18 | Hitting One Bird With Their Stones
Alas sinco ng umaga nang magising si Calley kinabukasan. Maaga siyang natulog kagabi at dire-diretso; she felt so light this morning. Nilingon niya ang bahagyang nakabukas na bintana ng silid. Doon pumapasok ang malamig na simoy ng hangin.
Napangiti siya.
It was so nice to wake up in the morning feeling the ocean breeze and hearing the waves. Hindi niya maintinidhan kung bakit tila langit iyon sa kaniyang pandinig at pakiramdam. It was as if... her heart was in peace. It was as if... this place was home.
She felt happy and protected. Kahit na... pansamantala lang.
Ang totoo'y hindi niya gaanong naiisip ang sitwasyon niya habang naroon siya. Nalilibang siya kasama si Nelly, at parang hinahalukay ang sikmura niya kapag magkaharap naman sila ni Phillian. Her mind and attention was preoccupied.
Alam niyang sampung araw lang siyang dapat na naroon, at dapat ay ginugugol niya ang mga araw sa pag-iisip kung papaano niyang maso-solusyunan ang problemang naghihintay sa kaniya sa Maynila. Hindi ganito.
Wala siya sa bakasyon.
Isang malalim na paghinga ang kumawala sa bibig niya. Mamaya ay tatawagan niyang muli ang Ninong Lito niya. Kukumustahin niya ito at babalitaan ng tungkol sa kaniya. She knew he was still worried about her. Gusto rin niyang malaman kung ano ang mga ginagawa ni Esther sa nakalipas na mga araw na wala siya at inakalang patay na siya. That vain woman was probably celebrating thinking she was dead.
Oh, damn Esther. Magtutuos talaga sila sa tamang panahon.
Bumangon siya at nag-inat. Sa haba ng naging tulog niya ay parang kay hina ng kaniyang katawan.
Tutal ay maaga siyang nagising, maybe she needed some walking? Or a simple stretching.
Come to think of it, hindi na siya nakakapag-workout simula nang umuwi siya sa bansang iyon. She had forgotten about her health; her well-being.
Sa naisip ay mabilis siyang tumayo at tinungo ang banyo. She washed her face and brushed her teeth, Hindi siya pwedeng magjogging dahil wala siyang top na maaaring gamitin; with the size of her chest, it's difficult to jog without a sports bra. Mag-yo-yoga na lang siguro siya.
She could use the black leggings Nelly had given to her. Mayroon din siyang nabiling tank top noong isang araw kaya iyon ang isusuot niya.
Makalipas ang ilang sandali'y lumabas na siya at tinungo ang veranda.
Sa labas ay kaagad siyang sinalubong na sariwang pang-umagang hangin. She rubbed her arms with her hands and walked out. Dumiretso siya sa balustre at sandaling pinagmasdan ang malawak na karagatan.
She had somehow expected to be traumatized with the ocean. Hindi niya akalaing halos buong araw siyang lulutang sa gitna ng karagatan. Hind niya akalaing mabubuhay pa siya. She was ready to die back then.
Noong tumalon siya sa yate ay inihanda na niya ang sariling mamatay noong mga sandaling iyon. Pero nagawa niyang iahon ang sarili at lumangoy sa pinakamalapit na bangkang nakita niya. Pero hindi pa man siya tuluyang nakalalayo mula sa yate ay bigla naman siyang hinampas ng malakas na alon at tinangay siya palayo sa direksyong tinutumbok niya. She wanted to scream for help, pero masyado pa iyong malayo at mauuna pa muna siyang marinig nina Charles at Esther na bagaman hindi na niya nakikita sa deck ay baka nasa paligid lang at nagmamatyag. She couldn't take the risk. Kaya naman hinayaan niyang tangayin siya ng alon patungo sa baybayin.
