57 - Blessing In Disguise

Introducing...


"None of my business, for sure," tuya ni Sacred bago inayos ang pagkakasukbit ng strap ng bag sa balikat. Tinapunan siya nito ng walang interes na tingin bago tumalikod at humakbang patungo sa mga nakahilerang seats sa harap ng boarding gate 115.

Nagsalubong ang mga kilay niya, may napagtanto. Lalo nang bumaba ang kaniyang tingin sa hawak nito sa isang kamay. Kung hindi siya nagkakamali ay boarding pass ang hawak nito.

Boarding pass.

And Sacred had checked in.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Hey!"

Nahinto si Sacred nang marinig ang pagtawag niya. "What do you need?" he asked without turning back.

"Where are you going?"

"None of your damn business." Itinuloy nito ang paghakbang hanggang sa marating nito ang steel bench sa harap ng gate 5. Medyo puno ang bench at ang mga bakante ay nasa gitna pa. Si Sacred ay naupo katabi ang dalawang may edad nang Americano na nag-uusap, habang ang nasa kabilang bahagi naman nito ay binatilyang puti rin na may nakasuksok na earphones sa tainga.

Wala sa loob na dinukot niya mula sa handbag ang kaniyang boarding pass; at nang makita ang numero ng gate kung saan nakatalaga ang eroplanong sasakyan niya patungong New York ay nanlaki ang kaniyang mga mata.

Gate 115!

"Where is that man going?" bulong niya sa isip bago muling ibinalik ang pansin kay Sacred na ipinatong ang dalang duffel bag sa kandungan at inisandal ang sarili sa bakal na sandalan ng upuan. Sacred then closed his eyes and pretended to sleep.

Mangha niya itong tinitigan.

Hindi niya akalaiang pagtatagpuin sila ng tadhana sa ganitong paraan, sa ganitong lugar. Sa dinami-rami ng tao sa mundo—sa dinami-rami ng taong nakilala niya sa Contreras, o sa lahat na magkakapatid na Zodiac, bakit ang lalaki pang ito?

Natigil siya sa pag-iisip nang makarinig ng tawanan mula sa dalawang babaeng lumabas mula sa coffee shop sa kaniyang likuran. Napakurap siya at sinundan ang mga ito ng tingin hanggang sa magtungo ang mga ito sa ibang direksyon bitbit ang kani-kanilang coffee cups. Napalingon siya sa loob ng coffee shop at nang makitang isang customer na lang ang nakapila at hinigpitan niya ang hawak sa handle ng luggage bag at hinila iyon papasok. Nang makarating sa pila at bahagya siyang lumingon at upang muling sulyapan ang nakapikit na si Sacred. Mula roon ay tanaw ang gate 115 kaya kitang-kita niya ang mga nakahilerang seats.

The man crossed his arms against his chest, eyes still closed as he slid his body down to his seat.

Mukhang pareho pa sila ng eroplanong sasakyan ng lalaking ito.

But... where the hell was Sacred Zodiac going?

*

*

*

Tulad ng kaniyang hinala ay magkapareho sila ng flight ni Sacred. Nakita niya ang pagpila nito sa lane nang mag-umpisa nang magtawag ang mga crew sa harap ng boarding gate. Sinadya niyang magtagal sa loob ng coffee shop upang hindi sila magkalapit ng lalaki. She had her early lunch and had consumed two caffe latte and a glass of apple iced tea. Nang magtawag na ang mga crew ay nanatili pa rin siya sa kinauupuan hanggang sa makita niyang pumasok na si Phillian sa gate patungong jetway.

Tinulungan siya ng mga crew na dalhin ang hand carry luggage niya sa loob ng aircraft, at nang makapasok siya sa loob ay nakasunod lang siya rito. Sa 14th row ay nadaanan niya si Sacred; naroon ito sa may window side at muling nakapikit.

Dumiretso siya hanggang sa marating ang 17th row. The crew placed her luggage under her seat, and she thanked him before pushing herself into her row. She was allocated to sit at the window side, which she prefered dahil ayaw niyang naiistorbo siya sa loob ng labing anim na oras na biyahe.

She was lucky to be able to book a flight where she didn't need to transfer to another aircraft or layover in Hong Kong. She had a direct 16-hour flight to New York.

