19 | Matchmaking Queen


Salubong ang mga kilay na lumabas ng banyo si Calley nang may marinig na ingay mula sa ibaba. Ingay na tila kalabog na hindi niya maintindihan. Maliban pa roon ay may naririnig din siyang tinig ng babae na tila may tinatawag; she was calling Free Phillian's name.

Mabilis siyang nagsuot ng damit. Alam niyang wala si Nelly sa bahay, naroon ito sa beach house ng pamilya Zodiac upang hintayin ang pagdating ng ina ni Phillian. Ang alam niya'y hindi pa umuuwi ang lalaki magmula pa kagabi; ayon kay Nelly ay doon ito didiretso sa bahay ng pamilya pag-uwi nito mula sa pagpalaot upang doon na salubungin ang ina. Hindi niya alam kung saan iyon, pero ayon kay Nelly ay ilang minutong lakad lang ang family beach house mula sa bahay na iyon ni Phil.

Basa pa ang kaniyang buhok kaya dinala niya ang isang tuyong tuwalya sa kaniyang paglabas. Bumaba siya sa hagdan na nagpapahid ng basang buhok, at habang pababa ay palakas nang palakas ang tinig ng babaeng kanina pa nagtatawag kay Phillian.

It was already eight in the morning, maaga siyang ginising ni Nelly upang sabihing doon ito sa kabilang beach house mananatili ng buong araw. Nagsabi itong bahala na siyang magluto ng gusto niyang kainin at sa gabi na silang dalawa magkikita. Pagkatapos umalis ni Nelly ay dumiretso siya sa veranda para mag-yoga, at matapos iyon ay nagpahinga lang siya saglit saka naligo. Pagbukas nang pagbukas niya ng pinto ng banyo ay iyong ingay na kaagad ang umagaw ng pansin niya.

Pagdating sa ibaba ay dumiretso siya sa front door kung saan niya naririnig ang malakas na pagkatok. The woman was calling out Nelly's name this time.

Bahagya lang niyang binuksan ang pinto upang silipin kung sino ang naroon nang salubungin siya nang nanlalaking mga mata ng may edad nang babae. Salubong ang mga kilay na nilakihan niya ang pagbukas ng pinto, at doon ay napagtanto niyang hindi ito nag-iisa. May kasama itong matangkad na lalaki na nagsalubong ang mga kilay pagkakita rin sa kaniya.

Lihim siyang napasinghap nang mapatitig sa lalaki. It was a tall, handsome guy with hazel-brown eyes. He was wearing a black turtle neck top and neatly ironed dark chocolate pants. On his feet were shiny brown leather shoes. He was a man of fashion, she noticed. Yaong nakikita lang niya madalas sa mga men's fashion magazine.

Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito at nakitang ang pagtataka sa anyo ng lalaki ay kaagad na napawi. He smiled at her, and there she saw a set of dimples on his cheeks. Napakurap siya.

Who the hell is this guy? she thought.

"Oh my! A woman in Philly's house!"

Bumalik ang tingin niya sa may edad nang babae. Nakita niyang wala na ang panlalaki ng mga mata nito, at napalitan ng pagkagalak. Kinunutan siya ng noo—at nang may mapagtanto ay napasinghap siya nang malakas.

"Oh my, you are his mom!"

"I am!" excited na sagot ni Felicia at hinawakan siya sa isang kamay. "You are so pretty! Is my son inside?"

"He's at the family beach house..." What the hell is happening? Bakit dito sumiretso ang ina ni Phillian?

"I told you, Ma. He would be waiting for us at the main house," anang katabi nitong lalaki. Doon muling nalipat ang tingin niya. Kung hindi siya nagkakamali ay magkasing tangkad at laki ng katawan ito at si Phill; this guy was also mestizo, pero hindi katulad ng kay Phillian na halatang purong Caucasian.

Isa lang ang sigurado siya...

Tulad ni Phil ay tila rin ito may dugong banyaga... o purong banyaga?

And he also called Felicia Zodiac 'Ma'!

Kapatid ni Phillian? Pero bakit hindi sila magkamukha?

"Can we come in?" ani Felicia, ang ngiti sa mga labi'y hindi mapuknat-puknat, at ang mga mata'y tila mga diyamanteng nagniningning.

