27 | This Kiss




            "Maraming salamat talaga, Doc Caty. Ang laking tulong ng ginawa ninyo kagabi sa amin," ani Minda na sinadyang dumiretso roon sa silong upang personal na magpasalamat kay Phillian. At nang makita nitong naroon din si Caty ay napatayo pa ito at hindi magkandaugaga sa pagpasalamat.

           "Kung hindi sa gamot na nireseta ni Doc Caty ay baka hindi kami nakatulog na mag-asawa kagabi, at baka naubusan ng lakas si Maricel sa labis na pagsusuka. Hinang-hina na ang anak namin kagabi, eh, kaya nagpasiya na kaming dalhin na sa ospital," sabi naman ni Boy na kay payapa na ng mukha ngayon kompara kagabi. Nakaupo na ang mga ito sa mahabang silya sa loob ng silong, at kalong-kalong ni Boy ang anak na maayos na ang pakiramdam ngayon. Hindi na namumutla tulad kagabi. "Kung hindi siya kaagad naka-inom ng gamot na ini-reseta nitong si Doc Caty, baka na-confine pa siya sa ospital."

           "Tungkulin ko po ang tumulong," ani Caty na nakatayo sa harap ng mga ito katabi si Phillian. Naroon din ang ilang mga tauhan ni Phil para kumustahin ang bata. "Maaari ko bang makita ang resulta ng mga laboratory tests ni Maricel?"

           "Opo, heto po." Inabot ni Minda ang brown envelop kung saan nakasilid ang mga lab results mula sa ospital sa Batangas. Inilabas ni Caty ang mga naroong papel at tiningnan ang resulta, habang ang mga nakapaligid ay manghang tinititigan ang dalaga.

           "Yes, she will be fine. Normal ang mga results ng lab tests niya, there are no signs of celiac disease or bladder infection. Give her another day of rest and she should be back to normal." Nakangiting ibinalik ni Caty ang mga resulta kay Minda.

           "'Yon nga rin po ang sabi ng doktor na tumingin kanina kay Mari sa ospital. Nagsabi po siyang tamang gamot naman po ang nabili natin sa pharmacy kagabi, at ituloy lang daw po iyon. Nagreseta lang po si Doc ng bitamina at pampalambot ng dumi para hindi mahirapan sa Mari, pero ang ilan po sa mga ini-reseta ninyo'y inayunan ng Doctor namin kanina. Maraming salamat po talaga, Doc Caty. Hindi po namin akalain na may kasintahang doktor si Sir Phill."

           Banayad na napasinghap si Calley sa narinig saka nilingon si Phillian upang senyasan na pasubalian nito ang sinabi ni Minda. Subalit nagkibit-balikat lang ang lalaki.

            Nanlaki ang mga mata ni Calley at mangha itong tinitigan.

           "Naku, paano ba 'yan?" ani Mang Ima, ang pinakamatanda sa lahat ng mga tauhan ni Phillian at siyang pinagkakatiwalaan sa lahat. "Kapag nagpakasal na itong si Phill at si Doc Caty ay magkakaroon na tayo ng doktor dito sa baryo natin."

           Nakangiwing ngumiti si Calley, saka disimuladong siniko si Phillian.

           "Yeah, who knows?"

           Muli na namang nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinagot ni Phillian. At dahil sa sinabi nito'y nag-umpisang sumipol ang mga mangingisdang naroon at nakapaligid, tinukso ang dalawa. Pinamulahan ng mukha ang dalaga at hindi kaagad nakapagsalita.

           "Ang problema ay hindi ko kasintahan si Doc Caty," kaagad na bawi ni Phill sa naunang sinabi na nagpatahimik sa lahat. "Bisita ko lang siya mula Maynila at aalis din makalipas ang ilang araw."

           "Ay, ganoon po ba?" ani Minda, nasa anyo ang panghihinayang. "Ang akala pa man din namin ay magkakaroon na ng doctor dito sa baryo natin."

          Doon muling hinarap ni Caty ang mag-asawa, muling ningitian. "Pwede naman habang narito pa ako. Kung may emergency kayo ay pwede ninyo akong lapitan at gagawin ko ang lahat ng kaya ko para tulungan kayo."

