22 | Titanic
"Ano'ng gusto mong tanghalian mamaya, Caty? Maraming malalaking hipon na nakuha ang dalawang bangka at nagsabi si Ser Phill na mag-uwi ako ng ilan. Gusto mo ba ng sinigang na hipon?"
Mula sa pagtampisaw sa dagat ay nilingon ni Calley si Nelly na biglang lumapit sa kaniya. Bitbit na nito sa dalawang kamay ang wala nang lamang mga termos na pinag-sidlan ng kape kanina.
Ningitian niya ito. "Siningang na hipon sounds delish. Let's do that."
She was a seafood person; she preferred it than red meat, kaya hindi siya hirap na mag-adjust sa pagkain doon. Noong nasa New York siya ay kay mamahal ng mga seafood; sa market man o sa mga restaurants. Not that she couldn't afford them; she just thought the prices weren't reasonable. Pero dito sa lugar ni Phillian ay bumabaha ng seafood; and Nelly would spoil her with them.
"Tulungan na kita r'yan. Akin na ang isang thermos," aniya saka kinuha rito ang isa sa mga bitbit nito. Hindi naman tumanggi si Nelly at ibinigay iyon sa kaniya. "Uuwi na ba tayo?"
"Oo, uwi na muna tayo. Ihahatid ni Ambong sa beach house ang mga hipon. Tatapusin lang nila ang pagkarga ng mga dadalhin sa palengke. Tara na?"
Lumagpas ang tingin niya sa balikat ni Nelly at sinulyapan ang ilan sa mga mangingisdang tauhan ni Phillian na patuloy sa pagkarga ng mga banye-banyerang huli ng mga ito sa isa pang pick-up truck. Katatapos lang ng mga itong mag-kape at magpahinga, tapos ay balik trabaho na naman.
She estimated there were more than twenty tubs filled with seafood loaded on the truck, at mayroon pang natirang iilan sa buhangin na tulad ng mga iyon ay puno rin. Si Phillian ay kausap ang driver ng truck, tila nagbibigay ng instruction. Ang ilan sa mga mangingisda ay tulung-tulong na ini-aahon ang mga pumpboats sa buhanginan, ang iba'y patuloy sa pagkarga ng mga banyera sa truck, at ang iba'y tinatanggal ang pagkakabuhol ng net at maayos na itinutupi saka ibabalik sa kada bangka. Everybody was doing their tasks, and she could not believe how organized they did them. Bilib siya sa leadership skills ni Phillian.
Ang swerte ng mapapangasawa niya, she thought. He would surely be a responsible husband and a loving father...
Oh well, ganoon din naman si Daniel. Hindi na rin siya lugi.
Oh Lord, what am I thinking again?
"Ano, Caty? Uwi na tayo?" untag ni Nelly.
Muli niyang ibinalik ang tingin dito. "Mamayang gabi ba ay papalaot ulit sila?"
Nilingon ni Nelly ang mga mangingisda. "Oo, araw-araw na pumapalaot ang mga bangka."
"But are they energized enough for another night of fishing? Mukhang antok pa ang iba sa kanila."
Napabungisngis si Nelly at muli siyang hinarap. "Naku, may schedule 'yang mga 'yan sa pagpalaot. Alternate ba. MWF, TTHS. Tapos ang lahat ay pahinga tuwing Linggo para makasama ang pamilya. Hindi na sila lugi roon, aba. Ang laki magpasahod ni Ser Phil, dagdag mo pang sa bawat araw ay may iniuuwing ulam ang mga 'yan at may benepisyo pa. Naiisip na nga rin ni Ser na pag-aralin ang mga anak ng mga tao niya, eh."
Lihim siyang napailing kay Nelly. Tulad ng madalas mangyari, isa lang ang nitanong niya pero bente ang sagot.
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Phillian na ngayon ay nilapitan ang ilan sa mga tauhan at tinulungan sa pagbubuhat ng bangka paahon sa dapat. She could see how the veins in his arms bulged as he put his force on lifting. She gulped in agitation. Now she understood why his body changed from being lanky to a hot, God-like hunk.
