43 - The Black Sheep
Nakangising mukha ni Phillian ang nabungaran ni Calley paglabas nito sa healthcare center. Si Phillian ay nakasandal sa gilid ng pick up truck nito na nakaparada sa harap ng center, ang mga braso'y magka-krus sa tapat ng dibdib at ang ngisi'y abot tenga.
Napapailing siyang lumapit at huminto sa harapan nito. Humalukipkip din siya at pinigilan ang sariling panggigilan ito sa ginawang panunukso kanina.
"You are such a devil," aniya rito na ikina-tawa ng loko. "Nakakahiya kanina sa nanay ng huling pasyente ko; ang akala'y napaano na ako."
Lumapad ang ngisi ni Phillia. Ini-tuwid nito ang tayo saka binuksan ang pinto ng front seat para sa kaniya. "Hop in, we have a lot of stuff to do back home."
And she knew exactly what he meant. Oh Lord, she knew exactly what that meant, and she couldn't wait!
Napailing siya kunwari upang hindi nito mapansin ang pananabik sa kaniyang anyo. Sumampa siya sa front seat at inayos ang sarili sa upuan. Hinintay ni Phillian na maikabit niya ang seatbelt bago nito ipinatong ang siko sa nakabukas na bintana sa panig niya at tumingkayad upang ilapit ang mukha sa kaniya.
Bahagya niyang nai-atras ang ulo sa pagkagulat. Sandaling lumampas ang kaniyang tingin sa balikat ni Phillian at nakita ang dalawang nurse na nasa waiting area ng center at nakatingin sa direksyon nila. Nagbulungan ang mga ito at naghagikhikan.
Ugh, great. Siguradong bukas ay tutuksuhin na naman siya ng dalawang iyon.
Sina Carren at Aya, ang dalawang nurses sa center, ay kilalang-kilala si Phillian. Maliban sa driver ng delivery truck ni Phillian ang kuya ni Carren ay kilala rin ng mga ito si Phill bilang eligible bachelor ng bayan ng Contreras. Nang malaman nga ng mga ito na siya ang kasintahan ni Phillian ay nagkatilian pa sa center.
"Babe..."
Ibinalik niya ang tingin kay Phillian nang pukawin siya nito. "Yes, Mr. Fisherman?"
"I won't move unless you give me a kiss."
Natawa siya—Phillian was being adorable and she couldn't help but pinch his cheek. Yumuko siya at dinampian ito ng banayad na halik sa mga labi na ikinangiti nito.
"Hindi nila ako napakinabangan kanina sa silong," he said. Nanatili pa rin ito sa kinatatayuan.
"Why?" aniya habang pinapahiran ang munting mantsa ng lipstick na naiwan niya sa mga labi nito.
"Because the strawberry jams were delivered to me this morning and the idea instantly popped in my head. Simula kaninang umaga hanggang sa pag-alis ko ay hindi na ako napakali at halos hilahin ko na ang mga oras hanggang sa matapos ang shift mo." Muli itong tumingkayad upang halikan siya sa mga labi. She didn't restrain; she opened her lips and waited for his.
The kiss he gave her was swift and tender; ramdam niya ang pagpipigil nito. At nang maghiwalay ang mga labi nila'y natawa siya nang makitang nalipat dito ang lipstick niya. She brushed it off with her thumb, and Phillian just stood there, looking her in the eye.
"You drive me crazy, Calley. I have never acted this way with other women before."
"Ilang beses mo ba dapat sasabihin sa akin iyan?" nakangiti niyang wari.
"Hanggang sa tumatak sa isip mo kung ano ang papel mo sa buhay ko. Nang sagayon... kahit na saan ka magpunta ay maaalala mo ako." He then took her hand and kissed the back of her palm. "Hanggang sa mabaliw ka rin sa akin at hindi mo na naisin pang kumawala."
"Bakit, Phillian? Sa tingin mo ba ay gusto ko pang kumawala?"
Phillian shrugged, kissing her hand once more while locking his eyes on hers. "We never know what tomorrow holds, Calley." Banayad itong bumitiw at muling ngumiti. "Speaking of tomorrow; I have a surprise for you. Pero bukas mo na malalaman kung ano."
"Bukas? Hindi ba bukas ay pupunta tayo sa ancestral house ng pamilya ninyo to celebrate your Pop's birthday in heaven?"
"Yeah, that's correct. And I also have a surprise for you tomorrow."
"Hmmm, kailangan ko bang kabahan?"
Phillian chuckled and leaned over to give her another peck. Pagkatapos niyon ay umikot na ito pabalik sa driver's side, pumasok, at umayos ng upo. He then put up his seat belt, started the engine, and turned to her with a grin on his face. "Pwede mong hulaan kung ano ang sorpresang iyon, pero bibigyan lang kita ng pagkakataon hanggang sa makarating tayo sa beach house. Kapag hindi mo nahulaan kung ano ang maaaring sorpresang naghihintay sa'yo bago tayo makauwi ay may parusa ka."
"At ano naman ang magiging parusa?"
