25 | Daniel or Phill?
Phillian wasn't sure if nature rooted for this moment or if his mind tricked him into a perfect present, but every breath he took smelt like vanilla. She smelt like vanilla he couldn't stop himself from closing his eyes and submit to her.
Caty just suddenly kissed him and he couldn't decide what to do. For the first time since he'd known himself, he was crossed between keeping his sanity by pushing her away and responding to her sweet, sensual kiss.
Why did she do that, anyway? She surprised him. Ni wala itong pasabi.
Nahinto siya sa pag-iisip nang maramdaman ang mga kamay ni Caty sa magkabila niyang mga balikat. She was gripping them. And then, she moved closer to hug him. Now her arms curled around his neck, and her chest touched his.
And damn, how they felt good against his body. Damn how her kiss tasted so sweet and delectable. And damn his body for reacting thoughtlessly.
Shit, this has to stop. This woman has a boyfriend!
But do I really want to stop this? She has been bothering my senses since she got here...
And I didn't initiate the kiss, she did!
Ahh, never mind. She tastes so sweet and who am I to refuse?
He put his hand to her arm and caressed her there. Oh, how her velvet skin felt so soft against his palm. Nag-aalala siyang baka magasgasan ng ma-kalyo niyang palad ang balat nito. Pero magkaganoon man ay nagpatuloy siya sa paghagod sa braso nito. He coasted his palm to her shoulder, to her neck, up to the back of her head. And he was about to take over and deepen the kiss when suddenly, he heard the front door chimed.
Doon siya natauhan at bahagyang ini-tulak si Caty.
Nagmulat ito at napatitig sa kaniya. Her pretty face was flushed and her lips were parted and wet. Damn it, hindi niya alam kung ano ang sasabihin, pero kailangan niyang ihinto ang halik na iyon dahil...
"Ser, ano'ng balita?" tanong ni Nelly habang binubuksan ang gate sa harapan nila.
Atubiling inalis niya ang tingin kay Caty na nanlaki ang mga mata sa biglang paglusot ni Nelly. Binalingan niya ang kasambahay na ngayon ay nabuksan na ang gate at lumapit sa bintana ng driver's side.
"Sa loob na tayo mag-usap, Nelly."
Pinasok niya ang sasakyan sa loob at ipinarada sa tapat ng bahay. Mula sa rearview mirror ay nakikita niya si Nelly na inisasara ang gate, at sinamantala niya ang sandaling iyon para kausapin si Caty. Subalit bago pa man siya nakapagsalita ay muli siyang natigilan nang sa paglingon niya ay nakita ang dalagang nakatulala habang nakatingin sa harapan.
Mukhang natauhan ito sa nangyari.
May pagsisisi kaya itong naramdaman?
Well, she should be. Walang kung ano't ano ay hinalikan na lang niya ako. Not that I complain, her kiss tasted sweet but—
"M-Mauuna na ako sa loob," ani Caty saka maagap na binuksan ang pinto ng front seat. Pero bago ito tuluyang makalabas ay nahuli niya ang braso nito. Napalingon ito sa kaniya, ang mga mata'y nanlalaki pa rin sa pagkamangha.
"Why?" he asked.
"Why?" she repeated. The shock was still on her face. "I... I don't know why."
"You just suddenly kissed me. Why, Caty?"
"It's... it's just a kiss. What's the fuss?"
"You don't kiss every man you sat in the car with, do you?"
Naging mailap ang mga mata nito.
"Ser?"
Napalingon siya sa bahagi niya nang marinig si Nelly. Nakita niya itong nakadungaw sa bintana ng driver's side, salubong ang mga kilay habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ni Caty. Napabuntonghininga siya at bumitiw. At sinamantala iyon ng dalaga upang mauna nang pumasok sa loob.
Ibinaba niya ang mga kamay sa steering wheel saka yumuko roon.
Damn it. Ano ang ibig sabihin ng halik na iyon?
*
*
*
"Hello, Caty! Pasama ulit akong maghatid ng meryenda sa baybayin!"
Hindi alam ni Calley kung papaanong tanggihan ang paanyaya ni Nelly. Katatapos lang niyang maghilamos nang marinig ang pagkatok sa labas ng kaniyang silid. Nang buksan niya'y nakangiting anyo ni Nelly ang bumungad sa kaniya.
Lihim siyang napabuntonghininga. She didn't think she's ready to face Phillian now. H'wag muna. H'wag muna matapos ang ginawa niya kagabi.
Geez... She kissed the man after learning she was his first love.
