya alam kung ano ang agreement na inihahanda ni Phillian. Hindi niya alam kung ano ang pinaplano nito. Pero ang hiling niya'y huwag lang sana nitong guluhin ang mga plano niya.

           Because everything was settled on her end.

           All she really needed to do at this moment was to secure herself and give birth after seven months...          

           At kapag naayos na ang transfer ay matatahimik na siya. Sila ng anak niya. Hihintayin nila ni Sacred na matanggap nito ang green card, at kapag nangyari iyon ay magpa-file sila ng diborsyo. And when it's done, she and her baby would move to Canada.

           Everything was in order... it's just a matter of time now.

           Pero... ano naman kaya ang plano ni Phill?

*

*

*

           Napatitig si Calley sa cellphone na kanina pa ring nang ring subalit walang sumasagot. She was trying to make an overseas call to Sacred. He did not answer after the third try.

           Kaninang umaga'y nagpadala na siya ng email dito katulad ng madalas niyang gawin kung may ibabalita siya. Sacred did not answer that email. Kaya naman nang gabing iyon ay naisipan niyang tawagan na ito. But then, he wasn't answering.

           "What are you up to, Sacred?' bulong niya. She opened her message box and typed a short message.

           'Hey, I sent you an email. It's just an update about me. Give me a call when you can.'

           Matapos mai-padala ang mensaheng iyon ay inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng side table at tumayo na. Natulog siya buong maghapon—salamat sa malamig na panahon at tila musikang tunog ng ulan, naging komportable ang pakiramdam niya at nakatutulog nang maayos.

           It was already eight in the evening; she wondered kung nakabalik na si Phillian mula sa silong? Hindi pa siya bumababa simula nang magising siya kaya hindi niya alam kung naroon na ito.

           Bago lumabas ng master's bedroom ay nag-ayos muna siya ng sarili. Bababa siya upang maghanda ng hapunan. Nang makalabas ay kaagad siyang napahinto nang salubungin siya ng madilim na hallway. Hindi pa nabubuksan ang ilaw; wala pa nga kaya si Phill o baka natutulog na sa kabilang silid?

            Napasulyap siya sa kaharap ng silid. Ang silid na dati niyang ino-okupa at ngayon ay gamit na ni Phillian habang naroon siya sa master's bedroom.

           Kung nakauwi na ito at naroon sa silid ay isasama niya ito sa pagluluto ng hapunan. At upang malaman ay naglakad siya palapit doon sa pinto at nagpakawala ng tatlong sunud-sunod na katok. Makaraan ang ilang sandali ay wala siyang narinig na pagkilos mula sa loob, kaya nangahas na siyang buksan ang pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw at iyon ay binuksan.

           At namangha siya sa nakita.

           There was nothing in the room but Phillian's stuff for painting. Ang dating kama na ginamit niya'y nakatagilid at nakasandal sa pader, ang mga side tables ay hindi na niya makita dahil ang ibang mga gamit ay natatakpan ng putting tela para hindi maalikabukan. Sa kabilang gilid ay ang mga nakahilerang canvas na may guhit na pero hindi pa tapos, ang iba'y blangko habang ang iba nama'y nakabalot nang maayos.

           Sa gitna ay may working table kung saan nakapatong ang mga paint brushes, mga pinta, ilang mga lapis at ruler. Ang dalawang painting stand ay nakasandal naman sa nakatagilid na kama.

           Nagtatakang lumabas siya sa silid at hinayaang nakabukas ang pinto at ilaw upang maging tanglaw niya sa daan. Nasa puno pa ng hagdan ang switch ng ilaw ng hallway, at iyon ang tinumbok niya.

            Habang naglalakad patungo ay napapaisip siya.

           Kung walang kama na maaaring tulugan doon si Phillian, saan ito natulog kagabi?

           Did he sleep on the couch downstairs?

           O sa silid ni Nelly sa ibaba?

           Kaya ba doon siya nito dinala sa silid nito dahil iyon lang ang bakanteng silid sa beach house?

           Ganoon ang tumatakbo sa kaniyang isip nang biglang kumulog nang malakas sa labas na ikina-uklo niya. She covered her ears with her hands and closed her eyes tightly. Sunod-sunod na kidlat ang dumagundong sa paligid, at impit siyang napapatili sa magkahalong gulat at takot.

           Makalipas ang ilang sandali'y binuksan niya ang kaniyang mga mata—at awtomatiko siyang napahawak sa pader nang ang sumalubong sa kaniya ay nakabubulag na kadiliman.

           Ang ilaw sa nakabukas na silid ay namatay, at ang buong beach house ay sinakop ng dilim! 

           "What's happening?" aniya sa nanginginig na tinig. Mariin niya muling ipinikit ang mga mata upang sanayin ang mga iyon sa dilim, kaya nang muli siyang nagmulat at may naaaninag na siya kahit papaano.

