61 - Back in Asteria





"You're back in the country?! Calley, what are you doing?"

Inilayo ni Calley ang cellphone mula sa tainga nang marinig ang malakas na tinig ng Ninong Lito niya. She had somehow expected this. She somehow knew her Ninong Lito would react this way.

Ibinalik niya ang cellphone sa tainga nang sa tingin niya'y tapos na sa panenermon ang kausap. "I've managed to leave the airport without someone following me, Ninong. Don't worry." Lumingon siya sa likod ng taxi na sinasakyan upang siguraduhing walang kahina-hinalang sasakyan ang nakasunod sa likuran.

Naging maingat siya sa paglapag pa lang ng eroplano. Bago bumaba ay nagpalit na siya ng damit sa loob ng restroom ng eroplano at nagsuot ng disguise. She wore a blond wig, put glasses on, and changed her clothes into a loose shirt and tattered jeans; the kind of clothes no one would ever think she'd wear in this lifetime.

She had learned from the previous encounter. She would never let anyone follow her now that she's back.

"Oh, Calley. You were safe back in Delaware..." nanlulumong sagot ng Ninong Lito niya.

Umayos siya ng upo at humarap. Nakalabas na siya ng terminal 2 at patungo na sa direksyon ng hotel niya. She had booked under her husband's name— Sacred Zodiac.

Husband...

She couldn't help but let out a deep sigh after being reminded of her current status.

Hinding-hindi siya masasanay na tawaging asawa si Sacred, but she had to face the truth now. She had to get used to it because this was what she wanted.

She became Mrs. Sacred Zodiac a week ago— and their marriage had already been registered.

And now, as Sacred's wife, she had to attend the family party.

Four nights ago, she received an email from Felicia Zodiac—sa pagkamangha niya. Ayon dito'y nakuha nito ang email address niya mula kay Sacred at nais lang siya nitong batiin sa pagiging ganap na parte ng pamilya. Felicia didn't say anything—nor express her astonishment to the sudden turn of events.

The last time she visited the family house, she was Free Phillian's girlfriend. Now that she's coming back, she's Sacred's wife.

Yes, she's going back to Asteria as per Felicia's invitation. Nalaman nitong hindi sila magkasama ni Sacred sa bahay dahil ang kaniyang esposo ay nasa Texas sa kasalukuyan. He had found a lead regarding his daughter's whereabout, kaya naroon ito upang hanapin ang anak. Isang linggo na silang hindi nagkikita ni Sacred ay nag-uusap lamang sa pamamagitan ng email. He left the night after their wedding.

Nang malaman ni Felicia na nag-iisa siya'y inimbitahan siya nitong umuwi sa Asteria at manatili muna roon kahit pansamantala lang. Felicia said she wanted to get to know her more, and spend more time with her as now part of the family.

Pero alam niyang marami itong magiging mga katanungan kaya naghanda na siya ng mga isasagot. She wouldn't tell the truth about her situation, of course. All she needed to do was to tell that her relationship with Phillian didn't work out. And when she went back to the States, she met Sacred at the airport. They had a great time together while he was there, and they developed feelings.

That's all she needed to say.

Huminga siya nang malalim. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay alam na rin ni Phillian ang nangyari—at iyon ang nagpapakaba sa kaniya. Hindi niya alam kung papaano sila muling maghaharap.

Kakausapin ba siya nito? Ano ang naging reaksyon nito nang nalaman na nagpakasal siya kay Sacred? Did he get mad? Did he get jealous, at least?

She let out another sigh.

Hindi naman umuuwi si Phillian sa Asteria malibang may okasyon, at mananatili lang naman siya roon ng dalawang linggo, kaya maaaring hindi rin sila magkita. Pero kung sakaling mag-krus ang landas nila roon ay umaasa siyang makapag-usap sila nang saglit lang.

Felicia said that it was Lee's birthday the day after tomorrow, at siguradong darating ang magkakapatid. Kung hindi dumating si Phillian ay pasasalamatan niya—she wouldn't have a hard time. Pero kapag pumunta ito'y nakahanda na rin naman siya. She wanted to be part of this family, so she wanted to at least clear the wrath between them. Gusto niya itong makausap—nang personal. May nais siyang sabihin dito.

Phillian didn't want to marry her; ito ang nagdesisyon. Ito ang nakipaghiwalay. Hindi siya nito masisisi kung bakit siya nagpakasal kay Sacred?

Sacred knew what she wanted—and he was more than willing to provide her with what she needed.

