39 - Lovely Curves
"Why didn't you tell me who you truly are from the get-go, Calley? Why the lies?" Phillian asked in a tender voice after the heat subsided.
They have just finished making love, their bodies were still connected, his face still buried between her neck and shoulder, and his hands were still gripping her hips.
Napatitig siya sa madilim na kisame habang patuloy sa mahinang paghugot ng paghinga. Naupos na ang mga kandila at ang tanging liwanag na tumatanglaw roon ay mula sa nakabukas na ilaw sa banyo.
Her body was still tender and now Phillian wants answers.
Humugot siya nang malalim na paghinga bago sumagot. "To be completely honest with you, hindi ko rin alam kung bakit ibang pangalan ang ipinakilala ko sa'yo noong nagising ako matapos mong matagpuan sa dagat. Bago ko pa naipaliwanag nang husto ang sitwasyon ko'y nagpakilala na ako bilang Caty Monsera, at hindi ko na nagawang bawiin pa."
"Who is Caty Monsera?"
"My mother's maiden name."
Naramdaman niya sa kaniyang balat ang banayad na paghugot nito ng paghinga.
"You've been here for more than two weeks and you had many chances to speak about the truth..." Surprisingly, there was no accusation in Phillian's voice.
"Ilang beses kong pinlanong sabihin sa'yo, pero sa tuwing gagawin ko na'y bigla akong naduduwag o kung hindi man ay naiistorbo tayo. Pero ngayong gabi ay nakahanda na rin sana akong magsabi ng totoo, pero naunahan mo ako. How, Phill?"
"Nelly heard you. Ang sabi niya sa akin ay ibang pangalan ang ipinakilala mo roon sa healthcare center."
"Oh. At inisip niyang..."
"Inisip niyang niloloko mo lang ako at hindi ka nagsasabi ng totoo dahil wala kang balak manatili." Phillian raised his head and looked her in the eye. "Ang sabi mo'y balak mo nang sabihn sa akin ang totoo ngayong gabi kung hindi lang kita inunahan. Bakit ngayong gabi lang?"
She smiled softly, her fingers gently touched his face. "Because I've spoken to my Ninong Lito and asked him to have all my stuff transferred here. Dahil gusto kong manatili rito... kasama ka. Pero bago ko gawin iyon ay kailangan kong sabihin muna sa'yo ang totoo. That I am Calley El Mundo. I am Tasty Cake. I am that woman who..." She trailed off.
"The woman who I admired for so long," dugtong ni Phillian sabay ngiti. Kinuha nito ang kamay niyang humahaplos sa mukha nito at hinalikan ang likod ng kaniyang palad nang hindi humihiwalay ang mga mata mula kaniya. "Calley El Mundo became the woman of my dreams. She's the epitome of perfection for me, and she became my yardstick for a suitable bride. She's my first love—and for so many years she stayed in my heart and mind. When I met you, and when I started having these feelings for you, I've decided to let go of Calley's memories and give all of me to you. I never thought... that I am letting go of the old memories to make new ones with the same woman."
Everything he said touched her heart. Ramdam niya ang sincerity sa tinig nito, ang emosyon, ang pananabik. At sa labis na sayang naramdaman niya na madinig ang mga salitang iyon ay nag-ulap ang kaniyang mga mata at nanikip ang kaniyang lalamunan.
She was too overwhelmed to even speak a single word!
At nang wala siyang naging tugon ay muling nagsalita si Phillian. "That morning, ten years ago... Why did you leave without saying goodbye, Calley?"
She swallowed a lump in her throat and answered, "I had no intention of seeing you again..."
Natahimik ito at sandali siyang tinititigan. She met his gaze and waited for his reaction.
Then, after a few moments, he rolled off her and laid his back on the bed. Napatitig ito sa kisame at humugot nang malalim na paghinga.
"Why?" he asked. This time, his voice was laced with sadness.
"Because I wasn't sure if I'd survive the operation and come out alive."
Doon siya muling nilingon ni Phillian, at sa pamamagitan ng liwanag mula sa ilaw ng banyo ay nakita niya ang pagkunot ng noo nito.
"What do you mean?"
Siya naman ngayon ang nakipagtitigan sa kisame. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib hindi upang takpan ang hubad na katawan kung hindi dahil sa biglang naramdamang lamig nang maghiwalay ang kanilang mga katawan.
