30 | Sunset Dipping
"Bakit dito tayo pumunta imbes na umuwi na sa beach house?" tanong ni Calley nang doon sila sa silong dumiretso matapos manggaling sa bayan.
Buong araw ay nasa bayan sila ni Phillian at nag-ikot-ikot kasama ang iba pang mga turista. They went to every food stalls and tasted their products. They strolled every art shops, clothing stalls, and even the fish market where she was introduced to many types of seafoods. Matapos nilang ikutin ang bayan ay nagtungo sila sa simbahan.
She wasn't the religious type, but Phillian was. At pumunta sila roon upang maipag-sindi nito ng kandila ang namayapang mga magulang. And he meant not only the man who adopted and gave him a name, but also his biological parents. He explained that Felicia brought them up to be God-fearing, pero ilan lang daw sa mga kapatid nito ang sumunod sa paniniwalang iyon hanggang pagtanda.
Matapos manggaling sa simbahan ay namasyal naman sila sa gymnasium na katabi ng simbahan, doon sa mismong court ay nagkalat din ang iba't ibang mga paninda; mula sa mga kakanin, sa iba't ibang klase ng bagoong, mga produktong pangbarter, at mga tuyo. Maamoy sa lugar na iyon pero hindi siya nagreklamo; the products smelt yummy actually, at nagutom siya kaya matapos nilang manggaling doon ay sa kung saang food stalls na naman sila pumunta.
And she loved that day. It was simple, pure, and real.
Walang halong pagpapanggap. Walang halong pag-iinarte, walang halong drama. Just like the first time they met. Just like that night.
At si Phillian ay hindi binitiwan ang kamay niya. Ang dahilan nito'y maraming tao at baka mawala siya. At dahil maraming pulis na nakapaligid sa bayan na pinaka-iwas-iwasan niya'y alam nitong mahihirapan silang pareho kapag nawala siya.
Bandang alas sinco na sila umalis sa bayan, at nang marating nila ang silong ay inabutan pa nila ang paglubog ng araw. The sky was red and that reflected off the sea. Kay ganda ng tanawin mula roon sa baybayin.
Walang tao sa silong dahil ang lahat ay nasa bayan kasa-kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Kahit doon sa baybayin ay walang gaanong tao; it was quiet, serene, and romantic.
"I promised you to go on a fishing trip, didn't I?"
Inalis muna niya ang suot na sunglasses at hat saka ini-itsa ang mga iyon sa backseat bago hinarap ang binata. "Don't tell me na dadalhin natin ang isa sa mga malalaking fishing boats mo sa laot?"
He chuckled. "May maliit na pump boat kami sa loob ng silong, iyon ang dadalhin natin. Let's go."
Nauna itong bumaba, at hindi na niya hinintay na pagbuksan at alalayan siya nitong bumaba kaya sumunod na siya. Nagtungo sila sa silong kung saan nito inalis sa pagkakatali ang maliit na pump boat saka kung paanong hinila na patungo sa dagat. The boat was only three meters long and a meter wide, at de makina iyon. Ayon kay Phillian ay ginagamit iyon for back up; mas mabilis daw ang takbo niyon kaysa sa malalaking bangka.
Matapos i-check ni Phillian ang kondisyon ng maliit na bangka ay dinala na nito iyon sa dagat. Bilib siya sa lakas nitong hilahin iyon mag-isa. He was a strong man--at tulala lang siya kanina habang sinusundan ito ng tingin. She wouldn't be surprised if Phillian told her that he was Hercules; a Greek divine hero famous for his strength.
Nang nasa tubig na ang bangka ay nag-umpisa na itong maghubad ng suot na sapatos. Makalipas ang ilang sandali ay inalalayan na siya nitong makasamba sa bangka.
Naupo siya sa upuang kahoy na nasa kabilang dulo, habang si Phillian ay naupo sa tapat niya, doon banda sa may makina. They were more than a meter apart, but she could still smell his manly scent.
