23 | Doc Caty
"Dinner is serb, Ser!" masiglang salubong ni Nelly nang pumasok si Phill sa dining area. Tamang-tama na ini-lapag nito ang malaking plate kung saan naroon ang mga baked seashells sa ibabaw ng mesa nang sumulpot ang amo.
Si Phill ay tahimik na lumapit sa mesa, ang mga mata'y nasa mga pagkaing nasa ibabaw niyon. Maliban sa baked seashells ay mayroon ding marinara pasta at freshly baked garlic bread. Hindi ito kumain ng pananghalian dahil nang makauwi'y kaagad nang nagpahinga sa silid, kaya nang makita ang masarap na hapunan sa ibabaw ng mesa ay nakaramdam kaagad ito ng pagkalam sa sikmura.
"Amoy pa lang masarap na, ano, Ser?" pukaw ni Nelly rito. "Ang galing ni Caty magluto, nahirapan akong sundan kaya ginawan niya ako ng listahan at instraksyon sa selpon ko."
Speaking of Caty...
Disimuladong inikot ni Phillian ang tingin sa paligid. Noon lang nito napansing nag-iisa lang sa dining area si Nelly. He was about to ask where Caty was when Nelly said,
"Nasa taas pa, Ser. Nagpapaganda para lalo kang ganahang kumain..."
Salubong ang mga kilay na binalingan ni Phillian ang kasambahay matapos marinig ang sinabi nito. Doon nakita ng binata ang nakangising anyo ni Nelly habang inaayos ang pagkakalatag ng mga plato sa mesa.
"Tinutukso mo ba ako, Nelly?"
Eksaheradong suminghap ng hangin si Nelly sabay takip ng isang kamay sa bibig. "Hala, si Ser! Hindi ah! Ba't ko naman po gagawin iyon?"
Phillian raised his index finger and pointed it at Nelly. "Don't do that again. And don't do that to her; I don't want her to feel uncomfortable."
Napanguso si Nelly. "Eh ikaw lang naman Ser ang nagbibigay ng hindi komportableng pakiramdam sa kaniya. Bakit mo ba kasi tinatarayan iyong si Ganda eh wala namang ginagawang masama sa'yo?"
Bumalik si Phillian sa entry ng dining area at sinilip kung parating na si Calley. Nang makitang wala pa rin ito'y napabuntonghininga at muling hinarap si Nelly na naghihintay ng sagot.
"I don't know, Nelly. Kahit ako sa sarili ko ay nagtataka." Muli itong nagpakawala ng malalim na paghinga. "Naiinis ako kasi hindi ko mawari kung bakit parang kay pamilyar niya sa akin. I don't remember where I've seen her, or where we first met. She claimed that we used to study in the same university but I..." Natigil ito nang maalalang hindi alam ni Nelly ang tungkol sa totoong sitwasyon ng babaeng nakikitira sa beach house, at na hindi alam ng kasambahay na wala itong ideya kung sino talaga si Caty Monsera.
"Eh 'di ba, Ser, schoolmate niyo siya?"
Isa pang mahabang paghinga ang pinakawalan ni Phillian. "I know, but I don't remember her. At doon ako naiirita. She looked so familiar. Most especially her smiles and laughters. I'm sure I've seen her somewhere before..."
Napanguso si Nelly. "Hindi kaya type niyo lang siya kaya para kayong nawawala sa sariling katinuan kapag nakikita ninyo siya?"
Biglang angat ng tingin si Phillian. Nanlaki ang mga mata. "Nelly, I told you to stop teasing—"
"Hindi kita tinutukso, aba. Noong huling tinukso kita'y mga bata pa tayo at binato mo ako ng tae ng kalabaw."
That made Phillian smile. Nelly reminding him of the old days changed his mood somehow.