"How about your boss? Araw-araw ba siyang pumapalaot?"
"Hmm, depende. 'Pag nasa mood siya ay papalaot. 'Pag pagod o inaantok pa'y magkukulong lang 'yan sa silid niya at matutulog hanggang sa sumakit ang ulo."
"I think you're right, Nelly. His life is a little boring."
Gigising sa hapon para kumain at pumalaot, uuwi ng umaga at matutulog. Did he has anything else to do?
Like... dating.
"Kaya nga pinipilit na ni Kwin Mader na mag-asawa para hindi na malumbay ang buhay niya, eh."
Napakurap siya at ibinalik ang tingin sa kausap.
Nagpatuloy si Nelly. "Kahit sino na lang talaga mina-match make ni Ma'am Felly para d'yan kay Ser. Nagsimula lang noong nagpakasal ang nakatatandang kapatid ni Ser Phill. Hayon, simula noon ay pinilit na rin ni Ma'am na mag-asawa. Pero tulad nga ng sabi ko sa'yo noon, parang laging may hinahanap si Ser Phill o may hinihintay kaya ayaw lumagay sa tahimik."
"Hinahanap? Hinihintay?"
"Babae. 'Yong pers lab nga niya, 'di ba?"
Oh, yes. Naalala niya ang sinabi ni Nelly kanina..
Phillian has a first love... How lucky that woman is...
"Ayaw aminin ni Ser pero narinig kong nabanggit ni Ser Quaro minsang dumalaw rito. Tinukso niya si Ser na nainis at pinagsabihin ang kuya na h'wag gagawin iyon sa harap ng buong pamilya. Hindi pinasubalian ni Ser Phill kaya baka nga totoong may pers lab siya kaya hindi makapag-move on at walang interes mag-asawa."
"Oh..." Hindi niya alam kung bakit para siyang nainis sa sinabi ni Nelly. Naiinis siya sa kung sino mang babae ang tinutukoy nito. How could that woman get lucky to have taken Free Phillian's heart?
"Nelly, bakit hindi pa kayo humayo?"
Napa-igtad siya nang marinig ang boses ng taong kanina pa nila pinag-uusapan. Nang lumampas ang tingin niya sa balikat ni Nelly ay nakita niya si Phillian na naglalakad palapit; salubong ang mga kilay katulad kanina.
Hindi na ba maalis-alis ang init ng ulo niya? Aba, kanina pa siya, ha?
"Ayyy, may pinag-uusapan lang kami, Ser..."
Huminto si Phillian ilang dipa mula sa kanila, humalukipkip at ang mga mata'y itinuon sa kaniya. Ang pagkakakunot ng noo nito'y hindi nawala.
He wasn't too friendly with her in the first few days but he wasn't that mean. Nitong araw lang ito nag-umpisang mag-taray sa kaniya, as what Nelly would call it.
Fine; maybe he was just tired kaya iintindihin na lang niya at hindi papatulan.
"I want a delicious dinner tonight."
Siya naman ang kinunutan ng noo. Sa kaniya nakatitig si Phillian noong sabihin nito iyon; kaya... sa kaniya ba nito sinasabi na nais nito ng masarap na tanghalian? Was he requesting for her to cook a delicious meal?
"Something new. Something delicious," dagdag pa nito.
She opened her mouth to ask him if he was talking to her when suddenly, Phillian turned to Nelly.
"Naiintindihan mo ba, Nelly?"
"Ayyy... Ako pala ang kausap ninyo, Ser?"
"Sino pa ba sa tingin mo?"
Napanguso si Nelly ay sinulyapan siya. Sumunod din ang tingin ni Phillian at ibinalik ang pansin sa kaniya.
She blinked.
"Make your stay in my house worthwhile. Turuan mo si Nelly na magluto ng ibang putahe; she's a fast learner so you wouldn't have a hard time with her."
She blinked again. Sigurado siyang para na sa kaniya ang sinabi nito.
"Mukhang marunong ka sa kusina kaya alam kong matuturuan mo si Nelly." Iyon lang at tumalikod na ito. "See you both at dinner."
