49 - Baby Sigang
Sunud-sunod na nagpahid ng mga luha si Calley matapos maputol ang tawag. Nalulungkot siya para kay Connie—she knew the child was probably hurting and crying by now. At gustuhin man niyang aluin ito ay nag-aalala siyang baka lalo pa itong malungkot at umiyak.
She felt sorry for Connie. She knew that the little girl was looking forward to having her as her mum—at alam niyang dahil sa pangakong iniwan niya kay Daniel ay siguradong sinabi na nito sa anak ang tungkol sa posibilidad na siya na ang sunod na maging ina nito.
She was just so hurt for Connie. The girl had already become so close to her.
But she couldn't force herself to be with Daniel.
Not anymore. After finding Phillian.
Sa loob ng sumunod na mga sandali ay nanatili siya roon sa veranda at umiyak nang umiyak para kay Connie. Para siyang tinataga sa dibdib sa labis na lungkot. Niyakap niya ang sarili at iniyuko ang ulo habang patuloy sa paghikbi. Ang banayad na hangin-dagat ay dumadampi sa kaniyang balat at tinutuyo ang kaniyang mga luha. Parang ina na yumayakap at pinapahiran ang luha ng anak.
Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na nakatayo roon at tahimik na humihikbi hanggang sa maramdaman niya ang matitipunong mga brasong pumulupot sa bewang niya at ang paghalik sa kaniyang balikat. Luhaan siyang bumaling sa taong nasa kaniyang likuran, at ngumiti siya nang makita si Phillian.
"Why are you crying?" he asked softly. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya at ang mga labi'y patuloy sa paghalik hanggang sa gilid ng kaniyang balikat.
"I'm just... sad."
"Why? What's making you cry, my sweet?"
Huminga siya ng malalim at niyakap ang mga braso ni Phillian. Ibinalik niya ang tingin sa dagat at pinagmasdan ang maliliit na mga bangkang nasa hindi kalayuan.
"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa Asteria? Is that what's making you sad?"
"No, not that." Hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Phillian. "Nakausap ko sa cellphone ang... dati kong pasyente sa New York. She misses me."
"Oh." He planted another kiss on her shoulder before burying his face in her hair. Phillian inhaled and exhaled softly. "Tell her I'm sorry that I took you away."
She let out a soft smile before wiping her tears with the back of her palm. Nang sa tingin niya'y maayos na ang kaniyang itsura'y humarap siya kay Phillian at itinaas ang mga kamay sa magkabila nitong mga balikat.
"Where have you been?" she asked, looking straight into his sexy blue eyes.
"Sumilip lang ako sa silong kaninang umaga nang magising ako—I bought them coffee and bread."
She stared at Phillian's eyes and softly touched his face with her left hand. He had a two-day beard which made him look so manly. His eyes were sensuous and sparked like blue diamonds against the sunlight. Free Phillian was undeniably gorgeous, but it wasn't really his looks that made her fall in love with him; it was his kind heart and delicate persona. He was such a soft guy... sa tuwing nasa bisig siya nito'y lagi siyang nakararamdam ng ginhawa. Ramdam niyang ligtas siya; ramdam niyang hindi ito ang tipong sasaktan ang puso niya.
And yes. She could now admit that she was in love with him. Hopelessly so...
And she was about to tell him what she truly felt when suddenly, she noticed something that crossed his eyes.
They were somewhat... sad.
Kinunutan siya ng noo. "Are you okay?"
He forced a smile—which also concerned her. "Why wouldn't I?"
"Your eyes. They look sad."
"I'm probably just sleepy." Inakbayan siya nito at inakay na pabalik sa loob ng silid. "How are you feeling now? Are you still stressed about what my brother did to you?"
She slid her arm around Phillian's waist. Nawala sa isip ang napansin sa mga mata nito nang muling maalala ang tungkol kay Sacred. "I'm not too stressed about it anymore."
"And you just cried because you spoke to your previous patient—it isn't something I should worry about, is it?"
"Don't worry." Tiningala niya ito. "It's nothing you should worry about."
Nakapasok na sila sa loob nang muli siya nitong harapin. "Sasama ako sa laot mamaya kaya kailangan kong bumawi ng tulog. Will you be alright today? I mean... habang tulog ako at mag-isa ka lang rito sa bahay. Nagpaalam si Nelly na dadaan muna sa bahay nila Ambong bago mamalengke kaya baka matagalan siya sa bayan; wala kang makakausap."
"I'll be fine, Phill. Why wouldn't I?" aniya, ginaya ang sinabi nito kanina na ikina-ngiti rin ni Phillian.
Yumuko ito at dinampian siya ng halik sa noo. "Would you stay beside me while I sleep?"
"Of course. I'll lay down beside you and hug you tight."
Muli itong ngumiti, at muli siyang nagtaka kung bakit kay lungkot ng dating sa kaniya ng ngiting iyon.
Was he really just sleepy?
