34 | Paint Me Naked
"When are you going to paint me naked, Mr. Fisherman?"
Nakangiting lumingon si Phillian sa kama nang marinig ang tanong na iyon ni Calley. He was pulling out a new Hawaiian shirt from the closet whilst she was still in bed, covered with a thick blanket, naked underneath, as she watched him prepare for another day of work on the shore.
Alas cuatro ng madaling araw at kailangang umalis ng binata upang silipin ang lagay ng silong, at nagising si Calley nang bumangon ito sa higaan.
Phillian took a quick shower and found her awake when he got out of the restroom.
"Like that scene in the movie Titanic?" he asked, smiling as he buttoned his shirt.
"Yeah, like that. I want you to paint me just like how Jack Dawson drew Rose Dewitt Bukater. Magpo-pose din ako ng ganoon sa harap mo."
He grinned, pushing the closet door closed. Tinatapos nito ang pagbubutones ng shirt habang humahakbang palapit sa kama. Yumukot ito at dinampian ng halik sa noo ang dalaga. "Go back to sleep, hindi ko alam kung anong oras ako uuwi; lumalakas pa nang lumalakas ang ulan at baka manatili kami nang matagal sa silong para siguraduhing maayos ang lagay ng mga bangka."
Calley moaned and puckered her lips. Kinuha nito ang unang ginamit ni Phillian saka niyakap nang mahigpit.
Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ni Phillian nang tumalikod na. Kinuha nito ang cellphone at susi sa ibabaw ng chest of drawers bago humakbang patungo sa pinto.
Calley yawned and watched him walked to the door. Bago ito tuluyang makalabas ay muling nagsalita ang dalaga.
"You'll think about it, right?"
Phillian looked over his shoulder. "About the painting?"
"Yeah, about it." She yawned again before closing her eyes. Hinihila na ito ng pagod at antok sa magdamagang pagpupuyat.
"Yeah, maybe," Phillian whispered as he looked at Calley's sleeping form. A slow smile broke his lips as he watched her drift to sleep. "See you later, Caty-cat."
*
*
*
"Hey, what's up?" bati ni Calley kay Nelly nang abutan niya ito sa kusina na nakatunganga sa cellphone habang nakaharap sa lababo. May malaking stainless bowl doon sa lababo kung saan nakasilid ang frozen meat na marahil ay ide-defroze nito para lutuin sa pananghalian. Napuno na ng tubig ang bowl, subalit patuloy pa rin ang pag-agos ng tubig mula sa gripo.
Nilapitan niya si Nelly, at siya na mismo ang nagsara ng gripo nang makitang tulala ito habang nakayuko sa cellphone.
Nelly was so engrossed while reading some messages on her phone, at mukhang hindi siya naramdaman nito. At lalo pa siyang nagtaka nang makita ang seryoso nitong anyo.
She wasn't used to Nelly's silence, nor having a straight face. She was used to her bubbliness and happy aura.
Ilang sandali pa'y hindi na niya napigilan pa ang sarili. Salubong ang mga kilay na hinawakan niya si Nelly sa balikat. "Hey, are you okay?"
Doon ito napa-igtad, at tila doon lang naramdaman ang paglapit niya. Nilingon siya nito, gulat na gulat. Nang makabawi ay tinapik nito ang noo saka ibinaba ang cellphone sa lababo.
"Naku, pasensya ka na, Caty, hindi ko namalayan ang paglapit mo. Paano, daming mismis sa group chat."
"Mismis?"
"Tsismis, 'day."
"What's happening?"
Huminga ito nang malalim, muling sinulyapan ang cellphone na nakabukas pa rin sa group chat ang screen at ang mga mensahe'y tuloy-tuloy sa pagpasok. "Paano, 'yong mga ka-tsikahan kong mga kasambahay sa unahang baryo ay pinag-uusapan ang mga pamilya nilang nakatira sa timog na bahagi ng Contreras; sa sobrang lakas ng ulan at hangin ay nasira ang mga kabahayang malapit sa dagat, ang ilan sa mga iyon ay inanod pa ng baha. Nasa ebakweysyon senter ang mga pamilya nila ngayon, at dahil sa dami ng pamilyang nasalanta ay nagsiksikan sila roon sa jimneysiyum sa bayan. Maraming bata ang mga nilalagnat at nagkakasakit ngayon doon dahil hawa-hawa na; eh iyong isang kasambahay na close ko talaga ay iyak nang iyak sa pag-aalala dahil dalawa sa mga anak niya ay nasa center ngayon dahil sa lagnat at pagsusuka. Dalawa lang ang doktor doon at mahaba ang pila kaya—" Nahinto ito at sandaling natigilan nang may maalala.
Siya naman ay napatingin sa group chat kung saan niya nakikita ang ibang mga group members na nagpapadala ng mga larawan ng gymnasium sa bayan at doon ay napatunayan niyang totoo ang mga sinasabi ni Nelly.