Nang buksan na ni Phillian ang makina ay napakapit siya sa magkabilang gilid ng bangka. Lumakas nang lumakas ang ugong na ikinatakot niya. She was afraid the machine would explode. Pero hindi nangyari ang nasa isip niya.
Makalipas ang ilang minuto'y lumalayag na sila patungo sa malalim na parte, at hindi niya nagawang pagmasdan ang dagat dahil bigla siyang inatake ng takot. She thought she was just being jumpy by the loud sound of the machine, but it wasn't actually the case.
Mahigpit siyang kumapit nang bumilis nang bumilis ang takbo ng pump boat. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang hangin na liparin ang kaniyang buhok. The sun was setting down behind the ocean, at ang ganda ng kulay ng langit at tubig para sayangin lang niya't hindi pagmasdan. Pero kung hindi siya pipikit ay makararamdam siya ng takot at sasalakayin ng panic attack.
Eventually, she realized that this was the result of what happened when she jumped off the yacht. Sa loob ng isang araw ay nasa maliit na kahoy lang siya at palutang-lutang sa baybayin. At habang nasa pumpboat siya'y naramdaman niya ang takot na naramdaman noon. Nananariwa sa kaniya ang nangyari; para iyong mantsa na kumakalat sa kabuoan niya.
Nang maramdaman niyang unti-unting bumabagal ang takbo ng pumpboat ay unti-unti rin siyang nagmulat. At doon ay nakita niya si Phillian na nakatingin sa kaniya nang may pag-aalala. Tumatama sa kanang bahagi ng mukha nito ang sikat ng araw dahilan upang ang pawis nito sa noo'y kuminang na tila mga bituin sa langit, habang ang kaliwang bahagi ng mukha nito'y tila anino lang. And his ocean blue eyes sparkled like diamond, taking her breath away.
Wala sa loob na iniyakap niya ang mga braso sa sarili.
He was so beautiful... he belonged to the sea, indeed. Kung hindi ito si Hercules ay papasa itong si Poseidon; the God of Sea.
"Nagkaroon ka ba ng trauma sa nangyari sa'yo noong tumalon ka sa dagat?" tanong nito makaraan ang ilang sandali; nasa anyo pa rin ang pag-aalala.
Umiling siya, at hindi niya alam kung bakit kailangan niyang magsinungaling dito.
"Then why are you shaking?"
"I'm just... cold."
"Gusto mo na bang bumalik tayo?"
Muli siyang umiling. Kapag bumalik sila'y uuwi lang sila sa beach house. Ano naman ang gagawin nila roon?
"You don't look cold, you look scared."
Hindi siya nakasagot at hinigpitan na lang ang pagyakap sa sarili. Yumuko siya at ipinikit ang mga mata. Nalulula siya sa dagat at kung hindi siya pipikit ay baka masuka siya sa harapan nito.
Naramdaman niya ang pagkilos si Phill dahil bahagyang umuga ang bangka. She didn't move a single muscle. She thought he was moving toward her; to comfort and hug her, maybe.
And yes, she needed them. She needed his comfort; she needed to be in his arms. She needed him near her.
But then, it didn't happen.
Because what she heard next was a loud splash of water.
Napamulat siya at umangat ang tingin. Wala na si Phillian sa bangka.
He jumped off the boat!
Napa-angat siya sa kinauupuan at hinanap ito ng tingin. Sa ginawa niya ay noon lang niya napagtuonan ng pansin ang tubig. Doon lang niya napagtantong kay linaw niyon. And the water wasn't that deep. It was only six, probably seven feet deep. At sa ilalim ay nakikita niya ang mga malalaking coral reefs at samu't saring mga sea plants. May mga maliliit ding isda siyang nakikita na ikina-laki ng kaniyang mga mata. The underwater view was beautiful she couldn't take her eyes off it!
At namalayan na lang niyang unti-unti nang nawawala ang takot niya. Payapang pakiramdam ay humalili makaraan ang ilang sandali. At nais pa sana niyang panatilihin ang tingin sa ilalim ng dagat kung hindi lang niya naramdaman ang malamig na kamay na humawak sa kaliwa niyang braso. Bumaling siya sa kabilang direksyon at nakita ang itaas na bahagi ng katawan ni Phillian na umahon sa tubig. Ang braso nito'y naka-dantay sa katawan ng bangka, habang ang isang kamay nito'y banayad na nakahawak sa braso niya.
