56 - Unexpected
Imbes na sa rental house sa Laguna ay hiniling ni Calley sa driver ng Ninong Lito niya na sa airport na siya idiretso. She decided to just fly back to the US after leaving Contreras. She could easily hide there, she would make sure no one ever finds her.
Sa ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ang gagawin. Hindi pa niya alam kung ano ang susunod na hakbang. All she wanted to do at the moment was to... heal. To recover. And learn how to accept the fact that this was her fate.
"How long are you going to stay in the States, hija? At kailan susunod sa'yo si Phillian doon?"
Napasulyap siya sa Ninong Lito niya na nakaupo sa front seat nang marinig ang tanong nito. She was sitting at the backseat and had been silent since they left Contreras.
Wala pa ang bukangliwayway ay nagpakuha na siya kay Nelly ng tricycle na maghahatid sa kaniya sa bayan. Doon sa bayan ay hinatid siya nito kasama si Ambong. Nelly wouldn't let go of her hand, she didn't want her to go.
But leaving was her only option.
She couldn't stay at the beach house anymore.
Ilang minuto lang siyang naghintay sa terminal ng bus sa bayan nang makita niya ang pagpasok ng kotse ng Ninong Lito niya sa entrance. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya kay Nelly bago nagpaalam sa mga ito.
Nang makapasok siya sa kotse ay kaagad niyang sinabi ang pagbabago sa kaniyang plano. Nagsinungaling siya na si Phillian ang may gustong bumalik siya sa US upang masiguro ang kaligtasan niya, at na susunod ito kapag naayos na nito ang mga inaasikaso.
Surprisingly, her Ninong Lito believed that lie.
"Im not sure when," she answered. She did her best to calm her voice. She had been suppressing her tears for so long she couldn't wait to seat in the plane and cry herself to death. "Pero nagsabi siyang kapag maayos na ang lagay ng mga bangka at pwede nang iwan sa mga tauhan ay kaagad siyang susunod sa akin."
"You will be alright without Phillian to watch over you, right?"
"I'll be alright, Ninong," she answered, forcing a smile. "After all, I have survived ten years living alone."
"You're right. Pero ngayong alam na ni Esther ang address mo sa New York ay hindi ka maaaring magtungo roon. Hindi natin alam kung ano ang mga pinaplano niya ngayon." Ibinalik ni Lito ang tingin sa harapan nang pumasok na sila sa arko ng airport. "Using my friend's name, I was able to rent a new house for you in Delaware. It's only two hours away from New York, but I made sure Esther wouldn't find you. Ang plano ay kailangan mong maglipat ng apartment from time to time to ensure you would never be found."
"Understood," maiksi niyang sagot bago inisandal ang sarili sa backrest. Sa unahan ay nakikita na niya ang international airport at lihim siyang nagpasalamat dahil kakaunting tao lang ang nakapila sa labas.
"Don't use your cards yet; ini-sama ko sa wallet mo ang card na naka-rehistro sa assistant ko. You can use it while you're in Delaware—"
"I'll be fine, Ninong. Don't worry too much. Alam ko na kung ano ang gagawin—I won't let Esther find me."
Napabuntonghininga ito; ang tingin ay inituon sa harapan. "Napag-usapan na ba ninyo ni Phillian kung kailan magpapakasal? Ang akala ko'y malapit na, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ninyong lumipat sa Estados Unidos—"
"We are going to marry in the US because it's easier there. Madali sa amin na mag-file ng divorce sakaling hindi na namin kayang pakisamahan ang isa't isa." Sinundan niya iyon ng pagtikhim upang ikubli rito ang panginginig ng kaniyang tinig. She didn't want to cry in front of her Ninong Lito; she didn't want him to discover the truth. Lalo lang itong magiging over-protective sa kaniya kung saka-sakali.
"Mukhang mahal ka niyang talaga, hija. Nakita ko sa mga mata niya noong nagkaharap kami ang sinseridad. Kaya umaasa akong magtagal ang relasyon ninyo at hindi mauwi sa hiwalayan."
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi matapos ang mga sinabing iyon ng Ninong niya. She felt like crying now, at kung hindi ito titigil ay baka hindi siya magtagumpay sa pagkubli rito ng totoong nararamdaman.
Phillian was sincere about his feelings... she repeated in her mind. Yeah, maybe he was. Kung hindi'y hindi ito magagalit at masasaktan nang ganoon.