An idea popped on her mind. Muli niyang hinarap si Nelly, at nang muli siyang nagsalita'y nagsalita rin ito at nagkasabay sila:
"I'm a doctor, I can help,"
"Doktor ka, 'di ba?"
Pareho silang natigilan.
At sabay ding nagkabungisngisan pagkatapos.
"Tara?" ani Nelly; iisa lang ang laman ng isip nila.
Tumango siya. "Tara."
*
*
*
Bandang alas dies ng gabi nang makauwi si Phillian sa beach house mula sa buong araw na pananatili sa silong kasama ang mga tauhan. Hindi huminto ang ulan at hanging habagat buong araw. Tumaas ang tubig dagat at inabot ng alon ang silong. Pumasok ang tubig sa loob kaya isa-isa nilang itinali ang mga bangka sa konkretong mga poste ng silong saka patuloy na inantabayanan ang lagay ng panahon.
They heard news about some of the communities near the beach that were washed up by the waves. Madalang na tamaan ng bagyo ang lugar ng Contreras, at iyon pa lang ang unang beses na nangyari ang ganoon sa mga baryong malapit sa dagat. Marami ang nasalanta, marami ang nawalan ng tahanan—pero masuwerte pa rin dahil kahit papaano ay walang nasawi at inaasikaso ng lokal na gobyerno ang mga nasalanta ng bagyo.
Kahit siya ay nangako sa mga tauhan niyang magbibigay tulong sa pamilya ng mga ito; at kahit na ligtas ang mga ito at hindi nasalanta ang baryo nila ay gusto pa rin niyang magbigay tulong.
And just like always, kahit na hindi pumalaot ang mga tao niya dahil sa bagyo ay patuloy ang sahod ng mga ito.
Huminga siya nang malalim at nanlulumong sinapo ang ulo saka ini-sandal iyon sa headrest. If he could only help everyone, he would. But he wasn't as rich as other people. Kahit ang negosyo niya sa ganitong panahon ay nasisira.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. He needed rest. He needed to go back and check on his men again later this evening. Gusto niyang naroon siya parati upang siguraduhing maayos ang mga ito, hindi lang ang silong.
He opened his eyes and glance at the beach house.
He had been wanting to go home and be with Caty again—walang ibang laman ang isip niya sa buong araw kung hindi ito; ang mga ginawa nila; ang mga halik at haplos nito. He was losing his mind, at naroong tutuksuhin siya ng mga tauhan niya dahil alam ng mga itong lumulipad ang utak niya at para siyang tandang na hindi mapakali. His men knew he was thinking about Caty; they just knew him too well.
His Caty-cat...
Damn, he was never like this before. Ilang babae na ba ang naging kasintahan niya sa nakalipas na mga taon? Some of them were as good as a pornstar when it comes to pleasing a man, but nothing could compare to how Caty ignited his body.
But even before he learned she was a wanton in bed, he had already learned to like her a lot.
Caty was actually nice; she was down to Earth and Nelly talked highly about her. Plus, Caty was pretty.
Pretty and damn sexy.
F*ck.
He wasn't really into slim girls, he was more into meaty women because of Tasty Cake– or Calley El Mundo as far as he could remember. Yeah, that was her name.
Sa loob ng sampung taon ay ginulo ni Calley El Mundo ang utak niya—na kahit may mga naging ka-relasyon siya'y wala siyang hinanap kung hindi ang katangiang mayroon ito. Pero mukhang handa na siyang umusad ngayon mula kay Tasty Cake.
He was... unbelieavably happy coming home to Caty. Ngayong araw ang ika-sampung araw nito sa bahay niya, at dapat ay ito ang araw na kailangan na nitong umalis.
But he ain't letting her go.
Labis siyang natuwa nang nagpasiya itong manatili. He really adored a lot, and he had a great time with her the other day. Kahit sa maiksing panahong nakilala niya ito ay nakuha na nito ang interes niya. Interes na huli niyang naramdaman kay Tasty Cake.
But yeah, he was ready to move on from his first love and focus on his relationship with Caty. Baka nga ito na ang hinihintay niya. She could be a perfect bride; nagkakaintindihan sila, maayos ang relasyon nito sa asssitant niyang si Nelly, kaya nitong sakyan ang Mama niya, at nagkakatugma ang pagnanasa nila sa isa't isa.
Maybe it would work. Maybe she was the one for him.
He's ready to let go of Tasty Cake now. He wished her well, at sana, kung nasaan man ito'y masaya na kasama ang taong mahal ito.
Mahal...
Napa-isip siya.
At first, he only thought he was attracted to Caty. She was a kind-natured woman, so perfect to her profession. She was pretty and has a hot body. And damn, was she great in bed.
Pero... mahal na ba niya ito?
I wouldn't think about marrying her if I don't...
Oh, shit, where did it come from? Kanina ay iniisip lang niya na papasa si Caty bilang suitable bride, tapos ngayon ay nagdedesisyon na siyang pakasalan ito? Was he really this desperate to have a wife and a family of his own?
