64 - Family Mess
Ilang beses na naghilamos si Calley sa loob ng banyo ng silid ni Sacred upang alisin ang pamumugto ng mga mata mula sa pag-iyak.
Ahh, getting emotional wasn't part of her plan. She knew this was going to be an awkward situation, but she didn't know she was going to be feeling that pain upon seeing him again.
Ramdam niya sa tinig ni Phill ang galit—ang sama ng loob—ang pagtitimpi. Kahit hindi ito lumingon upang ipakita sa kaniya ang galit sa anyo nito'y ramdam na ramdam naman niya ang damdamin nito sa mga sandaling iyon.
Nang talikuran niya ito kanina ay dumiretso siya sa loob upang itago rito ang pag-iyak. Dumiretso siya sa itaas, doon sa silid ni Sacred upang ikubli sa lahat ang nangyayari sa kaniya. She went straight to the bathroom, opened the shower, and sat on the covered toilet bowl. And there... she cried her heart out.
Why wouldn't he listen? Marami siyang gustong sabihin dito. Mahalagang mga bagay. Why wouldn't he give her a chance to talk?
Well, damn him.
If he didn't want to listen to her, so be it.
H'wag itong maghahabol balang araw...
Muli siyang yumuko sa lababo at naghilamos ng mukha. Kinusot niya nang kinusot ang mga mata sa pag-asang matanggal niya ang pamumugto ng mga iyon. Sooner or later ay ipatatawag na siya ni Felicia, at ayaw niyang bumaba at harapin ang lahat na ganoon ang anyo.
Makalipas ang ilang sandali ay muli siyang nag-angat ng ulo at sinuri ng tingin ang sarili sa salamin.
At nainis lang siya sa nakita.
Her eyes were red from crying, the size of her nose doubled up, and her face as red as a ripe tomato.
Lalo lang siyang naiyak nang makita ang anyo.
Damn it, she couldn't stop her tears.
She just couldn't stop crying.
Sa tuwing bumabalik sa isip niya ang tinig ni Phillian ay bumubukal ang kaniyang mga luha.
Forget about the words he said—she knew he only said that out of spite.
Ang iniiyak talaga niya ay ang katotohanang binago niya ang disposisyon nito. Phillian wasn't the same anymore—he wasn't the same funny, cheerful guy who would smile and flirt a lot. And she caused that change. The pain she inflicted on Phillian changed him.
At naiiyak siya dahil napatunayan niyang totoo ang naging damdamin nito sa kaniya noon. Na nasaktan niya ito nang labis noong ginamit niya ito sa pansarili niyang motibo. She admitted her fault, and she regret what she did. Pero kung binigyan sana siya nito ng pagkakataon noon... kung nakinig sana ito sa paliwanag niya noon... ay napatunayan sana niya ritong totoo rin ang naging damdamin niya. Na totoong minahal niya rin ito sa paglipas ng mga araw.
And now, even if he denied it, she knew that he was angry not because he was using Sacred for her plans. She knew that he was angry because he was hurt. Because she hurt him.
And Phillian's wound just got worse when she married Sacred.
She hurt him by making wrong decisions, and by doing wrong moves.
Ngayon ay tuluyan na siyang nawalan ng pag-asang masabi rito ang kondisyon niya—ang sitwasyon niya. She told him that this was going to be her last visit in the country, at paninindigan niya ang sinabi niyang iyon.
Kung ayaw ni Phillian na pakinggan siya ay naiiintindihan niya.
Fine.
Pananatilihin na lang niyang sikreto ang lahat.
Muli siyang yumuko sa lababo at naghilamos.
Maybe coming here is a bad idea after all... she thought, staring at her reflection on the water. Dapat bang hindi na muna ako pumunta rito? Dapat bang hinintay ko munang matapos ang problema saka ako muling nagpakita kay Phill? It's been only four weeks since I left Contreras, pareho pa kaming nasasaktan.
Ahhh, damn it.
Decision-makings aren't really for me...
"Calley!"
Napatayo siya nang tuwid nang marinig ang tinig ni Nelly sa labas ng pinto ng silid—kasunod ng pagkatakot nito roon.
"Nakahanda na ang hapunan at nasa komedor na ang lahat, hali ka na, 'day!"
She cleared her throat and shouted, "S-Susunod na ako, Nelly!"
Subalit hindi nahinto si Nelly sa pagkatok. And there she realized that Nelly probably didn't hear her because the room was soundproofed.
