67 - Ain't Going Nowhere 3
"Ma'am, hindi na po ba kayo lalabas?"
Napa-igtad si Calley at bumalik sa kasalukuyan nang marinig ang tanong ng driver. Napatingin siya sa rearview mirror at nakita itong nakatitig sa kaniya nang may pagtataka. Nalipat ang kaniyang tingin sa labas ng bintana at nakitang tuluyan na itong nakaparada sa parking area ng sikat na fast food chain na nadaan nila.
Oh, right. She did tell him to stop so she could order something to eat on the way.
"W-Wala bang drive-thru?"
"Ang sabi po ninyo'y gusto po ninyong mag-CR, Ma'am."
"Oh." Pilit siyang napangiti. "No, mag-drive thru na lang tayo."
Tumango ito at sinunod ang sinabi niya. She ordered two chicken burgers, two coffees, and another set of chicken and rice. Kinuha niya ang isang burger at isang coffee saka ibinigay sa driver ang iba. "Let's eat first."
Nagpasalamat ang driver, at sandali nitong inihinto ang sasakyan sa parking space saka kumain. Makalipas ang dalawampung minuto ay muli na silang bumalik sa daan.
Doon ay muli na namang lumalim ang kaniyang mga iniisip, hiniling na sana'y hindi siya masundan ng mga taong ipadadala ni Esther doon sa airport katulad ng nangyari noon. She would never let that vain woman touch even a strand of her hair.
She had a child in her tummy to protect now, kailangan niyang gawin ang lahat upang ma-protektahan ang sarili sa mga kamay at galamay ni Esther.
Ganoon ang tumatakbo sa kaniyang isipan nang biglang naramdaman ang pagbagal ng taxi, hanggang sa ang biglang pag-preno niyon. Awtomatiko niyang initukod ang mga kamay sa driver's seat at nanlalaki ang mga matang sinulyapan ang driver sa rearview mirror.
"Ano'ng nangyayari?" she asked frantically.
"Pasensya na po, Ma'am," paghingi nito ng paumanhin. "Kasi po..." Itinaas nito ang isang kamay at may inituro sa harapan.
Sumunod ang tingin niya roon, at nang makita ang pamilyar na puting truck na nakaharang ilang metro mula sa harapan ng taxi ay nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Bigla pong nag-overtake, akala ko'y lalampas lang kaya binagalan ko ang pagpapatakbo ng taxi, pero hayan po't hinarangan tayo."
Kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib; ang kaniyang katawan ay nanigas.
Ano ang kailangan sa kaniya ni Phillian? Bakit ito sumunod doon? And how the hell did he know where she was?
Damn him. Matapos siya nitong ipagtabuyan ay susunud-sunod naman ngayon?
"Ma'am, babain ko po muna—"
"No, hindi na kailangan." Itinuwid niya ang katawan, ini-sandal ang sarili sa backrest, at mariing ipinikit ang mga mata. Sunud-sunod siyang humugot nang malalim na paghinga upang i-kalma ang dibdib na halos sasabog na sa bilis ng pagpintig ng kaniyang puso.
And then, when she opened her eyes, she saw Phillian going out of his truck.
Muli siyang napahugot nang malalim na paghinga. Tatlong metro ang pagitan ng taxi at nang sasakyan ni Phillian, at kahit na nasa passenger's seat siya ay nakikita niya nang malinaw ang anyo nito.
His face was serious—almost emotionless.
"Aba, si Sir Phillian po pala 'yan," anang taxi driver. Of course, he knew Phillian. The Zodiac family seemed to be a well-known family in Asteria.
Pigil-pigil niya ang paghinga habang hinihintay ang paglapit ni Phillian. Dumiretso ito sa backseat at nahinto sa may panig niya. Kumatok ito sa nakasarang bintana.
Gusto niya itong ignorahin. Pero alam niyang hindi siya titigilan nito hanggang sa hindi niya ito hinaharap. Isa pa, hindi hamak na mas mabilis ang takbo ng truck ni Phillian kompara sa takbo ng taxi—kaya kahit pa na sabihin niya sa driver na ituloy na ang pagpapatakbo ng taxi upang iwasan si Phill ay siguradong susundan pa rin sila nito at maaabutan bago pa man sila makalayo.
Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago ni-rolyo pababa ang salaming bintana. Tiningala niya ito; pinantayan ang anyo.
"What do you want?"
"Get out and talk to me." His voice was as cold as the Antarctic Ocean.
"What, hindi tayo pwedeng mag-usap nang nasa labas ka at nasa loob ako?"
Hindi ito nagsalita; ang anyo'y nanatiling seryoso.
She let out another sigh and turned her attention back in front. "I'm leaving the country today, I have already booked my ticket so I have to hurry—"
"For the last time, Calley, get the f*ck out of the taxi."
"You can't make me—" Nahinto siya at napasinghap nang biglang ipinukpok ni Phillian ang kamao sa bubong ng taxi, dahilan upang bahagya iyong umalog. Muli siyang napatingala rito at doon na niya nakikita ang pagtitimpi nito.