Subalit hindi lang naman siya ang makikinabang sa kasalanang ito—si Sacred din.

They made a deal. And this marriage was actually... for convenience.

*

*

*

Malaking tip ang ibinigay ni Calley sa taxi driver matapos siya nitong ihatid hanggang sa Asteria. Sa bayan lang siya nagpababa dahil hindi niya alam ang eksaktong daan patungo sa bahay ng pamilya. Tulog siya nang unang beses na dalhin siya roon ni Phillian, at nang pauwi naman na sila'y wala rin siya sa tamang huwisyo dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Sacred.

She contacted Felicia via email and told her that she was in town—sandali siyang tumuloy sa maliit na motel sa bayan dahil hindi niya alam kung matatanggap kaagad ni Felicia ang email niya. Dahil hindi nito alam na sa araw na iyon ang dating niya ay hindi ito nakapaghanda ng magsusundo sa kaniya.

Oh, and Felicia wasn't expecting her to come, really. Hindi siya nangako rito. Ang sabi niya'y susubukan lang niya, and Felicia didn't pressure her.

Ang motel na pinuntahan niya na nasa bayan ng Asteria hindi kalayuan sa simbahan ay maliit lang. Tatlong palapag iyon at malinis; she was placed on the second floor.

The room wasn't big, but it wasn't too small either. It was alright—considering she would only stay there for a night. It had a single bed with clean sheets, a private restroom with a shower, and a small flat-screen TV. May maliit ding regrigerator sa loob na may lamang tatlong bottled water at dalawang klase ng soda.

Hapon na nang marating niya ang bayan kaya nagpahinga muna siya. She took a shower, changed clothes, and ordered some refreshments. She specifically asked the staff to bring her honey-lemon water—a pitcher of it, dahil uhaw na uhaw ang pakiramdam niya. Matapos iyon ay nagpahinga siya; nahiga siya sa kama at nanood ng palabas sa telebisyon hanggang sa siya ay makatulog.

Bandang alas siete ng gabi nang magising siya sa sama ng pakiramdam. Kumakalam ang sikmura niya sa gutom, kaya bumangon siya at inubos ang natira niyang honey-lemon water sa fridge. Matapos iyon ay bahagyang umayos ang kaniyang pakiramdam, at nagtungo siya sa banyo upang mag-hilamos.

Nang makalabas sa banyo ay kaagad niyang hinarap ang cellphone. She checked if Felicia had responded to her email, but there was nothing.

She sent another email—thinking the first one didn't go through.

Matapos niyang maipadala ang isa pang email ay dinampot niya ang telepono at ni-dial ang room service. She ordered some light meal. Makalipas ang tatlumpong minuto ay dumating ang kaniyang pagkain. Sa ka-praningan niya ay nagbilin siya sa mga staff at sa front office na h'wag magpapapunta o h'wag ibibigay ang room number niya sa kahit na kanino. Sino ang nakaaalam na napasundan siya ni Esther? She had to be careful.

Hindi niya naubos ang pagkaing ni-order sa motel; the mushroom soup tasted salty, and the vegetable salad wasn't fresh anymore. Pinangalahati lang niya iyon; she couldn't go to bed with an empty stomach.

Muli siyang nagpahinga, at sa buong gabi'y nakaharap lang siya sa telebisyon. Subalit ang pansin ay wala naman talaga roon kung hindi sa mga mangyayari bukas sa muli nilang paghaharap ng familia Zodiac. Sa posibilidad ng muli nilang paghaharap ni Phillian.

*

*

*

Alas nueve ng umaga kinabukasan ay nagising siya. Sinilip niya ang oras sa cellphone at nang makitang may email notification galing kay Felicia ay napaupo siya at binuksan iyon.

The email says...

"Calley, I'm glad you made it! I am sending someone to the Fern Garden Hotel to pick you up before noon. Be ready, I'll send you another email once he's there."

She responded that she would be waiting. Matapos iyon ay um-order siya ng light breakfast. She requested for a pancake with honey sauce, and a box of freshmilk. At habang hinihintay ay naligo siya at nagbihis.

Inaayos na niya ang kaniyang mga gamit nang dumating ang ni-order niya. She had a quick meal. And when she thought she was ready, she left the room and went to the lobby. Nag-check out siya at nagbayad ng bill. Ang isa sa mga staff ay umakyat sa silid upang i-check iyon as SOP.

She sat on the L-shaped sofa in the lobby as she waited for the car to pick her up. It was past eleven when an email from Felicia came in.

"Nasa harap na raw ng lobby ang sundo mo, hija. Just look for a white truck. See you in a bit."