Napaungol siya at muling hinarap ang sarili sa salamin. Walang nagbago sa kaniyang mukha kahit ilang beses niyang sinubukang burahin ang epekto ng kaniyang pag-iyak.
"Shit." Muli siyang naghilamos at nagpunas ng mukha saka lumabas ng banyo at dumiretso sa pinto. Nang buksan niya iyon ay nakita niyang nabitin sa ere ang kamay ni Nelly. May nakahanda itong ngiti sa mga labi, subalit nang makita nito ang itsura niya'y nawala ang ngiting iyon at napalitan ng pagsalubong ng mga kilay.
She grimaced and looked down.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Nelly. "Sabi ko na't hindi mo kakayanin ang muli ninyong paghaharap, eh. Tsk, tsk, tsk."
Huminga siya nang malalim, tumalikod at humakbang patungo sa kama. Naupo siya roon, paharap sa pinto.
Si Nelly ay pumasok, inisara muna ang pinto, saka lumapit sa kaniya. Patingkayad itong naupo sa harapan niya, sunod ay ginagap nito ang kaniyang mga kamay.
"Alam kong marami ang nangyari sa pagitan ninyong dalawa ni Ser Phill, at hindi magiging madali sa inyong pareho ang paghaharap na ito. Pero... opisyal ka nang miyembro ng pamilya ngayon dahil kay Ser Sacred at sa maraming pagkakataon ay magkakaharap at magkakaharap pa rin kayong dalawa—iyon ay kung hindi kayo mag-iiwasan? Ang punto ko ay... kailangan na ninyong masanay sa ganitong sitwasyon. Dahil hindi habangbuhay ay iiyak ka na lang ng ganiyan sa tuwing nagkikita kayo." Hinaplos siya nito sa braso. "Magpakatatag ka, Calley. Hindi mo rin masisisi si Ser kung nagagalit o nasasaktan siya."
She sniffed and looked Nelly in the eye. "Ikaw, Nelly? Alam kong mahal mo si Phillian dahil itinuring mo na rin siyang pamilya. Alam kong nasasaktan ka kapag nasasaktan si Phill—hindi ka ba nagalit sa akin dahil sa ginawa ko?"
"Hindi nga nagalit sa'yo si Maam Feli, eh."
"Well, that's a different case. She knows everything."
Kinunutan ito ng noo.
"Gusto ko ring sabihin sa 'yo ang lahat, pero..."
"Gusto ko ring malaman ang lahat, pero wala na tayong oras." Tumayo ito habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang kamay. "Kung hindi pa tayo bababa ngayon ay baka si Ma'am Feli na ang umakyat dito at sunduin ka. Ayusin mo muna ang sarili mo para hindi nila mahalatang umiyak ka. May make up ka ba?"
Pino siyang ngumiti rito.
She appreciated Nelly's kindness—kahit naging magulo ang nangyari sa pagitan nila ni Phillian ay nanatili pa rin itong mabait sa kaniya. Nananatili itong neutral sa kanila ni Phill.
"Mauuna ako sayo sa baba at sasabihin kong susunod ka na. Ayusin mo ang sarili mo, ha? H'wag mong ipakikita kay Ser Phill na umiyak ka, naku. Lalaki ulo no'n."
"Thank you, Nells..."
"Walang problema, Calley. Bespren tayo, di ba?"
Tumango siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Nelly.
*
*
*
Tahimik na pumasok si Calley sa dining area at sandaling nahinto nang makitang naroon na ang lahat. Ang magkakapatid ay may pinag-uusapan, habang si Felicia nama'y nakangiting nakikinig. Nang makita siya ng huli ay lumapad pa lalo ang ngiti nito.
"You're here at last, Calley. Come, you sit beside me."
Napalingon ang magkakapatid nang marinig ang sinabi ng ina, at nang makita siya'y nagsipag-ngitian din at bumati. They were being nice and civil towards her; hindi siya nakaramdam ng pagkailang simula nang dumating siya noong araw na iyon.
Her only problem was Phillian.
Palihim niya itong sinulyapan. Naroon ito sa kabilang panig, sa kabilang dulo. He was looking somewhere else; desidido itong ignorahin siya—tratuhing parang hangin. Blangko ang anyo nito habang hawak-hawak sa isang kamay ang kopitang may lamang mango wine na dala ni Leonne kanina. He was drinking it as if it was some kind of a fruit juice.
Or maybe it was?
She didn't taste it so she had no idea. But it was wine—it should taste smokey and sour, shouldn't it?
