50 - Something's Wrong
Hindi makatulog si Calley habang nakatitig sa cellphone na ipinatong niya sa unan ni Phillian. She was staring at it for who knows how long as she waited for him to respond to her text messages.
Noong nakauwi sila ni Nelly kanina ay nagpadala siya ng mensahe kay Phillian, telling him how she missed him and how she wanted to be with him tonight. Sinabi rin niya sa isa sa mga text messages niyang mag-ingat ito sa laot, at umuwi nang ligtas sa kaniya bukas ng umaga.
And normally, whenever she would send him text messages, no matter what their contents were, he would always... always give her a call.
Pero sa hapon at gabing iyon ay wala itong paramdam na ikina-bahala niya. Kaya noong naghahapunan sila ni Nelly ay hindi na niya napigilan pa ang sariling isatinig dito ang pag-aalala niya. Upang huminahon siya ay nagtext it kay Ambong upang itanong kung nasaan si Phillian.
Ambong replied that the boss was busy and that he wasn't in his best mood that afternoon.
Bagaman nagtaka siya kung bakit wala sa mood si Phill ayon kay Ambong, ay nakahinga siya nang maluwag nang masigurong maayos ito. Akala pa man din niya ay may nangyaring masama kaya hindi ito nagparamdam.
Pag-akyat niya sa silid nila ay muli niyang sinilip ang cellphone na naka-charge sa silid upang muling magtaka nang makitang wala pa ring sagot si Phillian sa mga text messages niya. Heck, couldn't he send her even just a f*cking emoji? Nainis siyang wala itong sagot ni isa sa mga mensahe niya...
And so, she sent him another text message, asking if he's okay and why wasn't he answering any of her messages. At habang hinihintay ang pagsagot nito'y pumunta muna siya sa banyo upang maligo. Paglabas niya ay wala pa rin, and that's when she decided to call him.
But then, his phone was out of coverage.
At dalawa lang ang naisip niyang rason—maaaring hindi umabot ang signal sa kinaroroonan ng bangka nito, o naka-off ang cellphone.
Sabagay, iyon ang unang beses na tumawag siya habang nasa laot ito.
Maayos silang naghiwalay nang umagang iyon nang ihatid siya nito sa center; wala siyang nakikitang dahilan upang ignorahin siya nito.
Calm down, Calley. Calm down... she said in her mind. Tumihaya siya at nakipagtitigan sa kisame. Maaaring marami lang iniisip si Phillian-- something about his business, of course. At baka may customer na naman itong dumating nang hapong iyon kaya nawala sa mood.
Yes. That was probably it.
There wasn't any reason for her to worry.
She and Phill were okay.
They were definitely okay.
Nothing to worry about...
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naghintay sa sagot ni Phillian kahit alam niyang imposible siyang makatanggap sa gabing iyon. Nang magmulat siya ng mga mata'y ala una na ng madaling araw. Doon na siya sumuko at inilapag ang cellphone sa ibabaw ng side table saka pinatay ang lamp na nakalimutan niyang patayin kanina. She then went back to sleep to prepare herself for tomorrow.
She had no idea how long she slept, but she was awakened by the sound of the door closing and the sound of a shower inside the restroom. She purred and opened her eyes. Sinulyapan niya ang oras sa automatic clock at napagtantong alas-seis na ng umaga.
And Phillian's back. Probably sleepy and tired now.
Nilingon niya ang bintana kung saan bahagyang nakabukas ang nakatabing na kurtina. The sun was rising, and she yawned because she was still sleepy. Hihintayin niya itong matapos sa pagligo. She would cuddle for an hour or so, then she would get up to prepare for another day of volunteer work at the center.
As a volunteer, she would actually receive weekly allowance for food and fare. Hindi iyon malaki pero kung maiipon ay siguradong marami ang matutulungan. For example, she planned on using the allowance to buy generic vitamins for kids. Dahil hindi kasama ang bote-botelyang vitamins sa mga libreng ipinapamigay o dini-distribute ng gobryerno para sa mamamayan, ay naisipan niyang gamitin ang allowance na ibinibigay sa kanya para sa bitamina ng mga bata. Children up to ten-year olds needed vitamins for immunity and strenght, kaya gusto niyang mag-provide niyon.
And no, she wasn't a hero. She just thought she didn't need the allowance and would rather buy it for something that would benefit others.
Naudlot ang mga iniisip niya nang marinig ang pagpihit ng doorknob ng bathroom door kasunod ng pagbukas niyon. Padapa siyang nahiga at sinundan ng tingin si Phillian na lumabas; ang ibabang bahagi ng katawan nito'y nakatapos ng tuwalya.
