37 - Caty's Real Identity
"Nakasimangot ka na naman, ano na naman ba ang problema mo?" tanong ni Charles Xiu nang sa pagpasok nito sa condo unit ay ang nakayukot na anyo ni Esther ang kaagad na sumalubong. She was sitting on the couch holding a goblet of red wine in her hand. She was facing the door as if she had been waiting for him to arrive.
Ilang taon na ang mga itong nagsasama at nakatira sa malaking condo unit na iyon sa Taguig, at ang relasyon ng mga ito ay... bukas.
Bukas sa maraming katarantaduhan.
Like... Charles would bring different women whenever he wanted at the condo that he shared with Esther. Sa maraming pagkakataon ay makikipagtalik ito sa mga babaeng iyon sa pahintulot na rin ni Esther. Isa sa mga dahilan kung bakit nagtagal ang relasyon ng mga ito ay dahil hindi istrikto ang huli sa pambababae ni Charles, provided that he also serves Esther with all her needs. Ang lalaki nama'y sunud-sunuran dahil malaki ang nahuhuthot na pera mula kay Esther na nagmumula sa kompanyang naiwan ng ama ni Calley.
Pero ngayon ay pabagsak na ang kompanya, na hindi papayagang mangyari ni Esther dahil ayaw nitong mawala sa buhay si Charles. Alam nitong kapag wala nang mahihitang pera si Charles ay aalis ito at maghahanap nang mas bata--o mas maperang kapareha. To save the company that maintained their lavish lifestyle, napilitan si Esther na pakealaman na rin ang mansion at ang malawak na bukiring minana pa ni Calley sa ina nito.
At first, Esther had no idea about the last will.
Isang araw ay pumunta ito sa opisina ni Lito Perez upang kombinsihin ang matanda na pauwiin si Calley upang asikasuhin ang pagbebenta ng mansion at bukirin upang masalba ang kompanya. Wala itong pakealam kung mawala ang mansion kung saan kasalukuyang nakatira si Augusta kasama ang anak nito. Nais ni Esther na maisalba ang kompanya sa pansariling pakay. Nang dumating ito sa opisina ni Lito Perez ay nasa mahalagang meeting ang matanda, kaya pumasok si Esther sa opisina nito upang doon maghintay. Lito's secretary didnt notice her, so she also had no idea that the wicker woman had snuck her way in.
While Esther sat in front of Attorney Lito's table, she noticed a folder with Rodney El Mundo's name on it. Rodney was Calley's father. Esther took it and had a quick read. And there she learned all the conditions about the transfer and about Calley's fate.
Mula rin sa folder na iyon ay nakita ni Esther ang kasalukuyang address ni Calley sa New York. At doon pa lang ay nakagawa na ng plano si Esther. Madali itong lumabas sa opisina at maingat na nagtago sa sekretarya ni Lito upang hindi nito malaman na nagtungo ito roon.
Lito had no idea that the vain woman had learned about the confidential information.
Pinapuntahan ni Esther ng tao ang bahay ni Calley sa New York upang hanapin ang mga dokumentong kailangan nito. Esther's plan A was to just illegally sell the mansion and the farm. Kapag nakuha na nito ang pera ay iiwan nito ang kompanya kay Augusta; tutal ay papalugi na rin naman iyon, saka ito aalis sa bansa. But then, the man Esther sent to Calley's New York house didn't find the documents. But it somehow served its purpose; dahil umuwi si Calley upang ayusin ang transfer—which Esther knew was impossible unless she met the conditions. Sinakyan nito ang mga sinabi ni Calley noong araw na nakipagkita ito sa kanila ni Augusta. Esther acted like she didn't know anything.
But the truth was... Calley's trip back to the Philippines was one of Esther's plans. Because her plan B was to kill Calley if plan A didn't work.
Dahil waka itong balak na maghintay ng isang taon para mailipat sa pangalan nito at ni Augusta ang lahat-lahat. Esther was desperate. Ang kompanya ay babagsak na sa loob ng anim na buwan, kapag nalugi iyon ay ano ang bubuhay dito? Kapag wala na itong pera ay iiwan ito ni Charles Xiu, at ayaw ni Esther na mangyari iyon.
