21 | Kras


           "Iyan ang silong?" tanong ni Calley kay Nelly nang marating nila ang tabing dagat kung saan naroon ang sinasabi nitong silong na kinaroroonan ni Phillian sa mga sandaling iyon.

It was only eight in the morning, at maaga siyang niyaya ni Nelly na bumaba sa beach para dalhin ang almusal ng mga mangingisdang nagta-trabaho para kay Phillian. Bitbit ang dalawang malaking termos na may lamang barakong kape ay nauna si Nelly sa paglalakad. Siya naman ang may dala ng isang bayong na puno ng iba't ibang klase ng tinapay; mainit-init pa.

Ayon kay Nelly ay araw-araw nito iyong ginagawa nang mas maagang oras; sa araw na iyon daw ay nahuli ang delivery ng tinapay kaya tanghali nang bumaba. At dahil nagmamadali ito'y nagpatulong na sa kaniya.

Wala siyang problema roon; she would love to help. Hindi lang siya nakapaghanda na may kalayuan din pala ang beach house sa silong na pag-aari ni Phillian. Inabot sila ng mahigit dalawampung minutong paglalakad, at pawisan silang pareho. Doon niya naintindihan kung bakit laging naka-pick up truck si Phillian tuwing aalis.

Sa tingin niya'y okay na rin iyong pinapawisan siya—hindi na niya kakailanganin pang mag-yoga sa araw na iyon; she had her exercise.

Ibinalik niya ang tingin sa silong. Tila iyon katumbas ng isang malaking parking area; at inasahan niyang bubong na nipa lang at posteng kawayan ang silong na tinutukoy ni Nelly. Pero namangha siya nang sa pagdating nila roon ay nakita niya ang halos isandaang metrong silong na ang pader at pundasyon ay gawa sa semento at ang bubong ay gawa naman sa bakal at makapal na yero. And for her, it wasn't just a shed, it was like a terminal!

Mahigit limampung metro ang layo niyon sa dagat, at ayon kay Nelly ay doon inisisilong at initatali ang mga bangka sa tuwing may bagyo. Sa loob niyon ay may dalawang malalaking bangkang nakasilong, na ayon kay Nelly ay dumaraan sa maintenance ang makina. Sa likod ng silong ay naroon na ang kalsada, at sa gilid niyon ay nakaparada ang pick up truck ni Phillian.

Sa harap ng silong, doon sa dagat ay naka-daong ang tatlo pang malalaking mga bangka kung saan may ibinababang banye-banyerang isda at hipon. At naroon si Phillian; tumutulong sa pagbubuhat.

There were like twenty men helping each other. At namangha siya dahil hindi ganoon karaming tao ang inaasahan niyang pakakainin nila.

"Kakasya ba ang kapeng dala mo, Nelly?" aniya, looking at the two large termos. Malapit na nilang marating ang silong at ang ilan sa mga taong naroon ay napatayo at hinintay ang paglapit nila. May isang lalaki ang sumalubong; nakangiti nang ubod ng tamis kay Nelly.

He was a tall, lanky guy with a bright smile. Naging tsokolate na ang kulay ng balat nito na marahil ay dahil sa pagbilad sa araw. Pansin niyang may hitsura ito. At hindi mahirap hulaan na iyon ay si Ambong; ang kasintahan ni Nelly.

"Mahal, ang tagal mo naman."

"Eh ang tagal kasing dumating ng tinapay eh!" Inabot ni Nelly ang dalawang termos kay Ambong saka siya nilingon. "Akin na ang bayong, Caty. Si Ambong na rin ang magdadala niyan."

Si Ambong ay napatitig sa kaniya. "Siya ba 'yong bisita ni Boss?"

"Oo, siya nga. Alam kong maganda siya at makinis ang legs kaya h'wag mo siyang titigan, may tadyak ka sa'kin mamaya."

"Kuuu, ito namang si Mahal."

Nakangiti niyang pinagmasdan ang mga ito. Ambong's love for Nelly was evident; kitang-kita niya sa mga mata ng lalaki.

How lucky Nelly was...