Ibinalik niya ang tingin sa magkakapatid.
Sa kaliwa ni Phillian ay si Lee na nakaupo sa kabilang dulo at siyang host tulad noong mga nakaraan. Sa kanang bahagi naman ni Phill nakaupo si Leonne, kasunod si Genesis.
On the opposite side, there was Aris and Taurence; all were smiling so fondly at her. Ang mga ito ang katabi niya.
Tahimik niyang inituloy ang paglapit at naupo sa pagitan nina Felicia at Aris.
Makalipas ang ilang sandali ay nag-umpisa na silang kumain. Felicia urged her to eat some of the dishes that she hadn't tasted before. There were local foods na may kani-kanilang pangalan; she could not remember any of them because of Phillian's penetrating glances. Nanunuot hanggang buto ang matatalim nitong mga tingin. Kahit hindi niya ito sulyapan ay nararamdaman niya ang animosity nito.
Everyone ate with gusto. Si Aris at Taurence ay kinakausap siya at tinatanong tungkol kay Sacred. Ipinaliwanag niya nang pahapyaw sa mga ito na kasalukuyang abala sa paghahanap ng trabaho si Sacred—which was a lie dahil walang ibang ginawa si Sacred kung hindi maghanap kay Leyara. Sinabi niya rin sa mga ito na baka matagalan si Sacred sa Texas at matagal na hindi makauuwi sa Pilipinas.
Natapos ang hapunan na hindi man lang niya narinig ang tinig ni Phill. Ang mga kapatid nitong naramdaman ang pananahimik nito'y hindi rin nagtanong.
Makalipas ang hapunan ay isa-isang iniligpit nina Nelly at Sunshine—ang pinsan nitong matanda lang ng dalawang taon dito—ang mga pinagkainan. Nakangiti niyang pinagmasdan ang dalawa habang nakikipagbiruan kina Genesis at Taurence. Si Aling Patty naman at ang isa pang anak nitong si Melay ay dinala sa mesa ang malaking jar kung saan nakasilid ang mango at rice wine. Ni-request iyon ng magkakapatid kaya dinala kaagad ni Aling Patty sa komedor. Si Felicia nama'y dinalhan ni Sunshine ng green tea nang bumalik ito sa hapag.
Patuloy na nagkwento ang magkakapatid, at wala siyang ginawa kung hindi ang yumuko lang at kunwari ay mahinang nakikipag-usap kay Felicia upang alisin ang pansin kay Phillian na panay ang tungga. She was trying not to lift her eyes in fear of meeting Phillian's.
Kanina pa rin niya gustong magpaumanhin, pero nahihiya siyang magsabi kay Felicia. Siya na kasi ang huling dumating kanina, siya pa ang gustong unang umalis. Hihintayin lang niyang magpaalam na rin si Felicia at susunod siya.
"Hey, Calley."
Napaigtad siya nang marinig ang pagtawag ni Lee. Nilingon niya ito at disimuladong iniwasan ng tingin si Phillian na katabi nito.
Lee was smiling when he said, "You aren't drinking. Baka magtampo sa'yo si Leonne kapag hindi mo tinikman itong produkto niya."
She grimaced. "No, sorry, I can't have wine."
"You don't drink?" takang tanong ni Leonne—isa pang katabi ni Phillian.
Binalingan niya ito, iniwasan sa abot ng kaniyang makakaya ang mga mata ni Phill na kanina pa nakatutok sa kaniya.
"I did. But not anymore," she answered quietly.
Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pag-ismid ni Phillian kasunod ng pag-iling nito.
"Mababa lang ang alcohol content ng mango wine compared to the rice wine; you can try it," Leonne urged. "I can assure you that even if you finished half of the jar, you would surely not get drunk."
Muli siyang umiling. "I'm all good. Thanks, Leonne. Tumigil na talaga ako sa pag-inom ilang linggo na."
"Lifestyle change, huh. I like that," nakangiting sabi ni Lee bago dinala ang basong may lamang mango wine sa bibig.
Ang akma niyang pagsagot kay Lee ay nahinto nang marinig ang muling pag-ismid ni Phillian. Narinig din iyon ng lahat kaya napatingin din ang mga ito rito. Nahuli pa ng kaniyang tingin ang banayad na pagsiko si Leonne na tila sinusuway ang kuya.
Si Felicia na naiintindihan ang damdamin ng anak ay napa-iling na lang at dinala sa bibig ang tsaa.
Siya naman ay nagpasensya.