*
*
*
"Maraming salamat po, Doc Calley, sa tulong at paggamot sa baby ko," pasasalamat ng isang nanay matapos bumalik sa clinic para sa follow up check ng anim na buwang gulang na sanggol nito. The woman was frail and weak, at sobra itong payat na halos hindi na kumakain. Bitbit nito ang anak na dinala nito roon noong nakaraang linggo dahil sa ubo't lagnat.
She diagnosed pneumonia and prescribed medication that would ensure the child's recovery. Mahal ang gamot na iyon at mahirap hanapin sa mga pharmacies na naroon sa Contreras, kaya nagpautos siya kay Nelly na maghanap ng taong pwedeng bumiyahe pa-Maynila upang hanapin ang gamot. She had also used her personal money to buy a nebulizer for the kid, para hindi na ang mga ito magtungo sa center upang pausukan ang bata.
Four days later ay bumalik doon ang mag-iina, at magaling na si Bunso. Ang inaalala naman niya ngayon ay ang ina ng bata. The baby was only six months old, the mother was weak and frail at ang mga mata'y matamlay, halatang hindi kumakain sa tamang oras, pagod sa trabaho, at maaaring nagpupuyat pa sa gabi upang bantayan ang may sakit na anak. And at the same time, the woman was pregnant again. Six weeks. At doon siya nanlulumo nang labis. Kahit hindi kasama sa consulation ay nagbigay rin siya ng resetang bitamina sa ina ng kaniyang pasyente, at binilinan itong kumain nang husto at magpahinga sa tamang oras.
"H'wag lang ang baby ang asikasuhin mo kung hindi pati na rin ang iyong sarili, Nanay," bilin niya rito. Inihatid niya ito sa labas ng center dahil tapos na ang shift niya at pauwi na. She was just waiting for Phillian to arrive. "Kapag naubusan ka ng bitamina ay bumalik ka sa akin. Ako ang magbibigay sa iyo."
"Naku, maraming salamat po, Doktora."
Tinapik niya ito sa balikat saka hinaplos ang baby na karga-karga nito. The baby was fast asleep, at nakabawi na ng timbang kahit papaano.
"Alagaan mo ang baby, ha?"
"Opo, Doc. Marami po ulit salamat."
Hinatid niya ng tingin ang mag-ina hanggang sa makatawid ang mga ito sa kabilang kalsada at maka-para ng sasakyang tricycle. Saktong nakasakay ang mag-ina nang makita niya ang biglang pagsulpot ni Nelly sa kaniyang harapan.
Napa-piksi pa siya kasunod ng pagtawa. "Hey, ano'ng ginagawa mo rito?" Inikot niya ang tingin. "Kasama mo ba si Phill?"
"Naku, kaya nga ako narito'y para sunduin ka, eh."
Ibinalik niya ang tingin kay Nelly, ang kaniyang noo ay kumulubot sa pagtataka. "Why? Nasaan si Phill?"
"Hayon, nasa silong na. Maaga yatang papalaot ang mga bangka ngayon at kasama siya. Hindi ba nagsabi sa'yo?"
"Well, nabanggit niya kanina nang ihatid niya ako na sasama siyang muli sa laot ngayong gabi pero hindi niya sinabi na hindi niya ako masusundo." Bahagya siyang nalungkot—hindi niya makikita si Phillian sa pag-uwi.
"Okay lang 'yan, bukas ng madaling araw ay nasa bahay na rin naman siya. O, hali ka na. Nakapamalengke na ako habang naghihintay na matapos ang duty mo, Doktora." Bumungisngis ito. "Ang sarap namang tawagin ka ng ganoon."
Natawa siya sa naturan nito. Ang kaniyang tingin ay bumaba sa hawak nitong plastic. Nelly bough some vegetables. "What's the menu for tonight?"
"Pinakbet and liempo."
"Hmm, yum."
Ngumisi si Nelly at hinagod siya ng tingin. She was wearing a pair of pink slacks and white sleeveless polo; one of the clothes she had in her luggage. On her feet was a pair of skin-tone colored flat shoes. Pormal na pormal.
"Ikaw ha, panay na ang kain mo at nakikita ko ang pagbabago sa katawan mo. Lumulobo ka, aba!"
Natigilan siya sa naturan nito. "R-Really?"
"Oo, 'day. Pero okay lang, at ganiyan naman ang gusto ni Ser Phill. Baka nga lalo pa siyang ma-in lab sa'yo kung madagdagan pa 'yang timbang mo." Muling bumungisngis si Nelly. "Lalong maloloko 'yon sa'yo, Calley. Naku, paktay ka talaga."
Napangiwi siya. Hindi niya alam kung ikatutuwa ang pagtaas ng timbang.
She made sure she ate balanced meal and did yoga every day, not only to maintain her figure but to also take care of her health. Hindi siya maaaring kumain nang marami dahil sa naging sakit niya noon, at wala siyang binago sa lifestyle niya. She was always careful with her food intake kahit na laging masarap ang niluluto ni Nelly.