His grin was wide. "Let's swim."
"Huh?" Bumaba ang tingin niya sa balikat nito. It was then she realized that he took off his shirt. "I..."
"You don't know how to swim?"
"I can, but..." Niyuko niya ang sarili.
"You can swim with your clothes on."
Ibinalik niya ang tingin dito. "Can I take them off instead?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Phillian, ang kulay ng mga mata'y nagbago. "Would you?"
She shrugged her shoulders; ang takot na naramdaman kanina ay tuluyan nang nalusaw. "Kung okay lang sa'yo ay huhubarin ko."
"Kung magiging komportable ka'y walang problema sa akin."
Sandali siyang natahimik at pinakatitigan ito nang diretso sa mga mata. Si Phillian naman ay ganoon din, tila hinihintay kung ano ang sunod niyang gagawin.
Hanggang sa nagpakawala siya ng pinong ngiti. She lifted her body from her seat and without another word, she pulled her dress up and took it off. Tahimik niya iyong inilapag sa tabi bago niya muling binalingan si Phillian na ang mga mata'y nanatili sa kaniyang mukha.
She couldn't help but smile.
He was trying so hard to be a gentleman, at ayaw titigan ang halos hubad na niyang katawan.
Imposibleng hindi ito interesado; pinatos nga nito ang dambuhala niyang katawan noon--naging first love pa!
"Here; let me help you." Hinawakan siya nito sa isang kamay at tinulungan hanggang sa makalusong siya sa tubig.
Bahagya siyang nanginig nang maramdaman ang lamig; subalit makaraan ang ilang segundo'y nasanay rin ang katawan niya.
"Still scared of the water?" he asked in the gentlest tone.
Umiling siya. Ang kaniyang mga kamay ay nakahawak sa mga balikat nito, at ang mga kamay naman ni Phillian ay nasa kaniyang bewang.
"The ocean isn't really that scary as long as you know how to swim along with the wave."
She smiled. "Is that a metaphor?"
He smiled back at her. "Yes. Life is scary, Caty. Even your own family would try to trick and kill you, but it's up to you how to deal with the situation or to solve the problem. Your fate is in your hands."
Her smile widened. She then curled her arms around his neck, touching his body with hers. "I had no idea you are a man full of wisdom."
Phillian smirked. "Nah, I'm really just a plain fisherman."
She chuckled and pulled away. "Let's race."
"Race?" ulit nito, ang mga kamay ay nanatiling nakapulupot sa kaniyang bewang.
"I don't wanna brag, but I could swim fast, you know?"
"Really..." He let out a lopsided grin. "You are challenging a fisherman for a swim race, isn't that a daring move?"
"You can give me ten seconds head start kung gusto mo akong pagbigyan at kung talagang bilib na bilib ka sa kakayahan mo."
"That's cheating, baby."
Nagtayuan ang mga balahibo niya sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pero ayaw niyang ipahalata kay Phillian ang naging epekto ng salita nito sa kaniyang katawan. Ngumisi siya at tuluyang bumitiw rito.
"Let's race up to..." she trailed off and looked around. May nakita siyang mabatong bahagi hindi kalayuan sa kinaroroonan nila.
Mahigit isandaang metro mula sa kanila ay may nakita siyang maliit na isla na pinaliligiran ng puting buhangin. Sa gitna niyon ay mapuno, at mukhang walang naninirahan doon. Sa estima niya ay wala pang limampung metro ang haba ng isla.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano 'yon?"
Sumunod ang tingin ni Phillian sa naturan niya.
"Maraming mga nahuhuling alimango sa islang 'yan. Iyan ang buntot na bahagi ng bayang ito; no one lives there."
"Ligtas bang puntahan 'yan? Walang ligaw na hayop?"