Kaya naman ni-kombinsi nito si Charles na tulungan sa planong patayin na lang sa Calley.
Esther didn't care about her nice, anyway. She had no empathy toward Calley.
Ni-plano nilang isakatuparan ang balak gawin kay Calley sa yacht party ni Charles. Esther planned to make it appear like an accident—na nalasing si Calley at nahulog sa yate.
But Calley found her way to get out of the cabin and jumped off the yacht. And before she knew it, Calley had disappeared.
Esther had coordinated with Charles' friend—the chief of police in Batangas to look for Calley's body, pero sa loob ng mahigit dalawang linggo ay wala ang mga itong nahanap.
And then, just this afternoon, Esther got a call from Lito Perez. Sinabi ng abogadong ligtas si Calley at kasalukuyang nasa pangangalaga ng lalaking mapapangasawa nito. Sa kabila ng lahat ay walang plano si Calley na magsampa ng kaso, na lalo lamang ikina-inis ni Esther. Naiinis ito dahil tila ba naaawa pa si Calley at binigyan pa sila ng pangalawang pagkakataon.
At sa sobrang inis ni Esther ay hindi ito napakali sa impormasyong nakuha. She had no plan to wait for another year. She had to find and kill Calley. ASAP.
"Nakausap ko si Lito sa telepono kaninang hapon," ani Esther nang makalapit si Charles. "Natagpuan na nila si Calley."
"Dead, I would assume?" Charles asked, sitting beside Esther.
"That bitch is alive, Charles. And you know why? Because you fucking failed!"
"Ah, come on, Esther. Hindi ko kasalanan kung hindi mo dinamihan ang paglagay ng drug sa inumin niya?"
"I used up the drug in Lito's drink dahil ang abogadong iyon ay kay hirap malasing! Pero kung hindi ka na sana nagpataas pa ng tama mo noong gabing iyon ay hindi sana nakatakas si Calley. Nasa pangalan ko na sana ang ari-arian at nasa hukay na sana ang babaeng iyon ngayon!"
Ngumisi si Charles at masuyong kinuha ang wine glass sa kasintahan. Matapos iyong makuha ay inilapag nito iyon sa end table at muling hinarap si Esther na namumula sa galit. "Well, hindi iyan malaking problema. Sinabi ba ni Lito kung nasaan ang magaling mong pamangkin ngayon?"
"That filthy lawyer would never disclose Calley's whereabouts—para na rin niyang anak ang babaeng iyon. Pero kung nakaligtas si Calley mula sa mga alon noong gabing iyon, saan sa tingin mo siya maaaring mapadpad?"
Nagkibit-balikat si Charles, ang kamay nito'y unti-unting bumaba sa laylayan ng suot na long sleve ni Esther. "Who knows?"
Esther scoffed in disbelief. "Naturingan kang negosyante pero hindi mo ginagamit ang utak mo. The yacht that night was floating within the Batangas waters—malamang na sa mga kalapit na bayan lang mapapadpad si Calley."
Yumuko si Charles at inumpisahang halikan sa leeg si Esther; hind nito pinansin ang masakit na salitang sinabi ng kasintahan kanina. "Nakapag-imbestiga na si Campos noong unang linggo simula ng mawala si Calley, at wala siyang impormasyong nahanap sa mga karatig-bayan. He couldn't find a report from any poice stations about a woman found onshore. Wala ring record ng Calley El Mundo sa—"
"Because she could use a fake name to hide her identity! Oh my gosh, Charles. Papaano mo napalalago ang negosyo mo sa utak na mayroon ka?"
"Come on, stop shouting, will ya?" Muling yumuko si Charled upang dampian ng halik ang leeg ni Esther, habang ang kamay nito'y nakapasok na sa damit ng huli at paakyat sa malalaki nitong dibdib—dibdib na dumaan sa operasyon at labis-labis na nagbibigay ligaya kay Charles. "I'll talk to General Campos tomorrow—ipapa-check ko ulit sa kaniya ang mga estasyon sa karatigbayan. H'wag nang mainit ang ulo, okay?"