At kung tutuusin ay mas active pa ang katawan niya ngayon—and that was because of her being sexually active. Because she and Phillian were actively making love each night if possible. Or every morning when he got home from fishing. Or every afternoon when she got home. They were both insatiable; they both couldn't get enough of each other.
"Hindi naman halata, o baka sa damit mo lang. Kaya h'wag ka nang malungkot," bawi ni Nelly bago ini-pulupot ang kamay sa braso niya.
Muli niyang niyuko ang sarili upang suriin ang suot na damit. Hindi pa naman iyon masikip sa kaniya, at ang slacks niya'y sakto pa rin naman. Hindi kaya namamalikmata lang si Nelly?
"Natulala ka na," untag ni Nelly sabay banayad na hila sa kaniya. "Hayaan mo't 'di ko na uulitin; sexy ka pa rin naman."
Hindi na siya sumagot pa at wala sa loob na nagpaakay siya patungo sa paradahan ng mga tricycle na maghahatid sa kanila sa beach house. Kinontrata iyon ni Nelly para sa kanilang dalawa. Nauna itong sumakay para hindi raw siya masikipan sa loob.
Umaandar na ang tricycle nang muling nagsalita si Nelly.
"Nakita ko ang huling pasyenteng kausap mo kanina. Kilala ko ang nanay ng bata; kaedad ko lang iyon. Ang alam ko ay sinasaktan siya ng asawa at siya pa ang naghahanap buhay habang nag-aalaga sa dalawang anak. Tsk, may mga lalaki talagang tuhog lang ang alam, 'no?"
Nang bumalik sa isip ang tungkol sa huling pasyente ay napabuntonghininga siya. Binalingan niya si Nelly. "Nalungkot nga ako nang makita ang sitwasyon niya. Paano pa siya nagagawang saktan ng asawa niya sa ganoong lagay?" Isa pang buntonghininga ang pinakawalan niya. "Some men are just useless—dapat ang mga ganoong lalaki ang ipinapadala sa gyera para mapakinabangan."
"Sinabi mo pa, 'day." Itinuon ni Nelly ang tingin sa harapan. Mula sa siwang na pumapagitan sa motor at passenger seat ay nakikita nito ang kalsadang hinahayon ng tricycle. At habang naroon ang tingin ni Nelly ay muli itong nagsalita. "Eh, ikaw, Calley? Gusto mo bang magkaanak kayo kaagad ni Ser Phil pagkatapos ng kasal?"
Kasal? Your boss isn't even talking about feelings, iyong tungkol sa kasal pa kaya? Kung maaaring ako na nga ang magyaya, eh.
Ipinatong niya ang siko sa isang binti saka nangalumbaba.
At baka nga mauna pa ang anak, Nelly.
Napanguso siya saka inituon naman ang tingin sa labas ng trayk.
"Hayaan na lang nating ang kapalaran ang magpasiya, Nelly."
Naramdaman niya ang pagkibit-balikat ni Nelly. "Atat na atat na ring mag-pamilya iyong si Ser, eh. Siguradong gusto nang magkaanak no'n." Nilingon siya nito. "At siguradong magagandang lahi ang lalabas dahil aba naman; labanos at bangus— perpek kombineysyon. Beybi Sinigang!"
She chuckled and turned to Nelly. "Baby Sinigang?"
Tumango ito. "Ikaw ang labanos at si Ser naman ang bangus."
"Bakit mo naman ginawang bangus si Phill?" Hindi niya napigilang matawa. Nelly's jokes were lame sometimes, but funny still.
"Isdang pang-mayaman, ano pa ba?"
Natatawa siyang umiling-iling. "You and your jokes, Nells."
"Ang punto ko ay perpek ang magiging anak ninyo kung saka-sakali. Naku, eksayted na akong makita si Beybi Sigang."
Lalo siyang natawa. "Hindi ba't may kangkong ang sinigang?"
"O, eh 'di ako na ang kangkong! Kapag gumawa kayo ni Ser ay tawagin mo lang ako nang sagayon ay may kontribusyon ako sa sigang. O, happy?"
She laughed all the more. Sa kabila ng lakas ng tunog ng motor ay dinig na dinig ang lakas ng tawa niya.
Iba talaga ang hatid na saya ng lugar na ito sa kaniya. Iba ang dalang saya ng Contreras sa puso niya; kaya wala siyang panghihinayang na pinili niyang manatili roon. Ang manatili kay Phill.
Si Nelly ay sandaling nawala ang pansin sa kaniya nang kausapin ito ng driver. Nagtanong ng tamang direksyon dahil hindi raw ito gaanong nagagawi sa lokasyon ng beach house. At habang wala ang pansin ni Nelly sa kaniya ay wala sa loob niyang ibinaba ang isang kamay sa tiyan.
What if...
Just what if.
What if... the reason for her weight gain was due to pregnancy?
Could she be... pregnant already?
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top