"Ito pa, Mahal, oh." Nilapitan siya ni Nelly ay kinuha sa kaniya ang bayong upang iabot sa kasintahan. "Tawagin mo na rin ang iba niyo pang mga kasama at lantakan niyo na 'yan."

"Salamat mahal, usap tayo mamaya ha?" Kinindatan ni Ambong si Nelly na nanginig sa kilig.

Nang makaalis si Ambong ay saka siya nito nilingon, nilapitan, at iginiya patungo sa naka-daong na bangka sa buhanginan. Tulad ng dalawa sa silong at tatlo sa dagat, ang bangkang nasa buhanginan ay may kaparehong kulay ay tatak sa katawan niyon; Free Zodiac.

"Ilan ang bangkang pangisda ng amo mo?" tanong niya nang maupo sila ni Nelly sa pakpak ng bangkang iyon. Mula roon hanggang sa tatlong bangkang kada-daong lang ay tatlumpong metro ang layo kaya kitang-kita niya ang pag-kinang ng mga pawis—o tubig dagat—sa mga braso't mukha ni Phillian sa mga sandaling iyon habang tumutulong itong magbuhat ng mga banyerang punong-puno ng laman.

"Sa ngayon ay anim pa lang, pero may plano si Ser na magdagdag ng tatlo pa sa susunod na taon."

"He works so hard—daig pa niya ang may dalawang asawa at isang dosenang anak, ah?"

Napahagikhik si Nelly sa mga sinabi niya. "Wala naman kasing ibang gagawin 'yan kung hindi magtrabaho. Kung may asawa nga sana 'yan ay baka mas naging maayos ang buhay niyan. Ewan ko ba, parang ako ang nalulungkot sa kaniya."

Nilingon niya ito. "What do you mean?"

"Paano, gigising sa hapon, kakain, pupunta sa laot at buong gabing maghahanap ng isda. Pag-uwi sa madaling araw ay matutulog lang hanggang tanghali, tapos magigising at kakain, papalaot na naman. Get mo ba? Ang boring ng buhay ni Ser Phil—at alam ni Ma'am Felicia 'yon kaya pinipilit na rin siyang mag-asawa."

"Handa na rin ba siyang mag-asawa? Eh mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mahanap ang suitable bride niya." May kung anong pait sa dila siyang nalasahan nang banggitin niya ang terminong iyon.

"Aba'y oo naman, ilang beses na ngang nag-syota 'yan, puros magaganda't makikinis gaya mo! Pero ewan at 'di tumatagal ang mga babae sa kaniya. Siya ang nakikipaghiwalay madalas. Ang arte ni Ser, tsk." Sinamahan iyon ni Nelly ng pagkakamot sa batok.

"Ano sa tingin mo ang... problema?"

"Ewan ko ro'n. Hindi yata maka-move on sa pers lab, eh."

"He has a first love?" That took her interest.

Si Nelly ay hindi na nakasagot pa at biglang ini-tikom ang bibig nang sa pagharap nitong muli ay nakita si Phillian na papalapit sa direksyon nila. Hila-hila nito sa isang kamay ang nagkabuhol-hubol na fishing net.

Ibinaling din niya ang tingin sa harapan, at doon ay saktong ibinagsak ni Phillian ang fishing net sa kanilang harapan.

"Work on that, you two."

She scowled and looked up at him. "What?"

"Just because I allowed you to live in my house doesn't mean you can't work."

Salubong pa rin ang mga kilay na ibinaba niya ang tingin sa net—sa sobrang pagkabuhol-buhol niyon ay para na ring nagkabuhol-buhol ang kaniyang utak.

"Work on what?" aniya saka ibalik ang tingin kay Phillian na sa mga sandaling iyon ay seryoso ang anyo.

"Tanggalin mo ang pagkakabuhol ng net. Nelly knows what to do, she will teach you."

Napanganga siya sa pagkamangha. And why would I do this? He can't just order me around?!

"Okay, ganito na lang," aniya, pigil-pigil ang inis. "Kapag napatunayan kong totoo ang sinasabi ko tungkol sa sitwasyon ko ay babayaran pa rin kita ng lodging and meal ko. Okay ba iyon?" Geez, hindi niya akalaing ganito ka-suwapang sa pera si Free Phillian Zodiac.