Tumango siya at umalis sa pagkakaharang sa pinto. "Please do, Ma'am."

Naunang pumasok si Felicia, at dahil hawak nito ang isa niyang kamay ay ni-akay siya nito patungo sa living area. Nang marating nila iyon ay muli siya nitong hinarap.

"I'm Felicia Zodiac and I am Phillian's mother. This man right here is Philly's brother, his name is Lee Benedict."

Nalipat ang tingin niya sa lalaking dumiretso sa kusina. Noon lang niya napansing may dala itong mga patung-patong na bilao, at kung ang pagbabasehan ay ang naaamoy niya'y pagkain ang laman niyon. Nakaramdam siya ng gutom.

"What's your name?"

Ibinalik niya ang tingin kay Felicia. "I'm... Caty."

"Caty, what a pretty name. And are you Philly's girlfriend?"

Philly? How cute... "Uhm... N-No, Ma'am. I am just a... border."

"A border?" ulit ni Felicia bago humagikhik. "That's how my daughter-in-law Kirsten started, too. Oh my, oh my. I see where this is going now."

Kirsten?

"What's with your two eldest sons, Ma?" ani Lee Benedict na lumabas sa kusina at lumapit sa kanila. "Tatanggap sila ng border o housemate sa mga bahay nila at magugulat na lang tayo na mababalitaan nating magpapakasal na." He grinned and offered his hand to her. "Nice to meet you, Caty. And welcome to the family."

Imbes na tanggapin ang pakikipagkamay ni Lee Benedict ay itinaas niya ang dalawang mga kamay sa ere para depensahan ang sarili. Ang bitbit kaninang tuwalya ay hinayaan niyang bumagsak sa sahig.

"Phillian and I are not romantically involved, sorry." Geez.

Nagkatinginan ang dalawa, at sabay na tumawa. Nakikita niya sa muhka ng mga ito na tila naaaliw sa mga sinasabi niya.

"That's exactly what Quaro and Kirsten said when he first brought her to my house!" Felicia said ecstatically.

Lee Benedict chuckled. "And you know what happens after a few months? They got married."

Unti-unti na niyang naramdaman ang pag-iinit ng magkabila niyang mga pisngi. Hindi niya kilala kung sinu-sino ang mga taong binabanggit ng mga ito pero mukhang naipagkamali yata ng dalawa ang presensya niya sa bahay ni Phillian. Mukhang tama nga ang sinabi nito... tama nga lang pala dapat na magtago siya at hindi makita ng ina nito. At mukhang tama rin si Nelly, masyadong advance mag-isip ang pamilya ni Free Phillian!

"I'm sorry for the misunderstanding, but Phillian and I are—" Hindi niya naituloy ang pagpapaliwanag nang biglang bumukas ang front door at hangos na pumasok si Phillian kasunod si Nelly na nanlaki ang mga mata.

Nang makita siya ng lalaki na kaharap ang pamilya'y napa-ungol ito.

"Philly!" masayang wari ni Felicia; inilahad nito ang dalawang mga braso saka sinalubong ang anak.

Phillian walked toward his mother and gave Felicia a tight hug. Subalit ang mga mata nito'y nasa kaniya. She grimaced and shrugged her shoulders. Hindi siya nito pwedeng sitahin, hindi niya kasalanan kung doon dumiretso ang ina nito.

Nang maghiwalay ang mag-ina ay niyuko ni Phillian si Felicia. "Why did you go here instead of the main house? I was there waiting since seven thirty, wala pa akong tulog."

"I didn't know you're there, anak. Noong nakaraang dumalaw ako rito ay dito din naman ako sa bahay mo dumiretso, 'di ba?"

"Because I told you to. Dahil noong nakaraan ay hindi nakapagllinis si Nelly dahil nagkasakit."

"Oh, come on. What's the fuss? Narito na ako ngayon." Muling ibinalik ni Felicia ang tingin sa kaniya. "And I met Caty."

Phillian glanced at her before turning his eyes back to his mother. "She's a border; makikitira ng isang linggo."

"Hmp, magkapatid nga kayo ni Quaro." Kunwari ay inirapan ni Felicia ang anak saka siya binalikan. Hinawakan siya nito sa braso ay ini-giya patungo sa kusina. "Let's go to the kitchen, Caty. May dala akong mga pagkain. I made them, hali ka at tikman mo." Hinanap nito ng tingin si Nelly na kanina pa napapangiwi. "Ikaw rin, Nelly. Hali ka at binilin ng nanay mo na iyo ang isang bilao."

