40 - The Visitors




            "Hey." Lumapit si Phillian kay Quaro na tumayo at inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon. Quaro's eyes were on Calley; silently studying the lady.

           Si Phillian ay si Kirsten naman ang binalingan; humalik ito sa pisngi ng sister-in-law at bumati. "Yellow suits you, Kirsten. You look stunning."

           Kirsten's eyes rolled up. "I used to hate yellow, you know? But that changed when I got pregnant; lahat ng matitingkad na mga kulay ang trip ko na isuot ngayon sa puntong halos mabulag na ang mga mata ko. I only have bright pink, red, and yellow in my closet, geez. Anyway, kumusta ka naman? Ang sabi ni Nelly ay hindi ka raw makasasama sa concert ni Tau?"

           "Yeah, katatapos lang ng bagyo at marami akong kailangang asikasuhin sa silong. But I'm sending Nelly to join your guys." Nilingon ni Phillian si Calley na tahimik na nakatingin sa mga bisita. "By the way, this is Calley, my girlfriend."

           "Girlfriend?" si Quaro na nagsalubong ang mga kilay. "You were at my house sixteen days ago and you said nothing about her. When did you two meet?"

           "Does it even matter, Quaro?" Kirsten said with a warning. Kilala na nito si Quaro; laging praning. Tila kriminal ang tingin sa lahat.

            Quaro just shook his head in surrender; hindi na ito nagsalita pa. Alam din nitong hindi mananalo kay Kirsten kapag nakipagsagutan na.

           Si Kirsten ay si Calley naman ang hinarap at ningitian. "Hello, Calley. My name is Kirsten, and I am Phillian's sister-in-law. This man with me is my husband, Quaro. Don't mind him, he is always suspicious; na-trauma sa akin." Kirsten paused and giggled. "He's nice and all, but he isn't friendly so I hope you would understand. Kapag napatunayan niyang hindi ka kriminal, he would eventually calm his ass down."

            "Oh," Calley uttered, chuckling a little. "I am not a criminal, don't worry." Inabot nito ang kamay kay Kirsten. "Nice to meet you, by the way. I heard a lot about you from Nelly and Tita Feli."

           "Oh!" Naitakip ni Kirsten ang isang kamay sa bibig, habang ang isa'y inabot kay Calley. "Ikaw ang kinukwento ni Ma noong dumalaw siya sa amin! Ang sabi niya'y may boarder dito si Phillian na ang pangalan ay Caty at..." Nahinto ito at binalingan si Phillian. Kirsten's eyes narrowed in suspicion. "Wait a minute... Ang sabi ni Ma ay itinanggi mong may namamagitan sa inyong dalawa. Ha! Magkapatid nga kayo ni Quaro."

           Phillian chuckled merrily. Pinagkrus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Well, iyon ay dahil totoong wala pang namamagitan sa amin ni Calley noong araw na dumalaw rito si Ma."

           "Yeah, right, Phillian. Bakit pa ba ako nagtataka," tuya ni Kirsten saka muling binalingan si Calley. Kirsten smiled again. "I'm glad that Phillian finally found a girl. Pihikan daw masiyado ito, eh. Where did you two meet? Ang buong akala namin ay sa dagat lang umiikot ang buong buhay ni Phill, iyon pala ay nakatitisod din ng babae sa lupa. Sigurado ka bang hindi ka sirena?" Kunwari ay niyuko ni Kirsten ang mga binti ni Calley na natawa lang.

           "We met ten years ago," Calley answered, glancing at Phillian whose smile went wide.

           "Ten years ago?" si Quaro na muling kinunutan ng noo.

           "Yeah," Phillian answered. "The girl I had been searching for in the past ten years. That's Calley. She's that girl."

           Sandaling nag-isip si Quaro kung ano ang ibig sabihin ng kapatid, at nang rumehitro sa isip nito ang tungkol sa babaeng ilang buwang kinabuangan ni Phillian matapos ang pagkakakilala ng mga ito'y pinanlakihan ng mga mata si Quaro. Tinitigan nito si Calley nang matagal hanggang sa nagpakawala ito ng ngiti na ikina-singhap naman ng dalaga.