            Sunod ay initukod niya ang isang kamay sa pader upang maging gabay niya sa daan. She continued her steps to the landing and searched for the light switch. Kaagad niya iyong binuksan nang marating, subalit hindi bumubukas ang ilaw.

            Which confirmed that the whole house had a power outage.

            Sa maingat na mga hakbang ay bumalik siya sa master's bedroom. Pumasok siya at hindi na nag-abalang mag-sara ng pinto. Sa maingat na mga paghakbang ay lumapit siya sa kama at doon ay naupo. Kinapa niya ang side table kung saan niya huling ipinatong ang cellphone, at nang mahanap iyon ay kaagad niyang binuksan ang flashlight feature. Nakahinga siya nang maluwag nang lumiwanag ang paligid kahit papaano.

           Muli niyang niyuko ang cellphone at hinanap ang numero ni Phillian, at nang may napagtanto ay sandali siyang natigilan.

           Wala siyang numero ni Phillian doon kaya hindi niya ito matatawagan. Hindi rin niya iyon memoryado kaya wala siyang magawa kung hindi maghintay na umuwi ito, o hintaying bumalik ang kuryente.

           Ang tanong... Sa sama ng panahon ngayon, uuwi ba ito at iiwan ang silong? Knowing Phillian, she knew he wouldn't.

           Pero dahil nagkaroon ng power outage, siguradong uuwi ito upang tingnan ang lagay niya?

           Sa naisip ay napatayo siya at humakbang patungo sa glass door ng veranda. Sumilip siya sa labas upang tingnan ang kondisyon ng panahon. At nang makitang bukas ang mga ilaw ng poste sa kalsada, at ang ilang mga kabahayan malapit sa dagat na natatanaw niya mula sa kinatatayuan, ay nagsalubong ang mga kilay niya.

           Sa beach house lang nawalan ng kuryente. Ang beach house lang ang madilim!

           Dahil ba malakas na pagkidlat? Ano ang nangyari?

           May kung anong kaba ang bumangon sa kaniyang dibdib. Biglang hindi siya mapalagay.

           Napalingon siya sa nakabukas na pinto ng silid nang tila may narinig siyang ingay mula sa ibaba. Lalong tumindi ang kaba niya.

           Her instict told her to find something that would protect her should someone was with her in the house. Kung may kasama siya sa bahay na iyon na hindi dapat naroon ay kailangan niya ng bagay na magagamit upang depensahan ang sarili. 

           Pero dahil sa labis na takot at dahil na rin sa dilim ay hindi siya makahanap ng kahit na ano.

            Hanggang sa ang kaniyang mga mata'y bumaba sa side table kung saan nakapatong ang glass pitcher na pinaglagyan niya ng lemon water kanina. Mabilis niya iyong nilapitan at hinawakan. She had no other option—she had to have something in her hands somehow.

           Pinatay niya ang ilaw na mula sa cellphone at maingat na tinalunton ang daan patungo sa likod ng pinto. Inisuksok niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng suot na sleeping pants saka niyakap sa dibdib ang pitsel. She stood there behind the semi-open door, shuddering in fear as she waited for someone to come into the room.

           She just knew someone was inside the house. She could hear faint noises. At mukhang hindi ito nag-iisa. Mukhang may kasama.

           Malakas ang ulan sa labas at may bahagya pang pagkulog kaya hindi malinaw sa pandinig niya ang ingay na naririnig mula sa ibaba. But she just knew she wasn't alone in the house.

           A burglar maybe?

           Or was she found by Esther's men?

           Sh*t.

           Lalo siyang natakot sa huling naisip.

           Damn that woman. Hindi ba ito natakot sa iniwan niyang mensahe noon na sakaling may mangyaring masama sa kaniya ay walang mapupunta ni singkong duling dito? What was that vain woman planning now?

           Nahinto siya sa pag-iisip nang naging mas malinaw sa kaniyang pandinig ang ingay na naririnig sa labas. Papalapit nang papalapit. There were footsteps, and then the light was approaching in her direction as if someone was holding a flashlight.

           Okay, here they come...

           Kung ano man ang mangyari sa kaniya sa gabing iyon ay ipasasa-Diyos na lamang niya. Pero lalaban siya. Lalaban siya hanggang huli.

           Then, the footsteps stopped; ang pinto ng master's bedroom ay lalo pang bumukas, at ang ilaw mula sa dalang flash light ng kung sino man ang naroon ay unti-unting nagbigay-liwanag sa loob ng silid. At sa pamamagitan niyon ay nakita niya ang anino ng lalaking nakatayo naroon.

           A huge and tall guy, coming into the master's bedroom.

           Huminga siya nang malalim. At bago pa niya tuluyang ma-kompirma kung sino ang naroon ay itinaas na niya ang glass pitcher saka malakas na ini-hampas sa ulo ng lalaking tuluyan nang nakapasok sa silid.

           A loud grunt was heard next, followed by Phillian's angry voice;

           "What the f*ck, Calley?!"

*

*

*





FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top