Nagpupunas ito ng basang buhok gamit ang isa pang tuyong tuwalya habang tahimik na naglalakad patungo sa closet.
Her eyes followed him; hindi nito napansin na gising na siya at nakamasid dito.
Pinanood niya ang paghugot ni Phill ng sleeping pants, hanggang sa pagtanggal nito ng tuwalyang nakapulupot sa bewang. Her eyes sparkled as her eyes landedn on his humpy-hump; round and firm. One of her favorites to grab during wild se.x.
Napangisi siya sa naisip saka ibinaba ang tingin hanggang sa mga binti nito; to his strong and muscle-y thighs. Sa dami ng mga ginagawang pagbubuhat ni Phillian sa aplaya ay nagawa nitong makamit ang katawang pantasya ng mga kababaihan. Ang maskulado't mahahaba nitong mga binti ay isa lang sa mga bahagi ng katawan nitong sa tingin niya'y malakas ang pang-hatak. Not all men who works out at the gym could achieve such strong thighs... at saksi siya sa kayang itagal ng mga binting iyon sa kahit na anong hamon.
Hamong pang-magdamagan...
Napakagat-labi siya sa mga naiisip at inalis ang tingin sa mga binti nito. Her eyes now moved at his broad back.
Ahhh. Free Phillian was a perfection.
She could just watch him the whole day and she wouldn't get bored for sure.
Muling bumaba ang tingin niya sa ibabang bahagi ng katawan ni Phillian nang yumuko ito at inisuot ang sleeping pants. Napanguso siya sa panghihinayang nang hindi makita ang gustong makita.
Oh well... Makikita rin naman niya iyon kung gugustuhin o hihilingin niya.
Kahit nga ngayon mismo, eh.
All she needed was to ask.
But then... she was still sleepy, and she knew he was, too.
Her lust could wait—maraming pagkakataon.
Nang humarap si Phillian ay napangiti siya. Humakbang ito patungo sa kama, bahagyang nakayuko dahil kinukuskos nito ng palad ang medyo basa pang buhok. Nang halos marating na nito ang kama ay saka pa lang ito nag-angat ng tingin, at nang makita siyang gising na'y sandali itong natigilan.
Pero sandali lang ang pagkatigalgal nito dahil kaagad din itong nagpakawala ng ngiti. Nilakihan nito ang paghakbang at biglang nag-dive sa kama na ikina-singhap niya.
At dahil malaking tao ito at dalawang doble ang spring matress ay muntik na siyang tumilapon kung hindi lang siya naging alerto ay napakapit sa headboard.
Phillian chuckled; sa kabilang dulo ito bumagsak matapos mag-dive, at umusog ito sa kaniya upang yakapin siya at halikan sa pisngi.
"Good morning," he greeted. She could sense exhaustion from his voice. "Wow, you smell great."
"No, you do," sagot niya rito.
"I don't smell like vanilla--you do."
She chuckled in joy. Sabi na, eh. Wala silang problema. Abala lang talaga ito buong maghapon hanggang gabi.
"Have you seen my text messages yesterday? I got so worried when I didn't get a reply from you."
Ibinaon nito ang mukha sa pagitan ng kaniyang leeg at balikat saka itinuloy ang pagsamyo sa kaniya mula roon. "I've only read them when we were about to leave. I couldn't reply because it was too hectic yesterday..."
She softly nodded and caressed his arm. "It's okay. Bigla lang akong nabahala kahapon, akala ko ay may nangyaring hindi maganda. It was so unlike you."
"Won't happen again," he said before grunting. "Damn it, I am so worn out, babe. Hinihila na ako ng antok. Let's sleep and talk later, okay?"
Hindi na siya nakasagot pa nang muli siya nitong dinampian ng halik sa pisngi bago inalis ang brasong nakayakap sa kaniya saka dumapa sa kama at ibinaling ang ulo sa kabilang direksyon.
And she knew what it mean.
Dismissal.
*
*
*
"Hey Nelly, narito ka na ba sa ibaba kanina nang dumating si Phill?" tanong ni Calley nang bumaba siya sa kusina ng bandang alas nueve at abutan doon si Nelly na nagluluto ng almusal.
Si Nelly ay lumingon habang nagpi-prito ng itlog. "Kagigising ko lang nang marinig ko ang pagdating ng truck. Bakit?"