"Yes, Kwin Mader." Sumundo si Nelly at naiwan ang dalawang lalaki sa sala.

*

*

*

"Oh my God, I haven't tasted anything like this before!"

"Masaya akong nagustuhan mo!"

Pumasok si Phillian sa kusina sa ganoong eksena; Caty's face puffed up as she ate his mother's specialty; suman sa lihiya with special latik sauce.

Naka-ilang subo ito, ayaw umawat kahit nagkanda-bukol-bukol na ang mukha. Si Nelly sa tabi nito'y ganoon din; pero sanay na siya sa kaniyang kasambahay na laging tila mauubusan kapag kumain ng suman ng ina niya. Not with Caty. This was the first time he saw her eat with gusto.

Sa loob ng dalawang araw na nakakasabay niya itong kumain ay lagi itong poised; laging nag-iingat sa mga kilos tulad ng ibang mga babaeng kilala niya. Ng ilang mga babaeng dati niyang nakaka-relasyon. He thought she was nothing but the same, high maintenance, meticulous woman na ayaw magkamali sa harap niya.

But this time, Caty seemed to enjoy his mother's company. And she was eating suman as if it was her last day to have food.

Napasandal siya sa hamba ng pinto ng kusina at napahalukipkip. Nahihiwagaan siya sa babaeng ito.

Caty Monsera. Sinunod niya ang pakiusap nitong h'wag pa-imbestigahan, at kahit gustuhin niyang masigurong hindi ito nagsisinungaling ay hindi niya ginawa. He knew how to keep promises; at kahit sa ganitong sitwasyon ay hindi niya tatalikuran ang paniniwalang iyon.

Besides, sapat na ang nakita niyang ekspresyon sa mukha nito nang mag-usap sila noong araw na iyon. The sincerity and fear in her eyes were more than enough to prove that she was telling the truth. Isa pa'y hindi siya nakararamdam ng panganib dito. If this woman needed help, sino siya para tumanggi?

Pero kapag nalaman talaga niyang nagsisinungaling ito ay sisingilin niya ito nang triple sa lahat ng mga nagastos niya rito, including food and lodging. Plus, ire-report niya ito sa pulis.

He's giving her ten days. Ang sabi nito'y patutunayan nitong totoo ang sinasabi bago ito umalis.

We'll see then... he whispered in his mind.

Inituloy niya ang tahimik na pagmamasid habang masaya itong nakikipag-usap sa Mama niya. They were talking about how suman was made, at kung ilang beses nitong pinaakyat ang hardinero sa puno niyog para makahanap ng mas magandang bungang i-ga-gata roon.

Humirit din ng biro si Nelly; sinabi nitong kapag naroon ito sa ancertral house ng pamilya ay ito raw ang pinaaakyat ng ina nito sa niyog, at kapag ayaw raw sumunod ay pinapalo ni Aling Patty kahit dalaga na. Nelly was laughing while she told her stories, and that made Caty laughed as well.

Nagtataka siya kung papaano itong hindi nabubulunan sa dami ng inisaksak nito sa bibig at pakikipagtawanan sa mama niya at kay Nelly.

He stared at her face intently. He couldn't help but watch Caty laugh. Her eyes were sparkling like diamonds and her cheeks flushed in red.

What's more interesting was the sound of her laughter.

It was somewhat... familiar

So... so familiar.

Wait... Napatuwid siya ng tayo nang may mapagtanto.

Noon lang niya napagtanto na maliban sa anyo nito na noong una pa niyang napansin ay tila kay pamilyar rin ng mga ngiti at tawa nito. Kung totoo ang sinasabi nitong dati itong nag-aral sa university na pinasukan niya noong kolehiyo, posibleng nagkrus nga ang landas nilang dalawa. At posibleng noon pa ay napapansin na niya ito.

Why couldn't he remember her?

Caty was pretty, not the model-like pretty, but pretty nonetheless. Imposibleng nagkrus ang landas nila at hindi tumatak sa isip niya ang mukha nito?

Or maybe they had met somewhere else. Somewhere more recent...