Nagpatuloy si Nelly. "Ang gusto ko lang sabihin ay napapansin ko ang ipinapakita ninyong pangit na ugali kay Caty samantalang wala namang ginagawang mali iyong tao. Hindi ka naman ganiyan sa ibang babaeng dinadala mo rito sa beachhouse, ah? Iyong ex mong supermodel na malaki ang pwet at kasing kinis din ni Caty? Hindi ba't parang reyna mo kung tratuhin iyon? Tapos 'yong ex niyo rin na teacher na aba'y parang bold star ang katawan, hindi ba't para kang alipin doon? Tapos iyong isa mo pang ex na—"
"They were my girlfriends at the time—natural na tratuhin ko sila nang maayos. But this one... Caty. She's not romantically involved with me at may hindi ako magandang nararamdaman sa kaniya. Something... odd."
"Ano'ng odd?"
"Kakaiba, Nelly. Parang may iba—parang may mali na hindi ko mawari."
"Pero hindi siya masamang tao, at least doon ay sigurado tayo. At wala siyang ginagawang masama sa inyo. Subukan ninyo kayang maging mabait doon sa tao? Kung hindi ay patuloy kitang tutuksuhin..."
"Hanggang sa batuhin ulit kita ng manure?"
"Kuuu... pinaganda mo pa, Ser. Tae ng kalabaw lang tawag natin sa ganoon dati, ah?"
Muling napangiti si Phillian at hindi na nakipagtalo pa. Itinuon nito ang tingin sa ibang direksyon at tahimik na inisip ang mga sinabi ni Nelly tungkol sa paraan ng pakikitungo nito kay Caty.
Ilang sandali pa'y nagpakawala ito nang malalim na paghinga.
"I think you're right. Hindi naging maganda ang asal ko sa kaniya."
Tumango si Nelly. "Grabe pa naman ako makataas ng bandera mo sa kaniya, Ser. Sinasabi kong ikaw ang pinaka-mabait sa inyong magkakapatid kahit hindi naman. Si Ser Lee Benedict talaga ang pinaka-mabait, hindi ba? Pero sinabi kong ikaw para mailakad kita sa kaniya."
Napailing si Phillian sa pagkamangha. "Why would you even do that? May kasintahan iyong tao na naiwan sa States. Kaya sinasabi ko sa'yong itigil mo na iyan; wala akong planong manira ng relasyon ng iba."
"Kasintahan?" Nagsalubong ang mga kilay ni Nelly. "Sinong kasintahan? Bakit walang naiku-kwento si Caty?"
"She probably just want to keep it private, so let her be. Narinig kong kausap niya kagabi sa telepono ang kasintahan niya." Naupo na si Phillian sa pwesto nito at inayos ang table napkin sa kandungan.
"Ahhh." Napahalukipkip si Nelly. Nasa anyo ang suspitsyon. "Kaya ka ba nagtataray kaninang umaga kasi nalaman mong hindi na single ang maganda't makinis nating bisita?"
Phillian opened his mouth to say something but no words came out. Hindi nito ma-tanggi o makompirma ang sinasabi ni Nelly, kaya ang isa'y lumapad ang pagkakangisi. Yumuko ito at banayad na siniko sa braso ang amo.
"Hindi pa naman kasal, Ser. May pag-asa pang maagaw."
This time, Phillian couldn't help but chuckle. "Stop, Nelly. H'wag mo akong demonyohin."
"So, inaamin ninyong type niyo siya, Ser? Type niyo ano? Maputi, makinis, malaki—ganiyang-ganiyan mga type ninyo, hindi ba?"
Natatawang itinaas ni Phillian ang isang kamay saka banayad na pinitk sa ilong ang kasambahay. "Shush your mouth, nakakahiya kapag may nakarinig."
Ganoong eksena ang dinatnan ni Calley nang pumasok ito sa dining area. Sandali pa itong nahinto nang makita ang nakatawang anyo ni Phillian.
Sabay na napatingin sa entry ang dalawa nang maramdaman ang presensya ni Calley; si Nelly ay napangisi at si Phillian ay tumikhim saka inayos ang pagkakaupo. Hinawi rin nito ang ngiti sa mga labi at muling naging seryoso.
Doon inituloy ni Calley ang paglapit, nahinto ito sa kabilang dulo ng mesa paharap kay Phillian at naupo na rin.
