69 - Lonely
Nasa hagdan pa lang si Calley ay naamoy na niya ang aroma na nagmumula sa kusina. She knew Phillian was cooking something; she could smell a delicious pan-seared steak.
She had been picky with her food since the hormonal change, and she hated the smell of red meat; raw or otherwise. Pero iba sa pagkakataong ito. Para siyang hinihila sa kusina dahil sa aroma na naaamoy niya.
Kumain siya ng chicken burger kaninang umaga na halos hindi rin niya naubos dahil hindi matanggap ng panlasa niya. Nang tanungin siya ni Phillian kanina kung ano ang nais niyang kainin ay tanging prutas lang ang naisip niya. She wasn't hungry then.
She is now.
Itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya ang kusina. Doon ay nakita niya si Phillian na inilalapag ang dalawang platong may T-bone steak with steamed broccolli and mashed potato. Very American.
Sa gitna ng mesa ay may ceramic bowl na ang laman ay mainit na kanin at isa pang bowl na ang laman naman ay sinigang na hipon. Sa isang medium-sized crystal bowl naman ay ang sliced fruits na ni-request niya.
Kinunutan siya ng noo, at wala sa loob na inituloy ang pagpasok sa kusina.
"You know how to cook?" she asked, still eyeing the food.
"I never said I couldn't," sagot nito. "Would you prefer to eat at the dining table o okay na sa'yo rito?"
"You're acting as if I've never lived here for almost two months." Nahinto siya sa tabi ng mesa at pinakatitigan ang mga nasa mesa. "Bakit ang dami nito?"
"Dahil kakain tayo ng marami."
Umangat ang tingin niya rito at nakita ang paghuhubad nito ng apron. It was the same apron Nelly would always wear—the pink, floral one. At hindi niya mapigilang ngumiti.
She was used to seeing him wear his floral Hawaiin shirts, but never the apron. At hindi niya alam kung bakit siya natatawa.
Dahil ba sa tingin niya'y nakaaaliw ang itsura nito habang suot-suot ang apron na iyon?
Damn her. Kagabi lang ay masamang-masama ang loob niya rito, at kaninang umaga ay inis na inis siya sa pagpipilit nitong dalhin siya sa Contreras. Ngayon naman ay naaaliw siya rito?
It must be the hormones, she thought.
"Are you laughing at me?"
She pressed her lips and looked away. "Of course not. Clown ka ba?"
Lalo niyang gustong matawa sa huling sinabi, and to stop herself from doing so, she had to bite her lower lip. Hinila na rin niya ang isang upuan sa harap ng mesa at doon ay naupo.
"You sound like Nelly," Phillian commented wryly.
Hinila niya ang bowl na puno ng fruit slices patungo sa kaniya bago sumagot. "We're best friends, after all."
Phillian smirked. "You didn't think she'd tell me what you're up to, did you?"
Nagkibit-balikat siya. "It's nice to know na mas loyal pa rin siya sa'yo kahit masama ang loob niya."
"Because I have been good to her, Calley. Not someone like you would break our bond."
"But someone like me made Nelly hate you."
"Well..." Phillian paused, nag-isip ng isasagot.
Nang wala itong nasabi pagkatapos niyon ay napa-iling na lang siya. Kinuha niya ang tinidor na naroon din sa mesa at tinusok ang melon na nasa bowl. Pero bago pa man niya iyon maidala sa kaniyang bibig ay dumukwang na si Phillian ay inagaw sa kaniya ang tinidor saka iyon ay ibinalik sa bowl.
"Eat your meal first."
"But these fruits are my meal."
"That's for dessert."
"I'll have my dessert in advance then."
"No. You need to eat some protein." He gently pushed the plate of steak in her direction, then sat across her and looked her in the eye. "Doktor ka, hindi ba? Makabubuti sa'yo ito at sa dinadala mo."
She couldn't help but scoff. "Oh, muntik ko nang makalimutan na napaka-overprotective mo nga pala." She shook her head in disbelief. "I know what to do, Phillian. Ang sabi mo nga'y doktor ako."
"Don't argue. Just eat." Ini-usog nito sa gitna ang bowl ng sliced fruits na ikina-haba ng nguso niya.
Bakit pa ba ito nagtanong ng kung ano ang gusto niyang kainin kanina kung hindi rin naman pala siya nito pagbibigyan?
Napa-iling si Phillian nang makita nito ang pinakawalan niyang ekspresyon. "Don't pucker, you look like a child."
Lalo siyang sumimangot. "Kung gusto mong matunawan ako'y tantanan mo ang pagsasalita sa akin ng ganiyan. My God, Phillian. Nasisira ang mood ko kapag ikaw ang kausap ko."