She was so ready to die at that time, she couldn't feel fear. Wala na rin siyang pakealam noon kung may pating o kung anong lamang dagat ang humila sa kaniya pababa. She had lost all her care. Makalipas ang ilang sandali, habang nagpatianod siya sa alon, ay bumangga ang katawan niya sa nakalutang na kahoy. Ang lapad niyon ay doble sa katawan niya, at doon siya sumampa. Hindi naging madali sa kaniya ang pagsampa roon, ilang beses iyong tumagilid at ilang beses siyang nahulog. And then, after a few more attempts, she was able to get on it. At sa buong gabing iyon ay niyakap at inalo niya ang sarili.
She was able to sleep—no, she had lost concsiousness after a few hours of staring at the dark sky. Kinabukasan ay nagising siyang maliwanag na ang paligid subalit ang kalangitan ay bahagyang makulimlim. Umaambon din at ang alon ay bahagyang tumaas. That's when she felt fear crawled throughout her body. Dagdagan pang mabigat ang pakiramdam niya at kay sakit ng kaniyang ulo. She realized she had a fever, so she just closed her eyes and let heaven take care of her.
Pag-gising niya'y naroon na siya sa beachhouse.
Heaven had taken care of her, indeed. Pero hindi niya alam kung ano ang plano ng langit at pinagtagpo silang muli ni Free Phillian Zodiac.
Muli siyang nagpakawala ng buntonghininga at nilingon ang glassdoor patungo sa silid ng lalaki. The door was closed, so as the curtains. Siguradong nakauwi na ito dahil ang sabi ni Nelly ay madaling araw kadalasan ang uwi ni Phillian mula sa pagpalaot. Mag-a-alas seis na, kaya siguradong tulog na ito.
Humakbang siya patungo sa gitna ng veranda, nilatag doon ang dalang makapal na tuwalya. She prepped for her workout. She needed to strengthen her body for the dilemma that she was going to face in the next few days...
*
*
*
Pagod na pagod na siya at kung maaari ay gusto na lang niyang ibagsak ang sarili sa kama, subalit hindi siya makatulog na hindi nakakapaghugas ng katawan. Makati ang tubig-dagat sa balat, at ayaw niyang pahirapan si Nelly sa pagpapalit at paglalaba ng bedsheets araw-araw. Kaya kahit anong pagod niya ay pinipilit pa rin niyang maligo muna bago mahiga.
It was almost six. Alas cuatro na silang dumaong at bandang alas sinco na siya nakauwi. Hindi na niya ginising si Nelly at pinaghintay. Dire-diretso na siya sa kaniyang silid dahil labis-labis ang kaniyang pagod.
Ini-hagis niya sa kung saan na lang ang tuwalyang pinangpunas sa basang buhok saka hubo't hubad na humakbang patungo sa glass door palabas ng veranda. He used to sleep naked; he felt comfortable with that. Bubuksan lang niya nang bahagya ang kurtinang nakatabing doon sa pinto katulad ng madalas niyang gawin.
Pagdating sa glass door ay inilihis niya nang buo ang kurtina upang tingnan kung tuluyan nang lumabas ang haring araw nang bigla siyang natigilan at pinanlakihan ng mga mata.
Sa gitna ng veranda ay naroon si Caty—ang kaliwang kamay nito'y nakatukod sa konkretong sahig habang ang kanang paa nito'y naka-angat. He recognized it as one of the yoga stances his ex-girlfriend used to do. At napalingon ito sa direksyon niya nang marahil ay maramdaman ang kaniyang presensya.
Katulad niya'y pinanlakihan din ito ng mga mata, kasunod ng pagkawala nito ng balanse at ang pagbagsak nito sa sahig.
Mabilis niyang inilihis pasara ang kurtina upang ikubli ang kahubaran. He then groaned in embarassment.
Ahh shit—I totally forgot I have a border.
Sinapo niya ang ulo at sunud-sunod na pinagmumumura ang sarili. Kahit kailan ay hindi siya nambastos ng babae sa ganoong paraan.