Lumapit ito, dinampot ang net, yumuko at kinuha ang kamay niya upang ibigay iyon sa kaniya. His face was just a few inches away from hers; his natural, ocean-y scent assaulted her nose. "Whether you prove your honesty or not, you still need to work. Kulang ako sa tao ngayon kaya tumulong ka."

Bago pa siya nakasagot ay tuwid na itong tumayo, at napasimangot siya nang bigla siya nitong tinalikuran upang bumalik sa mga nakadaong na bangka. She scoffed and hurled the wet fish net on the sand.

Akala ko ba ang sabi ni Nelly ay mabait siya? Noong magkasama kami ay mabait din naman siya, bakit parang nag-iba na ngayon? Who the hell hurt him?

May biglang pumasok sa isip niya.

Oh... he used to work as an escort. At mabait siya sa akin dahil client niya ako. He was kind because I paid him. At nakalibre pa siya ng sex! Oh!

Tinapunan niya ito ng masamang tingin.

So ito talaga ang totoo niyang pagkatao at noon ay nagbabait-baitan lang siya dahil binayaran ko. Now I know.

"Pikon talo," ani Nelly na napabungisngis sabay banayad na siko sa kaniya. Yumuko ito at dinampot ang net saka ibinigay sa kaniya. "Gawin na natin para makauwi na tayo at makapagpahinga nang maaga ang lahat. Ganiyan dito, lahat nagtutulungan."

"Tutulong ako kung kinausap niya ako nang maayos. Bakit ba mainit ang ulo ng lalaking 'yan ngayon? Did I do something?"

Bumungisngis muli si Nelly at tinulungan na siya. "Eh baka kasi kras ka."

"Kras?"

"Crush, 'day. Ito naman, aba'y kay hirap ng pronouncion eh."

She couldn't help but giggle. Doon ay nabawasan nang kaunti ang inis na nararamdaman niya. "Did you mean pronunciation?"

"Magkatunog naman kaya ikaw na ang mag-adjust."

Natawa na siya nang tuluyan at hindi na sumagot pa.

"Ganiyan 'yang si Ser kasi kras ka ata, eh. Hindi naman talaga suplado 'yan. Sabi ko nga sayo, di ba? Sa kanilang magkakapatid ay siya ang pinakamabait."

Natigil siya sa pagtawa at muling nanulis ang nguso. Sinulyapan niya si Phill na kausap ang mga tauhan habang tumutulong sa pagbubuhat ng malalaking mga banyera ng isdang ngayon ay ikina-karga na sa likod ng truck nito. Nakaharap ito sa direksyon niya, kaya nang sa pag-angat nito ng tingin ay nagsalubong ang kanilang mga mata. Pareho silang natigilan, subalit kaagad na nakabawi si Phillian at sinenyasan siyang bilisan ang ginagawa.

She smirked. "Kita mo ang ginawa niya, Nelly? That's not how a nice man treats a woman."

Hindi maawat si Nelly sa pagbungisngis. "Kras ka nga. Naiinis lang 'yan kasi ang sexy mo ngayon at nasisilaw sa mala-porselana mong legs."

Bumaba ang tingin niya sa suot na shorts na nabili nila sa isang RTW store sa bayan kahapon. Maiksi iyon subalit hindi mukhang bastusin. She felt comfortable wearing them than those fitting jeans.

"Pustahan pa tayo," dagdag pa ni Nelly saka bumulong sa kaniya. "Kapag sinita ka niya r'yan sa suot mong shorts, ibig sabihin ay tama ako. Type ka niya."

Binalingan niya ito. "Gagawin mong batayan 'yon?"

"Naku! Bata pa lang ako ay nagta-trabaho na ang pamilya namin sa pamilya nila kaya kilalang kilala ko 'yan at ang mga kapatid niya. Hindi siya ganiyan sa ibang babae kaya siguradong gusto ka niyan. Sabi kasi ng nanay ko; ang lalaking naiinis sa babaeng wala namang ginagawang masama ay nagkakagusto na. Isa pa, hindi naman imposibleng magustohan ka ni Ser Phil, eh. Sabi ko sa'yo, ikaw na ikaw ang mga tipo niya. Maputi, makinis, malaki."