Hindi na ito nagsalita pa at inayos na lang ang table napkin sa kandungan nito.
Niyuko niya ang pagkaing nasa plato; the steak was cooked in medium rare and was looking so juicy. The mashed potato was moist and creamy, and the steamed broccoli smelt so fresh; bina-balanced niyon ang buttery and creamy scents ng meat at mashed potato. And they looked appetizing, for heaven's sake.
Kahit na ayaw niya sa red meat nitong nakalipas na mga araw ay hindi niya napigilang damputin ang steak knife at ang tinidor na ini-tusok niya kanina sa prutas. She sliced the meat, stared at the pink color in the center, then put it in her mouth.
Sandali siyang natigilan nang kumalat ang lasa sa loob ng kaniyang bibig. Hanggang sa napapikit siya at itinuloy ang pag-nguya.
Oh God... she thought as she chew the meat with gusto. This tastes so good...
She's used to eating steak all her life, not most of the time dahil nga bawal siya sa red meat, kaya hindi na bago sa kaniya ang ganitong pagkain.
But why the hell did this steak taste so differently good?
Dahil ba luto iyon ni Phillian?
Oh, was her baby craved his father's cooked meal?
"I'm glad you like it."
Napamulat siya nang marinig ang sinabi ng kasama. Nakita niyang nag-uumpisa na rin itong kumain; sa mga labi'y may pinong ngiti.
Muli siyang natigilan.
Iyon ang unang ngiting pinakawalan ni Phill simula nang magkita silang muli.
At hindi niya alam kung bakit siya nabuhayan ng dugo.
Kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib, nanikip ang kaniyang lalamunan, hanggang sa nanlabo ang kaniyang paningin.
Out of the blue, she felt like crying.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang pigilan ang pamumuo ng kaniyang mga luha. She looked down and sniffed softly. Nagiging malala ang pagiging emosyonal niya. Kahit ang pag-ngiti ni Phillian ay nakaiiyak na.
Damn it.
Itinuloy niya ang pagkain at tahimik na ngumuya. Ayaw niyang makita ni Phillian ang pamumula ng kaniyang mga mata sa pagpipigil ng damdamin kaya nanatili siyang nakayuko sa kaniyang plato sa buoang durasyon ng tanghalian.
*
*
*
Matapos ang tanghalian ay umakyat na si Calley sa master's bedroom at nahiga roon matapos makaramdam ng matinding pagka-antok. She wasn't able to get as much sleep as she could last night because of overthinking. Tapos ay maaga pa siyang nagising para umalis sa Asteria.
Natural sa buntis ang madalas na makaramdam ng pagkaantok at pagkapagod, kaya minabuti niyang ipahinga ang sarili at doon muna sa taas habang si Phillian ay nilinis ang kusina.
Nang magising siya'y pasado alas sinco na ng hapon. Bumangon siya at nagtungo sa banyo upang maligo. She wasn't feeling well during this time; she was feeling dizzy. Umasa siyang aayos ang pakiramdam niya kapag nakaligo na siya. She knew she only needed a cool bath, makatutulong iyon para mawala ang pagkahilo niya.
But it didn't.
Her dizziness worsened, kaya nang matapos niyang patuyuin ang buhok ay muli syiang nahiga sa kama at natulog.
Nang muli siyang nagising ay saka niya naramdaman ang masuyong paghaplos sa kaniyang mukha. She opened her eyes and saw Phillian sitting beside her. Salubong ang mga kilay nito habang titig na titig sa kaniya.
"You slept the whole day," anito bago ibinaba ang kamay.
She moaned and placed her hand on her forehead. Umiba siya ng posisyon at hinagod ang noo. "I wasn't feeling okay this afternoon."
"What do you mean?"
"I was dizzy and fell asleep."
"How about now?"
Pinakiramdaman niya ang sarili. Mas maasyos na ang pakiramdam niya kompara kaninang hapon. Medyo sumasakit lang ang ulo dahil sa haba ng itinulog niya, but she felt better.
"I'm fine now." Itinukod niya ang mga siko sa kama saka bumangon.
"Kaya mo bang bumaba hanggang sa dining room? It's time for dinner."
Bigla siyang kinunutan ng noo nang may mapagtanto. She realized that the way he spoke to her just now had changed. His voice was... calm and gentle. As if she was talking to the old, sweet Free Phillian.
Napatingin siya rito at tinitigan ito nang diretso sa mga mata. Bukas ang ilaw sa silid kaya malinaw niyang nakikita ang anyo nito.
"Yes, of course, I can," she answered quietly.
"Don't force yourself if you can't. Maaari kong dalhin sa veranda ang pagkain. You can wait there." Tumayo ito at akma na sanang aalis nang naging maagap siya at hinuli ang braso nito.