"Do you wanna see and find out yourself?"
"I wanna race up to the island." Nakangisi niya itong muling hinarap. "Ready, Mr. Fisherman?"
Lumapad ang ngisi nito, at nang hindi ito sumagot ay lumusong siya sa tubig at akma na sanang lalangoy palayo nang hulihin nito ang braso niya at muling ini-angat. She emerged from the water and gasped for air.
"Hey!"
"You can't win, Caty-cat," he whispered to her ear. "I was a champion swimmer back in middle school, and I did nothing in the past ten years but swim in this ocean. I could be a merman for all you know."
Napalunok siya nang maramdaman ang init ng hininga nito sa basa niyang balat. Doon lang din niya napagtantong muli siyang napakapit sa balikat nito, habang ang isang kamay naman nito'y bumaba sa kaniyang bewang.
Heat rose from her stomach to her chest as Phillian's gaze lowered to her half-parted lips. She knew what he was planning to do; she could just sense it from his breathing. From the throbbing of his heart, and from the way his fingers tightened on her skin.
They were official now; he didn't need to ask permission should he wish to kiss her.
"You have pretty lips, Caty..." he whispered as he continued to stare at her waiting mouth. "They were so soft, so tender... and so tasty, too."
Oh, lalong nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. His voice vibrated to her ears.
Then, Phillian drew her closer, sliding his hands from her waist down over the thickness of her round bottom, fitting their bodies together.
He felt so good, so perfect as if their bodies were made for each other. Her breasts pushed against his hard chest, and that magnificent half-aroused maleness poking on the upper part of her abdomen took all her senses away.
"Your body is a work of art, Caty, and it's making me crazy," he growled before lowering his head. And when his lips touched hers, her heart decided to skip a beat. She parted her lips and felt him washing over like a wave of warmth. She curled her toes underwater, unfurling all her senses as the taste of him nearly silenced all thoughts.
Phillian kissed her gently at first. His hands were doing wonders underwater.
She heard herself gasp in pure pleasure when his tongue sought entry. She took him in, hungrily so.
Then, her legs seemed to have lives of their own when they wrapped around his body. Now, she was being bold. But it was just an indication that her body wanted more.
More of him.
More than just kissing.
And they seemed to be both ready for it, yes. Because she could feel him grow down there, and her body was heating up to a great level she couldn't stop.
She played her tongue with his. She became hungry with his kisses. She sucked his lower lip as she tightened her leg's grip on his body.
She yearned for him, and she was about to ask him to go back to the beach house so they could explore and play more when suddenly, a wave hit their boat, pushing it toward their direction, hitting them.
Sabay silang napa-ungol nang tumama ang bangka sa kanang bahagi ng katawan nila, at doon pa lang sila naghiwalay.
Sabay din nilang sinulyapan ang bangka, at sabay na nag-usal ng;
"Damn it."
Nagkagulatan pa sila sa kaparehong salitang lumabas sa kanilang mga labi, kaya hinarap nila ang isa't isa at parehong natigilan—hanggang sa nauwi sila sa pagtawa.
Hindi nila alam kung sino ang unang huminto sa pagtawa; pero natagpuan na lamang nila ang isa't isa na muling magkatitig, nakangiti. The sun was almost gone and the orange sky reflected off the water. It was a romantic and hot moment. And she knew this memory would stay in her mind forever.
Makaraan ang ilang sandali ay naramdaman niya ang isang kamay ni Phillian na umangat sa kaniyang likuran.
"Let's go to that island," he suggested, pointing to the one she meant earlier. "Get on the boat bago pa ako may magawa sa'yo."
She chuckled at his teasing.
Gusto niyang sabihin na wala namang problema sa kaniya kung may gawin ito; she had been anticipating for that to happen anyway. Pero nawalan siya ng kapal ng mukha upang sabihin iyon.
Ilang sandali pa'y tinulungan na siya nitong sumampa pabalik sa bangka, at nang makasampa na rin ito'y kaagad nitong pina-andar ang makina at inilayag ang bangka patungo sa isla.
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top