60 - Breaking News


Tahimik na pumasok si Phillian sa kusina ng beach house bitbit ang isang malaking blue marlin fish na isa lamang sa mga nahuli nila kaninang madaling araw. Inilagay nito iyon sa lababo saka binuksan ang gripo at naghugas ng mga kamay.

It was already seven in the morning, and Nelly was there making breakfast. Sandali nitong sinundan ng tingin ang amo na tahimik na nakayuko sa lababo.

Naka-ilang tikhim muna si Nelly bago nagsalita. "Ser, mag-almusal ka muna bago matulog. Marami itong ginawa kong sinangag—magdagdag na lang ako ng pritong itlog, at initin ko na lang ang liempo na niluto ko kagabi."

Si Phillian ay sandali lang sinulyapan si Nelly bago pinatay ang gripo at nagpunas ng kamay gamit ang tuyong basahan na nakasabit sa handle ng oven. "Hindi ako gutom, Nelly."

"Kahit hindi kayo gutom ay kailangan pa rin ninyong kumain—aba, kahit ang tanghaliang dinala ko kahapon sa kwarto ninyo'y hindi niyo rin ginalaw, ah?"

"I don't feel like eating," balewalang sagot ni Phillian bago humakbang patungo sa entry ng kusina.

Nanulis ang nguso ni Nelly. "Kung ganiyan din lang kayo ng ganiyan, aba'y sunduin na ninyo si Doktora sa 'Merika."

Nasa entry na ng kitchen si Phillian nang mahinto sa paghakbang matapos marinig ang sinabi ni Nelly. Sandali itong natigilan.

It's been three weeks since Calley left for the States, and Phillian had been acting strange since then. Isang linggo muna ang pinalipas nito bago muling umuwi sa sariling beach house; subalit bago iyon ay pinalinis muna nito ang silid kay Nelly. Pinatanggal ito ang lahat ng mga gamit at bagay na nakapagpapaalala rito kay Calley saka pinatabi sa kabilang silid. He didn't want to be reminded of her—he didn't want to see her belongings that would surely trigger his pain and disappointment.

Pinilit nitong bumalik sa dating gawi; matutulog buong araw at magigising kapag oras na ng pagpalaot. Aalis sa beach house at buong magdamag na nasa laot. Pag-daong naman ng mga ito sa madaling araw ay magtatagal sa silong—at kapag pagod at antok na'y saka lang uuwi sa beach house upang ibagsak ang sarili sa higaan. Same routine the next day.

Si Nelly ay naiinis na rin dahil hindi madalas na kainin ni Phill ang mga pagkaing inihanda nito—kahit hatiran nito ng pagkain ang amo sa silid ay sinasabi lang nitong hindi pa gutom o gusto pang matulog. Pag-gising at paglabas ng silid ay hindi man lang ginagalaw ni Phillian ang pagkain. Minsan ay malalaman na lang ni Nelly mula kay Ambong na sumasabay si Phillian sa mga tauhan sa pagkain sa silong. Pero madalas daw na hindi rin. Kapag kumakain minsan ang mga tauhan ay nasa sulok lang daw ito at nakatingin sa malayo.

At nag-aalala na si Nelly para sa amo.

At alam nito kung ano ang dahilan kaya nagkakaganoon si Phillian.

Wala mang ideya si Nelly sa eksaktong dahilan ng paghihiwalayan ng dalawa ay alam nitong hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makausad si Phillian mula sa mga nangyari.

At hindi alam ni Nelly kung papaano makatutulong dahil iyon ang unang beses na naging ganoon si Phill matapos ang pakikipaghiwalay sa karelasyon.

Nelly had met all of Phillian's past lovers, and she had been a witness of their relationships. Pero ito ang unang beses na nakita ng dalaga ang amo na nagkaganoon dahil sa babae.

It was as if Phillian had become... cold and distant. As if he had lost his will to live.

Nawala na rin ang kinang sa mga mata nito, ang ngiti sa mga labi, ang sigla sa katawan. Kahit si Ambong ay nagsasabi na malaki ang ipinagbago ng amo; kung hindi tahimik sa silong ay naka-angil naman. Kaunting pagkakamali ng mga tauhan ay nabu-bwisit at nagagalit agad. Ibang-iba ang naging personalidad nito kompara dati. Kompara sa Phillian na nakilala ng lahat.