           "Pero hanggang kailan ka po rito, Doktora?"

           Napayuko si Calley kay Maricel nang marinig ang tanong nito. Iyon ang unang beses na nagsalita ang bata kaya labis na natuwa ang dalaga. Napayuko si Calley ay masuyong hinagod ang buhok ni Maricel. "Sa susunod na linggo ay kailangan ko nang umalis—"

           "Pero maaari siyang manatili rito hanggang kailan niya gusto."

           Muling umangat ang tingin ni Calley kay Phillian; nagulat sa sinabi nito. His face was serious as he stared at her; waiting for her answer. For her acknowledgment.

           And she said nothing. She just stared back at him... wondering if he was serious or just playing with her.

           Pero bakit naman iyon sasabihin ni Phillian sa harap ng marami kung hindi ito seryoso? At bakit kay seryoso ng anyo nito habang hinihintay ang pagsagot niya?

            Nang walang nakuhang sagot sa kaniya ay nagbawi ng tingin si Phillian at muling sinulyapan ang mag-asawa. Ngumiti ito. "Bukas ka na pumalaot, Kuya Boy. Samahan mo muna ang mag-iina mo ngayong araw. At h'wag mo nang ibalik ang perang natira, ibili mo na ng mga kakailanganin ni Mari."

           "Naku, maraming salamat, Bossing."

           Tumango si Phillian at hinarap ang ibang mga tauhan na. "Mag-a-alas sinco na, humayo na kayo."

           Kaagad na sumunod ang mga ito at isa-isang lumabas sa silong matapos magpaalam sa pamilya ni Boy. Nang makaalis ang lahat ay tumayo na rin ang mag-asawa, si Mari ay nagpakalong sa ama. Muli ang mga itong nagpasalamat kina Calley at Phillian bago nagpaalam na rin na aalis.

           Makalipas ang ilang sandali ay naiwan sa silong ang dalawa; parehong tahimik. Parehong nagpakiramdaman.

            Sa gilid ng tingin ni Phillian ay nakita nito ang pagbalik ni Nelly at ang paglapit nito sa silong. Doon ito na-alerto.

           "Step back a little," he commanded to Calley.

           "Step back? Why?" nagtataka namang tanong ng dalaga na atubiling sumunod. Umatras ito sa bahaging natatakpan ng pader ng silong at kunot noong tiningala si Phillian na napangisi at lumapit.

            Sa pagkagulat at pagkamangha ni Calley ay yumuko si Phill at dinampian ito ng halik sa mga labi.

           And it was just a swift kiss—five seconds top—before he let go of her and stepped back. Tamang-tama na naghiwalay ang mga labi nila at nakaatras si Phillian nang sumulpot si Nelly.

           "Ser, uwi na kami, na-ta-tae na po ako," anito sabay himas sa tiyan.

           Hinarap ito ni Phillian; disimuladong lumayo kay Calley na namumula ang mukha, saka inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon. "H'wag ka kasing lagay nang lagay ng kung anong pagkain sa bibig mo, Nelly. Sa katakawan mo 'yan kaya lagi kang nakatambay sa toilet."

           Napanguso lang si Nelly at hindi na sumagot pa.

           "Ihahatid ko pa ba kayo?"

           "Bakit, Ser, hindi ka ba papalaot ngayon?"

           "Hindi na, pagod ako."

           "Eh, 'di tara! Uwi na tayong tatlo at mukhang kamatis na iyang mukha ni Calley sa pagbibilad sa araw."

           Itinaas ni Calley ang mga palad at dinama ang mukha. Hindi pa rin ito nakabawi sa ginawa ni Phillian.

            Si Phill naman ay muli itong nilingon; nasa mga labi ng binata ang misteryosong ngiti. "Yeah, pulang-pula ka. Make sure you use sunscreen next time you visit the beach, Caty."

           Hindi na nakasagot pa si Calley nang mag-umpisa nang humakbang si Phillian palabas ng silong. Si Nelly ay naka-ngiwing sumunod habang himas-himas pa rin ang nananakit na tiyan.

            Naiwan si Calley na lalong pinamulahan ng mukha.