Hindi na nakasagot pa si Esther nang matagpuan ni Charles ang dibdib nito. Esther took a deep breath when Charles started to fondle her fake b.oobs. Ilang sandali pa'y tuluyan nang hinubad ni Charles ang pang-itaas ni Esther, at pinagsawa nito ang mga labi sa dibdib ng kasintahan.
Esther laid her back on the couch as Charles continued to play with her breast. At nang unti-unti nang hinubad ni Charles ang natitira nilang mga saplot ay tuluyan nang nawala sa isip ni Esther ang tungkol sa nawawalang pamangkin.
*
*
*
Nakahinga nang maluwag si Phillian matapos marinig sa balita ang tungkol sa tuluyang paglabas ng bagyo sa Philippine Area of Responsibilty. Bukas ng umaga ay muli na nilang makikita sa Contreras ang haring araw, ayon sa local news.
Bandang alas otso ng gabi nang makauwi ito sa beach house, at nanatili muna ito sa truck upang panoorin ang panggabing balita sa cellphone nito. It was an online streaming news, balitang may lehitimong impormasyong na direktang nanggagaling mula sa PAG-ASA at madalas niyang pinagkukunan ng mga weather updates.
Ngayong nasiguro na niyang magiging maayos na ang panahon bukas ay maaari na siyang matulog hanggang tanghali.
Gah, he hadn't had a proper sleep for three consecutive nights!
Kagabi ay umuwi siya ng bandang alas dos ng madaling araw at nakatulog kaagad pagkahiga niya sa tabi ni Caty. Subalit maaga rin siya muling nagising nang maramdaman ang malakas na pag-ulan sa labas. It was seven in the morning, at wala na si Caty sa tabi niya.
Pagbaba niya sa kusina ay inabutan niya itong naroon at tinutulungan si Nelly na magluto ng almusal. Caty made him coffee, and he took a cup while checking up on her. Sandali lang silang nag-usap at umalis din siya kaagad; pero nangako siya rito na uuwi nang mas maaga sa gabing iyon.
Umalis siya sa silong ng alas seis ng hapon at nagtungo sa bayan. He bought Calley a new phone—para kapag nasa silong siya ay nakakausap niya ito.
Kinuha niya ang paperbag kung saan nakasilid ang bagong cellphone bago bumaba sa truck. Sa backdoor siya nagtungo katulad ng nakagawian.
Pagpasok niya sa loob ay kaagad niyang nakita si Nelly na nakaupo sa harap ng mesa habang nakayuko sa cellphone nito. Nang makita siya nito'y kaagad itong bumati.
"Kumusta ang araw sa silong, Ser?"
"Maayos na ang lagay ng silong, Nelly. Sa buong araw ay hindi na umakyat ang tubig doon. Sa makalawa, kapag maayos na ang lagay ng panahon, ay maaari na muling pumalaot ang mga bangka."
Tumango ito at sandaling ibinaba ang cellphone. "Kain ka, Ser? May niluto si Caty na... spicy chicken biryani ba 'yong tawag niya roon? Ah basta, masarap 'yon at magugustuhin ninyo."
He smiled at Nelly. "It's okay, Nell. Wala akong gana."
Nagkibit-balikat ito at sinulyapan ang bitbit niya. "Ano 'yan? Magpapalit na naman kayo ng selpon?"
"This is for Caty—para may magamit siya if she needed to contact someone at hindi na kailangang manghiram sa'yo."
"Kuuuu, ako pa nikwentuhan nito. Parang hindi ko alam na binili mo lang 'yan para kay Caty nang sagayon ay makausap ninyo siya anumang sandali ninyo gusto. Kuuu, h'wag nga ako, Ser."
Malapad siyang ngumiti sa sinabi ni Nelly. Inilagay niya ang hintuturo sa mga labi at ni-senyasan itong manahimik. Nanulis ang nguso ni Nelly saka muling kinuha ang cellphone at iyon naman ang hinarap.
