66 - Ain't Going Nowhere 2
Tahimik na pinagmasdan ni Calley ang malawak na palayan habang papalabas siya sa propriyedad ng pamilya Zodiac. It was only three in the morning when she asked Nelly to help her get a cab. Mahabang pangungumbinsi ang ginawa niya upang pumayag ito. At upang pumayag si Nelly na tulungan siyang makaalis sa bahay nang hindi nalalaman ng lahat ay nangako siyang magsasabi ng lahat-lahat dito.
Lahat-lahat—mula sa una nilang pagkakakilala ni Phillian sampung taon na ang nakararaan, hanggang sa nangyari kagabi.
Mag-a-alas sinco nang dumating ang taxi na minamaneho ng kaibigan nito. Ang taxi na iyon ang maghahatid sa kaniya sa Maynila.
This was the day after that revelation—and Calley decided to leave before she could cause more trouble. Kaarawan ni Lee at ayaw niya iyong masira.
Matutuloy naman ang kaarawan nito kahit wala siya.
She had left a letter to Felicia and told her that she would call more often to update her with the pregnancy. She thought Felicia deserved to know. Iniwan din niya ang regalong dala niya para kay Lee; she hoped he'd like it.
Habang nakatingin siya sa labas ng bintana at inaantabayanan ang tuluyang paglabas ng araw na unti-unti nang sumisilip sa likod ng bundok ay binalikan niya sa isip ang sunod na nangyari matapos niyang umakyat sa silid ni Sacred kagabi.
Nalaman niya mula kay Nelly na sa unang pagkakataon ay nagalit si Felicia kay Phillian, nag-umpisa itong magsermon hanggang sa nanahimik na lang ang lahat. Phillian said nothing after trying to defend himself. Ito at ito ang sinisi ni Felicia kung balit miserable raw ito ngayon at kung bakit siya nasasaktan. Matapos iyon ay umalis na raw sa hapag si Felicia at pumasok sa silid nito.
Matagal pa raw nag-usap ang magkakapatid hanggang sa nagpaalam na si Phillian. He left the house, he drove his truck away. Nagsabi itong sa motel sa bayan ito mananatili sa gabing iyon at bukas na lang babalik para sa party ni Lee.
Nelly said that Phill was furious.
Makalipas ang isang oras na biyahe ay humingi siya ng break sa driver. Kinailangan niyang gumamit ng banyo at bumili ng almusal. She was starving. Kung ang sarili lang niya ang kaniyang iisipin ay hindi siya kakain; she would often skip breakfast before. But there was a baby inside of her that she needed to nourish, kailangan niyang kumain para sa ikabubuti nito.
Habang hinihintay na makapag-park ang taxi sa tapat ng fastfood chain ay bumaba ang kaniyang kamay sa flat pa niyang tiyan.
She learned about her prenancy a few days before she and Sacred got married. Ang kondisyon niya ang naging dahilan kung bakit siya naging desperada at pinakasalan si Sacred.
Hindi siya maaaring magsilang ng ilehitimong sanggol. Kailangang kasal siya bago niya ilabas sa mundo ang bata; at dahil ayaw niyang may ibang makaalam sa sitwasyon niya--not even her Ninong Lito--at kinuntiyaba na niya si Sacred.
It wasn't an easy decision on her part. But she didn't really have any choices.
Habang nakayuko siya sa flat pang tiyan ay bumalik sa isip niya ang mga naging pag-uusap nila ni Sacred sa Arlo SoHo bar.
That morning when Sacred tried to kiss her...
Natigilan siya nang umangat ang isang kamay ni Sacred sa kaniyang pisngi. His thumb gently rubbed her skin, and she froze when his head lowered.
Inch by inch...
And she knew what he was about to do. She just knew it too well....
Kaya bago pa man tuluyang makababa ang ulo nito'y initaas na niya ang mga palad at ini-lahad sa dibdib nito. That made him stop, and she pushed more.
Lumayo ito, tila natauhan din sa ginawa. Ibinaba nito ang isang kamay ay ini-usog ang upuan palayo sa kaniya.
"What were you thinking?" she asked, frowning.
"I don't know. I'm probably tipsy now and I wanted to flirt." He took the bottle of his beer and finished it. Nang maubos ay ibinaba nito ang bote sa counter at muli siyang sinulyapan. "So, you're leaving tomorrow, huh?"
Tumango siya at ibinalik ang tingin sa inumin. Mabilis niyang inalis sa isip ginawa nito kanina. "Kailangan kong magtago sa Delaware."
"And then? Hanggang kailan ka magtatago?"
Napakagat-labi siya. "Hanggang sa makakilala ako ng lalaking pakakasalan ko at bibigyan ako ng anak."
Narinig niya ang pag-ismid nito. "Your life is full of dramas; katulad ka ng kilala ko."
Muli niya itong sinulyapan. "You mean... you daughter's mum?"
Tinapunan siya nito ng masamang tingin. "This isn't me and her, okay?"