"What did I miss?" Calley asked, smiling at the two.
"Ah, wala," sagot ni Nelly sabay paypay ng isang kamay sa ere. "Basta hindi ikaw ang pinag-usapan namin."
Disimuladong siniko ni Phillian si Nelly na napabungisngis at lumayo na sa amo. Naupo ito sa isang side ng mesa.
Phillian turned to Calley who frowned as she watched Nelly's nonstop giggling. "Thanks for cooking dinner, these look delicious."
Hindi inasahan ng dalaga ang narinig, kaya bahagyang nanlaki ang mga mata nito at hindi kaagad nakasagot. Napamaang lang ito nang ibalik ang tingin kay Phillian na tumikhim at umiwas na ng tingin.
"Let's all eat," Phillian said, gently kicking Nelly under the table because she wouldn't stop giggling.
"Uh... Okay...?" wari ni Calley, palipat-lipat ang tingin sa dalawang tila may itinatagong kalokohan.
*
*
*
Alas once ng gabi nang sumilip si Calley sa bintana ng okupadong silid matapos marinig ang sunud-sunod na door bell sa ibaba. Hindi pa siya nakakatulog hanggang sa mga oras na iyon; she did her laundry and she just got out of the restroom after taking a night shower. Pahiga na sana siya nang makarinig ng door bell at pagtatawag mula sa ibaba.
Dahil kaharap ng kaniyang silid ang front yard ay kaagad niyang nakita ang nakabukas na gate. At doon sa front door ay may ilaw mula sa dalawang flashlights siyang nakikita.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay; sino pa ang pupunta sa beach house sa ganoong oras?
Bago pa masagot ang kaniyang tanong ay may narinig siyang pagkatok sa labas ng kaniyang silid.
No—the banging wasn't at her door, it was at Phillian's. At ang sunod niyang narinig ay ang pagtawag ni Nelly.
Madali siyang umalis sa harap ng bintana, dinaanan ang jacket na pinahiram sa kaniya noong isang araw ni Phillian at iyon ay ipinatong sa suot na t-shirt. She wasn't wearing her bra because she was prepping to sleep, at ayaw niyang masita ni Phillian kapag nakita siya sa paglabas niya.
Kaagad niyang binuksan ang pinto nang marating iyon, at doon ay sakto ring bumukas ang pinto ni Phillian. At dahil magkaharap lang ang mga silid nila'y pareho pa silang natigilan at nagkatitigan. Hanggang sa bumaba ang asul nitong mga mata sa jacket nitong suot niya.
His eyes darkened. Why, she had no idea.
Ginaya rin niya ang ginawa nito. Her eyes went down to his naked chest, causing her to inhale heavily. That's the only time she realized he was naked from the strand of his light brown hair to his hips.
Like her, he seemed to just finished taking a shower. Basa ang dibdib nito hanggang pusod, at sa kamay nito ay ang tuyong tuwalya na marahil ay ipinupunas nito sa buhok. Nakasuot lang ito ng sleeping pants at nakayapak pa.
She stopped herself from biting her lower lips. She didn't want to appear like a perv.
Inalis niya ang tingin sa mga binti ni Phillian na tinatakpan ng sleeping pants at ibinalik sa medyo basa pa nitong dibdib. There were fine hair on his chest; something he didn't have ten years ago.
I wonder how they would feel against my palm...? She shivered at the thought.
Wala sa loob na napahawak siya sa laylayan ng suot na jacket nang makaramdam ng kung anong kilabot sa buong katawan. Inayos niya ang pagkakatakip ng jacket sa kaniyang dibdib sa pag-asang maitago ang kasalukuyang nararamdaman ng katawan.
Damn, but she could feel her nips hardening while staring at Phillian's naked upper body for heaven's sake!
Mariin siyang napalunok, at akma sana niyang muling ibababa ang tingin mula sa ugpungan ng sleeping pants ni Phillian nang biglang nagpakawala si Nelly ng malakas na pagtikhim.
That caught her attention and woke her up from a delirious state.
Napakurap siya.