He had changed... a lot.

And that was because of the heartbreak.

Because of his breakup with Calley.

Pero hindi naman magawang sisihin ni Nelly si Calley dahil alam nitong naging masakit din sa huli ang nangyari.

Bagaman hindi na muling tumawag si Calley matapos ang huling beses na iyon ay alam ni Nelly na patuloy na nasasaktan ang kaibigan. Hiling ni Nelly ay maging maayos na ang lahat, magkabati at magkabalikan ang dalawa nang sagayon ay bumalik na sa dati ang amo. Sagayon ay muling maging masaya si Phillian.

Calley took Phillian's soul when she left—at alam iyon ng lahat na nakapaligid sa dalawa.

"Ako'y napapagod nang makita kang ganiyan, Ser, aba," muling sabi ni Nelly na pumukaw sa pananahimik ni Phillian.

Lumingon si Phill at tinapunan ng blangkong tingin ang kasambahay. Walang salitang namutawi sa mga labi nito; nanatiling nakatitig lang.

Nagpatuloy si Nelly. "Gusto ko nang bumalik ka sa dati, Ser—pero alam kong hindi mangyayari iyon hanggang sa hindi bumabalik dito si Calley."

"She's not coming back, Nelly. And stop mentioning her name anymore—"

"Babalik siya kung susuyuin mo—pustahan pa tayo."

"Bakit ko gagawin iyon? She deceived me."

"Maaring may hindi lang kayo pagkakaunawaan, Ser. Bakit hindi ninyo muling pag-usapan?"

"Stop, Nelly." May iritasyon na sa tinig ni Phillian. "I know you like her, but you can't defend her and tolerate what she did to me. Ginamit niya ako para masolusyonan ang problema niya—she tricked me. Pinaniwala niya akong sinsero siya sa akin at sa relasyong mayroon kami. You knew I was going to propose to her, I was going to start a family with her. Pero hindi natuloy ang mga plano ko matapos ang nangyari sa Asteria. And I was planning to set up a proposal, but it never happened because I discovered the truth. And you know what's worse? Pina-ibig niya ako nang sagayon ay magamit niya ako sa mga plano niya! At kapag naisakatuparan na niya ang lahat ay babalikan niya ang lalaking naghihintay sa kaniya sa America. Such a despicable woman, isn't she?"

Si Nelly, matapos marinig ang lahat ng iyon, ay sandaling natahimik. At hinayaan ni Phillian na rumehistro muna sa isip nito ang mga sinabi sa pag-asang maintindihan ng kasambahay kung saan nanggagaling ang galit nito.

Hanggang sa napakurap si Nelly at nang muling nagsalita'y nautal na. "H-Hindi kayang... gawin ni Calley iyon, Ser. Sinsero siya sa damdamin niya sa inyo—"

"See? Kahit ikaw ay nalinlang niya. Just stop, Nelly. H'wag mo na siyang ipagtanggol. Ngayong alam mo nang niloko lang niya ako'y h'wag ka nang magbanggit ng kahit ano tungkol sa kaniya. At kung napapagod ka nang makita akong ganito ay doon ka muna sa Asteria—I'll just call if I need you back."

Lalong namangha si Nelly nang marinig ang sinabi ni Phillian. At hindi na ito nakapagsalita pang muli nang itinuloy na ng amo ang paglabas sa kusina.

*

*

*

Pabagsak na inisara ni Phillian ang pinto nang makapasok ito sa silid. Uminit ang ulo sa mga sinabi ni Nelly, sa muli nitong pagpapaalala sa kaniya tungkol kay Calley.

He had been miserable since the day she left and he didn't know what to do with his life.

The truth was... he missed her. Terribly. At ilang beses niyang sinubukang tawagan ito, o alamin kay Lito Perez ang kinaroroonan nito para masundo niya. Sinubukan niyang gawin ang mga iyon sa kabila ng galit na nararamdaman para rito. But then, everytime he remembered how she fooled him and how she used him for her plans, his blood would always boil up to a greater degree.

