47 - Sacred Snake
Nang dumating ang hapunan ay muling nagtipon-tipon ang lahat sa malaking dining area. Calley realized that the house was rebuilt to accommodate a huge family, dahil lahat ng areas sa loob ng tatlong palapag na bahay na iyon ay malaki at malawak. Ang second floor ay tila hotel ang istilo dahil sa magkakatabi at magkakaharap na mga silid. If she wasn't mistaken, there were fourteen rooms upstairs, and four downstairs. Sa third floor ay sadyang ginawang recreational area.
Ang dining table ay malaki at mahaba; nasa dulo si Felicia Zodiac bilang head of the family, habang nasa kabilang dulo naman si Lee bilang host. Well, he was indeed the most talkative and entertaining.
Bukas pa ang aktuwal na kaarawan ng namayapang padre de familia na si Arc Zodiac kaya inaasahan pa ng lahat na may darating pang ilang miyembro ng pamilya. Although, nakaringgan na niyang hindi makararating si Cerlance dahil na-stock ito sa Cagayan de Oro dahil sa nagdaang bagyo, pati na rin si Viren na isa raw chef sa Singapore. Those two had confirmed that they couldn't make it because they weren't in town, while the others just didn't want to show themselves up. At naiintindihan iyon ni Felicia—which surprised Calley. Inasahan pa man din niyang magdadamdam ito, pero tila wala sa karakter ni Felicia Zodiac ang ganoon. The old woman had a forgiving heart...
Magkatabi sila ni Phill sa harap ng mesa, at sa harapan nila ay ang mag-asawang sina Quaro at Kirsten. Sa tabi niya ay si Taurence na maayos ang pakikitungo sa kaniya, at ang ilan sa mga kaharap niya ay sina Aris at Leonne. Sacred didn't join them, as expected by everyone. Wala ring nagbanggit tungkol dito o may naghanap; it was as if everybody preferred him to not be around. Or maybe they all expected Sacred to refuse dinner?
Ahh... she didn't know. The family seemed to get used to Sacred's distant attitude.
Pero nahihiwagaan talaga siya sa lalaking iyon...
And she also felt sorry for him. As a doctor, she knew something was wrong and she wanted to recommend him to a psychiatric doctor; maybe he just needed intervention or enlightenment?
Sacred wasn't the same as his brothers, she noticed that. Kaya siguarado siyang may pinagdadanana ito na hindi niya alam kung alam ng buong pamilya.
She wanted to help Sacred, but how?
"You okay? You don't like the food?"
Napaigtad siya nang maramdaman ang mainit na hininga ni Phillian sa kaliwa niyang tenga. Binulungan lang siya nito at nataranta na kaagad ang buo niyang katawan.
Binalingan niya ito at ningitian. "The food tastes great. May iniisip lang ako."
"If you want anything, just let me know, okay?"
Tumango siya, ang kaniyang ngiti'y lumapad. "Okay."
"Hey."
Sabay silang napatingin ni Phillian kay Quaro nang marinig ang pagtawag nito. Nasa harapan lang nila ito kaya kitang-kita nito ang bulungan nilang dalawa, habang si Kirsten naman na katabi nito'y pilit na pinipigilan ang pagngiti habang kumakain.
"D'you wanna get a room?" ani Quaro na ikina-tawa ng ilang sa mga kapatid nila.
Si Phillian ay ngumisi at muling niyuko ang pagkain habang siya nama'y biglang nakaramdam ng hiya. Ramdam niya ang pagkalat ng init sa magkabila niyang mga pisngi; lalo nang masulyapan niya si Felicia Zodiac na malapad na ngumiti.
"I am really happy that you're here to join us, hija," anang ginang. Ang mga mata nito'y kuminang sa galak. "Lumalaki na ang pamilya namin-- parang kailan lang noong dalhin ni Quaro si Kirsten dito." Masuyo nitong inilipat ang tingin kay Kirsten na napangiti rin sa mother-in-law.
Si Lee na nasa kabilang dulo ay hindi napigilang mag-komento. "I have a feeling na magsusunod-sunod na ito, Ma. Who knows, baka sa susunod na buwan ay si Aris naman ang magdadala ng kasintahan dito?"