W-What happened?
"Sino ang nasa ibaba, Nelly?" tanong ni Phillian, ang tingin ay nasa kay Nelly na.
"Si Kuya Boy, Ser. Napasugod dito kasama si Kuya Mikel."
Ang tinutukoy ni Nelly ay ang dalawang mangingisdang tauhan ni Phillian. Nakilala na niya ang mga ito kaninang umaga nang magtungo sila sa silong.
"Ano'ng kailangan nila?" tanong ni Phillian na kinunutan ng noo.
"Si Maricel po, iyong panganay na anak ni Mang Boy, buong araw na raw pong masakit ang tiyan at mataas ang lagnat. Ngayong gabi lang at nagsusuka na at iyak nang iyak. Humihingi si Mang Boy ng tulong na madala sana sa ospital ang bata dahil namumutla na raw sa sama ng pakiramdam."
"Ospital? Sa Batangas pa ang ospital, Nelly, at hanggang ngayo'y hindi pa ayos ang tulay na nasira. Kailangan nating isakay sa ferry ang kotse, at ang ferry ay bukas ng umaga pa bibyahe." Nasa tinig at anyo ni Phillian ang pagkabahala.
"Eh, Ser, ano po ang mangyayari kay Maricel kung hindi siya madadala sa ospital?" Tulad ni Phillian ay nasa tinig din ni Nelly ang pagkabahala.
"Okay, give me a sec." Tumalikod si Phillian at bumalik sa loob.
Doon niya kinausap si Nelly. "Ilang taon ang pasyente, Nelly?"
Binalingan siya nito. "Magpi-pitong taong gulang lang iyong si Maricel. Kay bait na bata no'n, eh..."
Tuluyan na siyang lumabas mula sa okupado niyang silid. At nang maisara niya ang pinto ay siya namang muling pagbukas ng kay Phillian. Nakasuot na ito ng puting T-shirt, which was new because she's used to seeing him in a Hawaiian shirt. Sa kamay nito ay ang susi ng pick-up truck at ang cellphone.
"I'll drive them to the nearest doctor in town, Pero kailangan ko munang tawagan ang private doctor para alamin kung available siya—" Nahinto si Phillian nang humarang siya sa daraanan nito.
"Hey. I think I could help."
Nagsalubong ang mga kilay ni Phillian, at bago pa man ito makatanggi ay dinagdagan na niya ang sinabi.
"I'm a licensed doctor—a pediatrician in New York; I specialize in child's health. I could check the patient's condition, please bring me to her."
"Very well," kaagad na sagot ni Phillian bago dire-diretsong tinungo ang hagdan. Si Nelly ay madaling sumunod at nang nasa hagdan na ang mga ito'y sandaling huminto si Phillian. Pinaunan nito si Nelly, at nang tuluyan nang makababa ang isa'y nilingon siya ng lalaki.
Salubong ang mga kilay na humakbang siya palapit, at nang ilang dipa na lang ang layo niya mula rito'y huminto siya.
Phillian raised his index finger and pointed it at her. "Gusto ko lang sabihin na hinding-hindi ko gagawin ang nangyari sa pelikulang iyon. So forget about it; not interested." Pagkatapos ay muli siya nitong tinalikuran at itinuloy na ang pagbaba.
Sandali siyang natigilan sa narinig, at nang rumehistro sa isip niya ang sinabi nito'y nauwi siya sa pagtawa.
"You watched the movie?"
"I did," he answered as he continued to step down. "And it was horrible."
Natatawa niyang itinuloy ang paghakbang at sinundan ito. Hindi niya maisip kung ano ang inisyal na naging reaksyon ni Phillian nang makita ang eksenang iyon sa pelikula, pero sigurado siyang determinado itong hindi gawin ang hiling niya batay na rin sa anyo nito kanina.
She chuckled all the more.
This damned guy worked as an escort and had a one-night stand with a client ten years ago, but now he's changed a lot and refused to paint me naked? Geez... you are such an interesting man, Free Phillian Zodiac.
*
*
*
FOLLOW
COMMENT
SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top