Gusto niyang magwala. Galit na galit siya at tila binibiyak ang dibdib niya sa tuwing naiisip niya ang lalaking pinangakuan nitong babalikan sa Estados Unidos.

Daniel.

That f*cking guy. Siguradong kasama na nito si Calley ngayon at nagpapakasasa sa ligaya. Damn that bastard. Damn those two.

Noong una'y nagtaka siya kung bakit hindi na lang ang Daniel na iyon ang ginamit ni Calley na kasangkapan sa mga plano nito—but then, he thought that maybe the guy was married. At lalo siyang nainis nang maisip na nagawang makipagrelasyon ni Calley sa lalaking may asawa.

Ahh, damn it.

Damn those two.

Tatlong linggo na ang nakalilipas pero hindi pa rin niya magawang umusad. Hindi pa rin niya magawang mamuhay nang normal, hindi pa rin niya magawang makalimot.

And this was a first.

He had never been this heartbroken before.

He wished he could just wash all the memories she had left off his mind like waves washing off the promises they used to write on the sand. Promises like forever.

Ugh, how stupid he was.

Calley was nothing but a master manipulator. She manipulated everything to her advantage.

He gave her sincerity, loyalty. He offered her his soul, gave her his love.

But what did he get in return?

A f*cking heartbreak.

Never again.

He would never allow her... or any other woman to trick him again.

Forget about settling down—he wouldn't marry anyone anymore.

If women wanted f*ck, he'd give them f*ck.

Hard and rough f*ck.

But he would never settle down.

Kung anak lang ay kaya niyang gumawa niyon. Easy-peasy. He didn't need to marry.

Mukhang tama nga si Sacred. He shouldn't have let women deceive him.

Kung sana ang lahat ng babae ay kagaya ni Kirsten. The gal was head-over-heels in love with his brother Quaro. Gumawa ito ng paraan upang mapansin ni Quaro at matugunan ang damdamin nito. Kirsten was so sure about her feelings from the get-go. She may have lied to Quaro about certain things, but her feelings were true. Walang panggagamit, walang panlilinlang.

And Calley was the opposite.

Ahhh, damn it.

Sacred was right after all.

Sa nagpupuyod na dibdib ay hinubad niya ang suot na Hawaiin shirt at inihagis sa sahig. Dinukot niya ang cellphone at susi ng truck sa bulsa ng suot na Khaki shorts saka ini-itsa sa nadaanang chest of drawers bago humakbang patungo sa banyo. He needed a cold shower to cool down his head; umuusok na iyon sa labis na galit.

Nang makapasok sa banyo ay akma na sana niyang isasara ang pinto nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Napalingon siya at sandaling tinitigan ang nag-iingay na device.

He wanted to ignore the call, but he didn't know why his feet started walking to where his phone was as if they had a life of their own. Paglapit ay nakita niya ang pangalan ni Lee sa caller ID. Kinunutan siya ng noo.

He hadn't spoken to Lee since the day he visited Asteria. Ano'ng kailangan nito sa kaniya?

Buong pagtatakang kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Yo," was Lee's first word.

"'Sup?" he said.

"Just wanted to remind you that next week is my birthday and I've called everybody to come home for a celebration. You're coming, right?"

"Of course." He always did, anyway. Makabubuti sa kaniyang umuwi muna sa Asteria para sandaling makalimot.

His whole family had no idea that he had broken up with Calley, at kung hindi nag-ingay si Nelly ay siguradong hindi pa rin alam ng ina nila ang tungkol doon. Otherwise, their mother would have called him already.

"Cool. I'll call everybody else."

"Can you please call Sacred and ask him to come?"

"Hindi makapupunta 'yon, dahil malibang alam naman nating hindi talaga pupunta iyon ay wala sa bansa si Sacred."

He frowned. "Nasaan siya?"

"He flew to the States."

"How did you know that?"

"He borrowed half a million from me."

"Half a mil—what the heck?"

"Well, actually, he tried to sell the house he inherited from Pops. Pero ayaw kong bilhin dahil alam kong sa kaniya talaga iyon iniwan. So, what I did was I lent him some money. Pero inalam ko muna kung saan niya gagamitin—and he told me he needed it for his trip to New York."