His grin widened. "Why do you even need to know?"
"Para makapaghanda ako, ano pa nga ba?"
Phillian turned his attention to the road; adjusting the gear and checking on side mirrors. "If you didn't guess it correctly, you will bathe in strawberry jam tonight, baby."
Napahugot siya ng malalim na paghinga at napakapit nang mahigpit sa seatbelt. Heto na naman siya at nararamdaman na naman ang pagsalakay ng apoy sa buo niyang katawan.
"Why the hell would I even bother guessing? Bring it on, Mr. Fisherman."
This time, Phillian laughed merrily and leaned over her. Sinalubong niya ito at muling nagdampi ang kanilang mga labi. This time, the kissed went on for a little over ten seconds. At kung hindi pa sana nila narinig ang pagbusina ng tricycle sa hindi kalayuan ay hindi pa sana sila naghiwalay. Muli siyang natawa nang makitang kumalat ang light pink lipstick niya sa mga labi nito. Kumuha siya ng tissue sa dala niyang bago at pinahiran iyon.
"I have a suggestion, babe."
"Hmm, what is it?"
"Remove your lipstick whenever I come to pick you up."
She chuckled in joy. "That doesn't sound like a suggestion. It sounded more like a command, darling."
Hindi na sumagot pa si Phillian at ngumisi na lang.
Sa loob ng labinlimang minutong byahe pauwi sa beach house ay parehong tahimik ang dalawa. They were both anticipating for what's about to happen back home—Phillian had waited all day for this, and Calley was looking forward as to how Phill would execute his naughty plan.
Nang matanaw na nila ang gate ng beachhouse ay binagalan ni Phillian ang pagmamaneho. At nang marating iyon ay bigla itong napa-apak sa preno nang may makita silang lalaki na nakaupo sa konkretong flower bed. Humihithit ito ng sigarilyo, nakasuot ng itim na leather jacket at itim na t-shirt sa loob, itim na pantalon, at sa paa'y itim rin na sneakers.
The man's fashion reminded her of Esther. Mahilig din sa black ang mangkukulam niyang tiyahin.
Nang tumayo ang lalaki ay saka niya ibinalik ang tingin sa mukha nito; and his face almost took her breath.
Another Adonis dropping by Phillian's house.
At mukhang hindi na niya kailangang hulaan kung sino ito—kung ang pagbabasehan ay ang banyagang anyo ng lalaki.
Natigil siya sa pagsuri nang lumapit sa harapan ng nakahintong truck ang lalaki. Sunod ay narinig ang mahinang pag-mumura ni Phillian na ikinalingon niya rito.
And she realized that Phill wasn't cursing due to anger—it was more on annoyance.
"Why, what's the matter?" she asked.
Hindi ito sumagot, sandali munang nakipagtitigan sa lalaking nasa harapan.
Ibinalik din niya ang tingin doon, at natigilan siya nang makitang sa kaniya naman nakatingin ang lalaki.
And the man's expression was so empty na hindi na niya pagtatakhan kung sasabihin ni Phillian na gawa sa bato ang puso nito.
"Who is he?" she asked again. Kailangan niya ng kompirmasyon.
"He is one of my brothers," Phillian said before pressing the horn. Ginawa nito iyon upang paalisin ang lalaki sa harapan nang sagayon ay makaraan ang truck. Pero ang lalaki ay hindi nagpatinag. Hindi ito umalis sa kinatatayuan at ang tingin ay muling nalipat kay Phill. Isang hithit pa ang ginawa nito sa sigarilyong hawak bago nito iyon ibinaba sa lupa at tinapakan. At habang sinusuri niyang muli ng tingin ang lalaki ay saka niya napansin ang naka-sukbit na backpack sa kaliwang balikat nito.
Huminga nang malalim si Phillian; trying to calm himself. Ramdam niya ang disgusto nito na makita roon ang isa sa mga kapatid. Pero, bakit?
Phillian removed his seatbelt and swung his head outside the window. "Do me a favor and open the gate, Sacred!"
Sacred?
Sandali siyang nag-isip.
Hanggang sa maalala niyang minsan nang nabanggit ni Nelly ang tungkol sa isa sa mga kapatid ni Phillian na ganoon ang pangalan. She could still remember it because she thought the name was unique.
Sacred.
And she remembered Nelly dubbing him as the black sheep of the family.
Okay... Huminga siya ng malalim.
Mukhang sa araw na iyon ay malalaman niya kung bakit ito tinawag na ganoon.
*
*
*
"Kaya ka ba naligaw rito dahil plano mong sumabay sa akin pauwi sa Contreras bukas?" tanong ni Phillian sa kapatid nang makapasok na sila sa loob.
Si Sacred ay walang salitang naglakad papasok sa loob at dumiretso sa sala upang ilagay ang bag nito sa couch bago humakbang patungo sa kusina. Sinundan ito ni Phillian doon, habang siya nama'y sandaling nahinto sa living area at hinayaan muna ang mga ito. Alam niyang kahit hindi siya sumunod ay maririnig pa rin niya ang pag-uusap ng dalawa mula sa kinaroroonan niya.