"Chill, dude. Kung galit ka sa kaniya ay sa kaniya ka lang magalit; h'wag mong idamay ang ibang kababaihan na wala namang ginawang masama sa iyo."
"Gah!" Naiinis itong tumayo, dumukot ng pera sa bulsa ng suot na pantalon saka ipinailalim iyon sa bote ng beer nito. "I'm going to stroll New York, d'yan ka na." Tumalikod na ito at humakbang paalis, subalit bago pa man tuluyang makalayo si Sacred ay tinawag niya ito.
He looked over his shoulder. "What?"
"Thank you for listening, Sacred. I really appreciate it. Kahit papaano ay naging magaan ang pakiramdam ko. At... salamat din sa ginawa mo kaninang umaga."
Sandali itong natahimik hanggang sa muling bumalik at huminto sa harapan niya. Itinaas nito ang palad at inilahad, "Give me your phone."
Kinunutan siya ng noo--at kahit na nagtataka sa nais nitong gawin ay inilabas niya ang cellphone sa dalang pouch at ibinigay rito. Sacred typed something, at nang muli nitong ibalik sa kaniya ang device ay nakita niyang ini-save nito ang pangalan at numero roon.
"Call me if you need help."
Umangat ang tingin niya rito, at bago pa man siya makapagpasalamat ay tumalikod na si Sacred at umalis sa bar.
*
*
*
Kinabukasan, alas otso nang umaga nang bumaba si Calley at nagcheck out sa hotel. Matagal siya sa lobby dahil hinihintay niyang matapos ang pag-inspeksyon ng mga crew sa in-okupa niyang silid. She had a coffee at the lobby and read her book. At habang abala siya sa ginagawa'y nagulat siya nang may naupo sa kaniyang harapan.
Umangat ang tingin niya at nakita si Sacred, wearing a red sweatshirt and black jeans. Tila kagigising lang nito at hinahagod ang sentido.
"Damn it, I only had a couple of beers but my head's killing me."
Ibinaba niya ang kape sa mesa. "Jet lag."
"Maybe." Hinagod nito patalikod ang buhok saka sinulyapan ang malaking maletang nasa kaniyang tabi. "You had two luggages, right?"
"Ibinili ako ng mas malaking maleta ng staff na inutusan ko kahapon at kumasya rito ang laman ng dalawa. I threw the old ones." Sunod niyang ibinaba ang libro sa tabi ng tasa. "Coffee?"
Hindi ito sumagot; sa halip ay sinenyasan nito ang isang babaeng staff na naghatid ng inumin sa katabi nilang mesa. Ang staff ay lumapit at magalang na ngumiti.
"How may I help you, Sir?"
"Bring me a glass of tequila coffee."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Hey, I didn't know you're an alcoholic!"
"I'm not," anito sabay kibit-balikat. "But this is how I get rid of my hangover. Kung sa salita pa natin ay... 'banlaw'."
She grimaced. "I don't even know what it means."
"You don't need to understand." Tiningala ni Sacred ang babeng staff. Sandali itong natigilan habang nakatitig sa magandang mukha ng blondie. Ilang sandali pa'y may sumilay na pilyong ngiti sa mga labi nito. "Do you deliver drinks to the rooms upstairs?"
The blond lady, understanding what Sacred meant, smiled sensually. "We don't, Sir. The room service is a different department, but I'll see what I can do."
Lumapad ang ngisi ni Sacred na ikina-ngiwi niya. Hindi niya alam, pero nauumay siya sa nakikita.
"Well, then, bring it to room 314."
Isang malagkit na ngiti ang iniwan ng babaeng staff bago tumalikod. Ibinalik ni Sacred ang tingin sa kaniya. "I can't see you off, but you have my number. Call me if you need anything."
"Why would you even bother helping me, Sacred? You are confusing me with your personality."
"That's why people don't like me, Calley. Because I am consistently inconsistent." Nakapamulsa itong tumayo. "Isang linggo lang ako rito sa New York. Leyara's mother works as a dance teacher and she tends to move around places. Alam kong hindi sila magtatagal sa iisang lugar ng mahigit tatlong araw."
"Leyara?"
"My daughter."
"Oh."
"I probably won't be here in New York after a week or two; depende sa resulta ng paghahanap ko. But if you need anything, or if your life is in danger, you can call me." Tumalikod na ito.
"You haven't answered my question, Sacred."
Sacred stopped.
She continued. "Why are you helping me?"
Lumingon ito, salubong ang mga kilay. "Hindi ba dapat?"
"This isn't like you."
"Why? What do you know about me?"
Nagkibit-balikat siya. "A lot."
"You know a lot about me because Phillian told you?" Sacred scoffed. "They don't even know who I really am."
Hindi na siya nakasagot pa nang makita ang isa pang staff ng hotel na papalapit sa direksyon niya bitbit ang kaniyang card at ilang mga papel na alam niyang papipirmahan sa kaniya.