Nagkibit-balikat siya, naglakad patungo sa cupboard at kumuha roon ng tasa bago nagsalin ng kape mula sa percolator na nasa mesa.
"Wala naman. Anyway, nakausap mo ba si Ambong kagabi?"
"Nakatanggap ako sa kaniyang ng text pagdating ng bangka nila." Muling ibinalik ni Nelly ang pansin sa ginagawa. "May kailangan ka ba kay sweetheart ko?"
"Wala naman..."
Muli siyang nilingon ni Nelly. Ang mga mata'y sadya nitong niliitan; nasa anyo ang suspitsyon. "May problema ba, Calley...?"
Muli siyang nagkibitbalikat at hinila ang isang upuan saka roon ay naupo. "Nothing, really. Kaninang dumating si Phill ay medyo may kakaiba lang akong napansin sa kaniya."
"Kakaiba?"
"Nag-usap lang kami saglit at natulog na siya."
"Ano'ng kakaiba roon?"
Ang akma niyang pagdadala ng kape sa bibig ay nahinto. Kahit siya ay natigilan, hindi alam kung papaano sasagutin ang tanong.
Dapat ba niyang sabihin na mas sanay siyang sa tuwing uuwi si Phillian ay kumakalabit ito?
Geez, Calley.
Si Nelly ay tila ba nahulaan ang nasa isip niya. Ngumisi ito at ibinalik ang pansin sa niluluto. "Naku, pagod lang 'yon, 'day. H'wag mong gaanong isipin si Ser. May mga pagkakataong gano'n 'yon."
Pagod? ulit niya sa isip. Ilang beses siyang umuwi na mas pagod pa sa pagod niya kagabi, at ilang beses siyang umuwi na walang tulog sa buong magdamag pero nakaka-two rounds pa! Why do I feel like there's something wrong? There's something going on, hindi ko lang alam kung ano...
Pero baka napa-praning lang ako? Ito ang unang beses na um-akto ng ganito si Phill. Napa-praning lang ba ako?
"May mga pagkakataong hindi mo talaga makausap 'yon kapag pagod o maraming iniisip na problema. Hayaan mo at itatanong ko mamaya kay Ambong kung sinong kostumer na naman ang nanggulo kay Ser kahapon at hanggang ngayon ay sira ang mood." Pinatay na ni Nelly ang stove at inilipat ang mga pritong itlog sa isang plato, habang siya ay napatitig sa repleksyon niya sa kapeng nasa tasa.
Maaaring tama si Nelly.
Maybe today was one of those days where she needed to give Phill some space.
Baka nga wala talagang problema at nasa isip lang niya ang ganoon dahil kinulang siya sa pansin kanina.
Yep, that may be the case.
Umaasa siyang mamaya pag-gising ni Phill ay maayos na ulit ang mood nito.
*
*
*
Subalit nang hapong iyon ay nagsalubong na lang ang kaniyang mga kilay nang mabasa kung ano ang nilalaman ng text message ni Phill habang naghahanda siya sa pagtatapos ng shift niya sa health center.
'Hey, lovely. Hindi kita masusundo kaya si Nelly na muna ang pinadala ko. Kasama ko sina Boy at Ambong na magde-deliver sa kabilang bayan; sira ang delivery truck kaya ang sasakyan ko ang gamit namin.'
She was about to reply and tell him to take care and that she would just see him at dinner when another text message came in:
'Don't wait up for dinner, sa kabilang bayan na kami kakaing tatlo. Sa silong na rin ang diretso namin pagkatapos.'
Then, the third text message;
'Miss you. Xx'
Napabuntonghininga siya.
Okay, abala lang talaga si Phill. Wala silang problema.
Nangalumbaba siya at blangkong tinitigan ang cellphone na nakapatong sa kaniyang mesa. Nalulungkot siya at patuloy na nababahala. Ngayon lang nawalan ng panahon sa kaniya si Phill, ngayon lang ito muling naging abala. Ngayon lang ito umakto ng ganoon.
Pang-dalawang araw na itong ganoon.
What the hell is wrong with him? With us? tanong niya sa sarili.
"Doc Cay, hindi ka pa uuwi?" tanong ni Carren na nagpaangat ng tingin niya sa pinto kung saan ito nakasilip.
Pilit siyang nagpakawala ng ngiti. "Hihintayin ko muna si Nelly, Nurse Carren. Siya ang makakasama ko pag-uwi mamaya."
Kilala ni Carren si Nelly kaya alam nito kung sino ang tinutukoy niya. Lagi nang magka-tsikahan ang mga ito dahil ang kuya ni Carren ay ang driver ng delivery truck na pag-aari ni Phill.