She was Free Phillian Zodiac's first love!
How the hell did that happen?
Hindi siya pinatulog ng kaalamang iyon kagabi. At sa tuwing pipikit siya ay bumabalik sa isip niya ang halik na iginawad niya rito. And she felt so hot last night na labis-labis ang pagpipigil niya sa sariling tumakbo sa silid ng lalaki at putulin na ang pagtitimpi.
Damn it, she wasn't a wanton woman. She wasn't addicted to sex. She only had one relationship in the US and it's been years since she last had sex with her ex. She and Daniel dated but he was too nice to ask her to sleep with him. And she wasn't really craving for sex, not until she met Free Phillian Zodiac again.
Para itong kerosin sa natutulog na apoy sa buo niyang sistema. Na kung sisindihan ay walang makapagsasabi kung gaano ka-laking apoy ang lilikhain nila.
Yes, she was fantasizing about him over the years. She couldn't forget the night they once shared a decade ago. And she admitted to liking him. But now, she was having second thoughts. What she felt wasn't just a simple like anymore; it was more than that.
Lust. Hunger. Desire.
She wanted him.
At ngayong nalaman niya na sa isang gabing pagsasama nila ng lalaki ay natutunan siya nitong mahalin at alagaan sa puso sa loob ng sampung taon ay lalong tumindi ang pagnanais niyang makuha ito.
Pero saan siya magsisimula? Sasabihin ba niyang siya si Tasty Cake? Paano kung hindi nito magustuhan ang pasisinungaling na ginawa niya? What if her lies would turn him off?
Paano kung hindi? Paano kung matuwa itong malaman na siya at si Tasty Cake ay iisa?
Would he consider her a suitable bride? Would he consider marrying her and giving her a child? It was like hitting two birds with one stone if that would happen.
Pero... ayaw ni Phillian na gamitin itong kasangkapan sa paglutas niya ng problema. Paano kung isipin nitong kaya siya nagpakilalang si Tasty Cake ay upang matulungan siya nito sa problema niya?
Ugh, that would surely turn him off.
Paano kung patuloy na lang siyang magpanggap at paibigin ito? Maybe her lust for him would turn into love eventually?
Pero paano si Daniel na pinangakuan niya?
Ahh, damn it.
Iyon ang paulit-ulit na gumugulo sa isip niya buong magdamag. Hindi niya alam kung anong oras siyang nakatulog kaninang madaling araw sa kaiisip sa tamang gagawin.
Noong nakaraang linggo ay ang naiwang kayamanan lang ng mga magulang ang problema niya, ngayon ay dinagdagan pa ng lalaki. Shit.
She didn't like where this was going...
Ngayon ay hindi rin niya alam kung papaanong haharapin si Phillian. Ano ang sasabihin niya rito? Paano niyang ipaliliwanag ang ginawa niya kagabi? Hind pa rin siya makapagpasiya kung magsasabi siya ng totoo rito o patuloy na magpapanggap bilang si Caty Monsera.
Caty Monsera...
Muli siyang napabuntonghininga.
Caty was her late mother's nickname and Monsera was her middle name.
She was Therese Cataley Monsera El Mundo.
At hindi niya alam kung bakit ang pangalang iyon ang ibinigay niya kay Phillian nang tanungin siya nito. It just popped up her mind like a bubble; kung paiimbestigahan ni Phillian ang pangalang iyon ay duda siya kung may mahahanap itong impormasyon.
"Ello, Caty? Tulala ka riyan, day."
Napakurap siya at muling ibinalik ang pansin kay Nelly na nanatiling nakatayo sa harap ng nakabukas na pinto.
"A-Anong sinabi mo?"
Napanguso ito. "Para ka ring si Ser Phill, tulala sa hangin."
Muli siyang napakurap.
"Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa kagabi at pareho kayong tulala ngayong araw?"
"P-Parehong tulala?"
"Tsk, tsk, tsk," ani Nelly sabay iling. Humalukipkip ito at sinuri siya ng tingin. "Nag-kiss kayo kagabi ano?"
Biglang-laki ng mga mata niya sa tanong nito. And she was about to deny that when all of a sudden, Nelly laughed out loud and turned her back.
"Kapareho rin kayo ng reaksyon ni Ser nang sabihin ko 'yan sa kaniya. Naku, naku, naku! Maibalita na nga ito kay Kwin Mader..."
Napasinghap siya saka mabilis na lumabas sa kaniyang silid upang sundan si Nelly. "Hey, you can't just tell her that?"