Biglang pumasok sa isip niya ang huling mga nangyari kagabi. Matapos niyang lisanin ang main house ay kaagad siyang nagkulong sa silid na dati'y pinagsaluhan nila ni Phill. She cried as she laid herself in bed. Labis siyang nasaktan. Hindi mawala-wala sa kaniyang isip ang masasakit na mga salitang lumabas sa mga labi nito. Lalo na ang mukha ng magandang babaeng iyon...
But later that night, Nelly knocked on her door in a panic. Kahit mugto ang kaniyang mga mata'y pinagbuksan niya ito, at doon niya nakita ang panlalaki ng mga mata ni Nelly. Sinabi nitong naaalala na kung saan ang babae at kung sino ito.
And there she found the truth.
Nyl was Aris' latest girlfriend. Minsan na raw itong nakilala ni Nelly noong araw na dumalo ang mga ito sa concert ni Taurence. Napag-alaman din ni Nelly na naroon si Aris sa main house; how, she didn't know. Nelly always had her ways.
Kung si Nyl ay kasalukuyang kasintahan ni Aris, bakit hindi ipinagkaila ni Phillian ang akusasyon niya tungkol sa pagkakaroon ng ibang babae? He didn't deny nor confirm.
Eventually, he realized that he was really through. Nais na talaga nitong tapusin ang koneksyon nila. Ganoon ito ka-desididong makipaghiwalay sa kaniya.
And that was because he was so hurt.
So yes, Phillian was sincere about his feelings. Ramdam naman niya iyon noong una pa lang—hindi lang niya alam kung saan nag-umpisa ang panlalamig nito at ang unti-unti nitong pagkadismaya sa bagong siya...
Iyon ang sinabi sa kaniya ni Phill. That he was disappointed about the new version of herself.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga.
Maraming sinabi si Phillian na nagpapagulo sa isip niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang sama ng loob nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ka-tindi ang pagnanais nitong makipaghiwalay sa kaniya. Kung bakit ayaw nitong makinig sa mga paliwanag niya, o maniwala sa mga sinabi niya.
She wanted to tell him how she really felt, but he wasn't listening to anything she said.
But... was he really disappointed about her? Kaya ba ito unti-unting nanlamig sa kaniya? Iyon nga kaya ang totoong dahilan?
He said he was in love with the Calley El Mundo he met ten years ago, pero hindi na raw nito maramdaman ang pagmamahal na iyon sa bagong siya.
Bakit? Siya pa rin naman ang dating Calley, ah? Maliban sa pumayat siya at nag-mature, she was still the f.ucking same!
Or maybe not?
Masyado siyang naging OA noong unang gabing nagkakilala sila, sampung taon na ang nakararaan. She laughed and talked exaggeratedly during that time—dahil wala siyang pakealam sa sasabihin nito o ng ibang tao sa kaniya noon.
All her life, she was always cautious. Gusto niyang maranasan sa gabing iyon ang hindi mag-alala sa mga sasabihin ng iba tungkol sa kaniya, kaya siya naging eksaherada. Iyon ba ang nagustuhan ni Phillian sa dating siya?
Damn him. Di hamak namang mas maayos ang bagong bersyon na Calley!
She was more beautiful, she had lost her fats; her body became a work of art. She was good in bed—ilang beses niyang pinatunayan iyon dito. She was even sweeter, and she took good care of him!
Ayaw ba nito ng ganoon? Gusto ba nito ang luka-lukang bersyon ni Calley El Mundo?
Well, maybe he really just got tired of you and thought you weren't the woman he wanted to be with. Just f*cking accept the truth, Calley.
Sa huling mga naisip ay hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng hikbi sa kaniyang lalamunan. Hikbi na hindi rin niya naikubli pa sa Ninong Lito niya.
"Calley, what's going on? Are you crying?"
Luhaan siyang napasulyap sa rearview mirror kung saan din siya nito pinagmamasdan. Doon ay nagpakawala siya ng pilit na ngiti.
"Naiiyak lang ako dahil sandali kaming maghihiwalay ni Phill, Ninong. That's all. I got used to him being around me all day long, and I miss him already..."
Masuyo itong ngumiti, tuluyan siyang nilingon saka banayad na hinaplos sa braso. "You are so in love with him, aren't you?"