Si Aris na nasa harapan niya'y napa-ubo. Kinuha nito ang baso ng tubig at inubos ang laman bago binalingan si Lee na natawa. "Magtuturo ka pa. Bakit hindi na lang ikaw ang sumunod?"
Napatitig siya kay Aris na ngayon ay kinantiyawan nina Lee at Taurence na mag-asawa na rin. Aris had a type of face that she would normally see on cinema. Hollywood-actor, matinee idol peg. His face was attractive, malinis at mabango sa unang tingin. He had a dark green eyes and thick lashes, at kung siya ang tatanungin ay ito ang may pinaka-magandang mukha sa magkakapatid. But no--she wasn't attracted to him. She just thought Aris was really handsome, pero para sa kaniya ay kulang sa dating.
"Sa dami ng babae mo'y ni isa, wala ka pang ipinapakilala kay Ma," narinig niyang sabi ni Taurence kay Aris. Napalingon siya at tinitigan ito.
Ace Taurence was the fourth child; the most popular in the family. Ito ang singer na kilala sa bansa at kinababaliwan ng maraming babae. She had learned from Kirsten that Taurence had stopped having a serious romantic relationship with women after he got ditched by his ex-girlfriend. This one wasn't the most handsome in her eyes, but he was the most attractive. May pang-hatak ito na hindi niya maipaliwanag kung ano.
"Bakit ako?" sagot ni Aris sa sinabi ni Taurence, dahilan upang ibalik niya ang tingin dito. "Bakit hindi si Leonne? Tutal ay mukhang handa na rin naman ang isang ito na mag-asawa na."
Nilipat niya ang tingin kay Leonne na kanina pa tahimik habang nakayuko sa pagkain.
"Leave me alone," ang tanging ini-sagot nito.
This one has a serious but gorgeous face, she thought. Para itong si Quaro na kahit hindi ngumiti ay kay gandang-lalaki pa rin. The seriousness in his face only gave him a mysterious vibe; something women liked in men. Mystery.
Leonne's hair was longer than usual, and he tied it in a messy bun. He also had a two-day stubble on his face which she thought was very manly. And the color of his eyes was the prettiest she had ever seen-- golden amber.
Lihim siyang napailing at muling niyuko ang pagkain habang ang magkakapatid ay patuloy na nagtulakan kung sino ang sunod na magpapakilala ng kasintahan sa ina. Pansin niyang sadyang hindi ng mga ito binanggit ang pangalan ni Taurence bilang pag-respeto na rin marahil sa nararamdaman ng isa sa pagkakaroon ng kasintahan.
Naisip niyang tama si Kirsten noong sinabi nitong kapag nakaharap na niya ang magkakapatid ay tila siya nasa Olympus. Why, all these men in front of her were all good-looking!
Pero siyempre...
Nilingon niya si Phill na nakikipagbiruan kay Aris; he was smilng brightly as he crack jokes about Aris' former girlfriends.
Napangiti siya.
Siyempre... Phillian was the hottest in her eyes.
At tama ulit si Kirsten noong sinabi nitong kahit paligiran pa siya ng napakaraming Greek Gods, kung ang mga mata niya'y sa iisang lalaki lang naka-tuon, ay wala nang impact sa kaniya ang iba. None of them mattered anymore. Phillian was still the best for her.
At sigurado siyang ganoon din ang damdamin ni Kirsten noon. She probably thought Quaro was also the best...
Oh well, that's how love works in people's lives, I guess... she thought again.
But... was she really in love with Phillian now?
Not the kind of love that she felt during lovemaking, but the kind of love that gives hope for tomorrow. The kind of love that makes people lose their minds and defies all reasons. The kind of love that points people in the right direction.
So... was she?
"Hay naku, tama na iyan at baka magkapikunan pa kayo..."
Muling umangat ang tingin niya nang marinig ang sinabi ni Felicia. Mababanaag sa anyo ng matanda ang saya habang nakikinig at nakatingin sa mga anak na nagkakabiruan.
"They're not kids anymore, Ma," ani Quaro sa sinabi ng ina. "Hindi na magkakapikunan ang mga 'yan."