           Why, the man looked even more handsome when he smiled. He was as hot as Phillian, too, but the two had a big difference.

            While Phillian was the typical mestizo, Quaro was the tall, dark, and handsome type. Mas charming nga lang ang mukha ni Phillian dahil maamo at mukhang mabait, as opposed to his elder brother who looked like he had trust issues with people around him.

           "Well, then, nice to meet you, Calley." Ini-abot din ni Quaro ang kamay kay Calley, ang anyo ay lumambot na. "And welcome to the family. Now that Phillian had found you, I doubt you'll be able to run away. He ain't gonna let you go."

           Pinamulahan ng mukha ni Calley at hindi kaagad nakasagot. Tiningala nito si Phillian na hindi na mapuknat ang pagkakangiti. Ibinalik ni Calley ang tingin kay Quaro. "Well I guess I could say the same. Hindi na rin ako aalis dito sa beach house kahit ipagtabuyan niya ako."

           Quaro and Phillian chuckled almost simultaneously; ang babaw ng kaligayahan ng mga ito.

           Or maybe because they were just happy because they were in love?

           Men's happiness was shallow when they were with their loved ones. They were the easiest to please.

           "Bakit hindi mo na rin ipasama sa amin si Calley, Phill?" suhestiyon ni Kirsten. "She and Nelly could come with us dahil siguradong magiging abala ka at hindi mo siya maaasikaso. Tapos ay ako na ang bahalang magpakilala sa kaniya sa mga boys."

           Nawala ang ngiti ni Phillian. Ang kamay nito'y awtomatikong pumulupot sa bewang ni Calley. "Nope. Nah-uh. She is not going to meet the boys without me."

           "Uh-huh." Humalukipkip si Kirsten, malapad na ngumisi. "You and Quaro and the rest of the boys are the same after all. Takot na takot kayong magkagusto ang mga syota ninyo sa mga kapatid ninyo."

           Quaro raised his index finger and pointed it to Kirsten. "Correction—hindi kita syota. You are my wife now. At hindi ako takot na—"

           "Gah!" Kirsten's eyes rolled up again, cutting Quaro's argument. "Ang ibig kong sabihin ay 'yong noon. Iyong selos na selos ka kasi titig na titig ako sa mga kapatid mo noong unang beses na dinala mo ako sa ancestral house, remember that? You walked out because you couldn't take the jealousy. And don't you dare deny it, sinabi sa akin ni Phillian iyon."

           Pinigilan ni Calley na matawa sa paraan ng pakikipag-usap ni Kirsten sa asawa. Lalo na nang manahimik si Quaro at umiwas ng tingin.

            Nagpatuloy si Kirsten. "Hindi ba at nagka-panic attack ka rin noong araw na iyon? Why, hindi mo ba naisip na magagandang lalaki rin ang mga kapatid mo? Nagsisi ka nga noon na dinala mo ako dahil napagtanto mong baka magkagusto ako sa isa sa kanila, hindi ba? Bigla kang nag-alala na baka patusin ko ang isa sa kanila, you even said it right in my face." Nanulis ang nguso ni Kirsten nang maalala ang masasamang salitang sinabi ni Quaro noong unang gabing naroon sila sa ancestral house. That was the first time Quaro had verbally hurt her. Inirapan nito ang asawa saka sinulyapan si Phillian na malapad ang pagkakangiti. "Ikaw naman, ayaw mong ipasama sa amin si Calley dahil nag-aalala kang baka mabulag siya sa mga kapatid ninyo. Duh, Phillian. Sarap ninyong pag-untugin ni Quaro."

            Phill just answered Kirsten with a chuckle. Kahit sumagot ito at itanggi ang mga sinabi ng sister-in-law ay hindi rin ito mananalo.