*

*

*

           Totoong hindi pumalaot si Phillian noong araw na iyon; pagkauwi ay kaagad na itong nagkulong sa silid. Nelly said he was probably sleeping, kaya hinayaan na nila at hindi ni-istorbo. Bandang alas otso nang maluto ang hapunan at dinalhan na lang ng pagkain ni Nelly ang amo sa silid nito.

           Bandang alas dies nang matapos silang maghapunan ni Nelly. Lihim siyang nagpasalamat na hindi na nito binuksan pa ang usapan tungkol sa nangyari kagabi, at buti ay tinigilan na siya nito sa panunukso.

            Matapos nilang maglinis ng kusina ay kaagad nang nagpaalam si Nelly na magpapahinga; ang silid nito'y malapit sa kusina.

            Umakyat na rin siya at tinungo ang kaniyang silid. Pero bago siya tuluyang pumasok doon ay sandali muna siyang napatitig sa harap ng silid ni Phillian.

           The room was silent; whether he went back to sleep or he wasn't there. Probably at the veranda? Was he painting in the dark again?

           She could only guess. Hiling niya'y dumating ang araw na hindi na siya mangingiming katukin ang pinto nito at alamin ang lagay nito sa loob.

            Bumalik sa isip niya ang sinabi nito kanina sa silong.

            Ang sinabi nitong maaari siyang manatili roon sa beach house hanggan gusto niya.

            She still wasn't sure if he's serious. Gusto niyang itanong dito kung iyon din ang gusto nito.

           Habang ganoon ang laman ng isip ay ini-tuloy niya ang pagpasok sa ino-okupang silid. She went straight to the restroom and took a quick shower. She wore one of the dresses she bought the other day and then went to bed when suddenly... she heard a knock on her door.

           Kay bilis ng tibok ng kaniyang puso nang lingunin niya ang pinto. Alam niya kung si Nelly ang kumakatok; it had a pattern. 3-1-1.

           But this time, it was different. And she just knew it was him who was behind the door.

           Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok habang inisiip kung ano ang nais nito sa oras na iyon. May kung anong kilabot siyang naramdaman na dumaloy sa buo niyang katawan.

            Nakailang hugot siya ng malalim na paghinga bago niyuko ang sarili; she was ready to sleep and she wore no bra. Nagpalingon-lingon siya, hinanap ang jacket na suot kagabi pero hindi na iyon mahagilap. Huli na nang maalala niyang nasa labahan na iyon.

           She groaned in tension. Mabilis siyang humakbang pabalik sa banyo at nagsuot nag brassiere. Paglabas niya'y wala na ang katok, at parang gaga na nanghinayang siya. Laglag ang mga balikat na bumalik siya sa kama nang muling marinig ang pagkatok, and this time, she didn't waste a second.

           Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang pinto at iyon ay kaagad na binuksan.

           And she wasn't wrong at all.

           God, she wasn't wrong.

           Because there he was, standing in front of her. His right arm was on the jam of the door just above his head with the look of someone who had been waiting for eternity. Ang isang kamay naman nito'y nakabitin sa ere at nahinto sa pagkatok. He was about to say something when his eyes caught her dress. He stared at her blue summer dress with fascination, and it didn't take long for him to release a sexy smile.

           "You look nice."

           "So, now you're flirting with me?" she couldn't help but say that.

           Phillian gave her a lopsided grin, stood straight, and pushed his hands into his cotton pants' pockets. "Were you about to sleep?"

           "N-Not really, just prepping."

           "Can I invite you to my room then?"

           Napaatras siya sa walang pakundangang tanong nito.

           Free Phillian was as fast as lightning! Agad-agaran?

           Nang makita nito ang pagkamangha sa anyo niya'y lumapad ang pagkakangisi nito. He then bent his head and stopped just an inch away. "Don't worry, we're not doing what's in your mind. I just needed to show you something."

           Hindi niya alam kung makahihinga siya nang maluwag o manghihinayang. "What is it?"

           "Just come." Tumuwid ito ng tayo at tinungo ang silid. Hinayaan nitong bukas ang pinto kaya sumunod siya.

