36 - She Was His Home
Nakangiting pinagmasdan ni Calley ang nakasabit na painting sa ibabaw ng headboard ng kama ni Phillian. It was her naked image that he painted the other night, at ipinalit niya iyon sa mossaic painting na dating naroon. Tulad ng nais niyang mangyari, she wanted him to look at that painting and worship it.
Nakangisi siyang umatras at pinagmasdan ang painting sa malayuan.
No one would ever believe that Phillian could paint as good as this. Para na itong propesyonal dahil sa loob lamang ng maiksing oras ay natapos nito iyon. He must have been practicing a lot in the past couple of years. Sinabi nitong matagal na nitong ginagawa ang pagpinta at wala pa sinuman sa paligid nito ang nakaaalam ng tungkol sa talentong iyon. She wondered how he was able to hide this to Nelly, samantalng matalas pa sa satelite ang signal ng isang iyon.
Natigil siya sa pag-iisip at nilingon ang pinto nang marinig ang sunud-sunod na pagkatok mula sa labas. She knew it was Nelly; Phillian wouldn't bother knocking on his own, damned door, would he?
"Yes, Nel?"
"Pwedeng pumasok?"
Ibinalik niya ang tingin sa painting; nagdalawang-isip kung papayagan niya itong makita ang nakasabit niyang hubad na imahe. But then she realized that Nelly would still see the painting whenever she would clean the room. At sino ang nakaaalam sa magiging reaksyon nito kapag nakita iyon?
Nang may maisip ay napabungisngis siya at sumagot ng "Yep. Please come in."
Bumukas ang pinto at iniluwa si Nelly hawak-hawak ang cellphone sa isang kamay. Pumasok muna ito at inisara ang pinto bago muling nagsalita. "May tumawag kanina, si Ninong Lito mo raw?"
"Ah, yes. Hindi ko siya natawagan nitong mga nakaraan. He must have been worried. What did he say?"
"Ang sabi niya'y tatawag ulit siya makalipas ang limang minuto kaya..." Natigil ito sa pagsasalita nang mapatingin sa painting na nakasabit sa ibabaw ng headboard. Sandali itong kinunutan ng noo at nang mapagtanto kung sino ang kamukha ng hubad na babae sa canvas ay pinanlakihan ito ng mga mata.
Ang sunod niyang narinig ay ang pagbulalas nito ng; "Huy, maryosep, bakit may hubad kang larawan d'yan?!"
She giggled at Nelly's reaction. She had somehow expected it to be like that.
"Do you like it?"
Napa-atras ito sabay kiskis ng isang palad sa isa nitong braso. "Diyos ko, nagtayuan mga balahibo ko, Caty! Kaninong pintor ka naghubad para maiguhit ang larawang iyan?" Hinarap siya nito, nasa nanlalaking mga mata ang munting mga luha. "Bakit ka naghubad sa harap ng isang pintor? Alam ba ni Ser 'to? Bakit mo ito ginawa, Caty? Masasaktan si Ser kapag nalaman niyang—"
"Calm down!" natatawa niyang sabi rito. Kitang-kita niya ang panggilalas at sama ng loob sa anyo ni Nelly, and she appreciated that because that only proved how loyal she was to Phillian. "Hindi ako naghubad sa harap ng kung sinong pintor, kaya huminahon ka."
"Pero sino ang—"
"Your boss painted it. Sa harap niya ako naghubad, loka."
Muli itong pinanlakihan ng mga mata. Naguluhan.
"Oh, of course, you didn't know." Hinawakan niya ito sa balikat. "Phillian could paint, and he did that painting last night."
Matagal siyang tinitigan ni Nelly. Hindi niya alam kung ano ang laman ng isip nito, pero nakikita niyang naguguluhan ito na may kasamang panggilalas. Ilang sandali pa'y ibinalik nito ang tingin sa painting, muli iyong pinagmasdan habang ang mga balahibo sa braso'y patuloy na nagtayuan.
Makalipas ang ilang sandali ay muli siya nitong hinarap. "Gaano ka ka-seryoso kay Ser, Caty?"
Nelly's question caught her off-guard.
Gaano siya ka-seryoso?