"Right," sabat naman ni Lee. "Pero kahit noon pa ay hindi naman kami nagkakapikunan, Ma. Kahit noong nagkaagawan ng syota sina Aris at Cerlance ay hindi naman nagkapikunan ang dalawa."
Nanlaki ang mga mata ni Felicia sa narinig na ikinatawa ng mga anak.
"Did that really happen, Aris?" si Kirsten na namangha rin tulad niya.
Aris shrugged his shoulders and took the goblet of red wine to his mouth. "Part of growing up, Sis. We were only teens then."
"Nasty," sagot ni Kirsten na ikinangiti na ni Felicia.
"What?" natatawang tugon ni Aris sa sinabi ni Kirsten. "Ang sabi ni Cerlance ay hindi naman daw talaga niya gusto 'yon kaya sinubukan ko. I broke up with her after three days; gave her a gold bracelet to compensate the heartbreak."
Kirsten grimaced. "Treating women as objects. Napipikon ako sa'yo, Aris."
Aris gasped dramatically. "Kirsten, that woman laughed at me after our first sex! Sinabihan ba naman akong mas magaling si Cerlance-- natural na mainis ako. Pasalamat pa nga siya, kahit nainsulto pag.kalalaki ko'y binili ko pa rin ang bracelet na gusto niya bago ako nakipaghiwalay."
Sa pagkakataong iyon ay natawa si Kirsten. "Then I guess the bracelet compensated for the disappointment she got from your performance."
Napangiti siya nang pagtawanan ng lahat si Aris; si Quaro nama'y tinapik-tapik ang balikat ng kapatid na nakitawa na rin lang.
"You will never win a debate against Kirsten, brother. Ilang beses kong sinubukan, I never won."
Lalong nagtawanan ang magkakapatid, habang si Felicia naman ay nakangiting umiling-iling. Nang mapatingin ito sa direksyon nila ni Phillian ay muli itong nagsalita.
"Speaking of gifts-- nabuksan ko na ang mga dala mong paintings, Phill. They all look lovely!"
Natigil sa pagtawa si Phillian at binalingan ang ina. "Nagustuhan mo ba, Ma?"
"Of course, son. At sigurado akong magugustuhan din iyon ng daddy ninyo kung makikita niya." Masuyong ngumiti si Felicia.
Dala nila ang mga paintings na ginawa ni Phillian sa pagtungo roon—they brought all four, at her suggestion. At masaya siyang makita ang satisfaction sa anyo ni Phillian habang nakikinig sa papuri ng ina. Deep down, she knew he was proud of himself--of his arts. Hindi pa alam ng mga kapatid nito ang tungkol sa hobby na iyon kaya hindi magawang isatinig ni Phillian ang saya sa mga papuri ng ina. Pero kahit hindi nito sabihin ay alam niya... nararamdaman niyang maligaya ito.
And she was happy for him, too.
Was that how supposed to be like when in love?
The happiness not only for oneself but for others?
*
*
*
Matapos ang hapunan ay sandaling nagpaiwan si Phillian sa ibaba kasama ang mga kapatid. They were all catching up; doon sa porch ang mga ito nagtungo at bago siya pumanhik ay nakita pa niya ang paglabas ni Taurence bitbit ang isang bote ng mamahaling alak.
Si Kirsten naman ay umakyat na rin sa dating silid ng asawa, while Felicia was still in the kitchen talking to the housemaids about what to do for tomorrow's lunch.
Pasado alas dies na at nakararamdam na siya ng antok. Phillian said she could use his old room which was still perfectly maintained. Ang sabi nito'y sa silid ito ng kapatid na si Viren matutulog at kung may kailangan siya'y tawagan lang daw niya ito. Nagsabi itong hindi sila maaaring matulog sa iisiping silid hindi dahil sa bawal, kung hindi dahil nais nitong protektahan siya sa tingin ng mga kasambahay at ng ina nito. And she knew what it meant.
Kung si Nelly lang daw ay walang problema rito; Nelly was more loyal to him that to her own mother. At number fan nila si Nelly kaya suportado nito ang kabaliwan nila.
Pagdating sa itaas ay kaagad niyang hinanap ang silid ni Phillian. Nasa ikatlong pinto iyon mula sa landing, at nalaman niyang kay Phill iyon dahil naka-paskil sa pinto ang mga constellation signs.