            Nang makapasok sa silid ay sandali siyang nahinto nang ang unang kumuha ng kaniyang pansin ay ang apat na magkakaibang mga paintings na nakasandal sa King-sized bed nito. Ini-hilera nito ang mga iyon doon upang ipakita sa kaniya.

           And she was mesmerized by how good they all looked! Ang isa sa mga paintings ay ang ginawa nito sa dilim noong gabing iyon, and she knew it would look beautiful in a lit-up room. Kung ano ang natatanaw sa veranda sa dapit-hapon ay iyon din ang nakapintura sa canvas. Nalipat ang tingin niya sa kasunod na painting. It was what it seemed the universe. Puno ng bituin, at doo'y isa-isang naka-pinta ang labindalawang constellations kasama ang buwan at ang mundo. She recognized some of the signs. Ang isang painting naman ay tatlong palapag na farm house na pinaliligiran ng maisan—kung tama ang nakikita niya. At ang huli'y mukha ng isang may edad na lalaki ang naka-guhit. It wasn't painted; it was sketched.

           "Dalawang linggo mula ngayon ay kaarawan ng ama naming namayapa na, at kada taon ay patuloy pa rin iyong ipinagdiriwang ni Mama. I was planning to give Ma two of my artworks to display in their room; which of them do you think she would like to keep?"

           Hinarap niya ito, at sa sinserong tinig ay, "They all look great, Phillian. I'm sure your mother would love them all."

           "You just need to choose two," he said, smiling.

           "Well..." Ibinalik niya ang tingin sa apat na mga paintings. "They all look significant. Does each one of them has a special meaning?"

           "The beach one is a scene I always see at the veranda. Gusto kong makita ni Mama sa pamamagitan ng painting na iyan ang araw-araw na nakikita ko mula rito. The constellation one reflects my whole family. The moon stands as our father, the Earth is mom, and the twelve constellations are me and my eleven other brothers. The third painting is our ancestral house; that's where mom lives and where we all grew up. And the last one is... pop's portrait. I drew him based on how I last remembered him. That's how he looked before he got sick."

           For the first time since she's known him, she detected sadness in Phillian's voice.

           "As I already said, I think Tita Felicia would love them all. So why don't you just send her all four of them? They all have significant meanings; she would surely appreciate each of them."

            Hindi ito sumagot, at nang tingalain niya ito'y doon niya napagtantong nakatitig na pala ito sa kaniya. Muling tumahip ang kaniyang dibdib. "W-What?"

           "Did you know that you're the first person who I've shown my artworks to? At ikaw pa lang din ang nakaaalalam na gumagawa ako nito."

           "Not even Nelly?"

           "Not even her."

           "Why?"

           "What do you mean why?"

           "Why are you hiding your talent?"

           "As I said before, I don't like people knowing I could paint. It's a hidden talent that I want to keep hidden so I expect you not to spread the word."

           "Then, why?"

            Kinunutan ito ng noo. "Why?"

            "Why are you showing them to me?"

             That silenced him. He was not able to give her an answer.

            Sa kabila ng hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman ay napangiti siya. "Cat got your tongue?"

            "No, Caty did."

            Lumapad ang ngiti niya.

          Phillian's eyes then went down to her lips, and she gulped because she knew she wouldn't deny him what he wanted to happen.

           "Caty," he said in a low voice.

           "Hmm?" she answered, trying to control the wild beating of her heart.

           "Can I kiss you?"

            Déjà vu hit her. It was the same question he gave her that night, ten years ago, when they were in the car after they left the gay club.

            He's never changed at all...

           "Do you really need to ask?" was her response, which doubled as her permission.

           Phillian smiled and stepped closer, throwing his arms around her waist, pulling her tight against him. Then his lips went down on hers for a gentle yet soul-trembling kiss.

           She wrapped her arms around his neck and moaned as she tasted the sweetness of his mouth.

           The kiss deepened and became too hungry for one of them to attempt restraint. It was as if the wall between them from the past couple of days had totally disappeared.

            This kiss was different from last night, and from the ones he'd given her earlier at the beach. This kiss was with permission; they both wanted it.

            They both needed it.

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top