She couldn't help but smirk. Nang makalayo na si Phillian ay saka siya nilapitan ni Nelly. Ang mga mata nito'y nakasunod din sa amo, ang bibig ay nakangiwi.
"Kuuu. Napaghahalataan."
Nilingon niya ito. "What?"
Ininguso nito si Phillian na nakalapit na sa mga kasama. "'Yon, o. Si Ser, napaghahalataan na."
"What do you mean?"
"Nagpapa-kyut sa'yo. Kuuuu, si Ser talaga, oo. Gusto lang niyan na ikaw ang magluto parati dahil alam mo kung bakit? Nasarapan siya sa luto mo noong nakaraan." Ngumisi ito at bahagya siyang siniko. "Konfirmd. Type ka ni Bossing."
Naramdaman niya ang pagsakop ng init sa magkabila niyang mga pisngi. Umiwas siya ng tingin. "D-Don't say that, Nelly." Don't give me false hope.
Lumapad ang pagkakangisi nito. "May syota ka bang naiwan sa America? Kung wala ay patusin mo na si Ser. Hindi ka na rin lugi riyan, aba."
Alam niyang pulang-pula na ang kaniyang mukha kaya umiwas siya ng tingin at hinila na ito. "Stop teasing me and let's go home."
*
*
*
Calley made baked cheesy clamps and oysters for dinner, partnered with marinara pasta.
Ang yes, sinunod niya ang sinabi ni Phillian kanina. Nagpakitang-gilas siya kay Nelly, at tinuruan niya ito para hindi pare-parehong putahe lang ang alam nitong iluto kay Phillian sa susunod na mga araw. Kompleto naman ng gamit ang kusina, she could cook anything.
Matapos niyang magluto at habang nasa ovep pa ang mga clamps and oysters ay umakyat muna siya upang maligo. She had instructed Nelly not to take out the bakes seafood until they're ready to eat. Iyon ay upang mapanatiling mainit at stretchy ang mozzarella cheese na nilagay niya.
Geez, hindi niya inasahan na makakahanap siya ng mozarella cheese sa fridge. Kung hindi sila naglinis ni Nelly ng fridge ay hindi pa niya makikita, at kung hindi niya iyon nakita ay baka ibang putahe ang niluto niya. Naka-sealed pa ang mozzarella bar at hindi nagagamit dahil ang sabi ni Nelly ay wala itong mapaggamitan. Nelly explained it was given by one of Phillian's brothers.
She was excited to eat dinner, pagbaba niya mamaya ay sasabihan niya si Nelly na pababain na ang mataray nitong amo para sabay-sabay na sila. Hindi niya alam kung magugustuhan nito ang niluto niya. At hiling din niya na sana ay maayos na ang mood nito matapos matulog buong araw.
Pagdating niya sa itaas ay kaagad siyang dumiretsos a guestroom, sandali lang niyang sinulyapan ang pinto ng silid ni Phillian bago akmang bubuksan ang pinto ng okupado niyang silid nang makitang bahagyang nakabukas ang glassdoor ng veranda. Lumapit siya roon at akma sanang isasara nang makitang nasa labas si Phillian kaharap ang painting stand kung saan may nakapatong na canvas. Nagsalubong ang mga kilay niya; walang ilaw doon sa veranda at ang tanging tanglaw nito ay ang liwanag mula sa buwan. How was he able to paint without proper lighting?
And damn yes, the man could paint!
With a frown on her face, she opened the door and went out. Sandali lang siyang nag-atubili bago tahimik na naglakad palapit. She stopped a few steps behind his back. Her mouth dropped when she had a glimpse of the painting.
Ang nakapintura ay ang karagatang tanaw mula sa veranda. The sun was setting down on the painting, and the sky was in warm color.
"That is so beautiful!"
Si Phillian ay napa-igtad nang marinig ang pagbulalas niya. Marahas itong lumingon, at sa nanlalaking mga mata ay, "The hell is wrong with you not making any noise?"