Tumango siya, lalong naluha. "I am, Ninong. And I don't think I will be able to love someone else but him."
"Then I guess your marriage would work out just fine. If Phillian feels the same, your marriage would surely prosper."
I doubt it, Ninong. I doubt it....
Umiwas siya ng tingin upang hindi nito mapansin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Kunwari ay inituon niya ang pansni sa labas ng bintana upang tingnan ang mga nakapilang pasahero na papasok na sa main building ng airport. Ang sasakyan nila'y unti-unting bumagal.
*
*
*
Matapos makapag-check in at dumaan sa immigration booth ay dumiretso muna si Calley sa isang sikat coffee shop sa loob ng boarding area.
She hadn't had breakfast and she was famished. Kahapon pa siya walang matinong kain at ngayon niya nararamdaman ang panghihina ng katawan. She needed something hot in her stomach; so she'd order a cup of caffè latte and a piece of cake, maybe.
Sa loob ng coffee shop ay may apat pang mga tao ang nakapila kaya sandali muna siyang nagintay sa labas ng glasswall hanggang sa mabakante ang loob. She didn't want to squeez herself in.
Habang naghihintay sa labas ay tulala siyang napatitig sa coffee maker na nasa likod ng counter. Bumabalik sa isip niya ang mga umagang sabay silang bumababa ni Phillian para mag-almusal. Phillian wasn't a coffee drinker until she started making him one. Ang sabi nito'y hindi ito iinom ng kape kung hindi rin lang siya ang gagawa.
A wry smile broke her face.
Why am I still thinking about him?
Matapos ang nangyari, at matapos ang mga sinabi niya'y bakit kailangan ko pa siyang alagaan sa puso ko?
Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.
Ang totoo'y nanatili siyang umaasa na isa sa mga araw na iyon ay magising si Phillian sa katotohanan at sundan siya. Maybe he'd realize that she was important to him and that it was her that he really wanted?
Another sigh came out of her lips.
She could only wish and dream.
Sa ngayon ay magtatago na muna siya sa US. Maybe he'd give Daniel and Connie a visit before she drives to Delaware?
Damn it. Matapos niyang talikuran ang pangako niya kay Daniel dahil kay Phillian ay hindi niya alam kung papaano niya ito haharapin.
If Daniel learned that she was ditched by her lover, what would his reaction be? Sasaluhin ba siya nito?
I can't tell Daniel about what happened. Knowing him, siguradong iyon nga ang gagawin niya.
And Daniel deserves better. He can't be just a rebound.
But sooner or later, I need to marry someone and produce a child. That way, tuluyan nang mananahimik ang buhay ko.
Ahhh, shit. I have just broken up with my lover and now I'm already thinking about looking for another man.
I am the worst....
Napa-igtad siya at biglang natigil sa pag-iisip nang may dumaang lalaki sa kaniyang harapan; ang bitbit nitong duffel bag ay bumangga sa maleta niya, dahilan upang mabitiwan niya iyon at gumulong sa daanan. The man stopped and got a hold of her luggage.
"Sorry about that," the man said.
Napatingala siya nang marinig ang tinig nito—at nang makita kung sino ang nasa kaniyang harapan ay isang malakas na pagsinghap ang kaagad na kumawala sa kaniyang bibig.
Kahit ang lalaki ay nagsalubong ang mga kilay nang makita siya.
She stepped back—bigla siyang inatake ng kaba.
"What are you doing here?" the man asked.
Napalunok siya—gusto niyang umalis sa harapan nito at umiwas, subalit hawak-hawak ng lalaki ang maleta niya kaya hindi niya magawa.
Napilitan siyang manatili sa kinatatayuan. She swallowed hard again and gathered all her courage to meet his eyes.
"I... am flying back home."
"Home?" ulit nito, ang makakapal na mga kilay ay lalong nagsalubong. Nang may maisip ay inikot nito ang tingin sa paligid. "Is Phillian with you?"
"N-No..."
Ibinalik nito ang tingin sa kaniya. Sandali siyang tinitigan. Hanggang sa...
"Have you two broken up?"
Muli siyang napalunok at taas-noong binawi mula rito ang kaniyang maleta. "It's none of your business, Sacred."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE | VOTE
A/N:
Any thoughts about Sacred? Haha!
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top