Well, seryoso siya. Dahil ang ginagawa niyang ito ay para rin sa kapakanan niya.
And she did like Free Phillian—her body and soul craved for him.
Maaaring wala pa siyang pagmamahal na nararamdaman sa mga sandaling iyon para rito— pero alam niyang patungo na iyon doon. Nararamdaman niya.
Kaya, seryoso siya.
"Nelly—"
"Gusto kita, Caty. Gusto kita para kay Ser," anito sa seryosong anyo at tinig. "At gusto kong kayo ang magkatuluyan. Nakikita kong masaya si Ser kasama ka. Nagkaroon ng buhay ang mga araw niya simula nang dumating ka rito. Wala man akong maraming alam tungkol sa'yo ay alam kong mabuti kang tao. Pero sana ay... seryoso ka rin kay Ser Phil at... nagiging totoo ka sa kaniya tungkol sa pagkatao mo."
Siya naman ngayon ang naguluhan sa sinabi nito. At akma niya sana iyong lilinawin dito nang muli itong nagsalita. "Mahal ko si Ser Phill, Caty. Parang pamilya na ng pamilya ko ang buong Zodiac. Masasaktan ako kapag nasaktan siya."
She could sense the sincerity in Nelly's voice, and she appreciated that. She opened her lips to answer her, but Nelly spoke again,
"Bilang sa kamay ang mga naging kasintahan ni Ser Phill sa nakalipas na maraming taon. Lahat ng iyon ay sineryoso niya. Hindi iyon basta nakikipagrelasyon kung hindi niya gusto ang babae, at sa tuwing nakikipagrelasyon siya ay lagi niyang iniisip na ang babaeng iyon sana ay ang makakasama na niya hanggang pagtanda. Pero ang mga naunang babae sa buhay niya ay hindi tumatagal dahil kalaunan ay hindi sila nagkakaintindihan at nauuwi sa hiwalayan. Kahit kailan ay hindi niya ginawang laro ang pakikipagrelasyon, kaya umaasa akong ganoon ka rin. Umaasa akong seryoso ka rin sa kaniya, at mahal mo siya. Dahil kung hindi ay ano ang silbi, Caty?"
I do like him and I am serious about this relationship. But as for love... I know I am getting there. Wala kang dapat ipag-alala, Nelly...
Pero hindi niya magawang sabihin iyon.
Bakit hindi niya magawang sabihn iyon?
"Sa nakikita ko kay Ser ay seryoso siya sa iyo at mukhang mahal ka na niya. Pero ang nakikita ko sa'yo, Caty, ay parang naguguluhan ka pa. Parang hindi ka pa sigurado..." May bahagyang kunot sa noo ni Nelly habang sinusuri siya ng tingin. Seryoso pa rin ang anyo nito. "Kung naguguluhan ka dahil hindi mo pa alam kung magtatagal ka sa lugar na ito kasama siya, ay mas makabubuting h'wag mo nang hintayin na lumalim pa ang damdamin ni Ser sa'yo. Ayaw ko siyang makitang nasasaktan sa huli dahil lang sa hindi siya ang pinili mo."
"Nelly, iniisip mo bang hindi ako masaya rito?"
"Iniisip kong may lalaking naghihintay sa'yo sa New York, at naroon ang buhay mo, hindi ba? Paano kung ngayon ka lang masaya sa piling ni Ser at kalaunan ay ma-miss mo ang buhay mo sa Amerika at ang taong naghihintay roon? Si Danile ba 'yon? Paano kung manawa ka rito sa beach house at kalaunan ay mawala ang interes mo kay Ser? Nakikita ko sa anyo mong hindi pa ganoon ka-lalim ang damdamin mo para sa kaniya, kung iko-kompara ko sa damdamin mayroon siya sa'yo." Huminga ito nang malalim. Itinaas nito ang cellphone na muling nag-vibrate.
Sumunod ang tingin niya roon at nakita niya ang numero ng Ninong Lito niya sa screen.
"Ito lang ang masasabi ko, Caty."
Ibinalik niya ang tingin kay Nelly na ang anyo'y nanatiling seryoso.