She had already eaten, she wouldn't need an aircraft meal. Maaari siyang matulog nang matagal, and she always had her favorite book in her handbag in cases like this. Ang iniisip lang niya ay baka panay tayo siya mamaya dahil sa dami ng mga nainom niya kanina sa coffee shop. Hiling lang niya ay hindi mapuno ang eroplano at walang naka-book sa kaniyang tabi.

*

*

*

A little over sixteen hours have passed and the aircraft landed at John F. Kennedy International Airport. Thirty minutes after arrival ay nakalabas siya mula sa Customs department. Sa dami ng pasaherong dumating mula sa magkakaibang flights at bansa ay hindi na rin niya nakita pa si Sacred. She had maintained distance from him, ensuring that she was always at his back.

Matapos niyang makuha ang isa pang maleta mula sa luggage carousel ay dumiretso muna siya sa women's restroom para ayusin ang sarili. Madalas niyang gawin iyon sa tuwing bumibyehe siya lalo kung mahabaang flight.

Pagdating siya restroom ay may nakasabay siyang tatlong mga bagong dating ding pasahero. She went straight to the lavatory and took her vanity kit out of the luggage. She washed her face, brushed her teeth, and applied light makeup. Kumuha siya ng panibagong sweatshirt at top coat saka nagpalit. She got used to her tropical life back in Contreras that she almost forgot how cold the weather was in New York.

Matapos magpalit ay itinali niya ang buhok in a messy bun. Inilabas din niya ang sunglasses mula sa handbag saka inisuot. She took her phone and wallet out of her handbag then shove them into her topcoat's pocket. Ang handbad niya'y kaniyang ipinasok sa malaking luggage nang sagayon ay wala na siyang gaanong bitbitin sa byahe niya patungong Delaware.

Now she smelled and looked fresh! She would be riding an AirTrain to the nearest station and she didn't want other train passengers to complain about her smell.

Lumabas siya sa restroom makalipas ang dalawampung minuto, at dire-diretsong tinungo ang arrival area. Mula roon ay may escalator pababa sa AirTrain station na magdadala sa kaniya sa pinakamalapit na train station patungong Delaware. Sa mahabang panahong paninirahan niya sa New York ay noon pa lang siya magko-commute kaya inaasahan na niyang mahihirapan.

Paglabas niya mula sa hallway ng mga restrooms patungo sa lobby ay nahinto siya nang makitang may lalaking nakasandal sa pader ng escalator. It was Sacred, looking down at his cellphone.

Nanatili siya sa kinatatayuan at pinagmasdan muna ito. She was almost ten meters away from him but she could clearly see how his forehead curled in a frown. Then, nakita niya ang pagsimangot nito at ang pagbuka ng bibig na tila nagmumura. Ilang sandali pa'y ibinaba nito ang cellphone at hinagod patalikod ang buhok—he was annoyed.

Umangat ang tingin nito at doon siya nakita. His expression changed—muiling naging blangko na tila sinadyang itago ang emosyon.

Humugot siya nang malalim na paghinga bago itinuloy ang paghakbang. Hindi niya maaaring iwasan si Sacred dahil malapit sa kinaroroonan nito ang kaniyang daan patungo sa AirTrain station. And it was too late to pretend she didn't see him.

Ilang dipa na lang ang layo niya mula rito nang tuwid itong tumayo at humarang sa daraanan niya. Nahinto siya at nakipagtitigan dito.

"I didn't know you're also bound to New York," he said blankly.

"This is where I live," she answered.

"I see." Sandali nitong inalis ang tingin sa kaniya at inikot sa paligid. "It's my first time here."

"Why are you here?" Hindi niya alam kung bakit siya nakikipag-usap dito. She didn't care about this man—dapat ay itinuloy na niya ang pag-baba sa escalator. Besides, bakit pa siya tanong nang tanong kung alam na din naman niya kung ano ang isasagot nito?

He would surely tell her to mind her own, damned business.

"I came here to find someone."

Na-sorpresa siya roon. Sacred had actually answered her question? And he was using a neutral tone, hindi sa tonong mapanuya.

"Find someone?"

Muli siya nitong hinarap, ang mga kilay ay nagsalubong. "Are you deaf? Kasasabi ko lang, 'di ba?"

Doon siya napasimangot. She really didn't like this man.

Gusto niya itong sagutin subalit bago pa man siya makapagsalita ay may narinig siyang tinig mula sa kaniyang likuran. Tinig ng dalawang mga lalaking nagta-Tagalog.

It was unusual for her to hear someone speak in her native language, wala siyang gaanong nakikilalang Pilipino roon sa New York.