Where, he had no idea. Basta sigurado siyang pamilyar ito. May pamilyar siyang nararamdaman dito. The sound of her voice, her laughters, those sparkling eyes, her blushy cheeks—they were all familiar.

Damn it, who is this woman?

"Family bonding..."

Napalingon siya at saglit na nawala sa isip ang tungkol sa familiarity na nararamdaman kay Caty nang marinig ang panunudyo ni Lee na biglang tumabi sa kaniya.

Sandali itong lumabas kanina upang sagutin ang tawag mula sa assistant nito. His brother was a tailor, and he owned a big factory of clothes. Nasa bakasyon daw ito at umuwi muna sa ancestral house nila at nang malamang aalis ang ina nila'y nagpresentang sumama.

"Family bonding..." ulit niya sabay ismid. His brother just wouldn't stop teasing.

Sa kabilang hamba naman si Lee sumandal. Pinag-krus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib at ang tingin ay ini-pako sa mga babaeng nagkakatawanan sa mesa.

"You have a pretty gal right there, bro," Lee muttered quietly. Sapat lang na siya ang makarinig.

"She is not my gal."

Lee made a face. "Hmmm, well yeah. Mukhang hindi nga siya ang type mo. She's too thin for your taste. And I know you like big girls."

Tinapunan niya ng masamang tingin ang kapatid. "Are you staring at her body just now?"

Lee grinned and stared back at him. "It's part of my job to study a person's body, my brother. Have you forgotten? I'm a tailor."

Tuwid itong tumayo at nakangising lumapit sa mesa. Naupo ito sa tabi ng ina at nakipag-kwentuhan din.

Sa pagkakataong iyon ay napatingin si Caty sa pinto, at doon lang siya nito nakitang nakatayo roon. Sandali itong natigilan at umiwas ng tingin. Inabot nito ang basong may lamang lemon water at dinala sa bibig. She swallowed the food and gave his mother a demure smile.

He sneered in disappointment.

Ito ang ayaw niya sa babae; ang masyadong inaalala ang presensya niya. Bakit hindi kaya ng mga itong magpakatotoo sa harapan niya? Why couldn't they just be themselves and act naturally? Hindi ba alam ng mga ito na ang mga lalaki'y mas nai-impress sa mga babaeng marunong magpakatotoo?

Napailing siya at akma na sanang tatalikod upang umakyat sa kaniyang silid nang marinig ang pagsalita ni Caty.

"Thank you for the food, Tita Feli, nagustuhan ko talaga kahit na bawal sa akin ang ganitong mga pagkain."

"Bawal?" ulit ng mama niya. "Why?"

"I avoid sugary, sweet food due to the health condition I had when I was younger."

Kinunutan siya ng noo at muling sinuri ng tingin si Caty. She looked healthy; he wouldn't have guessed she had health issues.

"May sakit ka dati? What happened to you before, hija?"

"I had... an ovarian tumor. One of my ovaries was removed as a result of the surgery. My doctor said that the tumor may develop to the other ovary if I wouldn't be careful. Simula noon ay iniwasan ko na ang mga pagkaing maaaring maging dahilan ng pagbabalik ng tumor."

"Oh, and sweets are one of them?"

Tumango si Caty. "Red meat and sweets are one of them."

"Oh no," anang mama niya bago nito inalis ang bilaong may lamang suman sa harap ni Caty. Inilayo nito iyon at ipinatong sa kabilang dulo ng mesa. "You can't eat anymore, then. Mamaya ay mag-develop ng panibagong tumor ang ovary mo. If that happens, you will have to undergo another surgery, the doctors will remove your remaining ovary and you wouldn't be able to bear my son a child!"

"Oh God, Ma!" suway niya sa ina.

Si Nelly naman na namumukol pa rin ang pisngi sa kinakain ay napaubo kaya si Lee ay tatawa-tawa itong inabutan ng tubig.

Si Caty naman ay hindi alam kung matatawa o mapapangiwi sa sinabi ng kaniyang ina. Nakita niya kung papaanong namula ang magkabilang pisngi nito saka siya sinulyapan.

Their eyes locked, and the familiarity he felt just a while ago came back.

Muli siyang kinunutan ng noo habang magkahinang ang kanilang mga mata.

Who are you really, Caty Monsera?

*

*

*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top