"Masaya akong napapasaya mo si Ser Phill, pero kung hindi ka mananatili sa piling niya hanggang sa huli ay mas maiging ngayon pa lang ay tapusin mo na 'to. Ayaw kong nakikita siyang masaya ngayon tapos sa huli ay lugmok na lugmok dahil din sa'yo."
Huminga rin siya nang malalim, pinantayan ang anyo nito. "Nelly, hindi ko alam kung bakit mo sinasabi ang mga bagay na ito ngayon, pero—"
"Nasasabi ko ito dahil alam ko—ramdam kong hindi ka pa sigurado sa damdamin mo sa kaniya, Caty. Mukha lang akong tanga at walang alam, pero kaya kong magbasa ng tao. Isang tingin lang sa mga mata mo ay alam ko na. May tinatago ka pa, hindi ba? May tinatago ka pa na kahit si Ser ay naghihinala pero nanatiling tahimik dahil nire-respeto niya ang hiling mo." Ito naman ngayon ang nagpakawala ng buntonghininga bago ibinigay sa kaniya ang cellphone. "Heto na. H'wag kang mag-alala, wala naman akong sama ng loob sa'yo. Ang inaalala ko lang ay ang kapakanan ni Ser Phill."
Matapos niyang kunin ang cellphone ay kaagad nang tumalikod si Nelly bago pa niya madepensahan ang sarili. Naiintindihan niya ang sentimiyento nito, at alam niyang inaaalala lang nito si Phillian. Pero paano ba niya ipaliliwanag dito ang sitwasyon?
Mahabang paghinga muli ang pinakawalan niya bago sinagot ang tawag. She did her best to sound like herself.
"Hey, Ninong."
"Calley, how have you been, hija?"
"Maayos lang ako, naging mabuti ang mga nakaraang araw para sa akin."
"That's good to hear. Nakapag-pasiya ka na ba kung kailan ka babalik sa Maynila?"
She grimaced and looked outside the window. "Wala na akong planong magsampa ng kaso kay Esther, Ninong."
"What?" Dinig niya ang pagkamangha sa tinig nito. "What are you talking about? Palalampasin mo ang ginawa nila sa'yo?"
"Gusto ko na lang ibigay sa kanila kung ano ang gusto nila, Ninong. Para patahimikin na nila ako."
"But Calley—"
"Sooner or later, I will marry a man and bear his child. I want you to talk to Esther about it. Tell her you know where I am, at sabihin ninyong naghahanda na akong magpakasal. She just needs to wait for another year."
Sandaling natahimik ang Ninong Lito niya sa kabilang linya. Ilang sandali pa ay... "Seryoso ka ba rito sa sinasabi mo, Calley?"
"Yes. May isang lalaki akong nakilala sampung taon na ang nakararaan, and we met again here in this place. We became close in the past few days and started a relationship. At gusto ko siyang pakasalan, Ninong. Aside from I like him a lot, I know he's my only way to solve this stupid problem. In the meantime, I need you to calm Esther down and tell her to not look for me. Susulpot ako sa kompanya dala-dala ang anak ko makalipas ang isang taon."
Wala sa loob na bumaba ang kamay niya sa kaniyang tiyan. Hindi niya alam kung may namumuo na roon sa kaniyang sinapupunan, but she was hoping and praying. They haven't been using protection since they started their sexual escapade.
At mukhang sinasadya iyon ni Phillian.
Kaya hindi imposible na mabuntis siya.
"Are you just doing this because the situation needs it, Calley? Sinusugal mo ang sarili mo para magawan ng paraan ang problemang ito?"
"Partly, yes. Pero naging mas madali sa akin na pasukin ang sitwasyong ito dahil malaki rin ang pagkakagusto ko sa lalaki. Just let me be, Ninong. My mind is made up, nothing can stop me now."
Narinig niya ang pagbuntonghininga nito sa kabilang linya. "This situation is weird but it's your call, Calley. Makikilala ko ba ang lalaking ito?"
Ngumiti siya. "Of course. Of course, Ninong. I'll call you once we've made plans, okay?"
"Okay, Calley. Stay safe."