"I was a weakly child, Phill. I had a heart condition and was asthmatic. Labas-pasok ako sa ospital noong maliit ako; there were times me and my prents would celebrate Christmas in a hospital room because I was confined. When I reached fourteen, I started gaining weight; uncontrollably. And when I turned eighteen, the doctors found that the cause of my weight gain was a non-cancerous tumor growing in one of my ovaries. I was advised to undergo surgery to protect myself from other diseases, and to stop the weight gain before it eats up my life. Sinabi rin sa akin na kung hindi matatanggal ang tumor na iyon ay maaari pang kumalat sa isang ovary which will result to me not having any biological kids in the future." She turned to him and met his worried eyes. She let out a soft smile. "At first I thought, no way. Mas gugustuhin ko pang walang anak kaysa ang sumailalim sa operasyon na hindi sigurado kung ikagigising ko pa dahil na rin sa kondisyon ng puso ko noon. Pero kalaunan ay napagtanto kong isa iyon sa ibinigay sa aking pagkakataon ng langit para tuluyang kumalas sa manipulasyon ng dalawa kong tiyahin. As I have already mentioned to you, they were manipulative to the point where I couldn't decide on my own and be happy with my life. I thought... kung papayag akong sumailalim sa operasyon sa Estados Unidos, maaari na akong makatakas sa kanila at hindi na bumalik pa. Iyon ay kung magigising pa ako matapos ang operasyon.
I was a risk-taker, so I conceded. Sa tulong ng Ninong Lito, which is also my lawyer and my late father's best friend, ay nakaalis ako ng bansa. But before that, I wanted to do things that I was not allowed to do under my aunties' manipulation.
So, I colored my hair, I bought a sexy dress, I dated a guy, nagpakalasing ako, at ang iba pang ginawa natin sa gabing iyon—those were part of my bucket list. Gusto kong maranasang gawin ang lahat ng iyon, ang magpaka-reckless kahit isang beses lang sa malungkot kong buhay." She paused and touched Phillian's face. "Believe me, I liked you a lot back then. Pero hindi pwedeng hindi ako matuloy sa pag-alis ko. Hindi pwedeng hindi ako umalis nang umagang iyon. I had to leave the country to obtain freedom. And besides, naisip kong walang silbi na makilala mo pa ako nang husto kung hindi rin siguradong mabubuhay pa ako pagkatapos ng operasyon. I was really scared I would die, kahit na siniguro ng mga doktor na kakayanin ko ang surgery."
She stopped there to allow Phillian to absorb all the information she had told.
They stared at each other, nothing said anything in the next few minutes. Hindi rin niya maaninag ang emosyong nasa mga mata nito dahil sa bahagyang dilim. Sa sumunod na mga sandali ay wala siyang ibang narinig sa paligid kung hindi ang banayad na tunog ng AC, ang mahinang hampas ng pang-gabing hangin sa nakasarang glass door, at ang kanilang paghinga.
"Now I understand..." he said after a while. Muli itong nagpakawala ng buntonghininga at hinawakan ang palad niyang dumadama sa pisngi nito. "But I still think it wasn't right to just leave me like that. I almost went crazy looking for you in the next few months. I was worried I got you pregnant."
Napangiti siya sa sinabi nito. She knew it. Phillian would never turn his back on his responsibilities. If she ever get pregnant after a couple of times they made love, he would surely step up to the plate.
"Who knew?" aniya. "Tinanggalan ako ng isang ovary dalawang linggo matapos ang nangyari sa pagitan natin."
Muli, ay namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. That awkward silence made her pull the sheet and cover her body. Si Phillian ay napatitig sa kisame, ang isip ay kay lalim.
Hanggang sa...
"Ano ngayon ang plano mong gawin sa mga tiyahin mo?"
Sandali siyang nawalan ng isasagot. Ayaw niyang sabihin ditong sinasadya niyang landiin ito para mabuntis siya at nang sagayon ay pakasalan siya nito at masolusyonan niya ang problema. She cleared her throat and looked away.
"Kausap ko na si Ninong Lito tungkol sa bagay na iyan. He is preparing the case against Auntie Esther." She decided to lie—again.
Phillian turned to her. "Let me know if you need help."
Ibinalik niya ang tingin dito. "Sa ngayon, ang pananatili ko rito kasama ka ay higit pa sa kailangan ko, Phill."