"See you when I see you," Sacred said before walking back to the elevator.
*
*
*
Her life had been a little weird in the next two weeks. Sa loob ng dalawang linggo ay wala siyang ibang ginawa kung hindi magkulong sa kaniyang bahay, magbasa ng libro, matuto ng mga bagong receipes, dumalo sa mga online seminars, manood ng kunag ano-anong medical documentaries and dramas, and or sleep the whole day.
Dalawang linggo ring hindi naging maganda ang kalagayan ng kaniyang kalusugan at madalas siyang nagugutom at inaantok. But she didn't think much about it at first. Inisip niya noong una kinukulang lang siya ng physical activity kaya parang tinatamad ang mga kilos niya.
May mga pagkakataon ding lalabas siya subalit hanggang supermarket lang; she couldn't take the risk.
Pero may mga pagkakataon ding pakiramdam niya'y walang silbi ang pagtatago niya. How would she be able to find an eligible bachelor kung ganoong nagtatago lang siya sa apat na sulok ng bahay niya?
She could never find someone who would help her fix her problems if she didn't go out and mingle with people?
Gah. Dagdagan pang sa tuwing lalabas siya'y laging naka-disguise-- hindi kaaya-aya. Naka-loose shirt, naka-black leggings, at at naka-wig ang buhok.
Papaano siya makahahanap ng matinong kapareho kung ganoon ang itsura niya?
Sh*t, she was so desparate. Nang dahil kay Esther ay napipilitan siyang ibenta ang sarili sa lalaking magbibigay ng anak sa kaniya.
But then... the turn of events. She found something...
Habang nasa meat section siya ng supermarket isang araw habang namimili ng food stock niya'y bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. She felt like throwing up, she was irritated by the smell of the meat. Naiwan niya ang cart at patakbong nagtungo sa pinakamalapit na banyo.
Simula noon ay nagtuluy-tuloy ang sama ng pakiramdam niya. Sa umaga tuwing magigising siya'y lagi siyang nahihilo at nasusuka, laging masama ang timpla niya. Pakiramdam niya'y galit siya sa lahat ng tao, wala na siyang magandang nakikita. She observed herself in the next three days... and during this period she already had an idea about what's going on.
On the third day since the symptoms started to show up, she purchased a kit.
And she just confirmed it.
She was pregnant.
Magkahalong damdamin ang umusbong sa kaniyang puso ng mga sandaling iyon.
She was happy, worried, and sad all at the same time.
Happy because she knew that the baby was the product of her relationship with Phillian. This was the product of her love.
Worried because the reality of having a child hit her. Hindi ang tungkol sa sitwasyon nila ni Esther ang inaalala niya, kung hindi ang sa kung paano niya ito mapo-protektahan ngayong nasa panganib din ang buhay niya. No one was there to protect them, the baby's father was miles away. And not only was he miles away, he was also mad at her. For all her lies... for what she did. Paano kung hindi rin magustuhan ni Phillian ang kaalaman na nakabuo sila ng anak? Sigurado siyang iisipin nito na sinadya niyang magbuntis dahil sa mga plano niya...
Well, initially, she really did make sure she would get pregnant.
But everything changed when she fell in love with him.
And now... she was also sad.
She was sad because even if the situation had changed now... Even if her feelings had changed... she still had to use her baby for the resolution of her problems.
She had to. For their protection. For the baby's future.
Pero...
She didn't think her father's last will would honor her child to be an eligible heir.
She wasn't married.
The child was illegitimate.
At malinaw na sinabi sa testamento na kailangan niyang magpakasal muna bago siya mag-anak.
But Phillian would never marry her. Lalo na ngayong galit na galit ito sa kaniya.
So, what now?
*
*
*
"You look awful."
Iyon ang unang sinabi ni Sacred nang magkita sila makalipas ang dalawang araw matapos niyang ma-kompirma ang kaniyang kondisyon. They met at a restaurant near her apartment.
"I had to fly from Texas just to meet you," anito nang maupo sa harapan niya. "Make sure this is something worthwhile."
"I'm pregnant."
Sandaling natigilan si Sacred; napatitig sa kaniya.
Ilang sandali pa'y...
"Ano'ng kinalaman ko r'yan? I'm sure I'm not the father?"
"It's Phillian's."
"So?"
Huminga siya nang malalim. Dalawang araw niyang pinag-isipan ito.
"Ayaw mo bang makita at makasama si Leyara sa kahit kailan mo gusto? You wanted to prolong your stay here in the US, didn't you?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Get to the point."
"Marry me, Sacred. Even just for a year."
HIndi ito nagsalita, ang mga kilay ay nanatiling magkasalubong.
"If you married me, you will be able to get a permanent visa. And I will be able to solve my problems."
Huminga nang malalim si Sacred. Sumandal sa upuan, nag-isip.
Hanggang sa...
"Just for a year?"
She smiled secretly. "Just for a year."
"Deal."
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top