Nang matapos ang tawag ay humakbang siya palabas ng silid. Binuksan niya ang pinto at lumabas, subalit kaagad din siyang nahinto at natigilan nang makita sa pader na nasa gilid ng pinto si Nelly. Nakasandal, seryoso ang anyo, at nakalingon sa kaniya.
Natilihan siya. Nakasara ang pinto ng silid kanina pero hindi niya alam kung narinig siya nito mula sa labas.
"Nelly, I..." she paused and cleared her throat. Ano ang narinig niya?
Seryoso ang anyong hinarap siya nito, sandaling nakipagtitigan, hanggang sa ito'y nagpakawala ng mahabang paghinga. "Pasensya ka na sa mga nasabi ko kanina, Caty. Pero sana ay naintindihan mo kung bakit ko nasabi ang mga sinabi ko."
She didn't hear anything, did she? Ayaw kong marinig niya ang mga sinabi ko kay Ninong at sabihin kay Phillian...
Pilit siyang ngumiti. "I totally understand."
Napalabi ito. "Hali ka na nga. Nangako kang babalik sa healthcare center ngayong hapon, at siguradong naghihintay na ang ilang mga pasyente roon."
Patalikod na sana ito nang hulihin niya ang braso ni Nelly. Hinarap siya nitong muli, naka-kunot ang noo.
"Ano ang narinig mo?"
Lalong kumulubot ang noo nito. "May kailangan ba akong marinig?"
Napabitiw siya rito.
Napailing ito. "Hindi ko ugaling makinig sa usapan, 'day, 'no. Isa pa, sound proop 'yang kwarto ni Ser Phil. Katunayan ay parehong sound proop ang dalawang silid dito sa itaas. Kung hindi ay baka naririnig ko kayo gabi-gabi, 'di ba?"
Nag-init ang magkabila niyang mga pisngi sa huling sinabi nito, at nang makita iyon ni Nelly ay malakas itong natawa. Hinawakan siya nito sa braso. "Huy, kumalma ka. Wala akong naririnig sa mga ginagawa ninyo ni Ser, sapat nang makita ko ang masiglang awra niya tuwing umaga at iyang blooming mong mukha na parang bulaklak na alaga sa dilig para masabing may ganap lagi."
Lalo siyang pinamulahan ng mukha.
Napabungisngis ito lalo. "Napapa-sana all na nga lang ako sa'yo. Heto ka't ang ligaya ng mga gabi habang ako'y berjin na berjin pa dahil hindi pa handa si Ambong na angkinin itong katawang lupa ko. Ewan ko ba do'n, tingin ko minsan ay parang bakla. Baka 'ka ko kay Ser Phill siya may gusto at ginagamit lang ako para mapalapit kay Boss."
Nauwi siya sa malakas na pagtawa. Nelly was back to her old self, at nawala na ang pag-aalalang naramdaman niya sa mga sinabi nito kanina.
"Oh my God! You're crazy, Nelly!"
"Mas crazy si Ser Phill; crazy por you."
Hindi siya maawat sa pagtawa. Nelly was always a breath of fresh air; laging may hirit na labis na nagpapatawa sa kaniya. Maliban sa loyal servant at kwelang kaibigang pa. She just loved the girl, at ayaw niyang masira ang tiwala nito.
Si Nelly ay nakangiti siyang pinagmasdan hanggang sa tuluyan siyang matapos sa malutong na halakhak. Nang kumalma na siya'y muli itong nagsalita. "'Yong mga sinabi ko pala kanina. H'wag mo nang pansinin 'yon; naiinggit lang ako kasi ikaw ang unang nakaalam na marunong magpinta si Ser, tapos ginawan ka pa niya ng painting. Samantalang ako, sa tuwing nagpapa-piktyur ako sa kaniya'y laging bagot at nakasimangot. Apaka-anpeyr niya talaga, por que mahal ka, eh, may peyboritism na agad?"
Muli siyang natawa. Nelly was joking, and she could clearly hear it from her tone.
Pinalampas niya ang sinabi nito tungkol sa damdamin ni Phillian para sa kaniya. Nothing was certain yet, kahit ramdam din niyang ganoon na nga ang damdamin nito para sa kaniya.