Oh, wait...
Napatuwid siya nang upo. "Hey, Nurse Carren."
"Yes, Doc?"
"Hindi ba't kapatid mo ang may dala sa delivery truck ng Free Zodiac?" That's what everybody called Phillian's properties; Free Zodiac
"Yes, Doc. Si Kuya Archie po ang driver ng truck. Bakit po?"
"Sira raw ang truck ngayong araw?"
Nagsalubong ang mga kilay ni C.arren "Parang hindi naman, Doc? Kasi kani-kanina lang ay nakita ko si Kuya na nagpost sa social media; kumakain ng bulalo sa sikat na bulaluhan sa Batangas. May pa-hashtag pa ngang nalalaman na 'kain muna bago hatid', eh. Bakit po, Doc?"
Salubong ang mga kilay na ibinaba niya ang tingin sa cellphone. Binasa niyang muli ang text message ni Phillian doon. Paulit-ulit, dahil baka nagkamali lang siya.
But then...
Ibinalik niya ang tingin kay Carren na nagtaka sa sandaling pananahimik niya. Naguguluhan siya at hindi niya magawang magsalita.
Why did Phillian lie to me?
*
*
*
Meanwhile...
Inis na inihagis ni Esther ang basong may laman pang alak sa pader nang makita ang accounts record ng kompanya. Muntik nang ang laptop ang maidampot at maihagis nito sa labis na galit.
The El Mundo's financial status drastically dropped in just a matter of two months. Kung magpapatuloy iyon sa pagbagsak ay baka hindi na abutin ng anim na buwan at tuluyan nang maglalaho sa ere ang kompanya.
Paano ang condo unit niya? Ang dalawang kotse na hindi pa nababayaran? Those cars cost over thirty million! At paano na ang ipinangako niyang bakasyon sa Maldives at Europe kay Charles?
This can't be happening!
She had to find Calley!
Kahit magmakaawa ito'y hindi na niya pagbibigyan pang mabuhay. That bitch was the result of Rodney and Catherine's love—batang bunga ng pagmamahalan na noon pa lang ay inisumpa na niya!
Kung sana'y siya ang pinili ni Rodney. Kung sana'y siya ang minahal nito... Calley wouldn't suffer. Calley would have been her daughter! Pero anak ito ni Catherine—anak ito ng babaeng umagaw ng atensyon at interes ni Rodney.
Ahh, damn those two. Buti nga at naaksidente ang sasakyang dala ni Rodney at pareho ang mga itong nasawi. Dahil kung hindi ay baka matagal na siyang naging kriminal. Baka siya pa ang unang pumatay kay Catherine sa labis na galit at selos.
Sinulyapan niya ang basong ibinato niya sa pader at nagkapira-piraso sa sahig. Ah, shit. That crystal glass was a gift and was worth a fortune. Bakit ba niya iyon ibinato?
"Fuc.k this life. Kung hindi kasi pumalpak ang plano noong nasa yate kami'y nasa kamay ko na sana ang mga property ng batang iyon." Sa nagpupuyos na dibdib na inalis niya ang laptop mula sa kaniyang kandungan ay kung paano na lang na inilapag sa kama. Tumayo siya at humakbang patungo sa basag na baso; siya at siya pa rin naman ang magliligpit niyon.
Hindi pa man siya tuluyang nakalalayo mula sa kama ay kaagad siyang nahinto nang tumunog ang cellphone na nakapatong sa side table. Doon nalipat ang kaniyang tingin; at nang makita kung sino ang tumatawag ay iyon ang nilapitan niya at kaagad na hinablot.
"Yes?" she answered, trying her best to be as calm as possible. May usapan silang lalabas sa gabing iyon para mag-dinner; ayaw niyang sirain nang husto ang mood, at ayaw niyang malaman ni Charles na nalalapit na ang katapusan ng kompanya.
"Hey, I have great news, my darling Esther," Charles said on the other line. And he sounded like someone who had been drinking the whole afternoon.
"Ahh, I need one," she said, sitting back on the bed. "What is it?"
"Chief Campo reported that there was someone in the town of Contreras, just a few miles from Batangas, who registered to be a volunteer doctor at the town's healthcare center. He heard about it this afternoon and called me right away."
Napatuwid siya nang upo; ang kaniyang paghinga ay sandaling tumigil.
Sa kabilang linya ay narinig niya ang pag-ngisi ni Charles. "Do I still need to say that it's your lovely niece, mi amor?"
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top