Napa-atras siya; para itong batang nahuling nagbabasa ng adult magazine.
She made a face. "Was I supposed to cough to let you know of my existence?"
He tsked and stood up. Naiinis nitong inalis ang canvas at ang stand. Binitbit nito ang mga iyon sa isang kamay, habang sa isa naman ang painting plate. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo nito ang glass door na papasok sa silid nito.
"What is wrong with you, parang sinabi ko lang na maganda ang gawa mo, ah?"
Nahinto ito at walang lingon-likod na nagsalita. "I don't want people seeing me paint."
She frowned in confusion. "Why not? Painting is not a sin nor a criminal act. Why hide the talent?"
Matagal muli itong natahimik bago dahan-dahang lumingon sa direksyon niya. His face was void of any emotions.
"It's a secret skill."
"Not a secret anymore, then. I've seen it. Now what?"
"I have nothing to explain to you." Itutuloy na sana nito ang pagpasok sa silid nang muli siyang nagsalita.
"I don't understand the secrecy? Hindi ka naman in-atake sa puso, hindi ka rin nilamon ng lupa. Walang nangyaring masama sa'yo dahil lang nalaman kong marunong kang magpinta."
"Just leave me alone."
She smirked and crossed her arms across her chest. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mailapag nito sa sahig ng silid ang painting stand at canvas. Sayang ang ganda ng gawa nito kung itatago lang.
Nang akma nang isasara ni Phill ang glassdoor ay may kung ano'ng ideya na pumasok sa isip niya. At bago pa magbago ang isip niya ay bigla siyang nagsalita ng,
"Hey, can I ask you a favor?"
Nahinto itong muli at bagot siyang sinulyapan. " Now what?"
"Can I buy one of your artworks?"
Nagsalubong muli ang mga kilay nito; nasa anyo ang pagtataka. "You would?"
"Yes. I can afford one, for sure. So... can I?"
"Why would you even do that? Hindi ako kilalang artist, my artworks don't have that much of a value—"
She smiled, stopping him from speaking.
"The one you just placed on the floor looks way better than the ones made by international artists that I know." And of course, she was being biased. "But that's not what I want to purchase from you."
Phillian's furrow deepened.
Nagpatuloy siya. "Have you seen the movie Titanic?"
"Go straight to the point; ano ang gusto mong ipinta ko para sa'yo?"
"If you've seen the movie Titanic, there is actually a scene where Leonardo Di Caprio drew Kate Winslet in a private room. That's how I wanted you to paint me."
Oh shit, she couldn't hold her laughters anymore. Salubong ang mga kilay ni Phillian at litong-lito sa mga sinasabi niya. Obviously, hindi pa nito napapanood ang pelikulang iyon. She would guess this guy wasn't a movie-goer. Hindi niya rin alam kung ano ang pumasok sa isip niya para sabihin iyon.
Maybe she knew that Phillian wouldn't take her seriously? Well, seryoso siyang bibili ng isa sa mga gawa nito—iyon man lang ay may alaala siyang dadalhin mula rito pagbalik niya sa Estados Unidos. Kapag tumanggi itong gawin ang sinabi niya—which she knew he would—ay walang problema. She wasn't really that serious, anyway. Sinusubukan lang niya ito.
Pero paano kung pumayag si Phillian?
Well, what's the fuss? Nakita at natikman na rin naman niya ang katawang ito...
Ah shit. Heto na naman ang marumi kong utak...
"I haven't seen that movie so I don't know what you're talking about."
She couldn't help but grin. "It would an honor if you could paint me the way how Jack Dawson drew Rose DeWitt Bukater in the movie Titanic. I suggest you watch it first and let me know what you think. I am willing to buy it from you—no matter how much it'll cost."
Akmang sasagot si Phillian nang mabilis siyang tumalikod at tinungo ang glass door ng veranda. She didn't want to give him a chance to refuse.
"Dinner's ready, by the way. See you downstairs in twenty minutes."
Nakangisi siyang pumasok sa loob at patalikod na ini-sara ang glass door ng veranda.
Let's see what he would say after watching the movie...
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top