A tender smile broke his face. Umangat ito at niyuko siya saka dinampian ng banayad na halik sa mga labi. "Gusto kong magtampo na ginawa mo akong tanga sa nakalipas na mga araw, pero pipiliin kong intindihin ka. Just do me a favor."
"What is it?"
He lowered his face again, brushing his nose to hers. "Stay. And don't leave me again just like what you did ten years ago. Let's make this work between us, Calley."
Perfect. Those are the words I wanted to hear.
"Okay," she said, parting her lips to initiate the kiss. "I'll stay for as long as you want, Phill. For as long as you want..."
*
*
*
Nahinto si Calley sa pagbaba sa hagdan kinaumagahan nang mula sa ibaba ay may narinig siyang hindi pamilyar na mga boses na nag-uusap. Kung tama ang hula niya'y sa living area iyon, at doon ay naririnig din niya ang tinig ni Nelly.
Pasado alas nueve na ng gabi nang nagising siya, at maingat siyang bumangon upang hindi ma-istorbo ang tulog ni Phillian. She knew he needed more rest; he had been restless in the past couple of days due to the typhoon that hit their town. Masyado itong dedicated sa hanapuhay nito at sa mga tauhan na kahit hindi naman kailangang hindi matulog ay pinilit pa rin nito; setting such a good example to his men.
Ahh. Phillian was so perfect she was starting to really fall in love.
Phillian hadn't told her yet, but she could feel that he's in love with her. Marinig lang niyang sabihin nito ang bagay na iyon ay siya na talaga ang magyayaya ng kasal.
Natigil siya sa mga iniisip nang marinig ang malutong na tawa ni Nelly. May naririnig siyang hindi pamilyar na tinig ng lalaki at babae kasama nito, at nagtataka siya kung sino ang mga naroon.
Itinuloy niya ang pagbaba hanggang sa makita niya ang living room.
There was a big man and a pregnant woman sitiing on the couch; Nelly was sitting opposite to them. Ang dalawang bisita ay napatingin sa hagdan nang maramdaman siya, at ang babaeng naroon ay pinanlakihan ng mga mata.
Si Nelly ay napalingon nang makita ang reaksyon ng babaeng kaharap, at nang makita siya'y malapad itong ngumiti saka tumayo. "Calley—ay, este, Caty. Hali ka, ipakikilala kita sa nakatatandang kapatid ni Ser Phill."
Nakatatandang kapatid?
Nalipat ang tingin niya sa lalaking naupo sa tapat ni Nelly. The man was staring at her with curiousity in his grey eyes.
Grey?
Oh, right.
Phillian and his brothers were all adopted and they came from Europe. They were all foreign-blooded men who grew up in a Filipino household.
But damn, Phill's brother was one of the most attractive guys she had ever seen in her life! And the fact that he wasn't even smiling made her wonder how gorgeous would he get if he did?
Nalipat muli ang tingin niya sa babaeng katabi nito; a petite woman with a honey-coloured skin. She was wearing a bright yellow maternity dress na maluwag sa bewang pero hapit sa bandang itaas. A pretty woman with a strong personality; nasa anyo nito ang pagkagulat habang nakamata sa kaniya.
Hindi mahirap hulaan na mag-asawa ang dalawa. Pero... bakit sila naroon sa beach house?
Muli siyang nahinto sa pag-iisip nang maramdaman ang kamay ni Phillian na dumapo sa kaniyang balikat. Napasinghap siya at nilingon ito. He was smiling widely while his eyes were on the visitors. Magulo pa ang buhok nito, halatang kagigising lang. Bumaba ang tingin nito sa kaniya, and his smile widened.
"Good morning, sweetheart," he said, melting her fragile heart. Ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang balikat ay dahan-dahang bumaba sa kaniyang likod at doon ay masuyong humaplos.
Nagtayuan ang mga balihibo niya sa ginawa nito; and she just knew Phillian deliberately did that to tease her.
"Stop it," she uttered under her breath. Para siyang sinilaban ng apoy sa simpleng paghaplos na iyon.
Ngumisi ito, ang kamay ay bumaba pa sa kaniyang pang-upo; grabbing her booty as he always did.
"Lovely curves," he whispered.
Kumalat ang init sa magkabila niyang pisngi. At akma na sana niyang sisikuhin si Phillian upang tantanan nito ang panunukso sa kaniya nang tinanggal na nito ang kamay sa kaniyang pang-upo at hinawakan siya sa siko.
"Hali ka roon, ipakikilala kita kina Quaro at Kirsten."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top