Ang taxi driver ay napalingon sa kaniya. "M-Ma'am, ano po ang nangyayari?"
Sandali siyang nalingon sa driver, at nang makita niya ang pagtataka at takot sa anyo nito'y muli siyang nagpakawala ng mahabang paghinga. Napilitan siyang buksan ang pinto ng pasenger's seat upang harapin ito.
Ayaw niyang mandamay ng iba. May kutob siyang sisirain ni Phillian ang taxi kung hindi niya susundin ang sinabi nito.
Si Phillian ay bahagyang umatras nang bumukas ang pinto. Ilang sandali pa'y kaharap na rin niya ito.
They were basically in the middle of the road, pero dahil medyo maaga pa'y wala gaanong nadaang sasakyan.
"How did you know that I left Asteria and I am in this taxi?" aniya, seryoso rin ang anyo
"Nelly told me and she texted me the taxi details." Lumapit si Phillian sa bintana ng driver's side at iyon naman ang kinatok.
Nagbaba ng bintana ang driver, nasa anyo ang pagtataka.
"Maaari ka nang bumalik sa Asteria; pero ilipat mo muna ang dala niyang gamit sa likod ng truck."
Nang marinig ang sinabi ni Phillian ay pinanlakihan siya ng mga mata. Lumapit siya at hinawakan ito sa kanang braso upang paharapin sa kaniya.
"Hey, what are you doing?"
Muli siya nitong hinarap; ang anyo ay seryoso pa rin. "You're not leaving."
"Why not? Hindi ba at sinabi mo sa akin kahapon na h'wag ko nang ipakita ang pagmumukha ko sa—"
"That's right, sinabi kong h'wag kang magpapakita sa family house. Only in the family house." Hinawakan siya nito sa siko at iginiya patungo sa truck nito.
Nagpumiglas siya. Binawi niya ang braso mula rito na muli nitong ikinaharap.
"What do you want, Phillian? You said you have nothing to do with me anymore—"
"Not until I learned I am having a child with you. Now, let's go."
"Im not coming with you!" Tumalikod siya at akmang babalik sa taxi nang mahinto siya dahil nakita niya ang paglabas ng taxi driver. "Go back inside, itutuloy natin ang byahe pa-Maynila—" Subalit muli siyang nahinto nang mahuli ni Phillian ang kaniyang kamay at muli siyang hinila.
Muli siyang nagpumiglas, subalit humigpit lang ang pagkakahawak nito sa kaniya. Hinawakan siya nito sa magkabilang mga kamay, at nang magpatuloy siya sa pag-atras ay bigla siya nitong binitiwan upang hawakan sa bewang at buhatin. Ipinasan siya nito sa balikat na tila siya sako ng bigas.
"Phillian! What are you doing?! You can't force me to come back to Asteria!"
"Who told you I'm bringing you back there?"
Sandali siyang natigilan.
Saan siya dadalhin ni Phillian?
Nang maisip ang nag-iisang lugar na alam niya'y napasinghap siya. Pero hindi pa muna siya muling nakapagsalita nang marating nila ang truck. Huminto si Phillian sa tapat ng pinto ng front seat at doon na siya nito ibinaba.
"Sasama ka sa akin pabalik ng Contreras," anito bago binuksan ang pinto ng front seat. "Get in."
"Hindi ako sasama sa'yo," matigas niyang tugon dito. "And you can't force me."
"You don't have a choice!"
Muli siyang natigilan nang harapan siya nitong sinigawan. nanlaki ang kaniyang mga mata, at bago pa niya napigilan ang sarili ay naitulak niya ito. "You cant just take me without my consent—that's kidnapping!"
"Do you really think I care?" sagot nito, tila hindi natinag sa kaniyang ginawa.
"Asawa na ako ngayon ng kapatid mo. Ano sa tingin mo ang sasabihin ng buong pamilya kapag nalaman nilang sumama ako sa'yo pabalik ng Contreras?"
"Wala akong pakealam sa sasabihin nila o kung asawa ka pa ng kapatid ko. You were mine first."
Those last words hit her hard. And that stunned her.
At sinamantala ni Phillian ang pananahimik niya. Hinawakan siya nito sa braso at ipinasok sa loob. Hindi na siya nakapagpumiglas pa dahil sa sandali niyang pagkatigalgal. nang maupo siya sa front seat ay naiyakap niya ang mga braso sa sarili. At bigla siyang napa-pitlag nang pabagsak na isara ni Phillian ang pinto.
She closed her eyes and rested her head on the backrest as the familiar scent of his car assaulter her nose. Kahit ang malambot na car seat ay tila nagdadala ng mga alaala pabalik sa kaniyang isip.
She felt like crying.
Oh, she was being emotional again. But she couldn't really stop herself. And she blamed it on her condition. Mahirap kontrolin ang emosyon lalo kung buntis.