Saktong nabuksan niya ang pinto ng silid ni Phillian nang mapalingon siya matapos marinig ang pagbukas ng isa pang pinto. Ang pintong nasa harapan ng silid nito; ang pinto ng silid ni Sacred.
Si Sacred ay sandaling natigilan nang makita siya. He was only wearing his sleeping pants and nothing more on top. At bumaba ang tingin niya sa hubad nitong dibdib nang makita ang malapad nitong tattoo roon. There was a Polynesian tribal tattoo on his left chest to his left shoulder down to his left arm, and the design looked interesting it took her attention, making her stop in amusement.
The tattoo reminded her of the Hollywood star Dwayne Johnson who had the similar tattoo design on his chest and arm. At hindi niya maalis-alis ang tingin sa dibdib nito dahil tinatanong niya sa sarili kung gaano ka-tagal ginawa iyon at kung gaano ka-lalim ang sakit na ni-inda nito para lang matapos iyon.
She was curious... and at the same time, mesmerized by the design.
"Do you wanna f.uck me?"
Nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay ng malakas na pagsinghap nang marinig ang sinabing iyon ni Sacred. Umangat ang tingin niya sa mukha nito at nakita kung paano tumaas ang isang sulok ng labi nito sa panunuya. His eyes were empty, as usual, and his face was unreadable.
"Excuse me?" she asked, startled by his words.
"Not only you're a flirt, but you are also deaf. Napaka-laking tanga naman ni Phillian para patulan ka."
Huminga siya nang malalim, pilit na inisisiksik sa isip na maaaring may problema sa pag-iisip si Sacred kaya nakakapagsalita ng ganoo. Itinaas niya ang mukha at hinarap ito. "Do you have a problem with me, Sacred?"
"No, why would I?" Ngumisi ito—ngising hindi umabot sa mga mata at puno ng panunuya.
"I don't like the way you speak to me; nakababastos."
"You're not the first to say that." His chuckle was devious.
Napagtanto niyang hindi niya ito makakausao nang matino. So, she shook her head in disappointment and turned her back on him.
Nilakihan niya ang pagbukas ng pinto ng silid ni Phillian at pumasok. At nang isasara na sana niya ang pinto ay anong gulat niya nang maramdaman ang pagtulak ni Sacred sa balikat niya dahilan upang mapa-bitiw siya sa doorknob at mapa-hakbang papasok. This gave him a chance to come in and pin her to the now widely-opened door. Ang isang kamay nito'y mahigpit na nakahawak sa pala-pulsuhan niya, habang ang isa'y mahigpit na nakahawak sa kaniyang bewang, making sure she stayed in her position.
Mangha niya itong tiningala, ang kaniyang mga mata'y nanlalaki sa... takot.
"What are you doing?" sita niya rito; pilit na nilalabanan ang kaba. Nakikita niya sa mga mata ni Sacred ang galit na hindi niya alam kung saan nanggagaling.
"You... and all other women are dirty," he said in a vindictive tone. "You don't deserve respect. Nor love and praise. Habang pinagmamasdan ko kayo kanina ni Phill sa kotse ay nasusuka ako."
Pinalagpas niya ang mga sinabi nito at pilit na pinakawalan ang sarili.
But Sacred's grip just tightened, making it hard for her to free herself.
"I don't know why my brothers fall for your kind," he said, his tone was not changing. "Quaro's wife talks a lot and it hurts my ears; hindi ko rin alam kung ano ang nakita niya sa babaeng iyon para lumagay sa tahimik-- it was so unlike him."
She opened her mouth to ask him to let her go, but Sacred cut her off.
"And you? You act like you're the best woman but you're not."
Sinubukan niya itong itulak gamit ang isa niyang kamay—but Sacred was as tall as all his other brothers, and his body was as big as Phill's. She had no power over him.
Lalong tumindi ang kaniyang takot; sa likod ng isip ay hiniling niyang sana'y umakyat si Phill at makita ang nangyayari.
Yes, she could shout for help. But as much as possible, she didn't want to make a scene. She didn't want to ruin the family get-together, she didn't want to worry Felicia.
