20 | Eavesdropping


            Nakangiting hinatid ng tingin ni Calley ang sasakyan ni Lee Benedict paalis. Alas sinco na ng hapon nang umalis sa beach house ni Phillian ang mag-ina. Ayon kay Felicia ay didiretso na ang mga ito sa bahay ng panganay na anak na si Quaro. Mananatili raw ito roon ng ilang araw dahil kailangan ng assistance ng daughter in law nito.

Doon lang niya nalaman kung sino ang Kirsten at Quaro na paulit-ulit niyang narinig sa mga ito.

She couldn't help but like the old woman; she was a joyful one. Hindi niya pagtatakhan kung lahat ng mga anak nito'y malapit dito. Felicia Zodiac was the kindest soul she had ever met her whole life.

"Pasensya ka na sa mga sinabi ni Mama kanina; she likes matchmakings; sana hindi ka nailang."

Napalingon siya nang marinig ang sinabi ni Phillian; ang tingin nito ay nasa papalayong sasakyan.

She cleared her throat and looked away. Ang panghapong araw ay tumatama sa mukha nito at ang kulay asul nitong mga mata ay kuminang na tila mga diyamante; his sun-lit face was incredibly beautiful it took her breath away.

Damn it; ayaw niya ng ganoong pakiramdam. Pero hindi niya mapigilan.

Ilang beses ba niyang pilit na inaalala ang mukha nito sa nakalipas na mga taon? She even tried searching him up on social medias pero wala itong record kahit saan. He kept his life private...

At ilang beses ba sa nakalipas na mga taon na ito ang laman ng kaniyang isip sa tuwing nakikipagniig siya sa dati niyang kasintahan? She was fantasizing him until she would reach her orgasm—she was so not over him. Kahit sampung taon na ang nakalipas.

Muli ay pumasok sa isip niya ang hubad nitong katawan kahapon.

Ahhh... damn it. Buong gabi siyang hindi nakatulog kaiisip niyon.

Lihim siyang napabuntonghininga.

Tama ba ang desisyon niyang manatili pa roon?

Ano ba kasi ang pumasok sa kukote niya para manatili pa roon imbes na bumalik na sa Maynila? She should have left and fixed her troubles back in the city; bakit pa ba siya naroon? Bakit pa ba siya naanatili roon?

"What's the matter?"

Muli siyang napatingala kay Phillian nang marinig ang tinig nito. Ang mga kilay nito'y magkasalubong habang nakayuko sa kaniya.

She gulped and gaped at the man; at habang titig na titig siya sa mukha nito'y hindi niya napigilan ang sariling magtanong.

"Bakit hindi kayo magkamukha ng kapatid mo?"

Phillian gave her a lopsided smirk. "We're adopted."

Napakurap siya. Huh?

"We are twelve in the family; all of us are adopted by Mama Felicia and her late husband, Papa Arc."

Matagal bago rumehistro sa isip niya ang mga sinabi nito. Nagbaba siya ng tingin at tiningnan ang maalikabok na kalsada. Wala na sa tanaw nila ang sasakyan.

"Now I understand..."

"Kanina ka pa ba naguguluhan kung bakit hindi kami magkamukha ni Lee?"

Balewala siyang nagkibit-balikat. "I just got curious dahil... hindi niyo rin kamukha ang ina ninyo."

"So now you have your answer; I hope you can sleep well tonight." Tumalikod na ito at humakbang patungo sa front door.

She wondered if Phillian would ever get friendly with her? He was... aloof. Na ayon kay Nelly ay hindi naman ugali nito.

Noong unang araw ay nakita niya ang Phillian na nakilala niya sampung taon na ang nakararaan. He was gentle and he assured that she would be alright. The next two days he was neutral.

Until she opened up the topic about marriage which pissed him off.

Nang maisip iyon ay muli niya itong binalingan. Phillian was about to enter the door when...

"Hey."

He stopped and looked over his shoulder.

"Im sorry about what I said yesterday morning. Desperada na rin ako kaya ko nasabi ang mga sinabi ko."

Sandali itong natahimik bago muling nagsalita. "It's fine. Just don't bring up the topic again. Magkaiba tayo ng pananaw tungkol sa pagpapakasal at siguradong hindi tayo magkakasundo tungkol sa bagay na iyon. Let's just forget about it, and do your best to think of a better solution for your problems." Muli itong tumalikod. "And before you leave, don't forget to show me a proof that everything you told me about your life is true; otherwise, magpapadala ako ng invoice sa lahat ng mga babayaran mo sa akin."

Hanggang sa tuluyang makapasok si Phillian sa loob ng bahay ay nanatiling nakapako ang tingin niya sa direksyon nito.

She wondered if his treatment would change if she told him who she really was? O baka talagang ganito ang totoong ugali ni Phillian?

Isang mahabang paghinga pa ang pinakawalan niya bago siya sumunod sa loob.

What's the point of telling him about her true identity? Aalis din naman siya at babalik sa America upang pakasalan si Daniel na siguradong dalawang kamay siyang tatanggapin.

Nang maalala si Daniel ay madali siyang naglakad at dumiretso sa kusina kung saan niya inabutan si Nelly na inililipat ang natirang suman at bibingka sa dalawang magkaibang containers.

"Hey, Nelly."

"Hey din sa'yo, Caty."

Napangiti siya. "Can I borrow your phone again? I just need to call someone."

"Walang problema. Nasa ibabaw ng ref ang cellphone."