Sunod niyang narinig ay ang pagbukas at ang pagsara ng fridge, bago niya narinig ang pagsagot ni Sacred. "Why would I come home?"
Nakita niya ang paghugot ni Phillian ng malalim na paghinga bago ito sumandal sa hamba ng pinto ng kusina saka humalukipkip. "Why are you here then?"
"I came to borrow some cash."
"From me?"
"Is there anyone else I could borrow from? Ikaw ang kausap ko, siyempre sa iyo."
Phillian smirked. "What made you think that I'd actually lend you some cash?"
"Because I'm your brother?"
"Give me a more valid reason than that."
"Because I f.ucking need money, Phillian. Do you have fifty thousand?'
Napa-iling si Phillian sa pagkamangha. "Sacred, you are hopeless. Hindi ka na ba talaga magbabago? Ilang buwan kang hindi nagpakita sa amin at umuwi sa ancestral house para kumustahin si Ma. Tapos ngayon ay magpapakita ka sa akin para manghiram ng pera?"
"But do you have money to lend me? Kung wala ay maghahanap na lang ulit ako ng paraan."
"Like what? Scamming people? And then, what? Sa kulungan ka na naman namin makikita sa susunod?"
"It only happened once, and it happened because none of you were willing to lend me some cash."
"That's because we earned our money with our sweat and blood, Sacred, at hindi namin basta maipahihiram sa'yo dahil maliban sa wala kang matinong trabaho ay hindi rin namin alam kung saan napupunta ang pera mo." Phillian released another sigh. Labis-labis ang pagtitimpi nito. "Just go visit mom tomorrow, okay? She hasn't seen you for a year."
"I called her last month, that would suffice."
Kahit sa malayuan ay nakikita niya ang pagkuyom ni Phillian sa mga palad. She could sense not only irritation and annoyance, but anger emanating from Phillian.
Ngayon ay alam na niya kung bakit nasira ang mood nito kanina nang makita ang kapatid sa harap ng gate.
Hindi kaagad na nakasagot si Phillian sa sinabi ni Sacred dahil sa hula niya'y pilit nitong hinahabaan ang pasensya. She hadn't seen Phillian got so angry before, at wala siyang ideya sa maaari nitong gawin kapag tuluyang nagpakain sa galit.
Ilang sandali pa ay napatuwid siya ng tayo nang makitang lumabas mula sa pinto ng kusina sa Sacred na sadyang nilampasan si Phillian. Sa kamay nito ay ang isang litro ng mineral water, at napangalahati na nito iyon. Nasa gitna na ito ng living area nang mahinto matapos siyang makita; muli siya nitong sinuri ng tingin bago nito nilingon si Phill na nakasunod lang ang tingin.
"Got a new chick, I see."
"She's not my chick, she's—"
"Your wife?" Ibinalik nito ang tingin sa kaniya saka siya sinuri mula ulo hanggang paa. Then, he smirked. But there wasn't a sign of insult or mockery. It was a smirk of somewhat... disappointment.
Muli nitong nilingon si Phillian. "You and Quaro are falling into these women's traps like idiots. What did they feed you both to settle down and be their slaves? Tsk, you two are so annoying."
Inituwid ni Phillian ang pagtayo. Ang anyo nito'y nanatiling seryoso, ang pagtitimpi ay naroon pa rin. "She's Calley, my girlfriend. And you should really start showing some respect on your brothers' women if you didn't want to get in trouble."
Umismid si Sacred at hinarap siya. Muli siya nitong sinuri ng tingin saka dinala sa bibig ang bottled water. Matapos uminom ay muli itong nagsalita. "You and Quaro are becoming romantic fools it's making me puke."
"Puke all you want, but you have no say about our lives, Sacred. Now, I'll pretend I didn't hear all your nasty words. Stay for dinner, we will prepare some food."
Bagot na nilingon ni Sacred si Phillian. "So, are you going to wire me 50K?"
"No."
"Come on. I'll pay you up."
"When?"
"When I get my paycheck."
"You don't have a job, Sacred."
"I have a job that will start next week."
"Do you really think you can fool me?"
Nagkibitbalikat ito. "Fine. Kung hindi ninyo ako pauutangin ay kay Mama na lang ako lalapit. Surely, she would wire me more than I need."
Doon napaungol sa inis si Phillian. Ang anyo nito'y lalong nalukot.
Mukhang alam ni Sacred kung paano gamitin ang baraha nito.
Si Phillian ay dumiretso sa couch at dinampot ang backpack ng kapatid. "Fine, Sacred. I'll wire you some cash, but not today."
"When?"
Ini-itsa ni Phill ang bag pabalik kay Sacred na kaagad namang na-salo ng isa. "After Pop's birthday. Sumama ka sa amin bukas pauwi ng Contreras; Ma would surely love to see you again."
Si Sacred ay sandaling nakipagtitigan sa kapatid bago umismid at tumalikod. Humakbang ito patungo sa hagdan. "Whatever. I'll take the guest room upstairs."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top