White truck?

Kinabahan siya.

Surely, hindi gagawin ni Felicia na pagtagpuin sila ng taong unang pumasok sa isip niya? Sigurado namang hindi kayang gawin ni Felicia iyon kay Sacred knowing she married the younger son? At respeto na rin sa kaniya dahil...

Huminga siya nang malalim at binura sa isip ang posibilidad na baka mapa-aga ang pagkikita nila ni Phillian. Sana'y hindi ang white pick up truck nito ang tinutukoy ni Felicia na susundo sa kaniya mula roon sa hotel...

She gathered all her courage to pull her luggage to the two-way door. Hindi na niya nagawang pansinin pa ang guwardiyang nakabantay sa pinto at binati siya. Dire-diretso ang kaniyang tingin sa labas.

Dahil tanghali ay masakit sa balat ang init ng araw. Dahil rural area ang Asteria ay manaka-naka ang nakikita niyang mga sasakyang dumaraan sa kalsada. Sa harap ng motel ay may tatlong sasakyan siyang nakitang nakaparada. None of them was a white truck.

Huminga siya nang malalim at tumayo sa harap ng motel entry. Inikot niya ang tingin at naghanap ng sasakyang tumutugma sa deskripsyon ni Felicia. Naisip niyang baka nagkamali lang ito? Na baka hindi naman puting truck ang naghihintay sa kaniya.

Until... she was approached by the guard.

"Ma'am, may hinihintay po kayong sundo?"

She turned to the middle-aged security guard and smiled at him. "Ang sabi sa akin ay narito na ang puting truck na magsusundo sa akin. But I don't see it. By any chance—may nakita ka bang puting sasakyan na pumasok sa driveway kanina?"

Lumampas ang tingin ng guard sa balikat niya. "Iyan po ba, Ma'am?"

Lumingon siya at nakita ang puting truck na papasok sa driveway ng motel.

Her heart skip a beat.

Tulad ng hinala niya, it was Phillian's white truck. Kahit sa malayo ay kilalang-kilala niya ang sasakyang iyon. Sa malayo pa lang ay alam na niya ang tunog ng makina. Alam na niya kahit nakapikit pa siya.

Kumabog nang malakas ang dibdib niya. "What came to Tita Felicia's mind? Why did she send Phillian?" she whispered, trying to suppress her nerves.

Wait... Why was she shaking in agitation? Didn't she prepare herself for this?

Itinuwid niya ang sarili at buong tapang na sinundan ng tingin ang truck hanggang sa tuluyan iyong makalapit sa harap ng motel. Tinatagan niya ang sarili; umaasang kayanin niya ang sunod na mga mangyayari.

Nang huminto ang truck ay lalong kumabog ang kaniyang dibdib. Tila siya nabibingi sa lakas ng pagkakakabog niyon—ang kaniyang tuhod ay nanlambot na rin.

"Oh, please give me strength. I need strength for this..." tahimik niyang dasal. Naka-ilang hugot na rin siya ng malalim na paghinga.

Hanggang sa mapa-igtad siya nang malakas na bumusina ang truck—tila ba sinasabing sumakay na siya. Nakasara ang mga bintana kaya hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa loob. Pero kung ang pagbabasehan niya ay ang lakas at haba ng busina ay tila ba galit ang taong nagmamaneho niyon.

As expected...

This is gonna be awkward... bulong niya sa sarili. I have prepared myself for the confrontation, I'll be alright.

"Iyan po ba ang sundo ninyo, Maam?" untag ng guwardiya sa kaniya.

Binalingan niya ito at pilit na nginitian. Hiling niya'y hindi nito mapansin ang nanginginig niyang mga labi at kabado niyang anyo—dahil baka hindi siya nito hayaang sumama sa taong sakay ng truck.

"Y-Yes, iyan na nga."

"Tulungan ko na po kayo sa maleta ninyo."

Tumango siya at hinayaan itong dalhin ang may kalakihan niyang maleta sa likod ng truck. Nang maikarga iyon ng guard ay saka pa lang siya lumapit at nagpasalamat. The guard wished her a safe trip, at muli siyang nagpasalamat saka sinundan ito ng tingin hanggang sa makabalik ito sa pwesto.

Muli siyang napa-igtad nang muling bumusina nang malakas ang truck. Humugot siya nang malalim na paghinga bago binuksan ang pinto ng front seat.

And there she saw him. Sitting on the driver's seat—facing in front and grunting in annoyance.

"Stop wasting time and get the hell in."

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE | VOTE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top