Desperate...?
Pumasok sa isip niya ang sitwasyon ni Caty. She needed a husband and she needed to get pregnant to solve her problems. She even suggested that they had a smiliar target, and he was truly pissed about it because he didn't want to become an instrument for such thing. Bubuo siya ng pamilya dahil gusto niya, hindi dahil kailangan!
But now... it kept him thinking.
What if...isuhestiyon niya iyong muli kay Caty? But this time, it would be different.
He's ready to marry and start a family, at si Caty ang babaeng karelasyon niya ngayon na baliw na baliw siya.
He was so all over her. He could marry her, and start a family with her. Kaya niya itong buhayin at bigyan ng magandang buhay kahit hindi na ito magtrabaho pa. Marahil ay hindi niya mapapantayan ang naging buhay nito sa New York, but he would make her the happiest woman on this side of the Earth. Maliban sa mabibigyan niya ito ng maayos na buhay ay pwede na rin nitong i-konsiderang na tapos na ang kinahaharap na problema dahil pakakasalan niya ito nang bukal sa loob at bibigyan ng anak. She would be able to ditch her parent's property, at hindi na rin ito mapapahamak sa kamay ng tiyahin.
Isang mahabang buntonghiniga ang muling kumawala sa lalamunan niya.
Kung sana'y nagsasabi si Caty sa kaniya tungkol sa problema nito'y matutulungan niya ito. He would make sure that her Auntie would go to jail, kasama na ang lalaking nagtangka rito. But Caty didn't want to involve him in, at ayaw niya itong pilitin. Kung hihingin nito ang tulong niya'y saka siya aaksyon. For now, he wanted her to feel safe in his arms.
But this is only our third day as an official couple; baka mabigla siya kung sabihin kong gusto ko na siyang pakasalan.
Pero nagmamadali din naman siya dahil sa sitwasyon niya... Would she refuse my proposal?
Ahhh, my head aches from thinking. I have a lot going on in my hands; palalampasin ko lang ang bagyo bago ako gumawa ng aksiyon.
Bumaba na siya sa sasakyan at patakbong tinungo ang backdoor. Doon siya sa kusina madalas na dumaan.
Pagdating sa kusina ay nagtaka siya kung bakit wala roon si Nelly. Madalas na naghihintay ito sa mesa upang salubungin siya ng tuwalya o alukin ng kape. He was expecting to see her there, gusto niyang itanong kung ano ang ginawa nito at ni Caty buong araw; at gusto niyang malaman mula rito kung ano ang opiniyon ni Caty sa paninirahan doon sa Contreras.
Caty chose to leave her New York life to live in his town; and his insecure arse still couldn't believe it. Gusto niyang panatilihin itong masaya roon para hindi nito pagsisihan ang pagpiling manirahan doon, at gusto niyang makausap si Nelly upang alamin kung ano ang damdamin ni Caty sa paninirahan sa bayang iyon.
But Nelly wasn't around. Hindi kaya'y maaga itong natulog?
Lumabas siya sa kusina at tuluyang pumasok sa bahay. Nilingon niya ang pinto ng silid ni Nelly, at dahil nakapatay ang ilaw sa hallway ay nakikita niya sa siwang sa ilalim ng pinto na nakabukas ang ilaw.
Okay, Nelly was there. Baka maaga lang natulog. Besides, hindi rin siya nagsabi kung anong oras uuwi kaya baka inisip nitong hindi siya darating sa ganoon oras.
Itinuloy na lang niya ang pag-akyat.
She couldn't wait to see and be with Caty again. Baka tulog na ito and he didn't want to wake her up. At least, not yet. Pinagod niya ito sa loob ng dalawang gabi; may puso pa siyang natitira upang pagbigyan itong kumuha ng sapat na tulog sa gabing iyon.
Pagdating sa harap ng kaniyang silid ay tahimik niyang binukasn ang pinto. He was about to take his first step in when he stopped on his track.
The whole room was lit up with scented candles, iyong binili nila sa bayan noong araw ng fiesta. Nakapatong ang mga iyon sa candle holder na nasa iaabaw ng chest of drawers at side tables. Ang single couch na dati'y nasa bandang bintana ay nasa harap na ng pinto at nakaharap sa painting stand kung saan may nakapatong na blangkong canvas. Nakahanda na rin ang mga kagamitan niya sa pagpipinta na maingat niyang itinatago sa loob ng kaniyang closet.
Kung paano ang mga iyon nahanap ni Caty ay wala siyang ideya. At wala siyang planong alamin dahil ang kaniyang buong pansin ay dumapo sa kama.
Sa kama kung saan ito patagilid na nakahiga at nakaharap sa kaniya-- without any clothes on her body.
"Ready to paint me naked, Mr. Fisherman?"
All he could do was gulp as he stared at her delicious form. Sa mga sandaling iyon ay nakalimutan niya ang pagod at antok na kanina ay naramdaman.
A sexy grin broke his face.
I have something else in mind, my mermaid...
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top