"Maganda talagang umiwas na sa alak," komento naman ni Aris makaraan ang ilang sandali; kinukuha ang pansin ng lahat. "Pero wala namang masama kung paminsan-minsan lang, 'di ba, Doc Calley?"
Napangiti siyang muli. "Yeah, that's right. Besides, I really have to stop drinking beverages. Hindi makabubuti sa akin ang kahit na anong makukulay na inumin. Let alone, alcoholic drinks."
"Oh," si Felicia. "Dahil ba sa kalusugan mo, hija?"
Hinarap niya si Felicia. "Yes po. I need to look after my health—"
"Health, my ass," ani Phill na ikinalingon ng lahat. Inubos muna nito ang laman ng wine glass bago iyon pabagsak na inilapag sa mesa. "Noong nasa beachhouse ka'y hindi mo rin naman inalagaan ang kalusugan mo. Don't tell me this is Sacred's influence to you? That's hard to believe dahil na-kompleto na niya ang listahan ng mga bisyo sa mundo."
Itinaas niya ang noo at tinitigan ito nang diretso. "I feel sad for you, Phillian, dahil kapatid mo nga si Sacred pero hindi mo naman pala talaga siya lubos na kilala—"
"At sino ang lubos na nakakakilala sa kaniya? Ikaw?" Phillian smirked. "You two have only been together for four weeks—you have no idea."
"We've only been together for four weeks but Sacred have shown and told me everything that you and your brothers have no idea about." Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakikipagsagutan naman ngayon kay Phillian.
Was it because he was speaking ill about Sacred?
Eh ano ba ang pake niya kay Sacred? He was simply just a contractor for her.
A contractor whose service was to give his name to her so she could legalize some matters.
"That's correct," sagot ni Phillian sa huli niyang sinabi. "He hasn't showed us how he perform in bed, so yeah. You're correct. You really probably know better. Dalawang Zodiac ba naman ang hinalo mo sa mangkok mo."
"Free Phillian..." suway ni Felicia sa anak bago pa man siya makasagot. Naramdaman din niya ang banayad nitong paghawak sa kaniyang kamay dahilan upang kahit papaano'y kumalma siya at hindi nagpadaig sa inis.
Hindi siya makapaniwalang kayang magsalita nang ganoon ni Phillian sa harap ng buong pamilya.
Si Phillian ay muling umismid saka naupo nang tuwid. Muli nitong sinalinan ng mango wine ang kopita, pero imbes na inumin iyon ay ini-slide nito iyon sa mesa patungo sa direksyon niya. The glass stopped a few inches away from her.
"Drink up, h'wag kang mag-inarte. Tutal ay parte ka na rin ng pamilyang ito, show your support to Leonne by at least tasting his product."
Si Leonne ay napabuntonghininga; hinarap siya. "Don't worry about it, Calley. It's all good. You don't have to drink it if you can't—"
"I really can't Leonne, I'm sorry," sagot niya—ang mga mata'y diretso kay Phillian. Pilit niyang sinasalubong ang blangko nitong mga tingin. "I can't, because I'm pregnant."
A consecutive gasps were heard in the room. Sina Leonne at Lee ay napatingin kay Phillian na sandaling natigilan, habang sina Aris at Taurence nama'y manghang napatingin sa kaniya. Si Felicia'y napatakip ng bibig sa gulat at pagkamangha, habang si Genesis naman ay kinunutan ng noo. Ibinaba nito ang hawak na kopita sa ibabaw ng mesa at buong pagtatakang nagsalita;
"Wait a minute," umpisa nito. "I am not a doctor, but the timeframe is not adding up. You and Sacred just got married last week, didn't you?"
"That's correct," sagot niya. Ang tingin ay diretso pa ring na kay Phillian.
"When did you two meet in New York?"
"Exactly four weeks ago."
"And you are pregnant for—"
"I am almost seven weeks pregnant."
Doon niya nakita ang pagbabago sa mukha ni Phillian. There were many emotions in his eyes—emotions no one could ever write on a paper.
Sa loob ng mahabang sandali ay nanatiling tahimik ang paligid. Walang naglakas ng loob na magsalita; parehong gulantang ang mga ito sa narinig mula sa kaniya. At alam niyang sa mga sandaling iyon ay iisa lang ang iniisip ng mga ito...
Buong tapang niyang itinaas ang noo—at sa seryosong tinig ay,
"You all heard it right. I am almost seven weeks pregnant, and Phillian is responsible for that."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE | VOTE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top