            Kristen rolled her eyes once again and turned to Calley. Ang ngiti sa mga labi nito'y muling bumalik. "But you what, Calley? I can't really blame these guys. Paano, lahat silang magkakapatid ay tunay na may itsura; one of them is a famous singer na noon ay sa radyo ko lang naririnig. When I first saw Taurence I was starstruck. Kapag nakita mo ang iba pa nilang mga kapatid ay siguradong maiisip mong nasa Olympus ka kaharap ang mga Greek Gods. But you know what? If your eyes are already set on someone, kahit sino pang Greek God yang nasa harapan mo'y wala nang impact. Naalala ko noong una kong nakilala itong si Phill, I thought he's really handsome at natulala ako. Pero para sa akin, si Quaro pa rin ang the best kasi noong mga panahong iyon ay mahal ko na talaga siya. And I think natural lang sa mga babaeng matulala kapag may nakikitang magandang lalaki, you feel me? Even now, aminin mo. Nang makita mo si Quaro, naisip mong pogi siya at natulala ka sandali, ano?"

           Calley giggled and nodded her head.

           "Hey!" ani Phill bilang pagsuway.

           "See?" Kirsten said. "You find Quaro handsome but it's still Phillian that you want, tama ba?"

           "That's correct," Calley answered. She's starting to really like Kirsten. Para itong si Nelly, taklesa rin. Ang pinagkaiba lang ay sosyal ang dating nito.

           "Well, girl, I feel you. And these guys would never. Kaya tayo-tayong mga babae lang talaga ang makaiintindi sa mga damdamin natin." Lumapit lalo si Kirsten kay Calley at ipinulupot ang mga braso sa braso ng huli. "I like you. Magkakasundo tayo. Sumama ka sa amin ni Quaro, mabo-bore ka rito kasama si Phil dahil magiging abala siya sa laot. Dalawang araw lang naman, eh. Manonood tayo ng concert ng kapatid nilang singer, the whole family is invited to come at siguradong matutuwa si Mama kapag nakita ka. You should really come para makilala mo rin ang iba pa nilang mga kapatid."

           Pinong ngumiti si Calley. At dahil magkatabi ito at si Kirsten ay noon lang nito napagtantong mas matangkad pa ito ng ilang pulgada sa huli. Kirsten was a short lady with a really nice morena skin. At kung noo'y masaya na si Calley sa pagiging mestiza, ngayon ay tila ito nainggit sa morenang kutis ng sister-in-law ni Phillian. At sa malapitan, Kirsten had an adorable yet sexy face. She wasn't the most beautiful but she had this sexy look on her face that would make men think of bed. Or sex.

            Kirsten was seductively pretty.

           "I'm sorry, pero hindi ko yata maiiwan mag-isa rito si Phill," sagot ni Calley makaraan ang ilang sandali. Masaya itong naimbitahan subalit kung sa Maynila pa ang concert ay hindi ito maaaring sumama. She couldn't take the risk; hindi pa ito handang sabihin sa buong pamilya ni Phillian ang tungkol sa sitwasyon nito.

           "Yeah, that's right," sabat naman ni Phillian. "Besides, may gagawin kami ni Calley bukas kaya hindi siya maaaring sumama. Plus, I am bringing her to Asteria next week, on Pop's birthday."

           "You will?" Quaro asked, smiling a little. Alam na nito kung ano ang ibig sabihin ng pagdadala roon ni Phillian ng babae. Quaro instantly knew his brother was going to take the relationship to a whole new level. He knew, because that was the same reason he brought Kirsten with him back then.

           "Yeah, kaya doon na tayo magkitang muli." Si Phill ay nilingon si Nelly na muling naupo at palipat-lipat lang ang tingin sa apat. "Hey you, Barbie doll. Nasaan na ang mga gamit na dadalhin mo sa pagsama? They're here to pick you up."

           "Ay, oo nga!" Napatayong muli si Nelly. "Naaliw akong panoorin kayong apat. Para akong nanonood ng pelikula sa sine."