"New York?" Naguguluhan siya—ano'ng gagawin ni Sacred sa New York? Ni hindi nito maayos-ayos ang buhay sa Pilipinas, tapos ay makikipagsapalaran sa New York? And how the hell Lee was able to lend Sacred that huge amount? Well, he knew that Lee was probably the richest amongst them all—lumalago ang textile business nito. Pero mas nagtataka siya sa kaalamang nagawa nitong magpahiram ng ganoon ka-laking halaga kay Sacred gayong walang trabaho ang huli at walang kakayahang magbayad?

They were brothers, of course. They should be helping each other. Pero alam nilang lahat na maraming bisyo si Sacred at—

"Hey, I know what you're thinking," pukaw ni Lee sa mga iniisip niya. "Hawak ko ang titulo ng lupa at bahay na minana ni Sacred kaya walang problema sa akin na magpahiram ng ganoon ka-laking halaga. We all know that the house was precious to him. Ang totoo'y inisip din niyang i-sangla sa bangko ang bahay. Eh, kaysa naman tumubo ng malaki, mas maiging ako na ang sumalo, hindi ba? It's just half a million—maliit na bagay."

"Maliit na bagay para sa'yong milyonaryo, Lee." Napailing siya sa pagkamangha. "Anyway, it's your money. You can do whatever you want to do with it. I'll see you next week, I'm definitely coming."

"Hey, wait. Bakit mo nga pala gustong imbitahan ko si Sacred? What are you planning?"

"Gusto ko lang makipag-bati nang personal. I realized that he was right after all."

"Right about what?"

"I'll let you know next week. Hang up now, I'm tired and I crave sleep."

"Okay, bro. See you next week. Say Hi to Calley for me."

Bago pa niya masabi kay Lee na wala na si Calley sa buhay niya ay tinapos na nito ang tawag. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga bago ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng chest of drawers saka itinuloy ang paghakbang pabalik sa banyo.

Subalit hindi pa man niya muling nararating iyon ay muli na namang nag-ring ang cellphone niya.

He groaned in exhaustion, walked back to his phone, and was about to switch it off when he saw his mother's name on the screen.

Mabilis niya iyong kinuha at sinagot. "Hey, Ma—"

"Oh my God, your line was busy!" There was panic in his mother's voice that stunned him.

"What's going on, Ma?" Bumangon ang pag-aalala sa kaniyang dibdib.

"Oh God, Phill... Are you okay, anak? How are you feeling?"

"I'm... okay, I guess? Wait, why do you sound so tensed? Ikaw ang dapat kong tanungin—are you okay?"

Natahimik sa kabilang linya ang kaniyang ina. At kung hindi pa niya naririnig ang banayad na tugtog sa background ay iisipin niyang nawala na ito sa linya.

"Ma?" untag niya makaraan ang ilang sandali.

"Are you... sure you're okay? You're not sad and lonely?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. May hinalang pumasok sa kaniyang isip. Siguradong nagsumbong na si Nelly sa kaniyang ina. Matapos niyang sabihin dito na umuwi na lang ito sa Asteria ay siguradong tumawag ito sa ina niya at nagsumbong.

Iyon marahil ang dahilan kaya tumawag ang kaniyang ina.

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga bago sumagot. "I'm fine, Ma. Don't worry."

Pero bigla siyang nakaramdam ng pagkabahala nang marinig ang banayad na paghikbi nito sa kabilang linya.

"Do you know that Sacred is in New York?"

Lalo siyang naguluhan. What the hell was happening and why the hell was his mother calling him about this?

"I just learned from Lee—I was with him on the phone a minute ago. But Ma, why are you crying?"

"Because I'm confused and I'm worried about you, anak." Narinig niya ang patuloy nitong paghikbi. "I had no idea what's happening, but I got an email from Sacred saying he got married."

"Married?" He couldn't help but smirk. "Did not see that coming..."

"He married Calley, Phill! They got married in New York the other night!"

His body froze and his hand tightened on the phone after hearing what his mother had just said.

He just heard it wrong, right?

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top