Kailangan niyang magpaumanhin sa kabastusang ipinakita niya kay Caty. He didn't want her to think he was a pervert.
Mabilis siyang humakbang patungo sa closet niya at humugot ng isang sleeping pants at t-shirt. Mabilis pa sa alas-sincong inisuot niya ang mga iyon. Naka-ilang hugot din muna siya ng malalim na paghinga bago humakbang patungo sa glass door. Nang naroon na siya'y ilang beses pa ulit siyang humugot nang malalim na paghinga bago binuksan ang pinto at dire-diretsong lumabas.
Inabutan niya itong inililigpit na ang tuwalyang pinang-sapin sa sahig. Nang makita siya nito'y naging mailap ang mga mata nito bago payukong tumayo.
He walked toward her and stopped a few feet away.
"Uh... Sorry, you had to see that," he started.
Caty pressed her lips and looked away. Ang pisngi nito'y namumula na marahil ay sa pagkailang. Pero bakit ganoon? Bakit tila ito nagpipigil na matawa? She could see it in her face; she was just trying to hold her laughter. And he's expecting her to be embarassed, too! Unless sanay itong makakita ng hubad na katawan ng lalaki?
"I'ts... fine," sabi nito makaraan ang ilang sandali.
Huminga siya nang malalim. "You see... Nakalimutan kong narito ka sa pamamahay ko at lalong hindi ko inasahang nasa veranda ka sa ganitong oras. Just to clarify, I wasn't trying to harass you."
"It was an accident, I got that," sagot nito, hindi pa rin makatingin nang diretso sa kaniya. "All good. Let's just... forget what I saw."
Lalo siyang nahiya. Although may ipagmamalaki naman talaga siya kung ang katawan niya ang pag-uusapan—lalo na sa bahaging iyon—ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkapahiya. It was his dignity he was trying to protect.
"Yeah," he said, stroking his hair with his hand. "Just... forget what you saw."
Tumango ito, nasa mukha pa rin ang pagpipigil na matawa.
"I'll go ahead. Tutulungan ko si Nelly na maghanda ng almusal."
Siya naman ang tumango.
Tumalikod si Caty at humakbang patungo sa pinto ng veranda bitbit ang tuwalya. Sinundan niya ito ng tingin, at hindi maiwasang bumaba ang kaniyang mga mata sa basa nitong likod.
Caty was wearing a light-colored top at ang likod nito'y humulma dahil sa pawis. His eyes then went down to her hips, to her bum, and down to her strong legs. She wasn't the sexiest woman he had ever seen but she was sexy nonetheless. And she looked fit.
Yeah, Caty was pretty and fit.
But she wasn't his type.
Kung type niya ito ay baka pinag-isipan niya ang sinabi nito kahapon tungkol sa pagkakaroon nila ng kaparehong target.
Nang bumalik sa isip niya ang tungkol sa bagay na iyon ay kinunutan siya ng noo. Caty had said something yesterday that bugged him. At bago pa niya napigilan ang sarili ay muli siyang nagsalita.
"Hey."
Nahinto ito bago pa man nito marating ang pinto. She then looked over her shoulder and waited for his next words.
"What you said yesterday bugged me," he said.
Salubong ang mga kilay na muli itong humarap sa kaniya. "What do you mean?"
"Iyong sinabi mong kondisyon mo ngayon. You said... your current situation requires you to marry a guy and give birth to his child. If you don't mind me asking, ano ang ibig mong sabihin doon?"
Ang anyo nito'y naging seryoso. "May iniwang will ang ama ko bago siya namatay. Ang lahat-lahat ng ari-arian na naiwan sa akin ay hindi maaaring mapunta sa iba, o mailipat sa ibang pangalan. Not unless I married a man who can give me a comfortable life. At kailangan ko rin munang magkaroon ng anak sa lalaking pakakasalan ko. Dahil kapag may anak na ako ay maaari ko nang ilipat sa pangalan ng anak ko ang lahat ng mga properties na naiwan sa akin. Kung hindi man ay sa ibang taong gusto kong pagbigyan."