Matapos niyang makuha ang cellphone ay umakyat siya at doon sa veranda dumiretso. Pagdating doon ay sandali siyang natigilan nang mapagmasdan mula sa kinatatayuan ang magandang tanawin sa harap. The sun was slowly setting behing the ocean, causing the water to change its color. Naging kahel na rin iyon tulad ng langit. Ang panghapong mga ibon naman ay paikot-ikot sa malawak na karagatan, at sa hindi kalayuan ay natatanaw na niya ang ilang mga bangkang pangisda na pumapalaot.

Nang makita iyon ay nilingon niya ang silid ni Phillian. The glass door and the curtain inside were closed, thank God.

Marahil ay hindi ito papalaot sa gabing iyon; naulanigan na niya kanina ang sinabi nito sa ina na wala pa itong tulog; siguradong magpapahinga ito sa gabing iyon.

Ibinalik niya ang tingin sa dagat, muli niyang pinagsawa ang mga mata sa magandang tanawin bago niyuko ang cellphone na hawak saka ni-dial ang numerong pamilyar na sa kaniya.

Connie's number.

After a few rings, Connie answered on the other line.

"Hello, this is Connie speaking, how may I help you?"

"Hey... How are you, honey?"

"Who is this?"

"This is Doctor Calley, sweetheart. How have you been?"

"Oh my, I am happy to hear from you, Doctor Calley! Wait, I'm gonna tell dad you called."

Napangiti siya at narinig ang pagtakbo nito at pagtawag nito sa ama. Lihim siyang nagpasalamat na magaling na ito; she was in a bad shape the last time she saw her. Dinapuan ng mataas na lagnat at kinailangan ma-confine ng dalawang araw sa ospital.

Makalipas ang ilang sandaling paghihintay ay narinig niya si Daniel sa kabilang linya. Kinausap ito ng anak at sinabing siya ang tumawag, kaya ang sunod na tinig na kaniyang narinig ay kay Daniel na.

"Calley?"

"Hey, it's me."

"Where have you been? I have been calling you for days but your number was disconnected."

Napangiti siya nang marinig ang nag-aalala nitong tinig. "I'm fine. I just... lost my phone and I've been real busy the past couple of days."

"Are you okay, though?"

"Yes, thank you for asking. I just called to say hi and let you know that I'm doing okay."

"I'm happy that you called; I've been thinking about you the past couple of days..."

Muli siyang napangiti. Marrying Daniel wasn't really a bad idea. He was kind and gentle, not to mention he was an attractive guy. Palagay ang loob niya rito at malapit siya kay Connie. So... why not?

You don't love him.

Sandali siyang natigilan nang marinig ang nakaiiritang tinig na iyon sa likod ng kaniyang isip.

You don't love him, which means you will never be completely happy marrying him.

Mariin siyang napapikit at ipinilig ang ulo upang alisin sa isip ang tinig na iyon.

I don't care about love; who cares about love? Ang mahalaga sa akin ay gusto ako ni Daniel at nakahanda siyang pakasalan ako para matulungan sa problemang kinakaharap ko. He is not like Free Phillian who acts so noble kahit na—

Natigilan siya. Bakit naman nadamay si Free Phillian sa sentimiyento niya?

"I could hear waves; are you somewhere near the ocean?"

Napamulat siya nang pukawin siya ng tinig ni Daniel. At sa pagmulat niyang iyon ay nakita niya ang pagyakap ng dagat sa bilog na bilog na araw. Humugot siya ng malalim na paghinga bago sumagot.

"Yes, Daniel. I am at the beach and it's very beautiful here. I wish you and Connie could see this; you would surely love the scenery."

Natahimik si Daniel sa kabilang linya. Tila nag-isip ng sunod na sasabihin. At naghintay siya.

And then...

"Hey, Calley, I've been thinking."

"Hmm?"

"Can I come to the Philippines and be with you?"

Siya naman ang sandaling natigilan sa sinabi nito.

Nagpatuloy si Daniel. "I couldn't rest my mind in peace. I have been thinking about you for the past couple of days... And I thought it would be best for me to follow you to the Philippines."

"Oh, Daniel...You don't have to do that. I'm alright—I will be alright." Paano ba niya sasabihin dito na hindi niya ito gustong naroon dahil maliban sa mapanganib dahil kay Esther ay nais muna niyang namnamin ang mga araw na naroon siya sa bahay ng lalaking isang dekada rin niyang pinantasya?

"Are you sure, Calley? I'm so worried about you; I heard that the Philippines is not a safe country and criminals are just lurking around the corner."

Yeah, that's true. Kahit sa mismong pamilya ay may kriminal na nakahandang sumaksak nang patalikod, makuha lang ang gusto nila... "I-It's fine, Daniel. I will return soon so you don't really have to come over. And when I'm back, we will... talk about us. I promise."

Daniel let out a deep sigh. "Okay, Calley. Call me if you need anything, okay? And please stay safe."

"You, too, Daniel. I can't wait to see you and Connie again."

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na siya rito. At nang maibaba niya ang cellphone ay napatitig siyang muli sa karagatan.

Bakit ngayong naiisip niya na bumalik sa US ay para siyang nawawalan ng gana? Bakit parang ayaw pa niyang umalis samantalang desidido siya noong hindi magtatagal doon?

And did she really want to give Daniel a chance? Bakit parang may pagdadalawang-isip na siya ngayon?

Kasalanan ito ng demonyong kanina pa bulong nang bulong sa tenga ko!

Nagdadabog siyang tumalikod sa dagat at humakbang patungo sa pinto palabas ng veranda.

Ang hindi niya alam... ay bahagyang nakabukas ang isa pang glassdoor at ang nasa loob ng silid ay malinaw na narinig ang lahat ng mga sinabi niya sa kausap.

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top