"Bakit naman hindi?" Lumingon ito, may ngisi sa mga labi. "Nagbilin iyon na balitaan ko siya kaagad kapag may imprubment sa inyo ni Ser Phill. Eh kung nag-kiss na kayo kagabi, ibig sabihin ay may imprubment. 'Di ba?"
Inabutan niya ito at upang patigilin ito sa pagbaba sa hagdan ay hinuli niya ang T-shirt nito saka hinila pabalik sa landing. At dahil mahilig si Nelly magsuot na oversized T-shirt at maluwag ang suot ay halos mahubaran niya ito.
"You can't report that to Tita Feli," protesta niya.
"Aray naman, 'day, 'yong bra ko nakalabas na." Banayad nitong inalis ang kamay niyang nakahawak sa damit nito.
"I kissed him, okay? Ako ang humalik sa kaniya at... hindi siya tumugon."
Ahh, damn it. Whilst it was true, dapat ay hindi na niya sinabi pa iyon kay Nelly. She was oversharing!
"Which means hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Kaya h'wag mong sabihin ang tungkol dito sa ina niya, please. Baka... umasa si Tita Feli."
"Okay lang 'yon. Lagi namang naasa 'yon kapag may mga bagong syota ang mga anak niya." Kinindatan siya ni Nelly. "At baka nagulat lang si Ser noong hinalikan mo kaya hindi tumugon." Nelly chuckled again. "Kuuu, ikaw talaga, Caty. Tatahi-tahimik ka lang pero mapusok ka rin pala, ha? Bakit mo pala muna siya hinalikan?"
Napalingon siya sa pinto ni Phillian. Nag-aalala siyang baka gising na ito at naririnig sila.
"Wala si Ser, nasa baybayin."
Ibinalik niya ang tingin kay Nelly na ayaw paawat sa pag-ngisi. Muli siyang napabuntong-hininga.
"Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa akin para... halikan siya." She couldn't even tell Nelly the truth about Tasty Cake.
Pero mukhang hindi kombinsido si Nelly sa naging sagot niya. Lumapad pa ang ngisi nito saka itinuloy na ang pagbaba sa hagdan. "Hali ka na nga, tulungan mo na lang akong dalhin ang meryenda ng mga tao sa silong, masyadong marami itong pinadalang muffins ni Ser Quaro para sa lahat, 'di ko kayang dalhin mag-isa."
"Meryenda?" aniya bago sumundo. Lihim siyang nagpasalamat at hindi na pinalawid pa ni Nelly ang usapan tungkol sa nangyari kagabi.
"Yep. Meryenda. Papalaot na sila maya-maya at nagpadala si Ser Quaro ng packed muffins para sa mga tauhan ni Ser Phil. Dumaan kaninang umaga ang isa pang kapatid ni Ser Phil, si Kuya Cerlance." Huminto si Nelly at muli siyang hinarap. "Hindi ko pa ba siya naiku-kwento sa'yo? Isa siya sa mga kapatid ni Ser Phill, at ang trabaho naman niya ay taga-hatid ng mga kabit ng politiko sa probinsya. Maaga pang narito 'yon eh, galing daw siya kay Ser Quaro at nagpadala ang isa ng mga packed muffins na kay sasarap. Eh sa sobrang dami ay nagsabi si Ser Phill na ihatid na lang ngayong hapon sa mga tao para may baon ang mga ito sa laot." Napa-palatak ito. "Sayang, hindi mo nakita si Kuya Cerlance, pogi rin 'yon, eh. Pero dahil alam ni Ser Phill na malakas maka-magnet ng tsiks 'yong loko na 'yon ay initago ka at hindi ipinakilala." Bumungisngis ito. "Ayaw masulutan."
Hindi niya pinansin ang kwento ni Nelly. Ang tanging pumasok sa isip niya ay ang sinabi nitong hapon na.
"Ano'ng... oras na ba ngayon?"
"Mag-a-alas cuatro na rin, aba. Hindi ka ba nakatulog agad dahil sa kiss?"
She couldn't help but roll her eyes. Hindi talaga yata siya titigilan ni Nelly sa panunukso nito.
"Fine. Sasamahan kita at tutulungan basta ipangako mong hindi mo na ako tutuksuhin."