His brows furrowed. "Then I don't see any reasons for your aunties to kill you."
"That's the point. They knew it takes a long time for me to marry and give birth to a child. They couldn't wait for another year, they wanted the properties to be transferred to them pronto. That's why they resorted to killing me. Although nagtaka ako kung bakit nila naisip gawin iyon samantalang hindi nila alam kung ano ang nakapaloob sa testamento. Hindi nila alam na maaari lang na mapunta sa kanila ang lahat ng mana ko sakaling namatay ako. I know for a fact that my lawyer, who is also my late father's bestfriend, would never disclose this information to protect me from them."
"How can you trust this lawyer?"
"I trust him with all my life, Free Phillian. He protected me from my wicked aunties since the very beginning."
Muling kumulubot ang noo niya nang marinig kung papaano nitong banggitin ang kaniyang pangalan. He didn't know why, but the way he called his name gave him chills.
Pero hindi na muna niya ni-intindi iyon. Nababahala siya sa mga naririnig mula rito.
"If I were you ay mag-iingat ako sa taong pinagkakatiwalaan ko. You never know, your lawyer must have known more than what you think."
Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito. "Sinasabi mong tinatraydor ako ng taong pinagkakatiwalaan ko?"
"How else do you think your aunties would learn about the other option? Sinabi mong ikaw lang at ang lawyer mo ang may alam."
"No. He would never do that to me. Siya pa nga ang nagsabi sa aking mag-ingat ako sa—"
"Because he didn't want you to think he had something to do with it. He was trying to divert your mind—your attention into thinking that your only enemies are your aunties. Ano'ng malay mo, parte lang pala ito ng mga plano nila?"
Hindi rin siya sigurado sa iniisip niya. At hindi niya alam kung bakit siya nakikisali. He was only supposed to provide her shelter until she's ready to leave. Ano ba itong ginagawa niya?
Huminga siya nang malalim. He didn't want to get involved, pero hindi rin niya kayang isipin na mapapahamak ito sa kamay ng mga itong walang ibang mahalaga kung hindi ang salapi, dahilan kaya hindi niya napigilan ang sariling mag-komento.
"Anyway, it's none of my business," he said after a while. "Enjoy your day." Tumalikod na siya at humakbang pabalik sa glassdoor papasok sa kaniyang silid. Subalit nakakailang hakbang pa lang siya ay muli niyang narinig ang tinig nito.
"Hindi ba at sinabi mong naghahanap ka ng mapapangasawa at ang ina mo ay hinihiling na magkaapo na kagaad?"
Para siyang sasakyan na biglang nagpreno nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya nagawang humarap; he was too stunned to do so.
Nagpatuloy si Caty.
"Iyon ang rason kung bakit ko nasabi ang sinabi ko kahapon. I thought we both could hit the same bird with our stones."
Salubong ang mga kilay na nilingon niya ito. Sandali silang nagkatitigan hanggang sa mangha siyang nagsalita.
"This is just your 4th day in my house and you are already asking me to marry you and give you a child? No, not interested, thank you. Hindi ako magiging kasangkapan sa pagresolba mo sa problema mo, Miss Monserra. In my case, I am genuinely looking for a bride to love and share my life with, at magkakaanak ako na bukal sa puso at hindi lang para isalba ang ina niya sa problemang kinasasadlakan nito. Geeze, woman. You are pissing me off."
At totoong nainis siya sa sinabi nito. Ano ang tingin nito sa kaniya? He may be a lot of things but he would never take marriage a f*cking joke.
Damn her.
Isang masamang tingin ang iniwan niya kay Caty bago siya tumalikod at humakbang pabalik sa kaniyang silid. Gusto man niyang pabalyang isara ang pinto ay hindi niya magawa; he didn't want to break it and buy for a replacement.
Ahhh, shit. Damn Caty Monsera. The nerve of this woman!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top