"Matulog ka na rin nang maaga, ha? Ipadadala kita bukas sa Asteria."
Sa bayan ng Asteria naroon ang ancestral house ng pamilya nila kung saan kasalukuyang naninirahan ang mama niya.
"Ha? bakit ako uuwi sa Asteria? At bakit hindi ka kasama?"
"Last week ay naka-schedule ang dapat na concert ni Tau-Tau, but it was moved to this weekend. Dapat ay kasama akong pupunta, pero naisipan kong h'wag nang matuloy at ikaw na lang ang papupuntahin ko roon."
"Eh, Ser, 'di ba laging ekslusibo ang concert ni Ser Tau-Tau para sa mga lalaki lang? Hindi rin naman ako makakapasok sa concert hall, eh, kaya ano ang silbi?"
"You and Ma will get VIP tickets which will allow you to enter the stadium. Pupunta rin si Quaro at Kirsten kaya mas mabuting makasama ka sa kanila."
Muling nanulis ang nguso nito. "Bakit hindi ka na lang sumama at dalhin mo rin si Caty?"
Ngumisi si Phill. "I plan to bring her to Asteria next week, on Pops' birthday."
Napatuwid ng upo si Nelly, ang anyo ay naging seryoso. "Kahit kailan ay hindi pa kayo nagdadala ng syota ninyo sa ancestral house—seryoso na ba itong tunay, Ser?"
Tumango siya. "I'll propose to her in front of the family next week."
Hindi nakasagot si Nelly. And he knew it was because she was shocked.
Ngumisi siya at humakbang patungo sa kitchen entry. "H'wag ka munang maingay kay Caty. Gusto kong pagplanuhan pa nang maigi ang gagawin kong proposal. Some of the boys would be there, so I had to make it perfect otherwise, they'd laugh at me." Huminto siya at muli itong nilingon. "Keep this a secret between us for now, okay?"
Hindi nakasagot si Nelly at ang tingin ay nakasunod lang sa kaniya. Hindi niya gaanong binigyang-pansin ang pagkatigalgal nito; marahil ay hindi pa rin pumapasok sa isip ni Nelly ang kaniyang mga sinabi. And it always happened whenever she was shocked or thrilled.
Muli siyang ngumiti at itutuloy na sana ang paglabas sa kusina nang matagpuan ni Nelly ang tinig.
"Ser, may gusto akong sabihin."
Nahinto siya at muli itong nilingon. Seryoso ang anyo nito na hindi madalas mangyari, at doon siya nagtaka. Sapat na ang ekspresyon ni Nelly sa mga sandaling iyon upang tuluyan niya itong harapin.
Nagtataka siya kung ano ang nangyari.
"What's going on, Nel?"
Nakita niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga. "Nagtataka ako roon kay Caty, Ser."
"Bakit, ano'ng mayroon kay Caty?"
Sandali itong nag-alangan, ang mga mata'y naging mailap. Muli itong humugot nang malalim na paghinga bago siya nito muling hinarap. "Paano, noong nasa health center kami noong isang araw para tulungan iyong mga nasalanta ng bagyo ay ibang pangalan ang ipinakilala niya sa mga tao."
That took his attention. "Ibang pangalan? Ano'ng pangalan ang... ipinakilala niya?"
"Ang totoo niyang pangalan. Noong sinabi niya iyon upang ipakilala ang sarili bilang doktor ay ni-kompirma iyon ng mga taga-health center. Doon ko nalaman ang totoo. At... nanahimik ako kasi baka 'ka ko may rason siya para itago sa atin ang totoo niyang pangalan."
Hindi siya nakapagsalita at hinayaan lang si Nelly na magpatuloy.
"Akala ko noong una'y nakaringgan ko lang, 'ka ko baka Caty talaga at nagkamali lang ako ng dinig. Pero ilang beses niyang sinabi ang parehong pangalan kahit sa mga pasyente, kaya doon ko na nasigurong hindi siya naging tapat sa atin."
"Anong pangalan ang ipinakilala niya sa mga tao, Nelly?"
"Calley. Doc Calley El Mundo raw, Ser."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top