Lalo itong bumungisngis, huminto at tumingala sa kaniya. "Bagay nga kayo ni Ser. Pinarusahan niya ako dahil tinukso ko nang tinukso kanina, kaya imbes na dalhin niya ang mga muffin sa pag-alis niya'y sadya pang iniwan para ako ang magdala. Pero sige na nga, at titigilan ko na kayong pareho. Pero basta ha? 'Pag dineskartehan ka ni Ser, patusin mo na kaagad nang maka-mub on naman na siya sa pers lab niya." Isang kindat pa ang binigay ni Nelly sa kaniya bago itinuloy ang pagbaba.
Gusto ni Nelly na mag-move on si Phill sa first love niya sa pamamagitan ko. She let out a dry smile. How ironic...
Inituloy na rin niya ang pagbaba. At nang nasa gitna na sila ng hagdan ay muli itong nahinto at nilingon siya.
"Nga pala, naalala ko lang. May syota ka bang iniwan sa 'Merica?"
"Why?"
"Totoo ba?"
"No. I am... not in a relationship."
"Eh, sino kung ganoon ang tinutukoy ni Ser Phil na kausap mo sa selpon noong nakaraang araw?"
"Oh. Daniel." Hindi niya akalaing gising ito at nakikinig noong nasa veranda siya at tinawagan si Daniel.
Humaba ang nguso ni Nelly. "Sino naman si Daniel?"
She exhaled. "Si Daniel ang solusyon sa problema ko, Nelly. At... nangako ako sa kaniyang babalikan ko siya at bibigyan ng pagkakataon sa pagbalik ko."
"Pero hindi mo siya syota?"
"Well..." Papaano ba niyang ipaliliwanag kay Nelly na iba ang kultura sa Estados Unidos pagdating sa pakikipagrelasyon?
"Kahit syota mo siya, pwede ka pa rin bang agawin ni Ser Phill sa kaniya?"
Isa pang buntonghininga ang pinakawalan niya. "It's not right to do that, Nelly. Hindi tamang konsintihin mo ang ibang tao na mang-agaw ng karelasyon ng iba. How would you feel kung si Ambong ang nasa posisyon ko?"
Lumabi si Nelly at napayuko. Mukhang nakuha nito ang ibig niyang sabihin.
Lumapit siya at hinawakan ito sa balikat. She let out a smile. "I am not in a relationship with Daniel, but I did promise to come back for him and give him a chance. Ngayon ay... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I couldn't break a promise but my attraction to Phillian is a lot more stronger now."
Sa nanlalaking mga mata ay muling nag-angat ng tingin si Nelly. "Inaamin mo na bang may gusto ka kay Ser?"
Nagkibit-balikat siya. "Sino ang hindi magkakagusto sa kaniya? But can you keep this a secret for now? Naguguluhan pa ako kung ano ang gagawin ko, and I hope I could tell you everything, pero kahit ang magsabi ng lahat-lahat sa'yo ay kay hirap gawin sa ngayon."
Tumango ito. "H'wag kang mag-alala, Caty. Seyp sa akin ang sekreto mo. At kahit magpaliwanag ka sa akin ay baka hindi ko rin maintindihan lalo at English ka nang English. Naku, kung hindi lang ako lumaki sa ancestral house at nasanay sa kai-English ng pamilya Zodiac ay baka dumugo na ang ilong ko sa inyo ni Ser."
Napangiti siya at naunang bumaba.
Si Nelly naman ngayon ang sumunod. "Nangako ka 'ka mo kay Daniel? Kung ako ang tatanungin mo, Caty, ay simple lang ang solusyon d'yan. Kung mas gusto mo si Ser kesa kay Daniel, ano'ng masama kung sirain mo ang pangako mo sa kaniya? 'Di ba nga, sabi nila... promises are made to be broken? O ha, memorize ko 'yan dahil lagi naming pinag-aawayan ni Ambong."
Huminto siya at nilingon ito. "Ambong breaks his promises?"
"Hindi naman madalas, pero oo; may mga pangako siyang hindi niya natutupad. Pero naiintindihan ko naman dahil ang rason kung bakit ay mas mahalaga kaysa sa ipinangako niya. Ang ibig ko lang sabihin, Caty, eh kung mas matimbang ang dahilan ng pagsira mo sa pangako ay iyon ang gawin mo. Tinupad mo nga ang pangako mo sa isa, malaking sakripisyon naman ang binitiwan mo sa isa. Paano pala kung ang sakripisyong iyon ay malaking puwang sana ang maidudulot sa buhay mo?"
She just made a face and continued her pace.
Again, Nelly made sense. Pero hindi pa rin niya alam kung tamang sundin niya ang suhestiyon nito.
Was she really capable of breaking a promise just for the satisfaction of her fantasies?
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top