Out of curiousity, she looked over her shoulder to see her fellow Filipino. Siguradong kararating lang din ng mga ito roon.

Tatlong metro mula sa kinatatayuan niya ay ang dalawang Pilipinong nakasuot pareho ng itim na jacket at slacks. They were looking in the opposite direction.

"Hindi mo ba siya nahanap sa luggage carousel kanina?" tanong ng isa sa kasama.

"Hindi ko inabutan, 'Pre. Pero hindi makalalayo 'yon. Doon tayo sa ibaba ng train station; ang sabi ng napagtanongan kong crew ay ito ang kadalasang ginagamit ng mga pasahero para mag-commute palabas ng airport."

"Naalala mo pa ba ang suot niya?"

"Puting long steve at dilaw na slacks. Hanggang balikat ang buhok niya at maputi ang balat."

Ibinalik niya ang tingin kay Sacred; ang kaniyang mga mata'y nanlaki sa mga narinig.

Bakit parang deskripsyon niya ang sinabi ng isang lalaki? She was wearing a white longsleeve shirt and a pair of yellow pants a while ago.

Biglang sumama ang pakiramdam niya.

"Kailangan natin siyang masundan bago pa natin siya maiwala. Hindi natin pwedeng sayangin ang pagpapadala sa atin ni Ma'am Esther dito—mahigit isang buwan din niyang binayaran ang isang staff sa Manila Airport para ireport ang pagbook ng ticket ng pamangkin niya. Tayo ang itutumba no'n kapag hindi natin siya binalikan ng magandang balita."

She froze in amusement and horror—hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

"Paano ang mga bagahe natin?" anang isa.

"Babalikan natin maya-maya. Hali ka na, aabutan pa natin 'yon sa pila."

Mabilis niyang ibinalik ang tingin kay Sacred saka hinila ang luggage bag upang ikubli iyon kahit papaano sa kaniyang harapan. She then looked down, trying to hide herself.

Kung tatakbo siya ngayon patungo sa taxi lane ay baka mahalata siya ng mga ito. Hindi na rin siya maaaring magtungo sa AirTrain station dahil doon patungo ang dalawa.

Ahh, shit. She got lucky. Kung hindi siya huminto upang makipag-usap kay Sacred ay baka naroon na siya sa ibaba at walang kamalay-malay sa mga nangyayari!

Damn Esther! Pinasundan siya nito hanggang doon! May binayaran itong airport staff upang ireport ang pagpasok ng pangalan niya sa system ng mga ito. At kay bilis na nakapagpadala si Esther ng mga tauhan! What, nakahanda na kagaad ang mga ito? And how long were they watching and following her?

Oh, damn... Nagtayuan ang mga balahibo niya sa braso sa labis na hilakbot.

Buti na lang din at nakapagpalit siya ng damit kanina sa restroom at naitali ang buhok. She had somehow disguised herself. Pero hanggang kailan?

Nahinto siya sa pag-iisip nang yumuko si Sacred sa kaniya—ang mukha nito'y ilang pulgada lang ang layo, ang mga labi'y naka-angat sa isang sulok. And it took her a few seconds for her to realize that he was actually smirking at her.

"Ikaw ba ang hinahanap nila?"

Napasinghap siya at akmang aatras nang pigilan siya nito. Ang malaki nitong palad ay nasa kaniyang likuran.

"Calm down, I won't hurt you this time. But I could sense danger and I have a bad feeling." Muli itong sumeryoso at lumapit sa tabi niya. At bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay umakbay na ito sa kaniya saka kinuha ang dala niyang maleta.

"Let's go, love."

Mangha siyang nagpaakay kay Sacred nang mag-umpisa itong akayin patungo sa exit door ng arrival area. Saktong paghakbang nila roon ay ang paglampas ng dalawang lalaki sa kanilang harapan upang bumaba sa escalator na magdadala sa mga ito patungong train station.

Paglabas ay kaagad silang dumiretso sa pila ng mga airport taxis. May dalawang pasahero sa harapan nila na naghihintay sa paglapit ng mga taxi sa likuran. Muli siyang napayuko upang ikubli ang sarili, habang si Sacred ay patuloy sa pag-akbay sa kaniya.

Ilang sandali pa'y naramdaman niya ang muling pag-akay sa kaniya ni Sacred paabante. At ang sunod niyang namalayan ay ang sandaling pagbitiw nito sa kaniya.