Why, she had no idea.
She just felt like she needed him there. Beside her.
Napalingon si Phillian; ang tingin nito'y bumaba sa kamay niyang nakahawak dito.
"We're not sleeping in the same bed while I'm here, are we?" Kahit siya ay nagulat sa sariling tanong. It was as if her lips had a life of their own.
Nagsalubong ang mga kilay ni Phillian, nagtaka sa biglang tanong niya. Hanggang sa banayad nitong binawi ang braso mula sa pagkakahawak niya, at sa tinig na puno ng pang-uuyam ay...
"Scared that something might happen between us, Calley?" He paused and smirked. "Don't worry; I will never touch your body ever again. I'm done lusting over you."
Nang tumalikod si Phillian at lumabas sa silid ay saka niya pinakawalan ang paghingang noon lang niya namalayang kanina pa niya pinipigilan. Bumangon siya at pumasok sa banyo upang maghilamos at gisingin ang sarili na kahit anong mangyari ay hindi na muling magbabalik ang dati nilang samahan ni Phillian.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Phill sa silid dala-dala ang hapunan niya. There was a bowl of vegetable soup, a cup of rice, fruits, and a big slice of grilled chicken. He brought them to the veranda and told her to eat alone.
He was back to being nasty, and all she could do was sigh.
*
*
*
Nagising si Calley na mahapdi ang tiyan bandang alas cuatro ng umaga. Madilim ang silid, at naririnig niyang umuulan sa labas. Mula sa salaming pinto ng veranda kung saan ang kurtina'y bahagyang nakalihis, nakikita niya ang gumuguhit na kidlat sa langit.
Parang kahapon lang ay tirik ang araw; kahit kagabi habang kumakain siya nang mag-isa sa veranda ay puno ng bituin ang langit—walang pagbabadya na magiging masama ang panahon.
Pero ngayong umaga'y tila galit na galit ang langit. At nakikisabay pa ang sama ng kaniyang pakiramdam.
Her tummy felt odd, and her throat constricted. Maasim ang nalalasahan niya sa kaniyang bibig, at kapag ganoon ay alam na niya kung ano ang mangyayari. She had been experiencing this for weeks now.
Maingat siyang bumangon, binuksan ang lamp sa bahagi niya, saka naglakad patungo sa banyo habang sapo ang humahapding tiyan.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng silid ay bigla siyang napa-uklo nang kumulog nang malakas na halos ika-bingi niya. Mariin siyang pumikit at ang kaniyang kamay ay awtomatikong naghanap ng makakapitan. She got hold of the lamp on the other side of the bed, accidentally pulling it off and breaking it. Lumikha ng ingay ang pagbagsak niyon sa carpet.
Nagmulat siya at yumuko upang sana'y damputin ang lamp, subalit muling kumulog nang malakas kaya muli siyang napa-uklo at payukong humakbang patungo sa banyo. She opened the bathroom door, pressed the light switch on, then slammed the door closed. Mula roon sa banyo ay hindi niya naririnig gaano ang malakas na pagkulog.
Nang naroon na siya sa loob ay muling nag-alburoto ang kaniyang tiyan, hanggang sa maramdaman niya ang pagtaas ng likido sa kaniyang lalamunan at ang lalong pag-asim na kaniyang bibig. Humakbang siya patungo sa toilet bowl, binuksan ang cover, at paluhod na dumuwal doon.
It was the worse feeling for her—throwing up all the food she had taken in. And it wouldn't stop until she released everything that she ate last night. It wouldn't stop until her throat hurt, and her chest tightened. She was always vulnerable when this happened, at lalong masama ang pakiramdam niya noong naroon siya sa America dahil wala siyang kasama. Wala siyang madaingan. She had to look after herself; she had to deal with her needs on her own.
Nang sa tingin niya'y wala na siyang maisusuka ay tuluyan na siyang napa-upo sa tiled floor at inabot ang tank lever. She wiped her mouth with her arm and stood up. Humarap siya sa salamin at nang makita ang itsura'y nanlumo siya. She looked horrible.
Hindi na yata siya masasanay.
Sa tuwing nangyayari ito sa kaniya sa umaga'y ganito palagi ang nakikita niya sa harap ng salamin. Ang mga mata at ilong niya'y namumula at namamaga, ang kaniyang bibig ay basa at namumutla rin. Habang ang kaniyang buhok naman ay magulo at nabasa rin ng suka.
Oh, she was a mess. At sa tuwing nakikita niya ang sarili sa ganoong kondisyon ay naiiyak na lang siya.
She couldn't take the sight, so she covered the toilet bowl, sat on it, spread her palm on her face, and cried silently as she endured the agony brought by pregnancy.
Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na ganoon hanggang sa maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. Kahit hindi niya i-angat ang tingin ay alam niyang kung sino ang naroon— at doon ay lalo lang siyang naiyak.
Why did Phillian have to come in and see her in this situation?
Para siyang ewan ngayon.
"Hey..." anito sabay hagod sa kaniyang likod. Ang tinig nito'y banayad na tila nakikipag-usap sa batang naliligaw, umiiyak, at hinahanap ang mga magulang.
"Please leave me alone," she said. She couldn't bear to show her face to him at this moment.
"No, I'm staying here." Patuloy ito sa paghagod sa kaniyang likuran. "I heard everything behind the door, Calley."
"How could you hear it if the door was closed?" she countered. Naiinis siya dahil malibang masama pa rin ang pakiramdam niya'y ayaw nitong sundin ang sinabi niyang iwan na muna siya nito.
"The door was unlocked, and I came running matapos kong marinig ang malakas na pagkulog. I knew you would get scared." His voice was so gentle it was making her cry all the more. "Nang pumasok ako at makitang wala ka sa kama, at nasa sahig ang lamp ay lalo akong nag-alala. Then, as I stood in front of the bathroom door, I heard what you're going through." Huminga ito nang malalim. "How are you feeling now?"
Hindi niya nagawang sumagot dahil muli niyang naramdaman ang paghapdi ng sikmura at ang muling pag-alburoto ng kaniyang tiyan.
Sh*t, it's coming back again.
And normally, sa pangalawang pagkakataon ay tubig na lang ang naisusuka niya.
"Calley..."Phillian uttered. Hindi niya ito pinansin nang maramdamang halos nasa lalamunan na niya ang mahapding likido na nais lumabas mula sa kaniyang tiyan.
Inis niyang tinabig ang kamay nito, tumayo, muling binuksan ang cover ng toilet bowl, lumuhod sa harap niyon at muling nagsuka. Damn it, bahala na kung ano ang itsura niya sa harapan nito mamaya.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagsuka siya nang nagsuka, at tulad ng kaniyang inasahan ay malagkit na likido na lang ang lumabas mula sa kaniyang bibig.
"Does it always happen, Calley?"
Bago sumagot ay tumayo muna siya at muling naghilamos; si Phillian ay nanatili sa kaniyang likuran. Makalipas ang ilang sandali'y nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata nito sa salamin.
She still looked like a mess—but she didn't care anymore.
"It does," she answered. "Since it reached the sixth week."
Doon niya nakitang ibang-iba ang anyo ni Phillian sa madalas niyang makita mula rito sa nakaraang dalawang araw. The look on his face was different... yet it was the kind of look she was familiar of.
There was gentleness in his face; empathy and concern, too.. Ang nang makita nito ang anyo niya'y tila ito sinaktan nang pisikal. She could clearly see the pain in his eyes.
"How did you take it?"
"I just dealt with it. I had no choice."
Matagal na natahimik si Phillian, subalit ang anyo ay hindi nagbabago. Nakikita niya sa anyo nitong may nais itong gawin,.
At habang nakatitig si Phillian sa kaniya ay bumaba naman ang kaniyang tingin sa hubad nitong dibdib. He was only wearing his sleeping pants, and she noticed he had lost of weight...
Oh, he still had a body any women would drool over, but he had significantly lost some weight in just a matter of a few months. Doon kumunot ang noo niya, sandaling nawala sa isip ang tungkol sa itsura at sa nararamdaman.
Saka ibinalik niya ang tingin sa mukha nito.
"What happened to you?"
"Don't worry about me, I'm still trying to think how I could help with—"
"You aren't eating properly, are you?"
Nagpakawala ito ng malalim na paghinga; ang tingin ay initutok nito sa bath tub. "Do you want to take a bath? I'll fill up the tub for you."
Hindi na siya nakapagsalita pa nang umalis si Phillian sa kaniyang likuran at naglakad patungo sa bath tub. Binuksan nito ang gripo, inilapag sa sahig ang rubber mat, at nilagyan ng bath soap ang tubig. At habang ginagawa iyon ni Phillian ay nakasunod lang ang tingin niya rito.
Habang napagmamasdan niya nang maayos ang katawan nito'y lalo niyang napapansin ang pagbagsak niyon. Even his eyes had lost their brightness—na noong una'y inakala niyang dahil lang sa galit sa kaniya.
But it wasn't.
She could tell that... Phillian was lonely.
Wala sa loob na humakbang siya palapit dito. Hinawakan ito sa balikat na ikinalingon nito.
"Please tell me the truth..." she said, almost whispering. "We're you... also lonely when I left? Because I was, Phill. I was. And I missed you so bad."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE | VOTE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top