Iminulat niya ang mga mata nang maramdaman ang pag-alog ng truck. Napatingin siya sa rearview mirror at mula roon ay nakita ang pagkarga ng taxi driver ng kaniyang maleta sa likuran. Nakita niya ang sandaling pag-uusap ng dalawa sa labas, at ang pagngiti ng driver kay Phillian bago ito bumalik sa taxi. May naririnig na siyang busina sa likuran na marahil ay mula sa mga sasakyang naaabala sa pagbalabag ng truck ni Phillian sa kalsada. Ang iba'y lumampas na lang.
Nang bumukas ang driver's seat at pinigilan niya ang paghinga.
Nang sumampa na roon si Phillian ay muli siya nitong sinulyapan.
"Put your seatbelt on."
Hindi siya tuminag. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana at humugot nang isa pang malalim na paghinga. Narinig niya ang mahina nitong pagmumura pagkatapos, at nagulat na lang siya nang inilapit nito ang sarili sa kaniya, at marahas ni hinila ang seatbelt mula as tagiliran ng upuan nito saka iyon ini-kabit sa kaniyang katawan. Hinigpitan nito iyon na ikinangiwi niya dahil sa naramdamang sakit.
"Could you please be gentle? Nasasaktan ako!"
"I was never gentle," he answered, pertaining to something else, for sure. Nang maikabit nito ang seatbelt niya ay bumalik ito sa pagkakaupo at ini-kabit din ang sariling seatbelt. He then turned the key and shifted the gear.
Umatras ang truck, at nang makakuha ng tiempo ay pinatakbo na iyon ni Phillian.
Pinalipas na muna niya ang ilang sandali bago muling nagsalita.
"Why are you doing this, Phillian? Bakit mo ako pinu-pwersa na sumama sa'yo?"
"I already told you—kung totoong anak ko ang nasa sinapupunan mo'y hindi ako papayag na ibang lalaki ang kikilalanin niyang ama."
"Kung totoo?" she couldn't help but scoff. "You really can't do the math, can you? Sino ba ang kasama ko seven weeks ago? Who was I with when I conceived the baby? We were together, making love nonstop seven weeks ago—"
"I wouldn't call it making love, Calley," Phillian said bitterly, cutting her sentence off. "You can't call it lovemaking when you're not even in love."
Napahugot siya nang malalim na paghinga at piniling huwag nang sumagot. Kahit ano pa ang sabihin niya ay mukhang wala itong balak na makinig.
Sa loob ng mahabang sandali ay pareho silang tahimik; walang humpay ang pagbuntonghininga niya. Nasa labas ang kaniyang tingin subalit ang kaniyang pansin ay wala naman talaga roon. She was observing Phillian.
Until...
"Inaamin mo bang kaya mo pinakasalan si Sacred ay dahil sa kasalukuyan mong sitwasyon, Calley?" Phillian asked in a flat voice. "And you were planning to make Attorney Ramirez and the rest of the people in your company believe that Sacred is the father, is that right?"
Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago siya sumagot. "Why do you even need to ask kung alam mo naman na?"
"That's my child you're carrying, Calley. Bakit kailangang ang kapatid ko ang una mong kausapin tunglol sa kalagayan mo?"
"Why, Phillian?" Nilingon niya ito. "Had you learned about this, would you have married me instead?"
"F*ck no! I can't let you use me for your ulterior motives! But I will definitely own up my responsibility."
"Then that's the answer why I didn't talk to you first. I can't give birth to your child out of wedlock, Phillian. He has to be a legitimate child for me to be able to solve my problems—"
"And this is what pisses me off, Calley. You used me and my brother, and now you're using my child to solve your problem!"
"Well, if you really think about it, this child was conceived because I needed it to solve my problem." She felt sorry for her baby for saying that, but it was her defense mechanism against Phillian. Gusto niyang bumawi sa mga sinabi nito sa harap ng pamilya kagabi.
"The child was conceived because I loved you," he said after a while. His voice softened, and his words stunned her again. Napatitig siya sa mukha nitong bahagyang lumambot. "It was conceived because I wanted to start a family with you. I was planning on marrying you, you know? But all my plans got ruined because I learned that you only needed me for this."
Umiwas siya nang tingin nang makita ang muling pagtigas ng anyo nito at ang muling pagtaas ng tinig. She bit her lip and swallowed a lump in her throat. "If you really loved me, you shouldn't have pushed me away. Dapat ay tinulungan mo ako, dapat ay—"
"If you were in my shoes, would you accept the truth wholeheartedly? If I used you for my own benefit, would you be happy? I needed love, Calley. Had you loved me first—sincerely loved me first—this would have ended up differently."
Ibinalik niya ang tingin dito. "But I did love you—"
"Oh, fuck you."
She pressed her lips and said no more.
She knew he wouldn't listen.
She got enough. She would never explain herself to him ever again.
Bahala na ito sa gusto nitong isipin. She's done explaining.
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top