Hindi niya napigilang ngumiti. Nelly just decribed the old her. Ang dati niyang katawan. "Pero hindi naman ako malaki?"

Ini-nguso nito ang dibdib niya, kaya muli siyang natawa.

"Alam mo, Nelly, naloloka ako sa'yo. H'wag kang ganiyan nang ganiyan at baka isama kita pabalik sa America."

Muli itong humagikhik. "Papagalitan ako ni Ambong. Magpapakasal pa kami non eh, kaya dito lang ako."

Natahimik siya sa sinabi ni Nelly. Napa-isip. Hindi niya akalaing iba ang magiging hatid sa kaniya ng mga salitang binitiwan nito.

"Ganoon ba ang pagmamahal, Nelly? Kung mahal mo ang tao, kahit na may mas magandang oportunidad na dumating sa'yo, o mas maganda kinabukasan, ay mananatili ka pa rin sa piling niya?"

Tuloy-tuloy si Nelly sa pagtanggap ng buhol ng net nang sumagot. "Kung sa akin lang, Caty, ay oo. Mananatili ako. Kasi, ano ang silbi ng magandang oportunidad na iyon kung hindi rin naman ako masaya?"

"Pero masaya ka nga rito, hirap naman sa buhay. Tama ba 'yon?" She wasn't judging, she was just stating facts. At hiling niya'y maintindihan sana nito ang ibig niyang sabihin.

Nagkibit-balikat si Nelly. "Kung mahal ka ng taong naging dahilan kung bakit mo tinalikuran ang malaking oportunidad na iyon ay gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi ka mahirapan at para hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mong piliin siya. Ganoon ang pananaw ko."

Napatitig siya kay Nelly nang matagal habang ito nama'y nakangiting inaayos ang pagkakabuhol ng lambat. Hindi siya makapaniwalang maririnig niya ang ganoon mula rito. Nelly talked a lot and most of the times than not, she talked about stuff that didn't make sense. Pero sa pagkakataong ito ay napahinto siya nang mapagtantong may punto ito.

At bakit niya naisip na i-apply iyon sa sarili?

Wait... What am I thinking? Why do I feel like... life in the US is not for me anymore?

"Hindi pa rin tapos?"

Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang tinig ni Phillian. Napatingin siya sa harapan at doon ay nakita niya itong nakatayo ilang dipa mula sa kanila. Salubong na naman ang mga kilay nito, ang mukha'y nakasimangot pa rin.

"Can you do any jobs at all?" he asked, scowling.

She raised a brow. "Yes, I can. I am a pediatrician in New York."

Phillian smirked. "Your job is useless in this place."

Napasinghap siya at akma itong sasagutin nang bigla itong tumalikod. "Nelly, dalhin mo na lang 'yan dito sa mga lalaki para matapos agad. Nagsasayang tayo ng oras."

"Ser, yes, ser," masiglang sagot ni Nelly na tumayo na.

Inis siyang napatayo at akmang tatawagin ang lalaki upang pagsabihan sa pang-iinsulto nito sa propesyon niya nang nahinto si Phillian at muling humarap sa kaniya. Ang asul nitong mga mata'y bumaba sa suot niyang shorts. Salubong ang mga kilay na tinitigan nito iyon bago ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Bakit hindi ka na lang naghubad?"

She gasped aloud.

"Wala ka sa Florida para magsuot ng ganiyang kasuotan dito. Hindi ka babastusin ng mga tauhan ko pero hindi ko maipapangako kung ibang tao ang makakita sa'yo sa suot mong 'yan." Muli itong tumalikod at bumalik sa mga kasama upang ituloy ang pagtulong sa pagbubuhat ng banyera.

Mangha niyang hinarap ang katabi upang sana'y doon magreklamo sa pagiging walang modo ng amo nito nang makita niya ang pag-ngisi ni Nelly. Natigilan siya.

"Oh, 'di ba?" anito. "Sabi sa'yo, eh. Kras ka no'n."

Napakurap siya. What?

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top