Itinaas niya ang mukha at pilit na sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Sacred. "Let me go," she said, trying her best to stay calm. "Aalis ka rin naman pagkatapos mong makuha ang gusto mo, hindi ba? You won't see me nor Kirsten after that, kaya bakit hindi mo na lang indahin ang presensya naming dalawa hanggang sa makaalis ka?"
Sacred smirked. "I will never accept you two as part of this family—"
"Then don't. No one is forcing you, anyway."
"I don't want you to carry the Zodiac's name."
That silenced her.
Would she? Would she carry the Zodiac's name?
Sa kabila ng mga nangyayari sa kanila ni Phillian, sa kabila ng nararamdaman nila sa isa't isa, at sa mga sinasabi nitong ayaw nitong umalis siya at hindi siya pakakawalan, ay hindi pa rin ito nagbabanggit tungkol sa pagpapakasal. At kahit nararamdaman niya'y hindi pa rin ito nagiging bokal sa damdamin sa kaniya.
Katulad din ba niya ito na nililinaw pa sa sarili ang tunay na nararamdaman?
Heck, but she was only waiting for Phill to tell her that he loved her. Dahil kapag sinabi nito iyon ay siya na ang magyayaya ng kasal. She needed him to marry her. She needed that marriage contract. Ayaw niyang mag-live in lang sila. Ayaw niyang magbuntis at manganak nang hindi sila kasal—because without the marriage contract, her problems would never be solved!
"Did you hear me?"
Napakurap siya at ibinalik ang pansin sa lalaking kaharap. Walang pagbabago sa anyo at tono nito, at muli niyang sinubukang pakawalan ang sarili subalit humigpit lang lalo ang pagkakahawak nito sa kaniya.
"It's not for you to decide, Sacred. At hindi ikaw ang pakikisamahan ko kung sakali, so calm your f.ucking boat—" Nahinto siya kasunod ng marahas na pagsinghap nang naging mapusok ito at ini-diin pa siya lalo sa pinto. Sa ginawa nito ay tumama ang tagiliran niya sa doorknob, dahilan upang mapa-ungol siya sa sakit.
She didn't know what Sacred thought of that groan, pero mukhang nainis ito at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya—to the point where she was starting to get worried that he might break her arm.
"H'wag kang magmura sa harapan ko. Show some respect."
"Respect?" she couldn't help but scoff. "Respect begets respect, Sacred—"
"Don't say my name so casually, you are not a family."
Muli niyang itinaas ang mukha upang salubungin ang tingin nito; nagpapasalamat siya kung saan man nanggagaling ang tapang niya sa mga sandaling iyon. "Just let me go and get out of this room. Kung naiinis ka sa presensya ko rito ay mag-iwasan na lang tayo."
"I hate women, and that includes you," anito na tila hindi narinig ang kaniyang mga sinabi. "I can't believe my brothers are bringing pigs in this house; nadudumihan ang pamamahay namin sa presensya ninyo ng Kirsten na iyon—" Nahinto si Sacred dahil hindi na niya napigilan pa ang sarili. Ang kaniyang palad ay dumapo na sa mukha nito.
"You are a nut-case, Sacred. Wala kaming ginawang masama sa'yo para bastusin mo kami nang gan—" Muli siyang nahinto, pero sa pagkakataong iyon ay hindi na dahil sa paraan ng pagkakahawak nito sa braso niya, kung hindi sa biglang pagbaba ng mga labi nito sa kaniya.
Her eyes grew big in shock—Sacred lips were on hers!
Sa mga sumunod na mga sandali ay para siyang nawalan ng lakas sa labis na pagkagulat. She didn't see that coming—she didn't know how to react; she was stunned.
Hanggang sa unti-unting kumalat ang kilabot sa buo niyang katawan. Kilabot sanhi ng magkahalong pagkamangha at takot.
She didn't feel safe around this guy. And while his lips were on hers, chills started to grow within her. Muli niya itong itinulak, but Sacred just grew even more agressive.
A soft cry of fear came out of her throat, and she was about to kneel him between his legs to defend herself when something hit Sacred; sending him to the ground.
"What the f.uck, Sacred?!"
She turned and saw Phillian's face filled with fury.
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top