"But really, Nel. I appreaciate your sincerity. Bihira na lang ngayon ang mga taong may pakealam sa damdamin ng mga amo nila. But don't you worry, I am not going to play games with Phillian. I am serious about us."
Ngumiti ito at niyaya na siyang bumaba.
*
*
*
Magkahalong pagod at antok ang naramdaman ni Phillian nang sa wakas ay makauwi siya nang alas dos ng madaling araw. Halos buong araw din siyang nanatili sa silong dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan. Hindi niya iniwan ang mga tao roon at sinamahan niya sa buong magdamag.
Kahapon ay umalis siya sa beach house ng bandang alas sinco ng umaga, at simula noon ay hindi pa siya nakauuwi. Buong araw kahapon ay umulan nang malakas, at ang tubig ay hindi na bumaba pa. Pero nitong madaling araw ay kumalma na ang panahon—ang alon ay hindi na gaanong umabot sa silong at ang hampas ng hangin ay hindi na gaanong malakas. Silang mga nanatili sa silong ay umuwi na at ang pumalit ay ang iba pa niyang mga tauhan.
He was exhausted he could just sleep in his truck.
But he wouldn't.
Because he's used to sleeping with Caty in his arms. He's used to her existence, to her smell, to the feel of her body against his. At kung wala ito sa tabi niya ay baka hindi rin siya makatutulog nang mahimbing.
Additionally, he missed her so damn much. Gusto na niya itong makitang muli.
Bumaba siya at inisara ang pinto ng truck. Nanlalabo ang kaniyang paningin sa labis na antok at pagod. Kaunting ambon na ang ibinabagsak ng langit kaya mabagal siyang naglakad papasok sa backdoor.
Tulad noong isang gabi ay wala na naman si Nelly sa kusina, which was totally okay dahil ayaw na rin naman niyang magtagal pa roon. Wala siyang natitirang lakas para makipag-usap. He just wanted to lay in his bed and sleep all day.
Hapung-hapo siyang umakyat sa hagdan, mahigpit ang kapit niya sa railings sa takot na manlambot ang mga tuhod niya at gumulong siya pababa. Nang marating niya ang landing ay sandali siyang nahinto upang humugot nang malalim na paghinga. He was wide awake for 22 hours, kailangan na talaga niya ng pahinga.
Maingat niyang binuksan ang pinto nang marating ang silid. Sa loob ay nakita niya si Caty na mahimbing nang natutulog. Ang tanging liwanag na tanglaw sa loob ay mula sa scented candle na binili nila noong araw ng fiesta. The whole room smelt like bed of roses—dahilan kaya lalo siyang nakaramdam ng antok.
Gustuhin man niyang ibagsak na ang sarili sa kama katabi ni Caty ay hindi niya magawa. His body was sticky and stinky; ayaw niyang pandirihan siya nito. Kay imbes na sa kama siya dumiretso ay naglakad siya patungo sa banyo. He took a quick shower. He got out butt-naked, at habang pinapatuyo niya ang buhok gamit ang puting tuwalya at napasulyap siya sa glass door ng veranda. Nakalihis ang kurtina kaya nakikita niya sa labas na medyo nag-umpisa na namang umulan.
Ahh,shit. Kapag lumakas iyon hanggang umaga ay aabot na naman sa silong ang tubig. Kapag nangyari iyon ay mapipilitan siyang bumangon nang maaga upang silipin ang kondisyon ng mga bangka at ng mga tauhan niya.
Nang sa tingin niya ay tuyo na ang basang buhok ay ini-sampay niya ang tuwalya sa couch na malapit sa bintana at maingat na sumampa sa kama. He didn't want to wake Caty up. Pumailalim siya sa kumot at tumabi rito. He gently thrust his hand under her head and placed the other on her waist. Then, he gathered her into his arms and hugged her tight in a spooning position.
Caty purred, then her hand caressed his arm. "Hi..." she uttered sleepily.
He planted a soft kiss on her shoulder before closing his eyes. "Hi..."
She purred again before pulling his arm gently to hug it. She said no more and went back to sleep. Siya nama'y inilibing ang mukha sa buhok nito, inhaling her flowery shampoo that soothed his nerves.
Caty felt and smelt like home.
She was his home.
And he could just live like this forever.
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top