           Humagikhik si Kirsten sa sinabi ni Nelly bago lumapit at doon naman lumambitin sa braso ng huli. "Nelly, doon ka na kasi muna sa bahay namin ni Quaro. I could use some entertainment, you know? Itong si Quaro ay walang ginawa kung hindi manahimik at titigan ako sa buong maghapon."

           "Well, that's because you don't want me to talk to you," sagot naman ni Quaro na muli nang naupo sa couch.

           "Well, that's because you piss me off sometimes." Kirsten then puckered and glanced at Calley. "The first trimester is really annoying, kahit hindi ko gusto'y umiinit na lang nang walang dahilan ang ulo ko sa asawa ko."

           Ibinaba ni Calley ang tingin sa tiyan ni Kirsten. "How far along are you now?"

           "Three months, pero mukha nang five months sa laki."

           "You will probably have a healthy baby. But you need to watch out on what you eat because a woman's body during pregnancy is a wonderland." Masuyong ngumiti si Calley nang makita ang pagkunot ng noo ni Kirsten. "Start on your diet in the second trimester. Get plenty of fruits, vegetables, whole grains, and healthy fats. Iyon ang makabubuti para kay baby at sa iyo na rin. Don't forget to also take your Folic acid supplementation; it's very important because it prevents abnormalities of the baby's brain and spinal cord. And you might as well—" Natigilan si Calley nang makitang napatulala si Kirsten.

           "Sorry, I'm a doctor. I don't specialize in women's health but I could give some advice."

           "Oh! Doktor ka?" bulalas ni Kirsten.

           "Yeah. I'm in Pediatrics. You probably already have a doctor, but I hope my advice could help."

           "It sure will!" Excitement was on Kirsten's voice. Binalikan nito si Calley at muling hinawakan sa magkabilang kamay. "Let's talk more. Gusto kong makahingi ng payo mo tungkol sa hormonal changes and all. Baka may payo ka sa akin on how to prevent getting mad at my husband; kahit ako'y napapagod na rin kasi. Let's go to the kitchen and have some coffee, shall we?"

            "You can't have coffee, Kirsten," suway ni Quaro. "Your doctor said you can't."

            Napanguso si Kirsten. "Bummer," usal nito saka nilingon si Nelly. "Hali ka na nga lang din, Nelly. Kung hindi ka pa nakakapagluto ng almusal ay tutulungan ka na namin ni Calley. Mamaya mo na ibaba ang mga gamit mo't mamayang hapon pa tayo aalis."

            "Bakit, Ma'am Kirsten? Marunong ka nang magluto?"

            "I have perfected my sunny-side-up, Nelly. Kaya ko nang mag-prito ng itlog nang nakapikit," Kirsten answered proudly.

           Hanggang sa makaalis ang mga babae at nagtungo sa kusina ay nanatiling nakasunod lang ang tingin ng dalawang lalaki. They were totally forgotten; ni hindi man lang ang mga ito niyaya para mag-kape o mag-almusal.

           But after a while, a gentle smile broke Quaro's serious face. He turned to Phillian and said, "Ang akala ko ba, sabi mo'y wala kang planong makisama sa mga babae? Sa loob lang ng dalawang linggo'y kinain mo lahat ng mga sinabi mo."

            "Did I say that?" Phillian said, smiling widely. Naupo ito sa harap ni Quaro at dinugtungan ang sinabi ng, "I am marrying her, Quaro. Sa loob ng sampung taon ay wala akong ibang babaeng naisip na nararapat para sa akin kung hindi siya lang. Now that I found her, I will never let her go."

            Ang ngiti ni Quaro ay nauwi sa pagngisi. Dumukwang ito at hinawakan ang kapatid sa balikat. "I am happy for you, Phill. And I wish you and Calley the happiness you both deserve. You've waited for this for so long."

            "Thanks, man."

            "Just a warning, though."

            Phillian frowned, his smile disappeared. "What is it?"

            "Watch out for the first trimester— it's hellish."

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top