That's when panic rose to her chest. Umangat ang kaniyang tingin at hinawakan sa braso ni Sacred sa takot na iwan siya nito. Subalit nakita niyang kaya bimitiw ito ay upang buksan ang pinto ng passenger's side ng taxi.

"Get in, fast. The're right behind us," mahina nitong bulong.

Kaagad siyang tumalima saka payukong naupo sa likod ng driver. Si Sacred na rin ang nagkarga ng dalawang mga bagahe niya sa trunk ng sasakyan, at habang naroon si Sacred ay nagsalita ang may edad nang driver.

"Where to, Miss?"

"Anywhere far from here, please. Just drive the car away from here."

Hindi na nakasagot pa ang driver dahil pumasok na si Sacred at tumabi sa kaniya. Hindi niya magawang mag-angat ng tingin sa takot na baka nasa labas lang ng taxi ang dalawnag lalaki at hinahanap siya.

Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman niya ang pag-usad ng taxi. At nang sa tingin niya'y nakalayo na sila mula sa terminal ay saka pa lang siya nang-angat ng tingin.

Ang rearview mirror ang una niyang binalingan. Doon ay nakita niya sa likuran ang ilang mga taxi at private vehicles na nakasunod sa kanila.

"Nakita kong bumalik sila sa loob ng arrival area nang umusad ang taxi na sinasakyan natin. Baka hindi ka nila nakita sa direksyong pinuntahan nila kanina kaya kaagad na bumalik sa itaas."

Naplingon siya kay Sacred at nakita ang pagdukot nito ng cellphone mula sa bulsa. He dialled some numbers and waited for someone to pick up on the other line.

Tulala siyang napatitig dito—at nang marinig na nagmura ito matapos ang mahabang sandali kasunod ng pagbaba ng cellphone ay napa-igtad siya.

"This damned woman won't answer any of my f*cking calls!" anito.

She blinked twice. "W-What woman?"

Bahagyan lang siyang tinapunan ng tingin ni Sacred bago ibinaling ang pansin sa labas ng bintana ng taxi. Itinaas nito ang siko roon saka nangalumbaba.

"It's nothing."

Huminga siya nang malalim at inisandal ang sarili sa backrest. Tinanggal niya ang salamin sa mata at hinagod ang sentido.

"Who are those guys?"

Muli siyang nagmulat at nilingon ito. Muli ay seryosong mukha ni Sacred ang bumungad sa kaniya.

"It's... none of your—"

"I just f*cking save your life. You are now my business."

"I didn't ask you to—"

"They were going to hurt you, weren't they?"

Natahimik siya at ibinalik ang tingin sa harapan. Nakita niya ang may edad nang taxi driver na napatingin sa kanila sa rearview mirror; nasa anyo ang kuryusidad.

Muli niyang sinulyapan si Sacred na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya.

"Pwede ba tayong mag-usap sa Tagalog? Ayaw kong naririnig tayo ng iba."

Balewala itong nagkibit-balikat. "Not that I care about you or your life— we are practically strangers. And I still don't like you, pero sanay akong makakita at makarinig ng ganoong mga salita mula sa mga masasamaang tao. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na ako ang walang kwentang miyembro ng pamilya namin? Surely, Phillian must have told you already."

Hindi siya sumagot.

Nagpatuloy si Sacred. "Alam ko kung anong klaseng tao ang dalawang lalaking iyon kanina, at kahit wala akong pakealam sa iyo ay hindi ko kayang tumalikod na lang at hayaan silang gawan ka ng masama. Besides, naramdaman ko ang takot mo kanina. Ano ang mukhang ihaharap ko kay Mama kapag nalaman niyang pinabayaan kita? I am more concern about what she would think, kaya kita tinulungan. So, I want you to tell me kung ano ang kailangan nila sa'yo at bakit ka nila—"

"Kung ano man at kung sino man sila ay hindi mo na kailangang malaman pa—you are no different from them. Hindi ba't sinaktan mo rin ako noong gabing naroon tayo sa Asteria? And not only did you hurt me, you also—"

"Kissed you?" digtong nito sa sinabi niya.

Umiwas siya ng tingin at ibinaling ang pansin sa labas ng binatang nasa panig niya.

Sacred chuckled— devilishly so.

"Alam mo bang muntik nang basagin ni Phillian ang mukha ko nang dahil lang sa walang kalasa-lasang halik na iyon? It wasn't worth it."

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE | VOTE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top